You are on page 1of 4

Colegio de la Purisima Concepcion

The School of the Archdiocese of Capiz


Roxas city

College of Education

INSTRUCTIONAL LEARNING KIT/MODULE

MF 14- PANUNURING PAMPANITIKAN

PRELIMS

WEEK 1

Name of the Unit Topic- Katuturan ng Diskurso at ang Apat na Uri ng Diskurso

1. Intended Learning Outcomes:


Pagkatapos ng isang linggong aralin, ikaw ay inaasahang:
a. nasasabi at naipaliliwanag ang katuturan ng pagsusuring
pampanitikan.
b. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng panunuring pampanitikan.
c. nakakabibigay ng mga halimbawa ng bawat uri ng diskurso.

2. Introduction:

Ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at
mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad
ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak
at pangamba.

Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-


bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa
Bathalang lumikha.

Ang paraan ng pagpapahayag ay iniaayos sa iba’t iba niyang karanasan at lagay ng


kalooban at kaluluwa, na nababalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o
pangamba.

Ang panitikan ay tumutukoy sa lahat ng uri ng pahayag, nakasulat man o


binibigkas. Ang mga layunin nito ay para maipakita ang realidad at katotohanan; at
makalikha ng isa pang daigdig na taliwas sa katotohanan.

May ibat-ibang anyo rin ang panitikan tulad ng tuluyan at prosa.


Ang mga akdang tuluyan ay : Alamat, Anekdota, Nobela, Pabula, Parabula, Maikling
Kuwento, Dula, Sanaysay, Talambuhay, Talumpati, Balita, at Kwentong Bayan.

Ang mga akdang patula ay: Tulang Pasalaysay, Awit/Korido at Kantahin, at Epiko.

Sa mga akdang ito magkakaroon ng pagsusuri. Sa asignaturang ito malalaman


natin kung paano susuriin ang isang panitikang akda.

3. Inputs:

Ano ang kahalagahan ng Panitikan?

Malaki ang naitutulong ng panitikan sa ating mga indibidwal na buhay, at sa buhay ng ating
lipunan.

1. Nagbibigay ang panitikan ng isang magandang pagtakas sa realidad at ibinabahagi nito


ang isang uri ng libangan para sa mga tao.
2. Nagkakaroon ng malaking tulong ang panitikan sa paghulma ng lipunan dahil tintulungan
nito ang mga mamamayan nag bumuo ng opinyon sa mundo at kwestiyonin ang
kasalukuyang sistema.

3. Ang panitikan ay nagsasalamin sa kulturang pinagmulan nito. Dahil dito, nagiging isang
magandang kasangkapan ang panitikan upang masalamin ang kultura at pamumuhay
ng pangkasalukuyang lipunan upang mas maitindihan ito ng mga susunod na
henerasyon.

4. Isa itong uri ng mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano
ng sari-sariling mga buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang
maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging maka

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan


sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa
sa mga malikhaing manunulat at katha.

Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng buong


nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na pamamaraan
o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong
pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.

Pakinabang ng Panunuring Panitikan:

Nagbibigay ng kakayahan upang makita ang mas malalim na kahulugan sa nilalaman ng akda
at kung paano ito ay lahat nagiging isang buong ideya.

Tumutulong ito na pahalagahan ang lalim ng kuwento at ang mensahe na binabanggit ng may-
akda. Isang kapaki-pakinabang na ehersisyo bilang pagkakakilanlan ng isang makabuluhang
tema, at ang pagsisiyasat ng mga pampanitikang kasangkapan (pananalita, matalinghagang
paglalarawan, simbolismo) na ginamit ng may-akda upang ipakita ang temang iyon. At upang
maipahayag ang kanilang mga opinyon sa isang lohikal na paraan na maaaring maunawaan ng
nakararami. Kadalasan sa mga  trabaho sa kapanahunan ngayon ay nangangailangan ng
pagsusulat ng mga ulat, mga panukala para sa trabaho, atbp. Upang maayos ang trabaho,
kailangan ng isang tao na may kakayahang ipahayag ang kanyang mga kaisipan nang malinaw
at partikular na nakasulat. Maaaring hindi siya magsulat ng mga sanaysay sa literatura bilang
pamumuhay, ngunit malamang na ang natutuhan niya mula sa tungkuling iyon ay magiging
kapaki-pakinabang sa ibang pagkakataon sa buhay.

4.Pagsasanib (Involvement)

Nagbabasa ba kayo ng mga akda? Ano kaya ang ginawa ninyo upang maunawaang ninyo
nang lubos ang inyong binabasa? Nakita ba ninyo ang kahalagahan ng akdang binabasa
ninyo? Paano?
Naalala ba ninyo ang akdang binasa niyo noon? Ano ang mga pangyayari noon? Sinu-sino
ang mga tauhan sa akdang nabasa ninyo? Anong uri ng akda ng binasa ninyo?

5. Individual Worksheet

Mga Katanungan Mga Sagot


1. Ano ang panitikan? Ipaliwanag ito.Ang panitikan ay nagsasabi o
nagpapahayag ng mga kaisipan, mga
damdamin, mga karanasan, hangarin at
diwa ng mga tao. At ito rin ang
pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa
salitang "pang-titik-an" na kung saan ang
unlaping "pang" ay ginamit at hulaping
"an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature),
na ang literatura ay galing sa Latin na
litterana nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan,
lipunan at mga pananampatalaya at mga
karanasang may kaugnay ng iba’t ibang
uri ng damdamin tulad ng pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam,
sindak at pangamba.
2. Ano ang pagsusuring pampanitikan? Ang pagsusuring pampanitikan ay isang
Ipaliwanag. pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at
pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may
dalawang sangay. Ang unang sangay ay
ang Pagdulog. Ang mga uri nito ay
pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa
ay ang moralistiko. Ang pangatlo ay ang
sikolohikal. at ang huling uri ay
sosyolohikal-panlipunan.
3. Bakit mahalaga ang panunuring Mahalaga ang pagsusuri sapagkat
pampanitikan? Ipaliwanag ang nasusukat nito kung naintindihan ba ng
sagot. isang tao ang kanyang napag aralan at
kung epektibo ang paraan ng pagtuturo.

6. Interventions (Enhancement Activities):


Magbasa ng mga tatlong akda. Magbigay ng impresyon sa nabasa ninyo. Naging
malinaw ba ang mga binasa ninyo? Bakit ito malinaw? Bakit parang malabo ito?

7.References

tl.wikipedia.org/wiki/Pagsusuring_pampanitikan
bestschooleverblog.wordpress.com/panunuring-pampanitikan

You might also like