You are on page 1of 15

Ikatlong Markahan Modyul 4

Ikaapat na Linggo

0
Alamin Nat in
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa Modyul 4 na ito matutunghayan ang mga akdang pampanitikan ng Timog-


Kanlurang Asya. Ang mga aralin ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
maunawaan ang kultura at pamumuhay hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong
Asya. Iba‘t ibang gawain ang inihanda para sa mga mag-aaral tulad ng pagbabasa at
pagsusuri ng mga akdang pampanitikan at mga gawain sa gramatika at retorika upang
maging interaktibo ang pagtalakay sa mga aralin.

Sa ikaapat na modyul ay magsisimula sa:

Modyul 4: Maikling Kuwento ng Pakistan


Panitikan …………………………Sino Ang Nagkaloob?
(Mula sa Salin sa Ingles ni Iqbal Jatoi ng muling-salaysay ni
Ahmed Basheer)
Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas

Pagkatapos ng mga modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento
batay sa napakinggang pag- uusap ng mga tauhan F9PN-IIId-e-52
 Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang (tao vs. tao at tao vs.
sarili) napanood na programang pantelebisyon F9PD-IIId-e-51
 Natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya) F9PT-IIId-e-52
 Napatutunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap
sa tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay F9PB-IIId-e-52

Subukin Nat in
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ito ay isang uri ng akdang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari at


natatapos sa maiksing panahon.
A. Epiko C. Parabula
B. Alamat D. Maikling Kuwento
2. Ang tunggaliang ito ay ang pangunahing panlabas. Dito ang tauhan ay
nakikipagbanggaan sa isa pang tauhan.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa lipunan
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa kalikasan

1
3. Ang pangyayari sa maikling kuwento ay maaaring maganap sa________
A. tunay na buhay C. panahon ng sakuna
B. tunay na sitwasyon D. panahon ng pangailangan
4. Ang akdang ―Sino Ang Nagkaloob ―ay isang__________
A. Epiko C. Alamat
B. Alamat D. Maikling Kuwento
5. Ang tauhan sa kuwento ay mahalaga sapagkat ___________
A. Sila ang nilikha ng manunulat
B. Sila ang nagpapasaya sa mga mambabasa
C. Nakasalalay sa kanila ang pagbibigay buhay
D. Nakasalalay ang ganda at bisa ng isang akda sa paglalarawan at pagbibigay
buhay
6. Ang mga sumusunod ay mga uri ng maikling kuwento maliban sa isa…
A. kariktan C. kuwento ng tauhan
B. katutubong kulay D. kuwentong makabanghay
7. Ang mga sumusunod ay mga bisang taglay ng maikling kuwento maliban sa isa…
A. panlipunan B. pangkaisipan C. pangkaasalan D. pandamdamin
8. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang nagpapahayag ng matinding emosyon.
A. saglit na kasiglahan C. kasukdulan
B. kakalasan D. tunggalian
9. May kaugnayan ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga
kaisipang nakapaloob matapos mabasa ang kuwento.
A. pandamdamin C. pangkaasalan
B. pangkaisipan D. panlipunan
10. Elemento ng maikling kuwento na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari.
A. wakas C. banghay
B. kaisipan D. tunggalian
11. Tungggalian ito na karaniwang nangyayari kapag ang tauhan ay direktang
naaapektuhan ng puwersa ng kalikasan.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa kalikasan
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa kapaligiran
12. Kinapapalooban ng tao laban sa sarili, tao laban sa tao, tao laban sa lipunan at tao
laban sa kapaligiran.
A. wakas C. kaisipan
B. banghay D. tunggalian
13. Siya ang ama ng maikling kuwento.
A. Edgar Allan Poe C. Rogelio Sikat
B. Amado Hernandez D. Genoveva Matute
14. Ito ay nababatid sa pag-alam sa pinagmulang wika ng salita at sa pagsusuri ng
istruktura o kayarian nito.
A. literal C. etimolohiya
B. semantika D. metaporikal
15. Humingi ng kapatawaran ang hari sa nagawa niyang pagkakamali sa kanyang anak.
Anong bahagi ng kuwentong ito ay makikita sa_____________.
A. simula C. wakas
B. gitna D. banghay

2
Karagdagang Gawain ( Online class )
Maaring lumikha ang guro ng gawain gamit ang google classroom/google meet. Ibibigay
ng guro ang link na gagamitin.

Aralin MAIKLING KUWENTO MULA SA


4 PAKISTAN
Panitikan: Sino Ang Nagkaloob?
(Mula sa Salin sa Ingles ni Iqbal Jatoi ng muling-
salaysay ni Ahmed Basheer)
Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas

Balikan Nat in
Sa nakalipas na aralin, napag-alaman mo ang Elehiya gayundin ang
pagpapasidhi ng damdamin kaya sa unang gawain mo siguradong mawiwili ka sa pagsagot
dahil alam kong hindi mo pa nakalimutan.

Alalahanin Mo Naman!
PANUTO: Suriin ang tula at itala ang mga salitang nagpapakita ng matinding emosyon.

Panalangin ang aming alay


Sa mga bawat inililigtas ninyong buhay
Dulot nitong sakit na Covid 19
Ngunit anuman ang bagsik nito’y
Kailanma’y hindi magwawagi
Hiling ng lahat, matapos na
Iyak at palahaw ng mga naulila
Sana ay pumayapa na
Sa araw at gabi na dinadala nila
Ang lahat siguro’y magsasaya
Kapag si Covid -19 ay umalis na
Kayat paigtingin ang taimtim na panalangin
At sumunod sa tuntunin ng pamahalan natin.

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Tuklasin Nat in
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipapakilala sa iyo sa pamamagitan ng
mga larawan.
3
GAWAIN 1- Tanging Yaman!
PANUTO: Alin sa mga sumusunod na larawan ang higit na ipagpapasalamat mo? Ilahad
kung bakit.

(Mga larawang kuha sa Photopin)


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Tunay ngang dapat nating ipagpasalamat ang lahat ng dumarating sa atin


maliit man o malaki dahil ang lahat ay kaloob sa atin ng Maykapal.

Talakayin Nat in
Sa seksiyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin
nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan sa
maikling kuwento tungkol sa ―Sino Ang Nagkaloob?‖ Bago mo basahin ang kuwentong
ito, naniniwala ka ba na dapat bang magmapuri ang sinuman sa kanyang tinatangkilik o
kayamanan? Iyan ang iyong aalamin sa kuwento ito.
Basahin at unawain ang sumusunod na kuwento at pagkatapos ay sagutin
ang mga tanong tungkol dito.

SINO ANG NAGKALOOB?


Mula sa Salin sa Ingles ni Iqbal Jatoi ng muling-salaysay ni Ahmed Basheer
Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas

Isang mayabang na hari ang may pitong anak na dalagang may nakasisilaw na

4
kagandahan at busilak na kawalang-malay. Mahal na mahal niya ang kanyang mga anak,
lalo na ang pinakabata. Hindi lamang iyon ang pinakamaganda sa lahat
kundi siya rin ay pinakamahusay magluto sa buong kaharian. Tuwing
umaga, bago pulungin ang korte, tinatawag at tinatanong niya ang kanyang
mga anak: ―Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng
lahat ng inyong kinakain?‖ Anim sa kanila ang dagling sumasagot, ―Amang
Lovepik com hari, Kayo po ang nagkakaloob ng aming pagkain.‖ Ngunit ang ikapitong
prinsesa ay laging tahimik lamang.
Isang araw, pinilit ng hari na sumagot din ang ikapitong prinsesa.
Sabi nito: ―Ama, Diyos po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin,
lahat ng ating kinakain, kinukuha natin sa Kaniya.‖
Clipart.library Ang sagot na ito‘y ikinagalit ng palalong hari.‖ Lumayas ka!‖ sigaw
niyon, at inutusan nito ang isang alila para ilabas at iwan sa gitna ng gubat
Habang ang dalaga‘y nakaupo sa gubat, at malungkot na pinag-iisipan ang kanyang
kasawian, siya‘y nakatulog. Kinaumagahan, siya‘y nagising sa isang malamyos at malamig
na himig ng isang plawta. Dumilat siya at nakita niya ang isang binatang tumutugtog nito.
Nang tanungin ng prinsesa ang lalaki kung paano itong napunta sa
gubat, sumagot ang lalaki. ―Pinapastulan ko po ang mga kalabaw ng aking
amo, at kahapo‘y nawalan ako ng isa. Kaya natatakot akong umuwi at lagi
kong tinutugtog ang aking plawta para maakit at bumalik ang nawawalang
kalabaw. Pero kayo, magandang prinsesa, paano kayong napunta rito sa
gubat?‖ ang sagot ng prinsesa. ―Hindi rin ako makauwi. Bakit di ka maging katulong ko at
magkasama tayong hahanap ng matitirhan.‖
Pumayag ang binata at sila‘y naglakbay patungo sa silangan. Maghapon silang
naglakbay nang gutom at uhaw. Nang humahaba na ang mga anino at lumalamig na ang
hangin sila‘y dumating sa mga pader ng isang siyudad.
Ang sabi ng prinsesa, ―Pumasok ka sa siyudad at hanapin doon ang pinakamayamang
mag-aalahas. Sabihin sa kanyang isang prinsesa ang naghihintay sa kanya sa labas ng
pader.‖
Madaling nakabalik ang lalaki, kasama ang pinakamayamang mag-aalahas. Bilang
kapalit ng kaakit-akit na kuwintas na may pambihira at napakamamahaling mga bato,
ibinigay ng mag-aalahas ang lahat ng hiniling ng prinsesa—isang kabayong may montura
(saddle) para sa kanya, salapi at pera sa binata ay isang barong angkop sa isang katulong
ng maharlika.
Nagpatuloy sa paglalakbay ang prinsesa at ang binata. Sa wakas, dumating sila sa
isang lugar na nagustuhan nila at ang prinsesa‘y nagpasiyang magpatayo ng sarili niyang
munting palasyo. Tinuruan din niya ang hamak na pastol ng kalabaw ng tungkol sa mga
sining ng pakikipaglaban at ng kapayapaan.
Isang araw, habang sila‘y namamasyal, sinabi ng prinsesa sa binata
―Pakikuha mo ako ng kaunting inumin at ako‘y mamamatay na sa uhaw.‖
Png.clipart Ang binata‘y agad naghanap ng tubig. At dahil Diyos ang nagkakaloob ay
madaling nakakita ang binata ng isang batis ng malamig na tubig. Pinuno niya ang isang
tasa at paalis na siya nang makakita ng magaganda‘t nagkikislapang mga rubi (ruby) na
nasa ilalim ng tubig. Pumulot siya ng ilan at inipit ang mga iyon sa mga lupi ng kanyang
turban.
Pagkaraan ng isang buwan at kalahati, ang palasyo‘y yari na at ang prinsesa at ang
kanyang katulong ay lumipat na roon. Madalas kunin ng lalaki sa kanyang turban ang mga
rubi at pinaglalaruan niya ang mga ito. Isang araw, naisip miyang sundan ang batis upang
makita ang pinagmumulan ng gayong naggagandahang hiyas. Inihatid siyang palayo nang

5
palayo ng batis at natagpuan niya ang kanyang sarili na nakatayo sa tapat ng pader ng
isang malaking palasyo. Ang batis ay umaagos sa ilalim ng pader. Gumapang siyang
papasok at naglibot-libot doon. Tila walang tao sa palasyo. Sa wakas, nabuksan niya ang
isang tarangkahan patungo sa isang patyo sa loob ng inaagusan ng batis na iyon. At doon
sa tabi ng batis ay nakalagay ang ulo ng isang magandang babae; may dugong pumapatak
mula roon. Ang mga patak ng dugo ay nagiging mga rubing kumikislap pagbagsak sa tubig.
Sa di-kalayuan, nakabuwal ang walang ulong katawan ng babae. Tumakbo siyang palayo
ngunit natalisod siya sa isang makapal na tablang nakabuwal sa lupa. Biglang –bigla,
lumipad ang putol na ulo at muling umugnay sa katawan at ang babae ay muling nabuhay.
Naawang tiningnan ng babae ang natakot na binata, ―Binata anong kapalaranang
nagdala sa iyo rito? Tumakbo ka para makaligtas kundi‘y aabutan ka rito ng genie at
lulurayin ka niya.‖
Naglakas –loob ang binata at nagtanong ito.‖ Sino ka? ―Ako‘y anak ng Hari ng mga
Diwata. Ibig akong mapangasawa ng genie na may-ari ng palasyong ito, pero galit ako sa
kanya. Kaya ikinulong niya ako rito. Tuwing umaga bago siya umalis para maghanap ng
makakain, inilalagay niya ako sa mahiwagang tablang ito at ang ulo ko‘y natatanggal. At
pagbalik niya sa gabi, binubuhay niya akong muli. Nadidinig kong dumarating na siya. Dali,
ibalik mo sa dati ang tabla para mamatay akong muli, at magtago ka‘t galit iyon.‖
Sinunod ng binata ang utos ng Pulang Diwata at katatago pa lamang
niya nang mabilis na pumasok ang umuungol na genie. ‗Nakakaamoy ako ng
tao! Nakakaamoy ako ng tao!‖
Mabilis na binuhay ng genie ang babae at winika, ―Nakakaamoy ako ng
Lovepik tao at ako‘y gutom na gutom. Sabihin mo sa akin kung nasaan ang tao para
makain ko siya.‖ Ngunit nagmaang-maangan ang Pulang Diwata. Kaya muli siyang pinatay
ng genie at ito‘y nagpatuloy sa pangangaso.
Pagkaalis ng genie, pagapang na lumabas mula sa pinagtaguan ang binata at muli
niyang binuhay ang babae sa pamamagitan ng mahiwagang tabla. Nagplano sila ng
pagtakas. Sinabi sa kanya ng Pulang Diwata na pumanaog siya sa isang munting kuwartong
madilim, na katatagpuanniya ng isang loro sa isang gintong hawla.‘ Pag nangangaso ang
genie, iniiwan niya ang kanyang kaluluwa sa lorong iyon, at kung wala siyang kaluluwa,
mamamatay siya.‖ Paliwanag niya.‖ Dali, dalhin mo ito sa akin ang loro.‖
Pagkaalis ng genie, pagapang na lumabas mula sa pinagtaguan ang binata at muli
niyang binuhay ang babae sa pamamagitan ng mahiwagang tabla. Nagplano sila ng
pagtakas. Sinabi sa kanya ng Pulang Diwata na pumanaog siya sa isang munting kuwartong
madilim, na katatagpuanniya ng isang loro sa isang gintong hawla.‘ Pag nangangaso ang
genie, iniiwan niya ang kanyang kaluluwa sa lorong iyon, at kung wala siyang kaluluwa,
mamamatay siya.‖ Paliwanag niya.‖ Dali, dalhin mo ito sa akin ang loro.‖
Kadadala pa lang ng binata ang loro ng biglang ang mundo‘y waring niyanig ng kulog
at bagyo. Sa pagsambulat ng usok ay lumitaw ang genie, na halos mabaliw sa galit. Tiyak
na papatayin niya ang dalawa. Ngunit mabilis na kinuha ng Pulang Diwata ang loro mula sa
hawla at sinakal ang ibon. Pagdaka‘y bumagsak sa lupa ang genie at namatay na parang
bato.
Nakatakas ang dalawa dala-adala ang mahiwagang tabla. Isinama ng binata sa pag-
uwi ang Pulang Diwata.Masiglang tinanggap ng Prinsesa ang diwata at madaling naging
parang magkapatid ang dalawang babae. Tuwing gabi, nahihiga sa mahiwagang tabla ang
Pulang Diwata, ang kanyang ulo‘y natatanggal sa kanyang katawan at ang dugo‘y
nabubuong bunton ng kumikinang na mga rubing walang kapantay sa kagandahan. Tuwing
umaga, gingalaw ng Prinsesa at ng binata ang tabla at ang Pulang Diwata ay muling
nabubuhay.
Pagkaraan ng ilang panahon, nagpasiya ang Pulang Diwata na umalis para sa isang

6
mahabang paglalakbay. Gayunpaman. bago umalis, nagpatayo siya ng isang bagong
palasyo para sa prinsesa sa tulong ng mahiwagang tabla at inanyayahan nila ang maraming
panauhin sa malaking handaan sa bagong palasyo. Kabilang sa mga panauhin ay ang
amang hari ng prinsesa. Ang prinsesa mismo ang nagluto ng mga paboritong pagkain ng
hari para sa handaang iyon.
Nang makaupo na ang mga panauhin para sa handaan, ang hari‘y napaiyak, ang
mga luha‘y gumugulong sa kanya balbas. Ang lasa ng masarap na pagkain ay nagpagunita
sa kanya ang anak na dalagang noong nagdaang panahon ay nagluluto ng gayong pagkain
para sa kanya. Kaydalas niyang pagsisihan ang pagpapalayas sa anak at kay dalas niyang
hanapin iyon sa kagubatan ngunit hindi siya nagtatagumpay.
Tinanong Pulang Diwata ang hari kung ano ang dahilan ng kalungkutan nito. Sinabi
ng Hari kung ano ang nangyari. Nagtanong ang diwata ―Pero mahal pa po ba ninyo ang
inyong anak?‖ Ang sabi ng hari: ‗Oo, ang tanging hiling ko lamang ay makita siya bago ako
mamatay.‖
Nagyakap at napaiyak ang dalawa. Sa wakas, lumuhod ang prinsesa
at nagwika, ―O, Ama kong Hari, hindi po ba ang Diyos na Mabait, ang Diyos
na Mahabagin, ang siyang nagkakaloob ng lahat ng bagay?‖ Tingnan ninyo
kung paanong ibinigay Niya sa akin ang palasyong ito at ang malaking
kayamanang mga rubi, samantalang hindi man lamang ninyo matagpuan ang isang
nawawalang anak.‖
Napagtanto ng hari ang kanyang pagkakamali. ―Oo, sabi niya, ―Ang Diyos ang
tunay na nagkakaloob ng lahat.‖ At ang hari at ang kanyang anak ay nabuhay na maligaya
mula noon.
(Akda mula sa Pluma 9)
Maaring buksan ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=yHDXbjfgAyk&ab_channel=EmmanuelMateo para
sa masining na pag-aaral.
GAWAIN 2: Pag-unawa sa Binasa
I. Paglinang sa Talasalitaan
PANUTO: Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na salitang hango mula sa akda.
Ang salita ay maaaring pababa, pahalang o pabaliktad.
1. mayabang 2. busilak 3. kaakit-akit
4. pagsambulat 5. napagtanto

K A A Y A A Y A
H A M A K I N A
T A L A K G A P
B D A G A T A A
P A L A L O M P
C L A N I A A O
S I A N O Y L N
W S A D I A A S
N A L A M A N O
D Y E L A K O R

II. Pagtalakay sa Aralin

1. Paano mo ilalarawan ang mga anak na dalaga ng palalong hari?


2. Ano ang palagiang nais marinig ng hari?
3. Anong klaseng mentalidad mayroon ang hari sa kuwento?
7
4. Paano nakatakas ang binata at ang Pulang Diwata mula sa genie?
5. Bakit tinulungan ng Pulang Diwata ang binata?
6. Kung ikaw ang prinsesa, magagawa mo rin ba ang ginawa niyang pagtanggap sa
kanyang amang hari na nagkasala?
7. Paano tinanggap ng hari ang kanyang pagkakamali?
8. Anong aral ang natutuhan mo na maaari mong maisabuhay? Pangatuwiran.
9. Anong kultura ang masasalamin sa akda?
10. Anong uri ng akda ang binasa

TANDAAN
 Ang binasang akda na‖ Sino ang Nagkaloob?‖ ay maikling kuwento.
 Ayon kay Edgar Allan Poe ang tinaguriang Ama ng Maikling Kuwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guni-guni at bungang –isip na hango sa isang tunay na
pangyayari.
 Ito ay nababasa sa isang tagpuan, nakapupukaw ng damdamin, at mabisang
nakapagkikintal ng diwa o damdaming may kaisahan.
 Ang maikling kuwento ay may elemento at ito ang mga sumusunod:

B Tauhan at tagpuan

A Suliranin
N
Saglit na kasiglahan
G
Tunggalian
H
A Kasukdulan

Y Kakalasan

Wakas

a. Tauhan-nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa kuwento

b. Tagpuan-pinangyarihan ng kuwento

c. Banghay-pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

d. Tunggalian-ito ay ang mga sumusunod:

-Tao laban sa sarili- ito ay panloob na tunggalian dahil nangyayari ito sa loob ng
tauhan.

-Tao laban sa tao- ito ay panlabas na tunggalian dahil dito ang tauhan ay
nakikibanggaan sa isa pang tauhan. Ito ay labanan ng klasikong
bida laban sa kontrabida o mabuting tao laban sa masamang
8
tao.
-Tao laban sa kalikasan- karaniwang nangyayari ito kapag ang mga tauhan ay
direktang naaapektuhan ng mga puwersa ng kalikasan.
- Tao laban sa Lipunan- umiiral ang panlabas na tunggaliang ito kapag lumilihis
ang
tauhan o mga tauhan sa mga pamantayang itinakda ng lipunan.
Nangyayari din ito kapag tahasang binabangga o binubuwag
tauhan ang kaayusang sa tingin niya ay sumusupil sa kaniya.

(Impormasyon mula sa Panitikang Asyano)

Pagyamanin Nat in
Mahusay! Naunawaan mo ang iyong binasa sapagkat nasagot mo ang mga
gawain. Alam kong nabitin ka kaya may gawain pang lilinang sa kasanayang iyong
natutuhan. Alam kong kayang-kaya mo ito!

GAWAIN 3: Kayanin Mo!


PANUTO: Gamit ang ―Tower of Hanoi Graphic Organizer, isulat ang mahahalagang
pangyayari sa akdang binasa (Sino Ang Nagkaloob?)

GAWAIN 4: Sariling Sikap…


PANUTO: Itala sa isang papel gamit ang grapikong presentasyong nasa ibaba ang mga
pangyayaring nagpapakita ng mga tunggalian (tao vs.tao at tao vs. sarili) batay
sa Pelikula / Palabas Pantelebisyon na napanood na at iugnay sa kasalukuyang
pangyayari.

Pelikula/Palabas Kasalukuyang
Pantelebisyon na Pangyayari
napanood na
Tunggaliang Tunggaliang
Tao laban sa tao laban sa
tao sarili

? ?
9
GAWAIN 5: Punan Mo…
PANUTO: Punan ng angkop na sagot ang nasa loob ng kahon gamit ang graphic organizer.

kahulugan

Bisa sa akdang
binasa Diwata Istruktura ng salita

Pinagmulang wika

GAWAIN 6: Patunayan Mo…


PANUTO: Hanapin ang usapang nagpapakita ng tunggaliang tao vs.tao at tao vs. sarili mula
sa akdang ―Sino Ang Nagkaloob?‖ Isulat ito gamit ang grapikong presentasyon
na nasa ibaba.

Usapang nagpapatibay Usapang nagpapatibay

Tao vs.tao

Tao vs. sarili

Napakahusay! Malapit na tayo sa pangwakas na gawain pero bago iyon, nais kong ibahagi
mo muna ang iyong alam na at nalaman pa tungkol sa maikling kuwento.

Nalalaman ko sa Maikling kuwento_________________________


________________________________________________
________________________________________________
Napag-alaman ko sa Maikling kuwento_____________________
_______________________________________________
_______________________________________________

10
Isabuhay Nat in
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa hanay na sitwasyon o realidad ng buhay.
Ngayong naunawaan mo na nang lubos ang maikling kuwento sa araling
tinalakay, alam kong kayang-kaya mo na ito. Mula sa larawang makikita mo sa ibaba, bubuo
ka ng sarili mong kuwento gamit ang pamantayan.

Pamantayan sa Pagbuo ng Maikling Kuwento


A. Hikayat--------------------------------------------------------------------- 20%
B. Kumpleto ang mga Elemento---------------------------------------- 20%
C. Masining------------------------------------------------------------------- 20%
D. Malinaw na paglalahad ng mensahe ng larawan--------------- 20%
E. Wastong gamit ng mga salita ng may wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari------------------------ 20%
Kabuuan--------------------------------------------------------------------100%

Tayahin Nat i n
Picture Power

(Mga larawang hango sa Photopin)

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


pagkamit ng natutuhang kumpetensi. Halina‘t isagawa mo na. Husayan mo pa lalo ha?

PANGKALAHATANG PANUTO
1. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.
2. Bahagi ng pagsusulit ang pagsunod sa panuto.

1. Ang aral na mapupulot sa akdang ―Sino ang Nagkaloob? ― ay_______


A. Mahalin ang mga bagay na ipinagkaloob sa atin
B. Mapagkumbaba sa taong nagbigay buhay sa iyo
C. Marunong magpasalamat sa biyayang natatanggap
D. Huwag maging sakim, igalang at mahalin ang Diyos
11
2. Ang akdang ―Sino ang Nagkaloob?‖ ay nagmula sa bansang________
A. India C. Pakistan
B. Israel D. Saudi Arabia
3. Karaniwang nangyayari ito kapag ang tauhan ay direktang naaapektuhan ng
mga puwersa ng kalikasan.
A. tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa kalikasan D. tao laban sa kapaligiran
4. Ito ay isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang
diwa ay napapalaman sa isang buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas.
A. Pabula C. Sanaysay
B. Parabula D. Maikling Kuwento
5. Mula sa akdang ―Sino ang Nagkaloob?‖ Ano ang ginawa ng hari matapos marinig
ang kasagutan ng bunsong anak?
A. Hindi pinakain C. Itinakwil bilang anak
B. Ipinatapon sa kagubatan D. pinarusahang maglinis
6. Pinakain at tinanggap na muli ng Prinsesa ang kanyang amang Hari. Anong pag-
uugali ang ipinakita ng anak?
A. mabait C. mapagpatawad
B. masunurin D. mapagmahal
7. Napagtanto ng Hari ang kanyang kamalian kaya‘t siya‘y tumugon sa anak,‖ Oo,
Ang lahat ay ipinagkaloob ng Diyos‖ Ang ugaling ipinakita ng hari ay _________
A. mabait C. mapagpatawad
B. mapagmahal D. mapagkumbaba
8. Sa paniniwala ng Prinsesa na ang Diyos ang nagkaloob lahat ng mga bagay na
salungat sa paniniwala ng amang Hari ay maituturing na tunggaliang_________
A. tao laban sa tao C. tao laban sa sarili
B. tao laban sa kapaligiran D. tao laban sa kalikasan
9. Ang diwata ay salitang Bisaya na nagmula sa salitang Sanscrit na Devata. Ito ay
isang halimbawa ng pagpapakahulugang ___________
A. literal C. semantika
B. metaporikal D. etimolohiya
10. Ito ay ang pagbibigay kahulugan sa isang salita na ang basehan ay ang
pinagmulan nito.
A. literal C. semantika
B. metaporikal D. etimolohiya
11. Anong elemento ng maikling kuwento ang pangyayaring nasa loob ng kahon?
“Ama, Diyos po ang nagkakaloob ng lahat. Lahat ng nasa atin, lahat ng ating
kinakain, kinukuha natin sa Kaniya.”
A. suliranin C. tauhan
B. tagpuan D. tunggalian
12. Ito ang nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa isang kuwento.
A. suliranin C. tauhan
B. tagpuan D. tunggalian
13. ―Matagal na panahon bago sabihin ng prinsesa ang sariling pananaw tungkol sa
mga bagay na ipinagkakaloob bago niya sabihin sa kanyang amang Hari‖ ang
sitwasyon ito ay tumutugon sa tunggaliang___________.
12
A. tao laban sa tao C. tao laban sa kapaligiran
B. tao laban sa sarili D. tao laban sa kalikasan
14. Ang Maikling kuwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guni-guni at
bungang –isip na hango sa isang tunay na pangyayari. Ito ang paniniwala ni…
A. Efren Abueg C. Amado Hernandez
B. Deogracias Rosario D. Edgar Allan Poe
15. Ang paniniwala ng hari na siya ang nagkakaloob ng lahat ng kinakain ng mga
anak ay nagpapakita ng katangiang____________
A. palalo C. mapagmalaki
B. segurista D. bilib sa sarili

Gawin Nat i n
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin
ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin bilang bahagi ng iyong pag-aaral sa
Ikasiyam na Baitang. Dito susulat ka ng iyong repleksiyon tungkol sa lahat ng iyong
natutuhan.
Ang mga hugot lines ay mga modernong tayutay. Ito ay mga pangungusap na
nabuo mula sa paghinuha ng mga sariling karanasan. https://brainly.ph/question/721017

Hugot Mo, Ihayag Mo!


PANUTO: Bumuo nang hindi lalagpas sa dalawang pangungusap na hugot lines tungkol sa
kuwentong dinaranas mo ngayong pandemya.
Pamantayan sa Pagbuo ng Hugot Lines
A. May Orihinalidad------------------------------------------------ 2 puntos
B. Angkop sa Paksa------------------------------------------------ 2 puntos
C. Angkop ang mga ginamit na salita-------------------------- 2 puntos
D. Nakakaantig ng damdamin----------------------------------- 2 puntos
E. Malikhain--------------------------------------------------------- 2 puntos
Kabuoan----------------------------------------------------------- 10 puntos

( Maaring ipasa ang natapos na Gawain sa messenger ng guro/FB page )

Repleksyon ng Natutuhan
PANUTO: Sumulat ng repleksiyon tungkol sa mga pangyayaring natutuhan sa pamamagitan
ng pagsagot ng mga tanong na nasa loob ng kahon. Ipahayag mo ito ayon sa
iyong nararamdaman. Galingan mo ha?

13
Sanggunian
Baisa, Ailene G., et al. 2004. Pluma, Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan III. Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
Guerrero, Teresita L. , et al.Kayumanggi sa Filipino 9. Cavite: LEO-Ross Publishing
Peralta, Romulo N., et.al. Panitikang Asyano –Ikasiyam na Baitang.DepEd-IMCS.Pasig City
Villafuerte, Patrocinio V. 2005. Pagsasaling-Wika. Manila Rex Bookstore.
www.clipart.com
pinterest
photopin
lovepik.com
https://www.tagaloglang.com/epiko
photopin; https://creative commons
http//www.flickercom
ph.images.search.yahoo.com/images/view
photopin; https://creative commons
victor-images com.aam-govst.edu-218224-
https://www.youtube.com/watch?v=yHDXbjfgAyk&ab_channel=EmmanuelMateo

EXECUTIVE COMMITTEE FOR HYBRID MODULE

Chairperson: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


Vice –Chairperson: DR. GEORGE P. TIZON-SGOD-Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA-CID-Chief

Ex-Officio Members: EDUCATION PROGRAM SUPERVISORS


TAGUIG SECONDARY SCHOOL PRINCIPALS
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS
Secretariat: QUINN NORMAN O. ARREZA
Team Leader/Facilitator: DR. MELEDA H. POLITA
School Head In-Charge: DR. REA MILANA-CRUZ, PRINCIPAL IV
Writer: GEMMA J. SALGADO
Editors: MARITA LACANLALE
ROSYL V. ANOOS
Content Evaluator/Language Evaluators: MIRIAM C. MABASA
CLARISSA R. SENOSA
Reviewer: DR. JENNIFER G. RAMA, EPS-FILIPINO
Illustrator/Layout Artist: CLARISSA R. SENOSA
MARITA LACANLALE
ROSYL V. ANOOS
Content Validator: JESUSA M. GONZALES
Format and Language Validator: PRIVATE INTERNATIONAL SCHOOLS
REPRESENTATIVES

For inquiries, please write or call:


Schools Division of Taguig City and Pateros Upper Bicutan Taguig City
Telefax: 8384251
Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

14

You might also like