You are on page 1of 1

MGA PARAAN NG PAGTATANGHAL NG SINING NG PAGKUKUWENTO

SOLO – iisa lamang ang nagkukuwento kung kaya’t sinasabing ito ay isang mapanghamong paraan o
estilo ng pagkukuwento.

TANDEM – dalawa ang nagsisilbing tagapagkuwento

TATLUHAN – nangangailangan ng tatlong tagapagkuwento.

MGA PANUNUTUNAN SA PAGKUKUWENTO

1. Isalaysay ang kuwento na may ekspresyon ang tinig.


2. Gumamit ng mga aksiyon, galaw, at muwestrang makatutulong sa paghahatid ng kuwento.
3. Batiin ang mga manonood sa pamamagitan ng kontroladong tinig, hindi napakalakas at hhindi
rin napakahina.
4. Magrelaks.
5. Siguraduhing naisagawa ang lahat ng preparasyon bago humarap sa mga manonood.
6. Siguraduhing komportable ang bawat isa at nakikita ka ng lahat ng mga manonood.
7. Kung minsan, kailangang magbigay muna ng mga kaugnay na impormasyon bago simulan ang
pagkukuwento.
8. Palaging ihayag ang pinagbuhatan ng kuwento: pamagat ng aklat, manunulat/tagapagsalin,
tagapaglathala.
9. Panatilihin ang kontak ng mga mata sa manonood.
10. Siguraduhing nakakaaliw ang kaaya-aya ang pagkukuwento sa mga manonood.

You might also like