You are on page 1of 4

FM-AA-CIA-15 Rev.

0 10-July-2020

Study Guide in (Course Code and Course Title) Module No.__

MIDTERM

Lingguwistiko at Heorapikong Varayti sa Pilipinas


MGA TAGAPAG-ULAT:
 Angel Serquina Gaco

PANGKALAHATANG-IDEYA NG AKING PAG-UULAT

 Ang Wikang Cuyonon: Mga Salitang " Pakinasen"

MGA LAYUNIN NG PAGKATUTO NG PAG-UULAT

Pagkatapos ng araling tatalakayin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


a. Nagagamit nang wasto ang katuturan at kahulugan ng Wikang Cuyunon.
b. Nakikilala ang iba’t ibang halimbawa ng mga salita sa wikang Cuyunon
c. Nailalahan ang simpleng wikang cuyunon na nagagamit sa pagbati.

MGA NILALAMAN NG PAGKATUTO

Maraming iba’t ibang klase ng wika at diyalekto ang ginagamit sa bansang Pilipinas. Isa
sa mga ito ang lenggwaheng sinasalita sa Kapuluang Cuyo, isang munisipalidad sa
Pilipinas: Ang cuyonon

Ang Cuyonon ay isang wikang bisaya. Ito ang pangunahing wika o “Lingua Franca” ng
mga tao sa Palawan noon. Ngunit, sa mga nagdaang dekada ay patuloy na bumababa ang
bilang ng gumagamit nito sapagkat patuloy na dumaragdag ang daloy ng paglilipat ng mga
tao mula sa timog katagalugan (Southern Tagalog). Ang may mga pinaka-pangunahing
gumagamit ng wikang Cuyonon ay ang mga mamamayang nakatira sa Kapuluang Cuyo na
matatagpuan sa pagitan ng Hilagang Palawan at Isla ng Panay.

Ang mga etnikong grupong ito (Cuyonon, Cuyuno, Cuyo, Kuyunon, Kuyunin) ay
matatagpuan pangunahin sa isla ng Cuyo (12,470) sa hilagang Palawan, Puerto Princesa
(20,940), Roxas (13,405) sa mainland ng Palawan, at isla ng Dumaran ( 6,690). Ang
kabuuang populasyon ay humigit-kumulang 97,000, na may humigit-kumulang 89,000
(NSO 1980) nito na matatagpuan sa Palawan. Binubuo ng mga Kuyonen ang mga etnikong
elite sa Palawan, ang lugar na dating kabisera ng Espanya ng Palawan bago ang Puerto
Princesa. Pinagtatalunan na ang Ratagnon, isang subgroup ng Mangyan ng Mindoro, ay
malamang na mga Kuyonen na lumipat sa Mindoro.
Cuyunón ang tawag sa wika ng mga Kuyunón na naninirahan sa mga isla ng Cuyo sa
Palawan, partikular sa mga bayan ng Agutaya, Araceli, Brooke’s Point, Busuanga, Culion,
Cuyo, Dumaran, Linapacan, Magsaysay, Puerto Princesa, Roxas, at San Vicente.
Tinatawag rin siláng Kuyunín ng ibang grupo sa Palawan tulad ng mga Tagálog at Bisayà.

Unang natututuhan ng mga batàng Kuyunón ang kanilang katutubong wika. Dahil

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 1


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (Course Code and Course Title) Module No.__

napaliligiran ng ibang grupo tulad ng mga Sebwáno, Ilónggo, Masbatényo, Agutaynë́ n, at


Tagálog, hindi maiwasang matutuhan nilá ang wika ng alinman sa mga grupong ito kung
kayâ karaniwan na lámang sa kanila ang maging multingguwal. Sa paaralan naman ay
natututo at nasasanay silá sa paggamit ng wikang Filipíno at Inglés.

Sa paglipas ng panahon ay kakaunti na lamang ang gumagamit ng wikang ito. Bilang


mga estudyante, upang maipakita ang ating pagpapahalaga sa lenggwaheng ito dapat
nating tuklasin ang iilang mga salita nito. Ating pag-aralan at ipagmalaki ang diyalektong
ito.

1. Pangalan ng Wika: Cuyunon


2. Iba pang tawag sa wika (alternate names): Kuyunon
3. Pangkat na gumagamit ng wika: Kuyunón O kuyunin
4. Sigla ng Wika: Ligtas (KWF Res 18-33, s. 2018)
5. Klasipikasyon: Greater Central Philippine, Central Philippine, Bisayan, West, Kuyan
6.. Populasyon: 249,513 (NSO 2010 R-IVB)
7, Lokasyon: Agutaya, Cuyo, Dumaran, Linacapan, Magsaysay, Lungsod Puerto Princesa, at El
Nido sa Palawan
8. Sistema ng Pagsulat: Titik/Alpabetong Romano

Narito ang kanilang simpleng pagbati:


 Good afternoon – Mayad nga apon
 Good evening/night – Mayad nga gabi
 How are you? – Kumusta kaw?
 I’m fine/good and you? – Mayad da, ay ikaw?
 I’m just fine, by the grace of God – Kaloy’ Dios mayad da .
Narito naman ang sampung Cuyonon words na hindi pamilyar sa karamihan:
1. SENSILYO – isang uri ng pera na metal; sukli.
 Filipino: Barya
 English: Coins
 Cuyonon Sentence: “Ang mga bagong barya ing markan nong unang dagon asta sa
ikalimang dagon ng pagtas.“
 Pagsasalin sa Tagalog: “Ang mga bagong barya ay minarkahan mula noong unang
taon hanggang sa ikalimang taon ng pag-aalsa.“

2. ILAGA – isang uri ng maliit na hayop na nagngangatngat at mayroong matulis na nguso.


 Filipino: Daga
 English: Rat
 Cuyonon Sentence: “Ing kun nanda sa tanan na sanda beken i mga makukuri
kagaya i ang daga kundi sanda ay ing padara i ang Diyos.“
 Pagsasalin sa Tagalog: “Ang sabi nila ay hindi naman talaga sila mga daga kundi ay
mga sugo ng Panginoon.”

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 2


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (Course Code and Course Title) Module No.__

3. ADLEK – ito ay pag-aalala na mayroong mangyayaring hindi maganda.


 Filipino: Takot
 English: Afraid
 Cuyonon Sentence: “Pag tapos ni Eli mag pangamuyo ang tanang adlek ni Eli
adura.“
 Pagsasalin sa Tagalog: “Sa pagtapos ng panalangin ay nawala ang takot ni Eli.“

4. LISOD – kailangan ng matinding pagsisikap o kakayahan upang makamit o maintindihan


ang isang bagay o pangyayari.
 Filipino: Mahirap
 English: Difficult
 Cuyonon Sentence: “Sa akeng tanang kabwi ara pa ako aka danas i tuladyang
pagkukuri.“
 Pagsasalin sa Tagalog: “Buong buhay ko ay hindi pa ako nakararanas ng ganitong
klase ng paghihirap.“

5. TUIG – kinapapalooban ng 365 na araw ( o 366 na araw tuwing taong bisyesto) na


nagsisimula sa unang araw ng enero, ginagamit para sa pagbilang ng oras ng mga
ordinaryong gawain.
 Filipino: Taon
 English: Year
 Cuyonon Sentence: “Apat na dagon tana ag palipas sa kulungan.“
 Pagsasalin sa Tagalog: “Apat na taon siyang magpapalipas sa kulungan.”

6. PAMOLALENG – isang kaaya-ayang pangitain na kadalasan ay nagmumula sa kanais-nais na


paglikha ng imahinasyon.
 Filipino: Bungantulog
 English: Daydreaming
 Cuyonon Sentence: “Timan den imong pamolaleng. Ang ka rake pa’ imong boroaten.”
 Pagsasalin sa Tagalog: “Tama na sa pagbubungantulog mo. Ang dami mo pang gagawin.”

7. INA’LOY – pagkuha ng naririnig na malalim na paghinga


 Filipino: Napabuntong-hininga
 English: Sighing
 Cuyonon Sentence:  “Ano pa rang ina’loy ang kanimong dan. Sino reman imong
ingaandem?”
 Pagsasalin sa Tagalog: “Ano ‘yang pagbubuntung-hininga mo? Sino na naman ‘yang
kinasasabikan mo?”

. 8. LANAG – buni sa paa


 Filipino: Alipunga

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 3


FM-AA-CIA-15 Rev. 0 10-July-2020

Study Guide in (Course Code and Course Title) Module No.__

 English: Athlete’s Foot
 Cuyonon Sentence:  “Pabolongan imong lanag nga dan.”
 Pagsasalin sa Tagalog: “Ipatingin mo na sa doktor ‘yang alipunga mo.”

9. LANAS – isang uri ng anyong tubig na kadalasan ay bahagyang nasasakupan ng tubig


 Filipino: Kulunoy
 English: Swamps
 Cuyonon Sentence:  “Ang lamgam nga agrok agaistar sa marapit i’ baybay, sa kilid i’
soba ig sa manga lanas.”
 Pagsasalin sa Tagalog: “Nakatira ang mga tagak malapit sa baybayin, sa tabi ng ilog
at sa kulunoy.”

10. LANAT – isang malapot, marikit at malagulaman na sangkap o materyal


 Filipino: Malapot
 English: Slime
 Cuyonon Sentence:  “Ang okra kong maboayan ang laga magalanat-lanat.”
 Pagsasalin sa Tagalog: “Kapag napakuluan ng matagal ang okra, ito ay nagiging
malapot.”

MGA SANGGUNIAN

 https://etechdotwebsite.wordpress.com/
 https://www.bing.com/search?
q=wikang+cuyunon&form=EDGHPC&qs=HS&cvid=6e65bfdd70d34890b4c57e46588
27e04&cc=PH&setlang=en-
PH&elv=AQj93OAhDTi*HzTv1paQdnjvlNocBn66bBwvjIHzQWRLRUggSp2i3oMz*jQ*
npM*p1hA9O0Cyh6%21w00Wut01GVvnQ53ZgvLFUdnQLkpdibnG
 Repositoryo ng wika at Kultura/ Komisyon sa Wikang Filipino

PANGASINAN STATE UNIVERSITY 4

You might also like