You are on page 1of 1

TUNGGALIAN NG IDEOLOHIYA

Sa napakaraming pagkakataon, ideolohiya rin ang punot dulo ng tunggalian ng mga bansa at
maging ng ibat ibang pwersa sa loob ng isang bansa. Halimbawa, maituturing na proxy war ang naganap
na digmaan sa pagitan ng North Korea at South korea noong kasagsagan ng Cold War o digmaan ng
nagtutunggaliang ideolohiya ng kapitalismo at sosyalismo. Sinuportahan ng U.S.S.R ang North Korea
samantalang U.S naman ang tumulong sa South Korea . Walang nagwagi sa digmaan at nanatiling hati
ang Korea. Nagresulta ang digmaan sa pagkamatay ng maraming sundalo at sibilyan at pagkawasak ng
sakahan, industriya, at imprastruktura ng dalawang Korea.

Isa pang halimbawa ng proxy war bunga ng tunggalian ng ideolohiya ay ang digmaan sa pagitan ng North
Vietnam at South Vietnam. Gayunpaman, ang puwersa ng komunistang North Vietnam ang nanaig sa
tulong ng U.S.S.R. Napag-isa ang dalawang Vietnam sa ilalim ng sosyalismo. Nagresulta ang digmaan ng
pakasawi ng milyong katao at labis na pinsala sa mga ari-arian at imprastruktura.

Sa parehong kaso, malinaw amg mahalagang papel ng ideolohiya sa tunggalian ng mga sangkot na
bansa. Malinaw rin ang ginawang himasok ng mga supervisor o world power tulad ng U.S.S.R. at U.S. na
may kanya-kanyang makasariling layunin sa mga bansa sa Asya.

Sa kaso ng Pilipinas, ang estratehikong lokasyon nito sa Asya ang nagging kapaki-pakinabang sa
pagsulong ng ideolohikal na layunin ng U.S. Upang maiwasan ang tuluyang paglaganap ng komunismo sa
Asya, nagtayo sila ng mga base military sa kapuluan, particular sa Clark Airfield sa Pampanga at Subic
Naval Base sa Olonggapo, Zambales. Ginamit ng puwersang Amerikano ang mga base military na ito
bilang imbakan ng langis at iba pang mga kagamitan pandigma sa panahon ng Vietnam War. Nagsara n
gang mga base militar ng U.S. sa Pilipinas noong 1991 nang hindi ipagtibay ng Senado ang ekstensiyon
mg kasunduan ukol ditto.
Sa pangkalahatan, masalimuot ang kalagayang pampolitika ng mga bansa sa Asya.
Nangangailangan ito ng mas malalim na antas ng pagunawa sa kasaysayan, kultura, at kasalukuyang
estruktura ng lipunang Asyano. Iniluwal ito ng mahaang kasaysayan ng koonisasyon at iba pang mga
pagbabagong pampolitaika, pang-ekonomiya, at panlipunan sa loob ng rehiyon.

UGNAYAN NG PAMPOLITIKANG IDEOLOHIYA SA SISTEMANG PANG-EKONOMITA
May mahigpit na ugnayan ang pampolitikang ideolohiya sa sistemang pang-ekonomiya ng isang
bansa. Ideolohiya ang balangkas na pinagbabatayan ng mga desisyong pang-ekonimiya. Halimbawa, ang
North Korea bilang isang sosyalistang bansa ay may sentralisadong pagpaplano (central planning) sa
sistema ng ekonomiya na pangunahing itinatakda ng pamahalaan. Mahigpit nitong ipinatutupad ang
mga patakaran ng pamahalaan sa pangangasiwa at pamamahala ng pribadong pagmamay-ari at sistema
ng pakikipakalakalan. Hindi ito sang-ayon sa globalisasyon at hindi rin ito kabilang sa World Trade
Organization (WTO). Tatalakayin ang WTO sa nga sumusunod na aralin.
Isa pang halimbawa ay ang kaso ng U.S. na nangunguna sa mga bansang nagtataguyod ng
kaisipang liberalism at sistemang kapitalismo sa daigdig. Kapansin-pansin ang tapat nitong pagsunod sa
dalawang ideolohiyang ito sa pamamagitan ng pagsuporta nito sa globalisasyon, malayang kalakalan, at
ang integresasyon ng bawat bansa sa pandaigdigang pamilihan o world market. Sa kaso ng North Korea
at U.S., makikita ang direktang impluwensya ng pampoilitikang ideolohiya sa sistemang pang-ekonimiya
ng kanilang bansa.
Tulad ng nabanggit ma, ang kasalukuyang sistema ng China ay may kakaibang sitwasyon dahil
sosyalismo ang pundasyong political nito subalit unti-unti na ring pumapaloob sa sistemang kapitalista.
Patunay rito ang pasyang pamahalaan ng China na maging kasapi ng WTO noonb Disyembre 2001.

You might also like