You are on page 1of 6

JB

Republika ng Pilipinas
Rehiyon IV-A CALABARZON
Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Rizal
CAYABU NATIONAL HIGH SCHOOL
Azusena St. Barangay Cayabu Tanay, Rizal
Unang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8
SY: 2019-2020

Pangalan:_____________________Baitang/Pangkat:__________Petsa:_____

I. Panuto: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng malalalim na salita sa Hanay A


sa
pamamagitan ng paglagay ng titik sa bawat patlang.

HANAY A HANAY B
______ 1. nganga a parusa
______ 2. gintong bansi b. lagyan o patungan
______ 3. anito c. ipinadala/inalay
______ 4. matarok d. paninilbihan o panunuyo
______ 5. ponda e. gintong plawta
______ 6. kumati f. maunawaan
______ 7. nauumid g. pista
______ 8. palmatorya h. humupa
______ 9. gatungan i. diyos na pinaniniwalaan ng mga
______10. talisuyo sinaunang Pilipino
______11. itangi j. lugar na pwedeng pagtambayan
______12. canao katulad ng tindahan
______13. pantas k. matalinong tao
______14. patung l. instrumento o sandata
______15. sugo m. hirangin
n. napipipi
o. pagkaing nginunguya ng
matatanda

11. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot


16. Isang sangay ng panitikan kung saan nagbibigay daan upang maipahayag ang mga
kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
a. karunungang-bayan b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
17. Karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago at nasusulat ng may sukat at
tugma kaya masarap pakinggan kapag binibigkas.
a. karunungang-bayan b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
18 Masasalamin dito ang kilos, ugali at gawi ng isang tao, payak ang kahulugan at hindi
gumagamit ng matalinghagang salita.
a. Karunungang-bayan b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
19. Akdang maaaring kathang-isip na tumatalakay sa mga pinagmulan ng bagay-bagay sa
daigdig.
a. alamat c. karunungang-bayan
b. epiko d. maikling kwento
20. Ano ang epiko bilang akdang pampanitikan?
a. tumatalakay sa realidad ng buhay upang maging gabay ng tao sa araw-araw na
pamumuhay.
b. akdang maaaring kathang-isip na pumapaksa tungkol sa mga pinagmulan ng bag
c. isang sandaliang tradisyon tungkol sa pangyayaring supernatural o kabayanihan ng
isang
nilalang.
d. kwento tungkol sa mga bathala tungkol sa paglikha sa daigdig at iba pa.
21. Ano ang kahalagahan ng alamat sa kasalukuyang panahon?
a. Nasasalamin ang kultuta at tradisyon ng mga Pilipino c. Napahahalagahan ang ambag ng
mga ninuno
b. Nalalaman ang mga pinagmulan ng isang bagay d. Lahat ng mga nabanggit
22. Bahagi ng alamat na naglalaman ng mga tauhan, tagpuan, at suliranin.
a. gitna b. konklusyon c. simula d. wakas
23. Isang mahabang salaysay na anyong patula na maaaring awitin o isatono.
a. alamat b. epiko c. dula d. kwento
24. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng isang epiko.
a. nagpapahayag ng emosyon o damdamin
b. pagpapahayag ng maririki't na kaisipan sa maririkit na pananalita.
c. nagtataglay ng kabayanihan ng pangunahing tauhan
d. may iisang kakintalan o impresyon ng mambabasa.
25. Ano ang pamagat ng epiko ng mga ilokano na sinulat ni Pedro Bukaneg?
a. Biag ni Lam-ang b. Hudhud ni Aliguyon
c. Maragtas d. Ulalim
Basahin ang liham, pagkatapos sagutin ang mga tanong blg. 26-29

1809 Herrera St. Poblacion


Lungsod ng Makati
Ika-7 ng Disyembre,
2012
Mahal kong kaibigan,
Magandang umaga sa iyo. Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-
gaanong masaya ang pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang
kaming mga Pilipino sa kompanyang aking pinapasukan? Iniisip kong umuwi tuwing
pasko. Ibang-iba talaga ang Pasko sa atin bukod sa mas mahaba ang pagdiriwang,
mayroon pang iba’t ibang activities saan ka man pumunta. Ganoon pa man, tulad mo,
ipagdiriwang ko ang Pasko sa bahay at sisikapin kong tawagan ang aking mga mahal
sa buhay. Inaasahan ko na hihintayin mo ang tawag ko sa araw na iyon.
Ang iyong
kaibigan,
Luisa
26. “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong masaya ang
pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino
sa kompanyang aking pinapasukan?” Ano ang tinutukoy ng salitang may salungguhit
sa loob ng pangungusap?
a. naglalahad ng dahilan c. nagpapakita ng paghahambing
b. nagpapakita ng katwiran d. naglalahad ng di pagsang-ayon
27. “Ganoon pa man, tulad mo, ipagdiriwang ko ang pasko sa bahay at sisikapin kong
tawagan ang aking mga mahal sa buhay.” Alin sa pangungusap ang pang-abay na
panlunan?
a. pasko c. sa bahay
b. mahal sa buhay d. tawagan
28. “ Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong Masaya ang
pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino
sa kompanyang aking pinapasukan? Ano ang tinutukoy ng salitang nakasalungguhit?
a. lugar c. panahon
b. pagsang-ayon d. paraan
29. “Alam mo bang labis akong nalulungkot sapagkat di-gaanong masaya ang
Pagdiriwang ng Pasko dito sa Middle East dahil kakaunti lang kaming mga Pilipino
sa kompanyang aking pinapasukan? Ano ang tinutukoy ng salitang nakasalungguhit?
a. lugar c. panahon
b. pagsang-ayon d. paraan

Panuto: Basahin at unawain ang saknong ng tula. Sagutin ang mga tanong sa
ibaba.

Di na kailangan sa iyo ng awa


Ng mga tagalog, o inang kuhila
Paraiso naming ang kami’y mapuksa
Langit mo naman ang kami’y madusta

Paalam na ina, itong Pilipinas


Paalam na Ina, Itong nasa hirap
Paalam, paalam, Inang walang habag
Paalam na ngayon, katapusang tawag

Mula sa “katapusang hibik ng Pilipinas


Ni Andress Bonifacio

30. Ilang pantig mayroon ang unang taludtod ng unang saknong?


a. 8 b. 10 c. 12 d. 14
31. Ano ang sukat ng ikalawang saknong?
a. 8 b. 10 c. 12 d. 14
32. Sino ang tinutukoy na ina ng tula?
a. Amerika b. Espanya c. Hapon d. Pilipinas
33. Anong elemento ng tula ang tinutukoy sa mga salitang nakahilis?
a. indayog b. mensahe c. sukat d. tugma
34. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng tula?
a. malungkot b. masaya c. nainis d. natakot
35. Ang mensahe ng saknong ng tula ay nagpapahayag ng _______.
a. pagdurusa b. pagkapoot c. pagkalimot d. pagsisisi
36. Ano ang kahulugan ng salawikaing “Anuman ang tibay ng piling abaka ay wala ring
lakas kapag nag-iisa?
a. pagtitiis b. pagkakaisa c. pakikipagkapwa d. pakikisama
37. Kasama sa gayak di kasama sa lakad
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
38. Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
39. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong
40. Nagtetengang kawali
a. Kasabihan b. salawikain c. sawikain d. bugtong

III. Panuto: Punan ang patlang ng malaking titik M kung ang pangungusap ay
nabibilang sa Magkatulad at malaking titik DM naman kung Di-
Magkatulad.

41. Di- totoong maraming mga kabataan ang hindi marunong magbasa. ___________
42. Kapwa naghanda si Tony at Kassy sa kanilang pag-uulat sa Filipino. ___________
43. Higit na mabilis tumakbo si Lorenz kay Mario. ___________
44. Kasinglakas ni Tuwaang si Lam-ang. ___________
45. Singtikas ni Tuwaang ang binata ng Sakadna. ___________
46. Tulad ng kanyang ina, siya rin ay mahilig mag-luto._________
47. Di-hamak na mas responsable ang panganay kaysa sa bunso. _________
48. Sila ng kanyang mga kapatid ay kapwa mangaawit._________
49. Ako at ang aking kaibigan ay parehong may puntos ________
50. ako ay labis na nagdadalamhati sa pagkawala ng iyong anak.________

Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung saan nabibilang. Isulat ang
titik K kung ito ay nabibilang sa katangian ng karagatan, at titik D naman
kung nabibilang sa katangian ng duplo.

51. Sa larong ito, hindi kinakailangang “sumisid’ sa dagat ang binatang _________.
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing
52. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon.
_________
53. Ang paksa ng pagtatalo ay tungkol sa nawawalang loro ng hari o kaya naman ay
magsusumbong
ang bilyako sapagkat hinamak ng isang bilyaka._________
54. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng
talinghaga.________
55. Sila ay tinatawag na bilyako at bilyaka kapag naglalaro na._________
56. Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng
namatay._________
57. Ang mga lalaking kasali ay tinatawag na duplero at ang mga babae ay
duplera.________
58. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isangdalaga na
nahulog sa gitna ng dagat.________

59. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula.________


60. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang
puti._______

Inihanda ni:

RAMIL C. MELO
Guro sa Filipino

Binigyang-pansin ni:

JOSE B. MANZANERO JR.


Pang-ulong Guro III
Answer key

1.O 31.A 61.M 91. K


2. E 32. A 62. M 92. K/D
3.I 33. C 63. DM 93. D
4. F 34. C 64. A 94. E
5. J 35. C 65. A 95. E
6. H 36. A 66. D 96. A
7. N 37. A 67. A 97. A
8. A 38. C 68. B 98. A
9.B 39. C 69. B 99. E
10. D 40. D 70. D 100. E
11. M 41.D 71. A
12. G 42. A 72. D
13. K 43. A 73.B
14. L 44. B 74. C
15. C 45. B 75. A
16. A 46.A 76. B
17. C 47. A 77. C
18. D 48. C 78. A
19. B 49. C 79. A
20. A 50.B 80. C
21. C 51.C 81. B
22. C 52. D 82. D
23. D 53. C 83. A
24. D 54. DM 84.,K
25. C 55. M 85. K
26. C 56. DM 86. D
27. B 57. M 87. K
28. C 58. M 88. D
29. D 59. M 89. D
30. A 60. DM 90. D

You might also like