You are on page 1of 2

Ang Pilipinas ay isang Pulubi na Nakaupo sa Bundok ng Ginto?

Pearl of the Orients, bansag sa ating inang bayan, bansag sa ating kinatatayuang lugar, bansag sa ating sariling tirahan, ang Pilipinasna sagana sa yamang lupa, tubig, mineral at iba pa. Ngunit bakit tinawag itong pulubi na nakaupo sa bundok ng ginto? Ang pilipinas ay napakayaman sana na banasa, dahil sa mga suplay na maibibigay nito na makukuha lang sa kanyang kapaligiran. Mga virgin trees na makikita sa liblib na kagubatan, mga yamang mineral tulad ng ginto, diyamante, tanso, nikel, at iba pa; mga hayop, isda, halamang gulay na ating makakain para sa ating ikabubuhay, at mga lugar na ating maipagmamalaki na matatagpuan lang dito sa ating inang bayan, ang Pilipinas. Ngunit sa kabila ng ating kasaganahan sa ating kapaligiran, patuloy pa rin ang pagsira ng tao sa ating mga yaman. Ang illegal na pagputol ng puno, ang walang awang pagpaslang sa mga hayop, at ang illegal na pangingisda ngunit ang masakit pa dito, ang GINTO na sariling atin, ang GINTO na atin nang nakikita at maabot, ang GINTONG nakapaloob na sa ating sariling bansa, bakit di natin sila mapakinabangan para tayoy lumaya na sa ating kinauupuang kahirapan. Nakayaman natin sa ginto at iba pang yaman, ngunit bakit imbes na tayo ang yumayaman, ibang bansa pa ang nakikinabang? Anu bang ginagawa ng ating pamahalaan? Na sa kamay na natin ang susi para maibsan ang kahirapan, pero di naman natin ito mapakinabangan. Sadya bang tanga tayong mga Pilipino? Dahil sa sobra nating paghihikayat sa mga turista na maginvest dito sa ating bansa, para na rin sila ang nakatira, kumikita at kumokontrol sa ating mga natural resources at ang masaklap pa dito pagdating ng panahon, ay ang pagkontrol nila sa sarili nating bansa Ang pilipinas ay isang pulubi na nakaupo sa bundok ng gintosa kasalukuyan at sa aking nakikita, marahil ito ay aking pagsasang-ayunan at ganun na rin sa iba nating kapwa Pilipino. Dahil sa di natin mapakinabangan ang sarili nating yaman sa halip ay iba pang bansa na namumuhunan dito sa loob ng ating bansa. Ngunit hindi pa huli ang lahat, kailangan lang natin ay kamulatan, pagtutulungan, at pagtitiwala sa ating kakayahan at sa ating sarili para maibangon ulit ang ating sariling bansa at mamuhay sa kasaganahan. Kamulatan sa ating kapaligiran at sa mga nangyayari sa ating bansa, yan ang pinaka-unang hakbang para bagong simula.

Madapdap High School (MaRHS) Madapdap Resettlement, Mabalacat, Pampanga

Submitted By: Manuel J. Cajote Jr. Submitted To: Mrs. Nora Bagsic

You might also like