You are on page 1of 4

KYLA MAY T.

ANDRADE BSED III

Colegio de la Purisima Concepcion


The School of the Archdiocese of Capiz
Roxas city
College of Education

LAGUMANG PAGSUSULIT SA MF 12 NATATANGING DISKURSO

1st Semester 2020-2021

Basahin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang titik ng wastong sagot.

1. __________ ay ang mga yunit ng linggwistik na binubuo ng iba’t ibang pangungusap- sa


ibang salita ay salisalitaan (conversation), argumento o pananalita (speeches).

A. Diskurso B. Pagsasalita C. Ponolohiya D. Linggwistika


2. Ang diskurso ay isang _____________ gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga
impormasyon.
A. Aktibong B. interaktibong C. positibong D. negatibong
3. Ang salitang diskurso ay mula sa wikang Latin na __________ na nangangahulugang
“running to and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon. 

A. diskursus B. diskursu C. daskursu D. diskursu

4. Ayon kay Webster ang diskurso ay sinonimus sa _____________.


A. diskusyon B. disertisyon C.komunikasyon D. pag-
uusap

5. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag ng mga kaisipan o pala-palagay tungkol sa tao,


hayop, bagay, lugar at pangyayari.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

6. Ito ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang


konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

7. Ang pagpapahayag na ito ay ginagamitan ng makulay, mahuhugis at maaanyo at


ibang mapapandamang pananalita.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

8. Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay tulad ng


pagkukwento.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

9. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang


ang isang panukala ay maging katanggap - tanggap.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

10. Ito ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula
ang alamat, epiko at mga kuwentong bayan.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran
11. Ito ang pagpapahayag ng katotohanan na pinatitibay o pinatutunayan sa
pamamagitan ng mga katwiran o rason.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

12. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng
kanilang pananalig o paniniwala sa pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

13. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng


pagpapahayag.
A.Pagsasalaysay B. Paglalarawan C.Paglalahad D. Pangangatwiran

14. Sa teoryang ito ang layunin ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo, ang
binibigyang- tuon ay ang kalakasan at kabutihan ng tao gaya ng talino at talento.
A.Humanismo B. Queer C.Speech Act D. Realismo

15. Ang panitikang ito ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat
isinaalang- alang ng may- akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
A.Humanismo B. Queer C.Speech Act D. Realismo

16.Ito ay naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.


A.Balita B. Pitak C. Tala D. Ulat

17.Ito ay paglalahad ng mga kaalamang nakuha at natutunan mula sa binasa.


A. Balita B. Pitak C. Tala D. Ulat

18.Ito ay karaniwang makikita sa mga pahayagan na naglalaman ng reaksyon.


A. Balita B. Pitak C. Tala D. Ulat

19. Ito ay ang paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.


A. Balita B. Pitak C. Tala D. Ulat

20.Napalilinaw nito ang pag-unawa sa kahalagahan ng isang bagay, tao at pangyayari.


A. Panuto B. Editoryal C. Katuturan D.Pitak

21.Sa paglalahad na ito ay malalaman ang pagluto ng isang recepi.


A. Panuto B. Editoryal C. Katuturan D.Pitak

22.Ito ay ang pagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng isang pahayagan.


A. Panuto B. Editoryal C. Katuturan D.Pitak

23.Ito ay naglalaman ng kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang


napapanahong isyu sa kanyang paligid. Tinatawag din itong kolum.
A. Panuto B. Editoryal C. Katuturan D.Pitak

24.Ito ay isang anyong panitikan na naglalahad ng pananaw, paniniwala at damdamin


ng manunulat, hango sa kanyang karanasan.
A. Sanaysay B. Editoryal C. Katuturan D.Pitak

25.Nagagamit ito upang malaman ang paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.
A. Panuto B. Editoryal C. Katuturan D.Pitak
26.Ito ay tumatalakay kung ano ang sanhi o dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan.
A. Sanhi at Bunga C. Pagbabaha-bahagi
B. Pagbibigay ng kahulugan D. Pagbigay ng halimbawa

27.Sa pamamaraang ito, ang paksa ay pinagbubukod-bukod ayon sa mga bahagi bago
punahin o bigyan ng paliwanag.
A. Sanhi at Bunga C. Pagbabaha-bahagi
C. Pagbibigay ng kahulugan D. Pagbigay ng halimbawa

28. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay madaling makumbinsi o


mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.
A. Sanhi at Bunga C. Pagbabaha-bahagi
B. Pagbibigay ng kahulugan D. Pagbigay ng halimbawa

29.Ito ang itinuturing na impetus ng isang paglalahad.


A. Sanhi at Bunga C. Pagbabaha-bahagi
B. Pagbibigay ng kahulugan D. Pagbigay ng halimbawa

30.Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan


ng maayos na paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang
pagkakasunod-sunod ng mga ito.
A. Pag-iisa-isa C. Pagbabaha-bahagi
B. Paghahambing D. Pagbigay ng halimbawa

31.Sa pamamaraang ito, ang paksa ay pinagbubukod-bukod ayon sa mga bahagi bago
punahin o bigyan ng paliwanag.
A.Sanhi at Bunga C. Pagbabaha-bahagi
B.Pagbibigay ng kahulugan D. Pagbigay ng halimbawa

32.Ginagamit ang paraan na ito sa paghahambing ng magkatulad at pagkakaiba ng


mga bagay-bagay.
A. Pag-iisa-isa C. Pagbabaha-bahagi
B. Paghahambing D. Pagbigay ng halimbawa

33.Sinesigurado na tiyak o makatotohanan ang ibibigay na halimbawa.


A. Pag-iisa-isa C. Pagbabaha-bahagi
B. Paghahambing D. Pagbigay ng halimbawa

34.Ang paraang ito ang pinakamalimit na gamitin.


A. Pag-iisa-isa C. Sanhi at bunga
B. Paghahambing D. Pagbigay ng halimbawa

35.Sa paraang ito madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga
pangyayari.
A. Pag-iisa-isa C. Sanhi at Bunga
B. Paghahambing D. Pagbigay ng halimbawa

36. Ito ay isang teorya ng wika kung saan sangkot ang kilos o galaw sa pag- unawa sa
pagpapakahulugan ng isang diskurso.
A.Humanismo B. Queer C.Speech Act D. Realismo
37. Ito ay ang pag- aaral sa mga paraan kung saan ang konteksto ay nakakaapekto sa
kahulugan.
A. Imahismo B. Interactional C. Dekonstruksyon D. Pragmatic

38. Ang layunin ng panitikang ito ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag
sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may akda
na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.
A. Imahismo B. Interactional C. Dekonstruksyon D. Pragmatic

39. Ang layunin ng panitikang ito ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao
at mundo.
A. Imahismo B. Interactional C. Dekonstruksyon D. Pragmatic

40. Dapat maging malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang
ginagamit.
A. Kalinawan B. Katiyakan C. Kaugnayan D. Diin

41. Isa pang katangian ng paglalahad ay binibigyang diin ang mga mahahalagang
kaisipang nais talakayin.
A. Kalinawan B. Katiyakan C. Kaugnayan D. Diin

42. Ito ang bahagi ng salaysay na nagbibigay linaw sa mga tanong na nagpanabik sa
mambabasa.
A. Kasukdulan B.Simula C. Kakalasan D. Wakas

43. Ito ang kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento.


A. Kasukdulan B.Simula C. Tunggalian D. Wakas

44. Ito ang bahaging nagpapakita ng mga hindi pagkakaunawaan ng mga tauhan.
A. Kasukdulan B.Simula C. Tunggalian D. Wakas

45. Nahahati ito sa mga kabanata at punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
A. Nobela B. Talambuhay C. Alamat D. Anekdota

46. Ito ang mga pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao mula simula hanggang
kamatayan.
A. Nobela B. Talambuhay C. Alamat D. Anekdota

47. Ito ay tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.


A. Nobela B. Talambuhay C. Alamat D. Anekdota

48. Ito ay ang pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,


pook o bansa.
A.Kasaysayan C. Dulang pandulaan
B.Maikling kuwento D. Tala ng paglalakbay

49. Ito ang elemento ng salaysay na may tiyak na panahon ng pinagkaganapan ng mga
pangyayari. Ito ang nagpapatibay ng daloy ng mga pangyayari.
A.Pananaw B.Dayalogo C. Panahon D.Kahulugan

50. Ito ang genreng naratib, palasak at madalas gamitin.


A.Pagsalaysay B.Paglalarawan C.Pangangatwiran D. Paglalahad

You might also like