You are on page 1of 2

I.

PAMAGAT

LIKE THE MOLAVE

May mabigat na konesksyon ang tulang ito sa panahong ito’y isinulat. Ang Molave ay
isang uri na puno na matatagpuan sa ating bansa. Inuugnay ang puno sa kung ano dapat ang
katangian ng mga kababayan sa panahong ito. Ito’y naaangkop dahil sa panahong ito tila talamak
ang impluwensya ng Amerika matapos nitong sakupin muli ang Pilipinas mula sa mga Espanyol.
Tulad ng Molave na isang puno, pinaalalahanan tayong ibalik ang ating lakas, puwersa, at
katatagan. Ang pamagat ay naglalayon na ihambing nating ang ating sarili sa isang puno,
nabubuhay sa sariling mga paa, may sariling tikas, at katapangan.

II. MAY-AKDA

RAFAEL ZULUETA DA COSTA

Si Rafael Zulueta Da Costa ay isang makata. Ginagamit niya pangalan na R. Zulueta da


Costa bilang manunulat at Rafael Zulueta naman bilang negosyante. Nagsimula siyang sumulat
ng tula sa Espanyol at Ingles naman pagkatapos. Ang sikat nitong gawa ay ang Like The Molave
at Other Poems, na nagpanalo ng Commonwealth Literary Award for Poetry sa taong 1940.

III. BUOD

Ang piyesa ay nakatuon sa dinadamdam ni Da Costa. Wala itong kronolohikal na


kuwento kaya’t marahil mahirap ito gawan ng buod. Ang tula ay sinimulan sa pagbanggit sa
pangalan ni Rizal. Sinasambit sa hindi pa muna dapat matulog ng mapayapa sapagkat tila may
trabaho pang kailangang tapusin. Matapos nito sinasabi din na tila naging mahina na ang lakas
ng mga tao at kinakailangan ng katulad ni Rizal. Idinagdag na hindi lang si Rizal ang tinatawag
na maglaan sa sarili para sa kagitingan tulad ng isang punong Molave. Sa pangalawang parte,
ipinahiwatig na darating ang oras ng kaluwalhatian. Lilitaw ang mga Pilipino na sisigaw na
“TAYO AY PILIPINO”. Nagtapos ang tula na sinasabing hindi pa tapos ang laban ngunit tulad
ng isang Molave, mananatiling matayog ang ating pag-asa.
IV. PAGSUSURI

KAUGNAYAN NG TEMA/ PAKSA SA KINABIBILANGANG


LUGAR/KULTURA O KAUGALIAN

Kapansin-pansin naman sa emosyon na gustong ipihawiwatig ng manunulat. Hindi


lamang sa panahon kung saan tayo’y sinasakop pa ng Amerika kung hindi tumutukoy din ito sa
henerasyon ngayon. Sa panahong ito’y naisulat, may kinakaharap ang mga Pilipino at ninanais
ng lahat ang tuluyang kalayaan sa kamay ng mga Amerikano. Tila ang tula ay para mismo kay
Rizal kesa sa atin. Nananawagan ang manunulat kay Rizal na hindi muna mamahinga at tulungan
tayong mga Pilipino na ulitin muli ang kasaysayan kung saan lumalaban ang mga Pilipino para
sa kalayaan. Sa kabila nito, hiniyikayat padin ang partisipasyon ng lahat ng mga Pilipino na
manindigan sa ating kalayaan. Sa tulang ito binigyan ng mas malalim ang kahulugan na maging
isang Molave. Ang punong ito ay sumusimbolo ng katatagan na gustong ilarawan ng manunulat.

You might also like