You are on page 1of 6

Lektura #5

KAHULUGAN
 Ang katagang nobela ay buhat sa salitang Kastila na Novella na binaybay-Tagalog at pinanatili ayon na
rin sa dikta ng kasaysayan dahil ang mga Kastila ang nagdala ng sangay na ito ng panitikan sa kapuluan
na lalong nagpatingkad sa kanilang pananakop.
 Ang salitang nobela ay nanggaling din sa salitang Latin na Novelus, at itinuturing nasupling o kaugnay
ng Kasaysayan o Istorya pagkat dito isinasalaysay ng saksi ang mga kaalamang kanyang namasid, kung
hindi man walang labis o kulang, nababawasan o nadaragdagan, kung hindi man pinatitingkad,
pinalulungkot o pinasasaya. (Servando de losAngeles, 1974).
 Tinatawag ding akdang-buhay o kathambuhay (Katha sapagkat likha ng panulat at Buhay sapagkat ang
mga karanasan ang isinasalaysay, kung hindi man lubos na gawa ng isip ay hinahango sa mga
pangyayaring tunay na naganap sa buhay na maaaring nasaliksik, nasaksihan o naobserbahan,
napanayam o kaya’y naranasan
 Isang mahabang piksyon na binubuo ng iba’t ibang kadalasang hango sa mga tunay na pangyayari sa
buhay ng tao, ang isang nobela ay sumasakop sa mahabang panahon.
 Kinabibilangan ng maraming tauhan, mahusay na pagbabalangkas ng banghay, at kawing-kawing na
mga tunggaliang humahantong sa isang mabisang wakas.
 Ito rin ay isang masining na sangay ng mga pangyayaring nagaganap sa buhay na umiikot ayon na rin sa
mga karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
 Mahabang makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang
mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng
bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.
 Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
 Naglalahad o naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa Panitikan.
 Umiikot ayon sa karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang buhay.

LAYUNIN

 Gumising sa diwa at damdamin


 Nananawagan sa talino ng guni-guni
 Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
 Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
 Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
 Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
 Nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
KATANGIAN

 Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay


 Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
 Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
 Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
 Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
 Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
 Malinis at maayos ang pagkakasulat
 Maganda
 Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

ELEMENTO

 tagpuan
 lugar at panahon ng mga pinangyarihan
 tauhan
 nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobelabanghay - pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa nobela
 pananaw
 panauhang ginagamit ng may-akda a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento b. pangalawa -
ang may-akda ay nakikipag-usap c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
 tema
 paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
 damdamin
 nagbibigay kulay sa mga pangyayari
 pamamaraan
 istilo ng manunulat
 pananalita
 diyalogong ginagamit sa nobela
 simbolismo
 nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

MGA URI NG NOBELA

URI PALIWANAG HALIMBAWA


Nobelang Tauhan binibigyang-diin sa nobelang ito Lalaki sa Dilim
ang katauhan ng pangunahing Benjamin Pascual
tauhan, mga hangarin, kalagayan,
sitwasyon, at pangangailangan
Nobela ng Pangyayari o Banghay Kinawiwilihan ng mga mambabasa Luksang Tagumpay
ang mabisang pagkakabalangkas Teofilo Sauco
ng mga pangyayari sa kwento
Nobela ng Romansa Mababasa sa uring ito ay dalisay, Naluoy sa Pagsinta
wagas at tapat na pag-iibigan ng Valeriano H. Peña
mga pangunahing tauhan
Nobelang Pagbabago Hinahangad ang pagbabago sa Mga Ibong Mandaragit
lipunan at sa pamahalaan sa gitna Amado V. Hernandez
ng nakikitang katiwalian at
kawalan ng identidad ng
pagkamamamayan
Nobela ng Kasaysayan Inilalapit sa mga mambabasa ang Anino ng Kahapon ni Francisco
naging kasaysayan ng sariling Lacsamana
bayan. Inilalarawan din ang ambag
ng mga bayani sa marubdob na
pagmamahal sa bansa.
Nobelang Masining Paglalarawan sa tauhan at ???
pagkakasunod-sunod ng
pangyayari ang ikinawiwili ng mga
mambabasa

KINILALANG AKDA AT MANUNULAT


 Panahon ng Kastila (1565 - 1898)
Barlaan at Josaphat -> isinalin ni PadreAntonio de Borja sa wikang Tagalog noong1712.
Urbana at Feliza -> isinulat ni Padre Modestode Castro.
Tandang Bacio Macunat -> kinatha ni PadreLucio Miguel y Bustamante.
Florante at Laura -> sinulat ni FranciscoBaltazar.
Ninay -> kinatha ni Pedro Paterno
NoliMe Tangere at El Filibusterismo -> Jose Rizal

 Panahon ng Amerikano (1900 - 1941)


1900 - Salawahang Pag-ibig -> ang kauna-unahang nobelang patuluyang nasusulat sa
wikangTagalog na kinatha ni Lope K. Santos
1905 – Nena at Neneng ni Valeriano Hernandez Peña -> tinaguriang Ama ng
Nobelang Tagalog.
1906 Patricio Mariano: Juan Masili o Ang Pinuno ngTulisan at Dalawang Puso sa Liwanag ng
Buwan
1907 - Faustino Aguilar: Pinaglahuan
1909 - Iñigo Ed. Regalado: Madaling Araw
1910 - Mamerto Paglinawan: Bayan at Pag-ibig
1911 - Rosauro Almario: Mga Anak-Bukid
1912 - Julian C. Balmaceda: Ang Taong Labas
1913 - Aurelio Tolentino: Maring
1914 - Juan L. Arsciwals: Lalaking Uliran o Tulisan 14.
1924 - Teofilo Sauco: Ang Magmamani
1927 - Faustino Aguilar: Lihim ng Isang Pulo
1933 - Antonio Sempio: Anak Dalita
 Ang Panahon ng Hapon (1942 - 1945)
Luha at Luwalhati: Antonio Sempio
Igorota sa Baguio: Fausto Galauran
Sa Lundo ng Pangarap: GervacioSantiago
Zenaida: Adriano P. Landico
Lumubog Ang Bituin: Isidra Zarraga-Castillo
Tatlong Maria: Jose Esperanza Cruz

 Ang Panahon ng Republika (1946 Kasalukuyan)


Sa Kuko ng Kasalanan ni Cirio G. Almario(Aliwan, 1946)
Hanggang Pier ni Mateo Cruz Conelio (Aliwan,1946)
Ang Makiring Maynila ni Teofilo Sauco(Aliwan, 1946)
Nasaan ang Ligaya? (Liwayway A. Arceo atHernando Ocampo, 1947)
Langit ang Isang Pag-ibig (Macario Pineda,1947)
May Landas Ang Kaligayahan (MaximoAgustin, 1948)
Sugat ng Alaala (Lazaro Francisco, 1949)

Dekada 50-> lumutang sa mga nobela ang mga paksangmay kinalaman sa usaping panlipunan at
mgakakaibang larawan ng buhay.
1955 - Maganda Pa Ang Daigdig ni Lazaro Francisco
1958 - Pagkamulat ni Magdalena nina Alejandro G. Abadilla at Elpidio Kapulong
1959 - Ang Tundo Man ay May Langit Din ni Andres Cristobal Cruz
Mga Ibong Mandaragit ni Amado V.Hernandez

Dekada 60-> simula ng protesta. Sa mga unang tatlongtaon ng 60 ay nanatili sa sintahang tema angmga
nobela. Sa kalagitnaan ay nagsimula angpakikilahok sa pagmumulat tungkol sa mgaproblemang kinakabaka ng
karamihangmamamayan.
1962
 Daluyong ni Lazaro Francisco
 Luha ng Buwaya ni Amado V. Hernandez
1964
 Apoy sa Madaling-Araw ni Dominador Mirasol
 Sa Kagubatan ng Lunsod ni Edgardo M. Reyes
1965
 Dugo sa Kayumangging Lupa ni Efren R. Abueg
 Ipakipaglaban Mo Ako ni Liwayway A. Arceo
1966
 Habagat sa Lupa ni Efren R. Abueg
 Liza ni Liwayway A. Arceo
1967
 Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes
1968
 Dilim sa Umaga ni Efren R. Abueg
1969
 Mga Halik sa Alabok ni Dominador Mirasol
 Nagbabagang Paraiso ni Liwayway A. Arceo

Dekada 70-> mga taon ng lantarang pagwawagayway ng mga bandilang pula.


1970
 Madilim ang Langit sa Bayan Ko ni Jose Mercedes
1971
 Mga Buwaya sa Lipunan at Satanas sa Lupa ni Celso Al. Carunungan
 Nangluhod sa Katihan nina Fausto Galauran at Gervacio Santiago
1972
 Canal de la Reina ni Liwayway A. Arceo
 Ito Ang Rebolusyon at Judas Iscariote nina Clodualdo del Mundo at Gervacio Santiago
1975
 Ginto Ang Kayumangging Lupa ni DminadorMirasol

Dekada 80-> ang panahon ng Bagong Republika. Ayon kina Lydia Fer Gonzales, et. al. (1982), ang nobela sa
panahong ito: karamihan ay nasa pamantayang komersiyal, lalo na iyong isinulat na ang pananaw ay nakatuon
sa pagkapili nito upang maisapelikula.

MGA NOBELANG NANALO SA CARLOS PALANCAMEMORIAL AWARDS (CPMA)


 1979-1980
Gapo (At Isang Puting Pilipino sa Mundo ng mga Amerikanong Kulay Brown) ni Lualhati Bautista
Mga Tinapay sa Ibabaw ng Tubig ni ReynaldoA. Duque 27

 1981-1982
Tutubi, Tutubi, Wag Kang Magpapahuli sa Mamang Salbahe
Kulang ng Isa sa Sandusena Bat Di Pa Magkasya sa Labing-isa na Lang? Ni Victor V. Francisco

 1982-1983
Dekada 70 ni Lualhati Bautista
Ficcion ni Edel Garcellano

 1983-1984
Bata, Sinaksak, Isinilid sa Baul ni Tony Perez
Bata, Bata, Paano Ka Ginawa? ni Lualhati Bautista

 1987-1990
Mga Aninong Hubad ni Cyrus P. Borja
Mga Limbas sa Lupa ni Muhammad ni Ramon V. Lim
 1990-1993
Gagamba ni Reynaldo A. Duque
Kwadresentinyal ni Rosauro Dela Cruz

 1993-1996
Bulaklak ng Maynila ni Domingo G. Landichoat
Moog ni Buenaventura S. Medina Jr.

 1996-1999
Malaybay ni Edmund Coronel

 1999-2002
Ang Kaulayaw ng Agila ni Lilia Quindoza Santiago

 2002-2005
Kung Paano Ko Inayos ang Buhok Ko Matapos ang Mahaba-haba Ring Paglalakbay ni Norman
Wilwayco

 2005-2008
Hindi nagbukas para sa Filipino Division

 2008-2011
Gerilya ni Norman Wilwayco
Bob Ong (RobertoOng)
Macarthur (2007)
Kapitan Sino (2009)

Sanggunian:

https://www.academia.edu/38202754/Uri_ng_Nobela
https://prezi.com/ecgcsqfltiqs/nobela-ng-pangyayari/
https://www.scribd.com/document/327814385/Uri-Ng-Nobela
https://www.slideshare.net/isabelguape/nobela-63275713
https://www.slideshare.net/christinejoysusana/nobela-34655859
https://tl.wikipedia.org/wiki/Nobela
https://vdocuments.net/ang-mga-panahon-sa-pagkakaunlad-ng-nobelang-filipino.html

You might also like