You are on page 1of 4

BRIX ALVIN VALDRIZ

JAYCEL HERHSEY TOLENTINO


BSN 1-B
“Boses”
Directed by: Ellen Ongkeko-Marfil
Written by: Froi Medina & Rody Vera

SURING PAMPELIKULA (Movie Review)

I. BUOD

Boses (Voices) ay patungkol sa kuwento ng isang musikero (Ariel) na


nag-alok ng tulong para ituro sa isang bata (Onyok) mula sa langsangan ang
paglaro o pagtugtog ng violin. Sa pamamagitan ng pagtutog ng violin, ang bata
ay nabibigyan ng boses mula sa masalimuot niyang karanasan sa kanyang
mapang-abusong tatay. Nabuo ang isang pagkakaibigan ang isang musikero
at isang pitong-gulang na bata na may kapansanan (pipi) dahil sa hilig at
pagmamahal nila sa violin. Sa pamamagitan nito, natuklasan ni Ariel na may
angking talento si Onyok sa kabila ng kanyang kapansanan at karanasan niya.

Isang masikip at madilim na kabinet ang kanyang pinagtataguan ni Onyok


(Julie Duque) upang maitago at mataksan niya ang mga masasakit niyang
nakaraan mula sa mapangabuso niyang ama (Ricky Davao). Si Onyok ay
alinma’t hindi niya maisaboses o maitili ang kalupitan na nagawa ng kanyakng
ama, at nadala siya sa isang bahay para sa mga batang nabiktima ng
kalupitan. Nakilala niya si Amanda (Cherry Pie Picache) na nagsilbing
tagapanguna ng shelter; sina Ariel (Coke Bolipata) isang retirong violinist na
hablot sa kasalanan ng pagkamatay ng kanyakng kasintaan at si Shirley isang
matapang at mapamilit na bata na may pagkanais o pagkagusto kay Onyok.

Mula noong narinig ni Onyok ang tugtog ng violin, napawili siya at


kumislap ang kanyang interes sa musika. Nang nalaman ni Ariel na may
angking talento si Onyok, sinumulan niyang tinuruan ang bata. Pagkalipas ng
mga araw, unti-unting natunaw ang kanyang pagkainis kay Amanda at mga
bata hanggang nagkaroon ng bigkis ang dalawa dahil sa pagtugtog ng violin.
Nagsimulang nagbago si Ariel at naging malapit ito kay Onyok at sa mga bata.
BRIX ALVIN VALDRIZ
JAYCEL HERHSEY TOLENTINO
BSN 1-B
Noong nalaman ni Ariel sa muling pagkakasundo ni Onyok at ang
kanyakng ama, tila inilayo niya ito sa tindi ng trauma ni Onyok sa kanyang ama
ngunit nilinaw ni Ariel na hindi niya nais kunin o ituring ang bata bilang
kanyang anak. Hanggang sa araw na pagbabalik loob ni Onyok sa kanyang
ama, magiging malapit siya sa kanya pamamahitan ng musika.

II. ANALYSIS

1. Anu-ano ang mga sakit sa lipunan na inilahad sa pelikula?

Base sa aking napanood na pelikula, masasabi ko na ang


nangingibabaw na sakit sa lipunan ay ang ‘pang-aabuso’ kasunod dito ay
ang ‘hierarchy’ o pagiging makapangyarihan base sa taon o estado sa
lipunan. Una sa lahat, masasabi kong nangingibabaw ang pang-aabuso
na tema sa pelikula sapagkat ang kuwento nito ay umiikot sa buhay ni
Onyok, isang batang biktima ng maling pagmamaltrato sa kanyang ama,
na kung saan base sa aking napanood, ginagawa siyang ash tray si Onyok
at kung mapapansin natin, bakas ang mga sugat nito sa kanyang likod
nang nakita ni Ariel ang likod ng bata. Ganun din ang mga kuwento ng
mga ibang bata na nasa shelter kaya sila nakupkop at dinala sa shelter na
pinangangasiwaan ni Amanda.

Ikalawa dito ay ang pagiging makapangyarihan, bagama’t hindi


masyadong ipinakita sa pelikula, kung maihahalintulad natin sa unang
tema nito, mapapansin natin na ang palaging nasusunod ay ang mga
taong may edad o sa madaling salita, mga taong mas mataas ang edad
kaysa sa mga bata, sa pagmamaltrato ng ama ni Onyok sa kanya, mas
nasusunod ang ama kaysa kay Onyok, marahil dahil sa tindi ng takot kaya
wala siyang maibugang salita para sa kanyang ama at ganun din noong
pinarusahan ni Amanda si Onyok sa paghampas niya ng bato sa ulo ni
Enteng (isang palabiro o bully) at kahit wala siyang kasalanan sapagkat
mas nauna nagtukso si Enteng kay Onyok, nadamay pati si Onyok sa
parusa ni Amanda.

2. Ihambing ang napanood na pelikula sa kasalukuyang panahon.


Ihambing ang karanasan ng pangunahing tauhan sa kasalukuyang
panahon.
BRIX ALVIN VALDRIZ
JAYCEL HERHSEY TOLENTINO
BSN 1-B

Sa kasalukuyang panahon, hindi alintana sa atin na napakarami ang


biktima ng tinatawag na child trafficking lalo sa mga nasa lungsod. Marahil
upang matakpan ang mga kriminal ang kanilang mga katauhan o
personalidad mula sa tagasunod sa batas (mga pulis, sundalo, abogado,
gobyerno atbp), ginagamit nila ang mga bata sapagkat alinsunod sa batas,
hindi ikinukulong ang mga bata o di kaya ang mga menor de edad, kundi
dinadala sila sa Deparment of Social Welfare and Development o DSWD.

Kahit man sila ay nakapagtatago, sa huli sa kulungan ang hantungan


ng mga salarin. Isa pa rito ang na kung saan makikita natin sa mga
telebisyon o dyaryo na ang mga bata ay biktima ng kidnap for ransom o di
kaya hinuhuli nila ang bata at ipinapadala ito sa mga malalayong lugar
upang sila ay magiging katuwang o biktima sa mga iba’t-ibang krimen
katulad ng sextortion at cybersex, robbery, drugs at iba pa.

Karaniwan katulad ng nasa pelikula, biktima minsan ang mga bata sa


pang-aabuso sa kanilang mga pamilya dahil sa mababa at marupok na
relasyon sa iba’t-ibang miyembro sa pamilya at sa kakulangan ng
pangangailangan o pera para matustusan ang mga pangangailangan ng
pamilya lalo sa pag-aaral ng bata. Kaya minsan kung napapanood natin sa
telebisyon, makikita natin na dinadala ang mga bata sa DSWD para sa
counseling.

3. Bisa ng Panitikan

 Bisang pagkaisipan:

Base sa aking napanood, merong epekto ang pelikula sa ating


kaisipan. Napapaisip tayo hindi lang kung ano ang kasunod na
banghay o istorya pagkatapos ang recital, kung nagkaayos o
naresolba ba ang problema o conflict ng mga tauhan kundi ito ay
nagpapaalala sa atin kung gaano tayo kahalaga ang mensahe nito sa
buhay natin bilang kabataan.
BRIX ALVIN VALDRIZ
JAYCEL HERHSEY TOLENTINO
BSN 1-B
 Bisa sa Damdamin:

Alinsunod sa uang bisa, nang nalaman natin kung gaano kahalaga


ang kuwento ni Onyok at Ariel na napulot natin mula sa pelikula, hindi
nating mapigilan na ihambing natin ang kanilang karanasan sa ating
buhay bilang kabataan. Una sa lahat, sa pamamagitan ng kuwento
nito, nabuksan ang aking damdamin sapagkat naririnig ko at nakikita
sa mga balita kung gaano nila ginagamit ang ating murang isipan para
mapakinabangan ang mga nasa kapangyarihan para sa kanilang gma
masasamang nais, tila ito ay nag-udyok sa akin na mas pagtitibayin ko
ang aking kalooban na harapin ang mga problema at suliranin sa
lipunan sa pamamagitan ng aking boses para ihayag aking saloobin at
ito ay maaring kapupulutan ng aral, mensahe o inspirasyon sa mga
kapwa kabataan na huwag silang matakot na ihayag ang kanilang
mga saloobin na sino man sa mapayapang paraan.

 Bisang pangkaasalan:

Tatlong aral ang nakatatak sa aking isipan, at iyon ay pagiging


matatag na harapin ang mga problema sa buhay, pagiging handa
upang tanggapin muli ang mga nagkasala at ang kanilang
pagbabagong buhay, at pagiging matiyaga upang linangin ang ating
kakayahan o talento na nakapagbibigay ng kaaliwan at inspirasyon sa
iba.
Ang mga ito ay nangibabaw sa kuwento at ganun pa man ay
puwedeng maiakma sa ating buhay bilang kabataan upang
mapagtanto o maisip natin palagi na meron tayong lugar o kalayaan
uang mamuhay tayo bilang isang indibidwal.

III. PAGWAWAKAS

Bilang pagwawakas, masasabi ko na maganda at kinapupulutan ng aral


ang pelikulang “Boses” sa akin, at marahil at sana maihayag ito sa ibang lugar
o bansa, sapagkat ang pang-aabuso ay laganap o nagiging epidemiya na sa
ibang tao. Bagama’t ito ay parang bitin o kulang pa ito sa mga banghay o
istorya nito lalo na sa huli pero ito ay sapat na upang magbigay liwanag sa
akin sa mga nangyayari sa ating mundo.

You might also like