You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Colegio de la Purisima Concepcion
Roxas City 5800

Filipino 10

Pangalan: Baitang at Seksyon: _


Petsa: _ _ Iskor:

SAMPLE WRITTEN TEST (SELECTED-RESPONSE TYPE):


I. PANUTO: Basahin ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Para
sa # 1-3
Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paninil ng mga mananakop ‘ginawa na ito nila Rizal at
Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino.
Ginawa nila ito dahil mulat silang walang ibang magtatanggol sa ating karapatan; walang
ibang magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan; walang ibang magtutulak para sa
ating ganap na kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino.
Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan at labinlimang taon na nating ipinapahayag
sa mundo na tayo’y isang bansang malaya.Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating
kasarinlan,mulat ang pamahalaan sa tungkulin nitong pangalagaan ang kalayaang ito.
Kaya naman naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang may sariling soberanya, bilang
bayang nagbuwis na ng buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinas
na may sariling bandila na kapantay ng lahat.
- Pang. Benigno C. Aquino III, pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

1. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang .


a. pagtuligsa sa mga mananakop
b. paghikayat sa madlang magkaisa
c. pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan
d. pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino

2. Sinasabi ng pangulo sa ikalawang talata na _.


a. pahalagahan ang ating kalayaan
b. magbuwis ng buhay para sa kalayaan
c. tungkuilin ng estado na pangangalagaan ang kalayaan
d. maninidigan sa mga karapatan bilang bansang malaya

3. Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga .


a. bayani b. kalayaan c. bandila d. bansa

“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya.


Hindi ako mamamatay tulad ng ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay,
ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa katulad kong nakahihiya
ang pagkamatay.”

4. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?


a. nagsisisi b. nalulungkot c. nahihiya d. natatakot

5. May taglay siyang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyan niyang


kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.Ang salitang may
salungguhit ay nangangahulugan na .
a. Kakinisan b. kayamanan c. kagandahan d. Karupukan
6. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
a. at b. kaya c. saka d. datapwat

7. _ tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.


a. Pagkatapos b. Una c. At d. Dahil

8. pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.


a. Saka b. Pati c. Sapagkat d. At

9. ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo.
a. Gayon din b. dahil sa c. at d. tapos

10. atalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.


a. Dahil sa b. upang c. kaya d.saka

11. nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang tamang isulat na
ekspresiyon na nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako c. Sa ganang akin
b. Sa aking palagay d. Sa paniniwala

12. Ito ay isang maikling sanaysay na nagtuturo ng kinikilalang moral na karaniwang batayan sa Banal na
Kasulatan. a. Pabula b. Parabula c. Maikling Kwento d. Sanaysay

13. Sa parabula ang banghay ay .


a. makatao b. piksyunal d. realistiko d. romantisismo

14. Ang parabula ay may mensahe na nakatago dahil sangkap nito ang .

a. misteryo b. mahika c. kababalaghan d.sining


15. Ito ay kuwento tungkol sa diyos at diyosa.
a. dagli b. alamat c. epiko d. mitolohiya

SAMPLE OF WRITTEN TEST (SUPPLY-RESPONSE TYPE):


II. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paksa. Ang iyong sanaysay ay binubuo lamang ng tatlong
talata. Sa bawat talata may hindi lalagpas sa limang pangungusap lamang. (20 puntos)

“Materyal na yaman sa mundo ay di madadala sa Langit”

Inihanda ni:

Kyla May T. Andrade


SAMPLE OF PRODUCT ASSESSED:

Upang matiyak mo kung talagang naintidihan ang araling ating tinalakay sa mga nagdaang araw
isagawa ang nasa ibaba.

Gawain 6: GRASPS

Ikaw ay sasali sa isasagawang Photo-essay exhibit ng inyong paaralan.


Goal Gumupit o humanap ng larawan ng napapanahong isyung pandaigdig at
idikit ito sa isang coupon bond. Pagkatapos, sumulat ng maikling sanaysay
kaugnay sa larawan gamit ang mga pahayag o
ekspresiyon sa pagbibigay ng pananaw.
Role Ikaw ay magiging Photojournalist, Photoessayist, reporter,
researcher
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation Ipagpalagay na ikaw ay sasali sa isang Photo Essay Exhibit
Product Malikhaing Photo Essay na ang paksa ay tungkol sa
mga napapanahong isyu
A. Akma sa temang napili 20 puntos
B. Paraan ng paglalahad ng kaisipan 30 puntos
Standards C. Pagsunod sa balangkas ng sanaysay 20 puntos
D. Mabisang paggamit ng mga eskspresiyon 20 puntos
E. Dating 10 puntos
Kabuoan 100 puntos

SAMPLE OF PERFORMANCE ASSESSED:

Alam kong malalim na ang kaalaman mo sa sanaysay. Sa pagkakataong ito’y paiigtingin pa natin ang
iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa gawain.
Gawain 8: Panoorin Mo!
Panuto: Panoorin ang dokumentaryo ni Raffy Tima ng I-Witness (GMA 7) na may pamagat na
“Pinoy Frontliners” sa link na ito https://www.youtube.com/watch?v=xCp4d-0MYTg. Matapos
panoorin, bumuo ng 10 membro at mag sagawa ng dula-dulaan tungkol sa inyong pinanood.
SAMPLE RUBRICS:
SAMPLE OF STUDENT’S REFLECTION ON HIS PORFOLIO;

You might also like