You are on page 1of 6

Del Rosario, Genavel V.

Midterm Examination

Pagsusuri ng Dula
(Dalagang Bukid)

Dalagang Bukid by Hermones Ilagan at Leon Ignacio

https://www.youtube.com/watch?v=P2iPV4zQ5fY&t=638s

Buod

Ang dalagang bukid ay isang Sarswela na isinulat ni Hermogenes E. Ilagan na tinaguriang Ama
ng Zarzuelang Tagalog. Ito ay may paksang tungkol sa pag-iibigan, pag-ibig laban sa kahit anong
pagsubok. Kung panonoorin ay mukhang katatawanan lamang ngunit hindi, kung iintindihin ang
bawat mensahe ng nagsipag ganap ay binibigyang diin dito ang kahalagahan ng pag-ibig, pag-
ibig na hindi matutumbasan ng kahit anong ginto at salapi.

Ang palabas ay pinag bidahan nina Angelita at Cipriano pati na rin si Don Silvestre na sumubok
sa kanilang pagmamahalan. Ang kwento ay nahati sa tatlong Act.

Sa Act. 1 ay pinakilala ang bawat magsisiganap at iba’t ibang kaganapan sa kanilang lugar. Dito
ay nagpakita rin ng mga nakakaaliw na musikang inaawit ng mga gumaganap at mga
nakakatawang eksena.

Sa act. 2 ay talagang makikita na ang pag-iibigan nina Angelina at Cipriano at kung papaano
humadlang si Don Silvestre at ang pamilya ni Angelita sa kanilang pag-iibigan. Dito rin sa parting
ito ay pinakita ang pag-iibigan nina Kobang na talaga namang nakaaliw at si Paco at Parlong.

Sa huling Act o sa pagtatapos ng kwento ay makikita kung papaano mas pinili ni Angelita na
maging reyna sa pag-ibig na tapat at malinis ni Cipriano kaysa tanggapin ang korona ng
mapandaya’t mapanakot na si Don Silvestre.

Mga Nagsiganap
Pangalan sa Dula, Deskripsyon ng Katauhan)

 Noemi Manikan-Gomez bilang Angelita

Si Angelita ang tinaguriang dalagang bukid na nagtitinda ng mga bulaklak. Si angelita ay isang
simpleng dalaga na nagnanais makatulong sa kanyang pamilya. Sa aking palagay ay isa siyang
babae na mayumi ngunit walang arte sa katawan.
Sa aking akala noong una ay magpapadala siya sa yaman na pinakikita at binibigay ni Don
Silvestre sa kanya at sa kanyang pamilya ngunit sa pagpapatuloy ng kwento ay kinikilala pala ni
Angelita ng mabuti ang pagkatao ni Don Silvestre at ang pag-uugaling sa kanya’y nagpa-ibig ay
ang pag-uugaling mayroon si Cipriano.

Si Angelita pala ay isang dalaga na hindi ipagpapalit ang pag-ibig na tapat at malinis sa kahit
anong yaman at ginto ng isang taong mapandaya’t mapanakot sa pag-ibig.

 Pablo Molina bilang Cipriano

Si Cipriano ay isang simpleng binata na may simpleng pamumuhay at simpleng umiibig kay
Angelita. Si Cipriano ay isang binata na may tapat na loob at pag-ibig sa Diyos.

Inilarawan ni Angelita si Cipriano bilang isang makata at romantiko na sa aking palagay ay


naging dahilan ng pagkahulog ng loob ng dalaga kay Cipriano.

Naniniwala si Cipriano na hindi kinakailangang kumapit sa patalim para makamit ang mithiin,
sapagkat tulad ng pag-uugaling mayroon si Cipriano, siya ay matiyaga at may tapat na loob at
mabuting puso na ginagawa ang lahat sa maayos at tamang paraan. Tulad na lamang sa
pagmamahal na mayroon siya kay Angelita, kahit na alam niyang siya’y may karibal at
gumagamit ito ng hindi kaaya-ayang pamamaraan para mapa-ibig si Angelita, siya ay nanatiling
kalmado at mabuti at nag tiyaga kay Angelita hanggang sa mapa-ibig niya ito.

Sa huli ay pinili siya ni Angelita at sinabing gagamitin ang kanyang tiyaga at ang pag-aaral ng
abogasya sa pamumuhay nila ni Angelita at sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.

 Lou Veloso bilang Don Silvestre

Siya ang matandang mayaman na gagawin ang lahat mapa-ibig lamang ang dalagang bukid na si
Angelita. Si Don Silvestre rin ang pinagkaka-utangan ng mga magulang ng dalaga at ginamit niya
ito para pagtangkaan ang pag-ibig ni Angelita.

Sinabi ni Don Silvestre na ang pag-aasawa’y di biro, hindi kaning isusubo at iluluha pag napaso
kaya naman sa kanyang palagay ay mas karapat dapat siya sa pag-ibig ni Angelita sapagkat kaya
nitong ibigay ang lahat ng pangangailangan ni Angelita pati na rin ang pamilya nito, hingid sa
kanyang kaalaman na si Cipriano ay nakapag-aral ng abogasya.

Dahil sa mapandaya’t mapanakot na pag-uugali ni Don Silvestre ay hindi piniling tanggapin ni


Angelita ang kanyang pagmamahalan kahit ang mga yaman at gintong meron ito ay tinalikuran
ni Angelita sapagkat ayoin sa dalaga ang tunay na ginto ay ang pagkakaroon ng lakas ng loob at
pag-ibig na wagas at dalisay.
 Cynthia Patag bilang Jacoba (Kobang)

Si Kobang ay isang napakakuwela at isa sa mga bumuhay ng sarswelang Dalagang Bukid. Si


kobang ay mayroong kasintahan ngunit siya’y matagal ng nagtitiis at may hindi magandang
nararamdaman sa kanyang hayop raw na asawa.

Makikita sa kwento na si Kobang ay labis na na nasasaktan sa kanyang kasintahan na si Paco


sapagkat lahat raw ng pangako ito ay naglaho ng parang bula matapos nilang ikasal. Kaya
naman, si Kobang ay mukhang nahuhulog na sa lalaking tumulong sa kanya na mabuko ang
kanyang asawa sa mga kalokohan nito, ang lalaki ay walang iba kung hindi si Parlong.

 Dante Balois bilang Parlong

Si Parlong ay isang may kaya rin na nabighani sa angking karigtan ng may kasintahan ng si
Kobang. Ngunit alam ni Parlong ang lahat ng baho ng kasintahan nito sapagkat si Parlong raw ay
isa sa mga kinukuntiyaba ng asawa ni Kobang para ito’y pagtakpan. Dahil sa awa ay nagagawa
rin ni Parlong na pagtakpan si Paco ang asawa ni Kobang kay Kobang ngunit hindi na ito natiis
pa ni Parlong at umamin kay Kobang.

 Gamaliel Viray bilang Paco

Si ang kasintahan ni Kobang na nangako ng lahat tulad ng sasakyan mansyon ngunit kahit isang
anak ay hindi niya nabigyan.

Nagagawa niya ring saktan ang kasintahang si Kobang kaya naman nais na ring humiwalay ni
Kobang sa kanyang piling.

Konotasyon at Denotasyon

Mga Salita Denotasyon Konotasyon


1. Ginto  Kemikal na  Sumisimbolo sa yaman
elementong may na mayroon ang isang
simbolong Au at bilang tanong. Sumisimbolo
na atomiko na 79. sa pera.
2. Hayop na Asawa  Isang organism na  Isang masama o hindi
nilikha rin ng Diyos na mabuting asawa.
nabubuhay sa mundo
kung saan Malaya
silang nakagagalaw.
3. Kumapit sa Patalim  Isang matulis na bagay  Kumapit sa hindi
na pwedeng magagandang bagay o
makapanakit tulad ng masasamang paraan
kutsilyo. para lang makaraos.
4. Malaking Hinaharap  May malaking bagay  May malaking parte ng
na kinahaharap. katawan.
5. Kumukulo ang  Sumasakit ang tiyan  Nagugutom, mahirap
Tiyan

Ilahad:

A. Panahon
Unang ipinalabas sa Teatro Zorilla noong 1917, at ipinalabas bilang kauna-unahang
Pelikulang Pilipino noong 1919.
B. Kahulugan
Ang Dalagang Bukid ay tumutukoy sa isang Dalagang nagtitinda ng mga bulaklak na
kinahuhumalingan ng mga kalalakihan dahil sa angkin nitong ganda.
C. Uri
Ang Dalagang Bukid ay Orihinal na Sarswela
D. Paksa
Pag-ibig
E. Genre
Romance at Comedy
F. Lugar ng Pagtatanghal
Teatro
G. Manonood
 Para sa Matatanda
 Para sa bata ngunit kailangan parin ng gabay ng mga magulang sapagkat may
mga salitang hindi dapat mapakinggan ng mga bata
H. Nagsulat/Writer

Isinulat ito ni Hermogenes na may musika ni Leon Ignacio.

Si Hermogenes Ilagan ay nag-aral sa Ateneo de Manila at natuto ng musika sa kanyang Ama


na si Simplicio Ilagan, ang kanyang ama ay may-ari ng isang banda ng musiko.

Siya ay nagtatag ng Samahang Ilagan kung saan nagtatanghal ng mga sarswela sa iba’t ibang
lalawigan ng Luzon tulad na lamang ng Laguna, Bulacan, Nueva Ecija at Tayabas na ngayon
ay kilala bilang Quezon. Mga sariling akda ni Ilgan ang itinatanghal ng samahan na ito gaya
nalamang ng Dalawang Hangal, Biyaya ng Pag-ibig, Despues de Dios, El Dinero, Dalagang
Bukid at marami pang iba.
Si Hermogenes Ilagan ay kinilala bilang Ama ng Dulaang Tagalog. Ang karaniwang paksa o
genre ng kanyang mga sinusulat na dula ay romantiko tulad na lamang ng pinakapopular
niyang gawa na Dalagang Bukid.

I. Nag-direct

Maayos ang naging pagtatanghal ng Dalagang Bukid. Ang pag-aayos ng entablado ay talaga
namang mahusay sapagkat nakagagalaw at nakakikilos ng maayos ng mga tauhan. Sa unang
parte ay nakapag bisikleta pa nga ang isa sa mga tauhan.

Ang mga kasuotan nila ay naaayon rin sa mga tradisyunal na kasuotan. Madadama mo na ito’y
talaga namang isa sa mga matagal at tanyag na Sarswela noong panahon.

Ang pag-awit at pagsasalita ng mga nagsiganap ay mahusay rin. May mga ilan lang na salita na
medyo malabo ang pagkakabigkas kaya kailangan pang ulitin upang maintindihan, ang iba
naman ay masyado ng malalim na salita at hindi na alam ng ilang manonood ang kahulugan.
Ngunit, sa lahat lahat ay masasabi ko na mahusay ang pagdidirek sa dulang ito.

J. Iba Pang Katangian/Kaalaman

Ang Dalagang Bukid ay kauna-unahang Pelikulang Pilipino sa Pilipinas na ipinalabas sa


direksiyon ni Jose Nepomuceno sa pamamagitan ng produksiyon ng Malayan Movies noong
1919, ang nagsipagganap dito ay ang Reyna ng Kundiman na si Atang de la Rama at si
Marcellano Ilagan.

Komento/Reaksyon

Masasabi kong mahusay at puno ng aral ang nasabing Istorya.

Nag simula sila sa pagpapakilala ng kanilang ipapalabas na dalagang bukid. Nag bigay ng
pambungad na salita si Noemi Manikan-Gomez na gumanap bilang Angelita kung saan sinabi
niya ang kahalagahan at dahilan ng pag sasagawa nilang muli ng Dalaagang Bukid, ito ay upang
bigyang buhay muli ang istorya at ang Sarswela.

Binanggit niya rin ang pag-iba nila ng mga salitang gagamitin upang makasabay ito sa mga taong
manonood na talaga namang malaking tulong sapagkat bilang manonood aking naintindihan
ang kanilang mga salitang ginamit kahit na ang iba ay may pagka malalim na na salita. Ang
paggamit nila ng mga musika at sa pag-awit ng mga gumanap ay maayos rin.

Maraming aral ang kwento lalo na tungkol sa pag-ibig. Nag banggit pa si Don Silvestre ng
Salawikain raw na “ang pag-aasawa ay di biro, hindi kanin na isusubo at iluluha pag napaso”. Si
Cipriano naman na nagsabing “hindi kailangan kumapit sa patalim para makamit ang mithiin” at
si Angelita na nag iwan ng marami ring aral at salita at isa rito ang bago mo gawin ang isang
bagay ay iyo muna itong isipin ng pitong beses, pati na rin na ang hanap niya sa isang lalaki ay
ang lalaking may tapat na loob at pag-ibig sa Diyos.

Nakakaaliw at masasabi kong mahusay at puno ng aral ang Dalagang Bukid. Mahusay rin ang
mga nagsipagganap at karapatdapat na ipanood ito sa iba pang mga mag-aaral sapagkat ito’y
tunay na kapupulutan ng aral.

You might also like