You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
District of Tanay II

ALDEA NATIONAL HIGH SCHOOL


Southville 10, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal

Filipino 8
Pagbibigay ng Denotatibo at
Konotatibong Kahulugan

Kasanayang Pampagkatuto:
• Naibibigay ang denotatibo at konotatibong kahulugan, kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan ng malalim na salitang ginamt sa akda.
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pagaaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para
makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong
matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri at magwasto sa iyong mga
kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang lawak ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit– – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang
natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa kanyang
pinagaaralang modyul.
Aralin Pagbibigay ng Konotatibo
2 at Denotatibong Kahulugan

INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:

 Naibibigay ang denota\tibo at konotatibong kahulugan,


kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng malalalim na
salitang ginamit sa akda

Simulan natin ang pagtalakay ng aralin at alam kong matutuhan mo ang


tamang gamit ng mga salita ayon na rin sa pagbibigay ng kahulugan.

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit sa pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pagsusuot ng mask ay isang proteksyon sa sarili laban sa virus na covid


19. Ang mask ay:
A. panakip ng ilong at bibig B. panakip ng mata at ilong
C. panakip ng mata at tenga D. panakip ng buhok at mata

2. Ang kahulugan ng ECQ ay


A. Enchance Community Quarantine
B. Eco Community Quality
C. Echo Community Quarantine
D. Enhance Community Quarantine

3. Makaiiwas tayo sa sakit na Covid 19 kung mananatili tayo sa loob ng ating


tahanan at palalakasin natin ang ating mga resistensya.
A. mailalapit B. maitatago C. mailalayo D. maisasali

4. Sa pagtutulungan ng Frontliners kung kaya’t naiiwasan ang paglaganap ng


sakit sa bansa.
A. una sa linya B. huli sa pila C. makabagong bayani D. mga doctor

5. Ang edukasyon sa bansa ay sumasailalim sa New Normal Learning.


A. face to face B. blended learning C. old curriculum D. wala sa nabanggit
BALIK-TANAW

Panuto : Basahin at unawain ang talata at pagkatapos ay sagutin ang mga


katanungan sa ibaba. Isulat sa kwaderno ang kasagutan

Pagbasa sa Akda:

Ang mga kaganapan sa pang-araw-araw nating pamumuhay sa kasalukuyan ay kasasalaminan


ng bawat isa sa atin. Ang mga karanasang humuhubog sa ating katauhan upang ang bawat isa ay
matutong bumangon sa bawat pagkadapa, kasawian o kabiguan na nararanasan subalit sa huli ay
bumabangon para sa katagumpayan. Tulad ng Dula bilang uri ng panitikan na kasasalaminan ng mga
iba’t ibang pangyayari sa buhay ngunit kapupulutan ng aral.

Noong ika-17 siglo umunlad at nakilala sa Espanya ang Sarswela o dula na isa sa mga uri ng
panitikan na ang layunin ay itanghal. Katulad ng Dula na binubuo ng yugto-yugtong pangyayari at ang
pinakalayunin ay maitanghal sa entablado ang Sarswela ay sinasaliwan ng pasalita, paawit at pasayaw
na paraan ng pagtatanghal ng mga tauhan na nagsisipagganap sa entablado. Binubuo ito ng mga
pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan.

Sa Panahon ng Amerikano bunga ng katatapos na digmaan ay muling kinilala ang Dula at


nakilala ang mga mahuhusay na manunulat ng dula sa larang ng Sarswela. Isa sa naging tanyag na
manunulat ng Sarswela ay kilala sa bansag na sagisag panulat na “Lola Basyang” at ang halimbawa ng
Sarswela na naging tanyag noong panahon ng Amerikano ay “Walang Sugat ni Severino Reyes.
https://youtu.be/mrPJNdjccDs

Sagutin ang mga tanong sa iyong kwaderno.

1. Ano ang kaibhan ng Sarswela sa Dula? Ipaliwanag ang iyong sagot.


______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Sa panahon ng pandemya, sa naging takbo ng pangyayari sa pang-araw-


araw nating buhay at mga bagong karanasan na ating natututuhan,
Paano mo maipakikita bilang kabataan ang malaking pagbabago ng
iyong buhay sa gitna ng pandemya na mailalapat mo sa Dula o
Sarswela?
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Suriin mo ang nasa larawan. Magbigay ka ng isang salita na makapagbibigay kahulugan


sa iyong nakikita

NOON
https://www.google.com/search?q=maraming%20tao%20sa%20kalsada&tbm=isch&tbs=rimg%3ACZCWEzdzwCiqYT1AZy1e8YNU&hl=en&ved=0CBsQuIIBahcKEwjQkaPa3MTqAhUAAAAAHQAAAAAQCA&biw=1263&bih=610
#imgrc=pF2IrJM0a4XVQM

__________________________________________(salitang iyong ibinigay)

NGAYON
https://www.google.com/search?q=walang+tao+sa+divisoria&sxsrf=ALeKk02kpHiXOigf6L -
0dDDBXXkhoH0Tkg:1594450933192&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjn5e_L0MTqAhXB7WEKHVocA2QQ_AUoAXoECAsQAw&biw=1280&bih=610#imgrc=ojnC9ZrKv7FEtM

_____________________________________________(salitang iyong ibinigay)

Batay sa iyong naibigay na sagot ipinaunawa sa iyo ang pagbibigay kahulugan sa


larawan gamit ang kasingkahulugan, kasalungat na pagpapakahulugan, ang
Denotatibo at Konotatibo.

Bunga ng nararanasan natin sa pang-araw-araw nating pamumuhay kung kaya’t


nabibigyan natin ng pagpapakahulugan ang mga bagay-bagay na ating nakikita,
naririnig, nababasa, napapanood at nararanasan. Dahilan upang maituon natin
sa ating isipan at mailapat ito sa Dula o Sarswela na batay sa pang-araw-araw
nating buhay. Gayundin naman mas madali nating nabibigyang –kahulugan ang
mga karanasan sa ating buhay gamit ang kasingkahulugan, kasalungat,
Denotatibo at Konotatibo.
Denotatibo – kahulugan ng salita na matatagpuan sa diksyunaryo.
Karaniwang salita o simpleng salita.
Literal o totoong kahulugan ng salita.
Halimbawa: makitid – makipot
Makitid ang tanging daan sa pupuntahan ng mga bisita.
Mariwasa – mayaman, may kaya sa buhay
Nakapag-aaral siya at natutustusan ang pangangailangan bilang
mag-aaral dahil sa sila ay mariwasa sa buhay.

Konotatibo – pansariling pagbibigay kahulugan ng isang tao o pangkat


iba sa pangkaraniwang kahulugan
Halimbawa – mabigat ang timbang – makapangyarihan, maimpluwensya
Naihalal siya ng taong bayan kung kaya’t siya ay naging
mabigat ang timbang

Gawain 1

Panuto : Basahin at unawain ang buod sa ikatlong bahagi ng sarswela na Walang


Sugat ni Severino Reyes.

IKATLONG BAHAGI

Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni


Tenyong sa liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong naman
ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit
kagalitan ng ina.
Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay
Juana, na ina ni Julia Kinabukasan’y ikakasal na si Julia kay Miguel.
Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas upang pumunta kay
Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya
walang nalalabi Kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.
Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung
iniibig nito si Miguel ay buong lakas nitong issigaw ang “hindi po”!.
Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob
ang kanyang ina.
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating
si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang
huling hiling ng binata – na sila ni Julia ay makasal. Galit man si
Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling
kahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos ang kasal,
bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel na “Walang sugat”.
Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni
Tenyong ang lahat.
https://es.123rf.com/photo_14253769_ilustraci%C3%B3n-de-algunas-chicas-que-muestran-consejo-sobre-un-fondo-blanco.htm

A. Ibigay ang kahulugan ng malalalim na salita na nasa akda ayon sa


kasingkahulugan at kasalungat nito. Isulat sa kwaderno ang kasagutan.

Salita Kasingkahulugan Kasalungat


1. Pagtugon
2. Nalalabi
3. Magpatiwakal
4. Kinumpisal
5. kahilingan

B. Mula sa piling tauhan sa akda magbigay ng salita na makapagbibigay


kahulugan sa katangian inilarawan sa akda.

Tenyong Julia Miguel

Gawain 2

Sa gawaing ito ibig kong suriin mo ang bawat salita o parilala na nasa unang
hanay. Tukuyin at piliin sa bawat bilang ang tamang katumbas na sagot na
makapagbibigay ng tamang kahulugan ayon sa Denotatibo at Konotatibo. Gawin ito
sa kwaderno.

Salita Denotatibo Konotatibo


1. Matalino Matalas na kutsilyo Matalas na isip
2. Mainit na tubig Kumukulo ang tubig Kumukulo ang dugo
3. Gastador Butas ang bubong sa Butas ang bulsa
bahay
4. Masigasig Nagbunga ang puno Nagbunga ang
pinahirapan
5. Wala sa tamang May sayad ang baterya May sayad ang taong
pag-iisip iyan

TANDAAN

Ang gamit ng salita sa pagbibigay kahulugan maging ito man ay


Kasingkahulugan, Kasalungat, Denotatibo o Kanotatibo ay dapat na naayon sa ibig
bigyang pansin batay sa paglalarawan o pagpapatungkulan ng isang tao, bagay, lugar
o pangyayayari. Anuman ang paraan ng pagbibigay kahulugan tiyak man o di tiyak
dapat na ito’y angkop at totoo. Mas nagiging makatotohanan at madali ang ating
pamumuhay sa pang-araw-araw kung alam natin ang tamang gamit ng salita.
Maiiwasan ang anumang hindi pagkakaunawaan at pagkakamali kung maibibigay
natin ang tama at totoong kahulugan ng isang salita at mailalapat natin ito sa
pangaraw-araw nating pamumuhay.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Suriin ang mga salita at ibigay ang tamang gamit nito ayon sa
Kasingkuhulugan, Kasalungat, Denotatibo at Konotatibo. Gamitin sa
sariling pangungusap batay sa pang-araw-araw na pamumuhay sa
kasalukuyan. Isulat sa kwaderno ang kasagutan

Salita Kasingkahulugan Kasalungat Denotatibo Konotatibo Gamitin sa


pangungusap
1.Pandemya
2.Quarantine
3.lockdown
4. Mask
5.New Normal

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat sa kwaderno ang kasagutan

1. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin at


may paksang mitolohikal at kabayanihan.
A. Dula B. Maikling Kuwento C. Sarswela D. Sanaysay
2. Ang tema ng sarswelang Walang Sugat ni Severino Reyes ay patungkol
sa________.
A. kasawian
B. pagiging makasarili
C. pag-ibig
D. paghahangad
3. Tulad ng Dula ang layunin ng Sarswela ay________________:
A. magpatulog
B. magpalungkot
C. magpabasa
D. magtanghal
4. Ang pagbibigay kahulugan ng salita ay nasa literal na pamamaraan.
A. Kasingkahulugan
B. Kasalungat
C. Denotatibo
D. Konotatibo
5. Ito ay pansariling pagbibigay kahulugan ng isang tao o pangkat iba sa
pangkaraniwang kahulugan.
A. Kasingkahulugan
B. Kasalungat
C. Denotatibo
D. Konotatibo
6. Ang pamahalaan ay nagsulong ng batas upang ipatupad at sundin ng mga
Pilipino. Ang kasingkahulugan ng salitang nagsulong ay_________________.
A. bumawi C. itinakda
B. kumilala D. lumikha
7. Ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa bilang 6 ay________________.
A. tumalikod C. sumunod
B. umurong D. bumatikos
8. Mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaan at ng batas ang hindi pagsusuot ng
mask. Ang kahulugan ng pangungusap ay nasa anyong________________.
A. Konotatibo C. Denotatibo
B. Kasingkahulugan D. Kasalungat
9. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay magpapatupad ng online learning. Ang
Denotatibong kahulugan ng “online learning” ay__________________.
A. magpapasok sa mga paaralan
B. kumuha ng maraming guro
C. ipahinto ang pag-aaral
D. paggamit ng computer, laptop, tablet o smartphone gamit ang internet sa
pag-aaral
10.Inaasahan na magiging matalas ang pag-iisip ng mga Pilipino upang unawain
ang epekto ng pandemya sa bansa. Ang may salungguhit na parirala
ay_________.
A. denotatibo C. kasingkahulugan
B. konotatibo D. kasalungat

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Panuto: Bilang mag-aaral magbigay ka ng dalawang pangungusap na nasa


positibong paraan tungkol sa “Edukasyon sa Kasalukuyan ng Bansa”.
Gamitin mo sa pangungusap ang pagbibigay kahulugan sa paraan
Denotatibo at Konotatibo. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

SANGGUNIAN
https://www.slideshare.net/cherryosteria/maikling-kasaysayan-ng-dula
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-amerikano.html )
https://pdfslide.net/documents/panitikan-sa-panahon-ng-amerikano.html
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/konotasyon-at-denotasyon
https://quizlet.com/146294748/mga-halimbawa-ng-detonasyon-at-konotasyon-
flashcards/ http://hayzkul.blogspot.com/2015/06/mga-halimbawa-ng-detonasyon-
at.html https://www.youtube.com/watch?reload=9&v=XinXGS1aF8Q
https://www.youtube.com/watch?v=k4lOO6ybbtU
https://prezi.com/mmwfxvtpk67d/group-5-kasingkahulugan-atkasalungat/https://
pinterest .comBum ubuo sa pagsul

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamahala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph.D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed.D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Ma. Jeremia D. Nuňez, MT I

Manunulat: Rowena Paras- Maunio, MT I


Ilustrador: Rowena Paras- Maunio, MT I
Tagalapat: Evangeline P. De Leon, HT VI

Susi sa Pagwawasto
Unang Pagsubok
1. A
2. D
3. C 4. C
5. B
Maikling Pagpapakilala sa aralin
Pahayag na nabuo : maraming tao; walang tao
Gawain 1
A.
1. Kasingkahulugan: pagsagot/Kasalungat: pag-iwas, di-pagsagot
2. Kasingkahulugan: natitira, iilan/ Kasalungat: marami, nabibilang
3. Kasingkahulugan: magpakamatay/ Kasalungat: mabuhay
4. Kasingkahulugan: sinabi, inamin/ Kasalungat: itinanggi, itinago
5. Kasingkahulugan: nasa, nais, ibig/ Kasalungat: ayaw
B. Tenyong- mapagmahal, matalino
Julia – mapagmahal, masunurin
Miguel – mayaman, pangahas
Gawain 2
1. matalas ang isipan
2. Kumukulo ang tubig
3. Butas ang bulsa
4. Nagbunga ang pinahirapan 5. May sayad ang taong iyan
Pangwakas na Pagsusulit
1. C
2. C
3. D
4. C
5. D
6. D
7. B
8. C
9. D
10. B

You might also like