You are on page 1of 2

I.

Karakterisasyon
Ang bawat tauhan ay mayroong kanya-kanyang sinisimbolo sa tunay na buhay at sa
lipunang kaniyang kinabibilangan o ginagalawan. Sa pelikulang Boses, ipinakita rito ang
iba't-ibang tauhan na may nirerepresenta sa lipunan. Una na riyan si Onyok, ang batang
pipi na kung saan ay hindi nakapagsalita dahil sa psychological trauma na dulot sa
kaniya ng sarili nitong ama. Siya ay laging binubugbog at pinapaso ng sigarilyo sa buong
katawan. Sumunod naman ay si Sherylle, siya ang kasamang bata ni Onyok sa
bahay-ampunan. Si Sherylle ang matapang na bata na laging pinagtatanggol si Onyok
mula kay (batang bully). Ngunit sa kabila ng pagiging matapang, siya pala ay may
masalimuot na nakaraan. Ang kaniyang ina ay na sa ibang bansa, habang ang kaniyang
ama ang tangi niyang kasama sa bahay at sinasabing minumolestya siya nito, at ang
masakit pa rito ay hindi siya pinaniwalaan ng kaniyang ama. Isa rin sa tauhan ay si
(batang bully) na sa kabila rin ng pagiging bully kay Onyok, ay may masalimuot din
siyang nakaraan. Nakita niyang binaril sa kaniyang harapan ang kaniyang ama, dahilan
upang lumaki siyang basagulero at laging na sa gulo. Sunod naman ay si Ariel, ang
nagsilbing guro ni Onyok sa pagtugtog ng violin. Siya ay tinatawag na matandang baliw
ng mga bata sapagkat gusto niyang laging mapagisa at nagtutugtog lamang ng violin. Ang
kaniyang asawa ay namatay na, dahilan upang lagi niyang gustong mapag isa. Ang huling
karakter ay si Amanda, siya ang kapatid ni Ariel at nagpapatakbo ng bahay-ampunan na
tinitirhan ng mga bata. Siya ang tumutulong at nagsisilbibg gabay sa mga bata. Ang
huling mahalagang karakter sa pelikula ay si Aling Choleng, ang kapitbahay nila Onyok
na tumulong o nagtawag ng mga baranggay upang iligtis si Onyok sa mapangabuso
nitong ama.

II. Buod
● Panimula: Si Onyok ay nakitang nagtatago sa kabinet, payat, puno ng sugat, at
hindi nakakapagsalita. Sa tulong ni Aling Choleng, ang kapitbahay nila Onyok, ay
nailigtas siya mula sa kaniyang sariling ama. Dinala si Onyok sa bahay ampunan
na kung saan ay pinamamahalaaan ni Amanda. Hindi man siya nakapagsasalita,
ito ay hindi naging hadlang upang matuto siyang mag violin at magsilbing daan
upang siya maging masaya sa kabila ng lahat ng kaniyang pinagdaanan.
● Suliranin: Ang ama ni Onyok ay bumalik si bahay ampunan at pinipilit siyang
kunin. Ngunit si Onyok ay labis ng na trauma sa kaniyang sariling ama. Sa
pangalawang balik nito, ay halata pa rin ang takot sa bata at sa tulong ni Ariel ay
pumunta sila sa tabing dagat upang magpakalayo-layo.
● Kasukdulan: Muling naapektuhan si Ariel mula sa kaniyang nakaraan sapagkat
ang kaniyang asawa ay namatay na. Madalas siyang galit ay naibubuntong kay
Onyok ang lahat ng ito.
● Wakas: Sa huling pagkakataon ay sama-samang nagpatugtog ng violin sina
Onyok ay si Ariel. Sa pagkakataon na ito ay bumalik ang kaniyang ama upang
manuod, at masaya itong nakikitang masaya rin ang kaniyang anak.

III. Dissenting Pamproduksyon (tanghalan, entablado)


Ang pelikula ay aming pinanuod sa entablado, maganda ay kaaliw-aliw ang naging daloy
ng pelikula sa tulong ng malaki at malinaw na video.

IV. Sinematograpiya (musika.tunog)


Ang musika ay sobrang ganda dahil ang bawat tunog nito ay kaaya-aya sa tainga. Bawat
tunog/musika na ginamit ay makabuluhan at nakaka-inspired.

V. Iskrinplay (tinig at dayalogo)


Ang bawat tinig at dayalogo ng mga tauhan ay binigyang katarungan ang kanilang mga
sinisimbolo. Nakaiiyak at madadala talaga ang manunuod.

VI. Panlipunang Nilalaman


Ang kwento ay sumasalamin sa mga batang nakaranas ng pangaabuso mula sa kanilang
sariling pamilya, marahil sa sariling ina, ama,kapatid, o sa kanilang mga nakasasalamuha.
Ito ay natampok sa iba't-ibang bansa dahil na rin ang kwento ay punong-puno ng aral at
nakaka-relate ang bawat manunuod.

VII. Teoryang Pampanitikan


Ang pelikulang Boses ay isang Realismo, sapagkat ito ay nangyayari talaga sa tunay na
buhay. Ang mga tauhan sa kwento ay may kanya-kanyang sinisimbolo na kung saan ay
nakaka-relate ang mga tao.

VIII. Paglalagom at Konklusyon


Ang kwento ay kapupulutan ng aral, ito ay makabuluhan sapagkat ito ay tunay na
nangyayari sa lipunan. Sa totoo lamang, ito ay patuloy na nangyayari sa atin kahit pa
ngayong kasalukuyan. Marami pa ring mga bata o kahit matatanda ang nakararanas ng
pang aabuso. Na kung saan ay dapat lamang na masulusyunan. Nawa'y ang mga ganitong
klase ng pelikula ay patuloy na mapansin at magkaroon pa sana ng mga susunod pa,
sapagkat ito ay kapupulutan ng aral at magbibigay ng reyalisasyon sa lahat.

Allyssa Marie C. Enriola BSED 3 Filipino

You might also like