You are on page 1of 6

ST.

AUGUSTINE HIGH SCHOOL


San Agustin, Surigaodel Sur
UNANG MARKAHAN
FILIPINO 10
Pangalan/Seksyon: _________________________ Petsa: _____________ Marka:_______
I – Pagpipilian
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Tawag sa akdang pampanitikan na naglalayong magbigay aral sa mga mambabasa, ito’y kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
a. Kathangbuhay b. Parabula c. Talambuhay d. Pabula
2. Tawag sa kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang isinulat o inilimbag sa isang tanging wika ng mga
tao.
a. Kwento b. Panitikan c. Wika d. Talaan
3. Ano ang dalawang anyong panlahat ng Panitikan?
a. Prosa at Tuluyan c. Sukat at Tugma
b. Nasusulatat di nasusulat d. Prosa at Patula
4. Ito ay isang akdang pampanitikan na tinatampukan ng mga diyos at diyosa.
a. Dula b. Mitolohiya c. Alamat d. Kwentong-bayan
5. Isa sa anyo ng panitikan kung saan malayang binubuo ang mga salita sa karaniwang takbo ng
pangungusap.
a. Pasalin-dila b. Pasulat c. Prosa d. Patula
6. Anyo ng panitikan n abinubuo ng pahayag na may sukat at tugma.
a. Prosa b. Pasalin-dila c. Pasulat d. Patula
7. Siya ay isang tanyag at dakilang manunulat na Pranses na itinuturing bilang isa sa mga ama ng
modernong maikling kuwento.
a. France Preseren c. Antoine de Saint-Exupery
b. Guy de Maupassant d. Homer
8. Isang makatang naging tanyag dahil sa kanyang mga soneto at kinikilalang pambansang makata ng
bansang Slovenia.
a. France Preseren c. Antoine de Saint-Exupery
b. Guy de Maupassant d. Homer
9. Tawag sa mga Impormasyong makukuha mo lamang kapag ikaw ay miyembro kaya't nangangailangan
ng log-in at password bago makapasok.
a. Deep Web b. Open Web c. Hidden Web d. Gated Web
10. Isa siya sa mga makapangyarihang diyosa sa mitolohiyang Griyego kung saan kinilalang diyosa ng
pag-ibig.
a. Aphrodite b. Athena c. Galatea d. Venus
11. Ito ay isa sa maliliit subalit mauunlad na bansa sa Europa.
a. Esrael b. Slovenia c. Espanya d. Pransya
12. Ang “Pagbibinyag sa Savica” ay isang epikong Slovenian na binubuo ng ilang bahagi?
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
13. Mula sa maikling kwentong “Ang Munting Bariles”, ano ang ikinamatay ni Nanay Magloire?
a. Katandaan b. Sakit c. Aksidente d. Pagkalasengga
14. “Napakakaunting pagkain ang naitinggal ko kayat tiyak na hindi sasapat hanggang sa matapos ang
digmaang ito”. Ang damdaming taglay ng pahayag na ito ay:
a. Pagtatampo b. Pagkapahiya c. Pagkabahala d. Pagkagalit
15. “Ang lawa ay napuno ng dugong kahila-hilakbot.” Ang damdaming taglay ng pahayag na ito ay:
a. Pagkadismaya b. Pagkapahiya c. Pagkatakot d. Pagkagalit
16. “Pagkatapos ng digmaan, ang sangkatauha'y kay panglaw-panglaw.” Ang damdaming taglay ng
pahayag na ito ay:
a. Kalungkutan b. Kalupitan c. Kapayapaan d. Kahirapan
17. “Sa dibdib ko'y nagngangalit pa ang bagyo ng digmaan.” Ang damdaming taglay ng pahayag na ito
ay:
a. Pagkaunsiyami b. Pagtatampo c. Pagkagalit d. Paghihimutok
18. “Nanaisin ko pang mautas ang buhay, kaysa mabuhay sa ilalim ng araw sa pagkaalipin.” Ang taong
nagsabi ng pahayag na ito ay nagpapakita ng:
a. Karuwagan b. Katalinuhan c. Katapangan d. Kasipagan
19. Uri ng pandiwa na hindi na nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos, gawain o
pangyayari.
a. Gol b. Katawanin c. Lokatib d. Palipat
20. Sa pagsasagawa ng sistematikong pananaliksik, maaaring makatulong sa pangangalap ng
impormasyon ang mga sumusunod maliban sa isa.
a. Sanggunian b. Silid-aklatan c. Silid-aralan d. Internet
21. Ito ay isang bansa sa Gitnang Silangan na kinikilalang Holy Land.
a. Jordan b. Jerusalem c. Israel d. Mediterranean
22. Sino sa mga tauhan ang kumakatawan sa ating Panginoon sa akdang “Ang Sampung Dalaga”?
a. Ang ama ng binata o ama ng dalagang ikakasal
b. Ang binatang ikakasal
c. Ang matatalinong dalaga
d. Ang dalagang ikakasal
23. Isang instrumentong ginagamit upang malayang makapag-abot ng mga impormasyon, kaisipan,
pananaw, opinyon, reaksiyon, damdamin, at iba pa.
a. Pagsusulat b. Pakiki-ugnay c. Pakikinig d. Pakikipagtalastasan
24. Isang uri ng komunikasyon na isinasagawa natin upang magpaabot ng mensahe kahit hindi natin
binibigkas.
a. Di-berbal b. Pasenyas c. Pasulat d. Berbal
25. Ito'y isang kataga, salita, o pariralang nag-uugnay ng isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
a. Pangatnig b. Pang-ukol c. Pang-ugnay d. Pang-uri
II. PAGTUKOY

A. Salungguhitan ang tamang pangatnig sa loob ng panaklong.


26. Magsipilyo ng tatlong beses sa isang araw (ngunit, upang, dahil) maiwasang masira ang mga ngipin.
27. (Dahil, Subalit, Kaya) hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.
28. Inaantok ka pa (habang, bago, kasi) hating gabi kana natulog kagabi.
29. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang” (hanggang, habang, parang) itinataas ang watawat ng Pilipinas.
30. Mahilig siy amagbasa ng aklat (at, upang, sapagkat) magsulat ng maiikling kuwento.
31. (Sapagkat, Ngunit, Bagama’t) mahiyain siya, hindi siya sumagot sa tanong ng guro.
32. (Subalit, Bagama't, Dahil) nais niyang mag-aral sa kolehiyo, naghanap siya ng trabaho upang
makatulong sa pamilya.
33. Alin ang mas gusto mong gawin, manood ng sine (habang, o, kung) kumakain sa labas?
34. Ano ang kulay ng sasakyan niyo, pula (at, o, pero) puti?
35. Maaari tayong tumawid (sapagkat, kung,hanggang) berde na ang ilaw.
B. Panuto: Isulat sa patlang ang pangatnig, pang-ukol at pang-angkop na bubuo sa pangungusap. Pumili
lamang sa loob ng kahon.
Pangatnig

at habang kung
dahil kapag para
samantala sapagkat o
nang subalit ngunit
kasi upang kaya
36. Sa panahon ng krisis, tumataas ang presyo ng mga
bilihin _______ ang bayad sa kuryente.
37. Hindi ako nakatulog kagabi _________ masyadong maingay ang aking kapit-bahay.
38. Magsasanay ako tuwing hapon ________ gumaling ako sa pagtugtog ng piyano.
39. Pagod na si Carlo _________ hindi siya makatulog.
40. Si Patrick ang titingin sa mapa ________ nagmamaneho si Gary.
41. Maaari tayong maglaro _______ tapos na tayo sa pagsagot ng ating takdang-aralin.
42. Alin dito ang dadalhin mo bukas, ang itim na pantalon _____ ang bagong maong?
43. Basa ang sahig ng pasilyo _______ nadulas ang bata.
44. Nagising si Marco ________ tumilaok ang manok.
45. Wala kang ginagawa diyan __________ kanina pa abalang-abala sa pagluluto ang nanay mo.
Pang-ukol at pang-angkop
para sa ng Para kay Laban kay
tungkol sa alinsunod sa -g ukol sa
kay na -ng Ayon sa

46. ______________ batas, hindi mo na siya puwedeng kasuhan dahil tapos na ang sampung taon.
47. Pagbubutihan ko ang aking pag-aaral ____________ aking pamilya.
48. Lagi siyang pumipili ng masarap _________ kainan dito.
49. Hindi ka na makakakita ng masunurin ________ bata sa ngayon.
50. Ayokong pag-usapan ang __________ kahapon.
51. Iyan lahat ang kaniyang marurumi __________ damit.
52. Ang bagong damit ay ___________ Lita.
53. Maayos ________ pamumuhay ang hangad nina Jaime.
54. _____________ mga balita, patuloy na nakararanas ng kaguluhan ang bansa natin.
55. Si Ben ang tagahatid-sundo __________ batang iyan.
ST. AUGUSTINE HIGH SCHOOL
San Agustin, Surigaodel Sur
MIDTERM EXAMINATION
FILIPINO 12

Pangalan/Seksyon: _________________________ Petsa: _____________ Marka:_______


I – Pagpipilian
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay isang proyekto na higit na sistematiko at lubos na pinag-aaralan.
a. Feasibility Study b. Project Proposal c. Eksperemental d. Pananaliksik
2. Sa paggawa ng isang panukalang proyekto dapat na maging maingat sa pagpaplano at pagdidisenyo.
Nararapat lamang na magkaroon ng mga sumusunod na katangian, maliban sa isa. Hanapin ang di
kabilang sa pangkat.
a. kasiningan b. kaalaman c. kasanayan d. tapat
3. Ito ay naglalayong maipakita ang katotohanan at katibayan ng isang tiyak na isyung kadalasan ay
napapanahon at nagdudulot ng magkakaibang pananaw sa marami depende sa persepsiyon ng mga
tao.
a. Posisyong papel b. Replektibong Sanaysay c. Paglalahad d. Editoryal
4. Isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuro-kuro ng may-akda.
a. Tula b. Talumpati c. Anekdota d. Sanaysay
5. Ito ay maihahalintulad sa pagsulat ng isang journal kung saan nangangailangan ito ng pagtatala ng
mga kaisipan at nararamdaman tungkol sa isang tiyak na paksa o pangyayari, ayon pa sa isang guro at
manunulat na si Michael Stratford.
a. Lakbay-sanaysay c. Expository Writing
b. Pictorial-Essay d.Replektibong Sanaysay
6. Sa bahaging ito ng panukalang proyekto makikita ang mga bagay na gustong makamit o ang pinaka-
adhikain.
a. Layunin c. Plano na Dapat Gawin
b. Badyet d. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto
7. Ang sumusunod ay ilan sa mga hakbang sa pagsulat ng Posisyong papel, maliban sa isa. Hanapin ang
naiiba at di kabilang sa pangkat.
a. Pumili ng paksang malapit sa iyong puso
b. Pagpapasa at pagpapaaproba sa isinagawang pananaliksik hinggil sa isyu
c. Magsagawa ng panimulang pananaliksik hinggil sa napiling paksa
d. Magpatuloy sa pangangalap ng mga kakailanganing ebidensiya.
8. Sa paggawa ng Posisyong Papel nararapat lamang na isaalang-alang ang Panimula sa sulatin. Alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang sa pormat.
a. Ilahad ang paksa
b. Magbigay ng maikling paunang paliwanag tungkol sa paksa at kung bakit mahalaga itong pag-
usapan.
c. Maglahad ng mga patunay at ebidensiyang hinango sa mapagkakatiwalaang sanggunian.
d. Wala sa nabanggit
9. Ito ay tumutukoy sa mga ideyang tinatanggap na totoo dahil ang mga katibayan nito ay nakabatay sa
nakita, narinig, naaamoy, nalasahan, at nadama.
a. mga katunayan b. mga opinyon c. mga detalye d. mga sanggunian
10. Ito ay nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto.
a. Layunin b. Suliranin c. Badyet d. Lohikal
II –PAGTUKOY

Panuto: Isulat sa patlanganghinihingingkasagutan sa bawatbilang.

_____________1. Uri ng sanaysay na nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos at mariin at


bunga ng isang maingat na pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan.
_____________2. Isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o
ideya.
_____________3. Ayon sa kanya, ang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng
isang sanay sa pagsasalaysay.
_____________4. Ang kalkulasyon ng mga guguguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto ay
nakatala sa bahaging ito.
_____________5. Ang nagsisilbing kongklusyon ng panukala kung saan nakasaad ang mga taong
makikinabang ng proyekto at benepisyong makukuha nila mula rito.
_____________6. Dito makikita ang tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
_____________7. Dito makikita ang talaan ng pagkakasunod-sunod ng mga gawaing isasagawa para
sa pagsasakatuparan ng proyekto.
_____________8. Ito ay hinango mismo sa inilahad na pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
_____________9. Nakatala rito kung bakit dapat maisagawa o maibigay ang pangangailangan.
_____________10. Panahon kung kailan ipinasa ang panukalang papel gayundin ang tinatayang
panahon kung kailan ito matatapos.
_____________11. Sa bahaging ito makikita ang mga dahilan o kahalagahan kung bakit dapat
isagawa ang panukala.
_____________12. Uri ng sanaysay na naglalarawan ng sariling pakahulugan ng may-akda sa isang
pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagbubulay-bulay, at naglalahad ng kanyang kuro-kuro o
pala-palagay.
_____________13. Ang salitang sanaysay ay hango sa salitang essayer na nagmula sa anong bansa?
_____________14. Hakbang sa pagsulat ng Replektibong Sanaysay kung saan ditto inilalahad ang
mga pantulong o kaugnay na kaisipan tungkol sa paksa o tesis na inilalahad sa panimula.
_____________15. Kahawig sa Posisyong papel na naagpapakita ng isang masining na
pagpapahayag ng mga katwiran subalit hindi pasulat, bagkus sa berbal na pamamaraan.
_____________16. Paraan ng pagsulat ng Panimula kung saan inuuna ang pinakamahalagang
impormasyon hanggang sa maliit na detalye.
_____________17. Paraan ng pagsulat ng Panimula na nagsisimula sa pagbibigay linaw sa
deskripsyon ng paksa.
_____________18. Paraan ng pagsulat ng Panimula na ginagamitan ng isang kopya galing sa ibang
mga literaturang gawa gaya ng aklat.
_____________19. Sinisimulan sa isang tanong upang hanapin ang sagot sa katawan ng sanaysay.
_____________20. Sinisimulan sa isang aral na makakapagbigay ng maikling eksplanasyon sa isang
sanaysay.

III - PAG-IISA-ISA
Panuto: Ibigay ang angkop na kasagutan sa bawat bilang.

1-6. Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging SIMPLE. Ibigay
ang kahulugan ng bawa tletrang isinaad.

S–
I–
M–
P–
L–
E–

7-11. Ibigay ang tamang pagkakasunod-sunod ng bahagi o balangkas sa paggawa ng Panukalang


Proyekto.





12-20. Magbigay ng siyam na uri ng Sanaysay.

21-25. Magbigay ng limang halimbawa ng mga isyung maaaring gawan ng Posisyong Papel.

You might also like