You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
Division of Rizal
District of Tanay II

ALDEA NATIONAL HIGH SCHOOL


Southville 10, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal

Filipino 8
Paggamit ng
Iba’t Ibang Pahayag

Kasanayang Pampagkatuto:
• Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon
at saloobin kaugnay ng akdang tinalakay,
• Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa pagsulat ng
sanaysay.

PAANO

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang
malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan
kung may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong
malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-
araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin Paggamit ng Iba’t Ibang Pahayag
3

INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:


• Naipaliliwanag nang maayos ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at
saloobin kaugnay ng akdang tinalakay,
• Nagagamit ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag sa pagsulat ng
sanaysay.

Alam mo bang maraming paraan sa pagpapahayag ng iyong pananaw, saloobin,


kuro-kuro, palagay at kaisipan?
Tuklasin kung hanggang saan ang iyong kaalaman sa iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag sa pagsagot mo sa ating unang pagsubok.

PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa
kwaderno ang iyong sagot.

___ 1. Ito ay isang sangay ng panitikan na nasa anyo ng tuluyan na nagpapahayag


ng sariling kaisipan, kuru-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng
aral at aliw ng mambabasa.
A. maikling kuwento C. sanaysay
B. nobela D. tula
___ 2. Isang paraan ng pagpapahayag na may layuning magpaliwanag ng isang
kaisipan o isyu.
A. paglalahad C. pagsasalaysay B.
paglalarawan D.
pangangatuwiran
___ 3. Isang paraan ng pagpapahayag na may layuning ipakita ang kabuuang anyo
ng tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri.
A. paglalahad C. pagsasalaysay B.
paglalarawan D.
pangangatuwiran
___ 4. Isang paraan ng pagpapahayag na may layuning magkwento o maglahad ng
mga pangyayari
A. paglalahad C. pagsasalaysay B.
paglalarawan D.
pangangatuwiran
___ 5. Isang paraan ng pagpapahayag na may layuning umakit ng iba upang
pumanig sa isang isyu o paksa.
A. paglalahad C. pagsasalaysay
B. paglalarawan D. pangangatuwiran

3
BALIK-ARAL
Panuto: Basahin at unawain ang talata at pagkatapos ay sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.

Pagbasa sa Akda:

Ang panitikan ay isang uri ng pagpapahayag ng kaisipan, damdamin,


karanasan, hangarin at diwa ng tao. Noon pa man ay sinasalamin na ng
panitikang Pilipino ang mga pagpapahayag na may kaugnayan sa kultura,
kasaysayan at kapaligiran.
Sa pagsulat ng anumang uri ng panitikan, lalo na sa akdang tuluyan na
sanaysay, napakahalaga ang malinaw na pagsusuri sa paraan ng pagpapahayag
na ginamit ng may-akda upang malinaw na maisiwalat ng tao ang kanyang mga
nasasaloob, paniniwala at kaisipan. Nakatutulong din ang mabisang
pagpapahayag upang mailarawan at maisalaysay ang mga pangyayari,
maunawaan ang mahahalagang kaisipan ng isang isyu o paksa at makahikayat sa
mga bumabasa o nakikinig.
Kung hindi magiging malinaw ang pamamaraang ginamit sa pagpapahayag,
tiyak na hindi magkakaroon ng pagkakaunawaan sa nilalaman, kaisipan,
mensahe at aral na ibinabahagi ng sanaysay.

1. Gawain Batay sa binasa, bakit mahalagang pag-aralan ang


Panitikang Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

2. Bakit mahalaga ang malinaw at mabisang pagpapahayag sa panitikan, lalo na


sa sanaysay? Ipaliwanag ang sagot.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

PAGPAPAKILALA SA ARALIN

Suriin ang mga larawan sa susunod na pahina at tukuyin kung anong uri
ng pagpapahayag ang ginamit sa bawat larawan sa pamamagitan ng pag-aayos ng
ginulong letra. Isulat sa kwaderno ang inyong kasagutan.
4
1. HLAADALPAG
https://www.facebook.com/reeltimegmanewstv11/photos/a.2 2https://www.facebook.com/reeltimegmanewstv11/photos/a.2
. WIRPANGATUANNGA
85088244855703/3174129035951595 85088244855703/3164889816875517/?type=3

https://www.deped.gov.ph/covid19
-media-materials/ https://www.facebook.com/reeltimegmanewstv11/photos/a.28508

3. RAWPLAANAGLA 4. GSALSAAYPAASY

Mamili ng isa sa mga larawang nasa itaas. Ipahayag kung paano nakatutulong sa iyo ang
mga larawan upang magkaroon ng kaalaman ngayong dumaranas ang bansa ng pandemya.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5
Ang mga nabanggit ay ang apat na uri ng pagpapahayag na kadalasang ginagamit
sa sanaysay. Ano nga ba ang sanaysay? Ano ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag?

Ang SANAYSAY ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na ipinahahayag


ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at
aliw ng mambabasa. May dalawang uri ito: Pormal na sanaysay na kadalasang
ang himig ay seryoso at gumagamit ng maingat na pananalita na tumatalakay sa
mabibigat na isyu o paksa. At impormal na sanaysay na ang himig ay parang
nakikipag-usap sa isang kaibigan na ang paksa ay karaniwan o pang-araw-araw
lamang.

Narito ang mga PARAAN NG PAGPAPAHAYAG na ginagamit sa pagsulat ng


sanaysay:
PAGLALAHAD - Ang paglalahad ay may layuning mag-isa-isa at magpaliwanag ng
isang isyu o paksa.
Hal: Ang pagsunod sa mga batas ay mahalaga sa pagpapanatili ng kaayusan
ng bansa.
PAGLALARAWAN- Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang kabuuang anyo ng
tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri. Hal: Ang
mga Pilipino ay tunay na maawain, mapagmalasakit ng kaniyang kapwa at
matulungin lalo na sa oras ng kalamidad at trahedya.
PAGSASALAYSAY- - Layunin nitong magkwento o maglahad ng mga pangyayari
Hal: Araw-araw na nagbibigay ng libreng sakay sa mga health worker,
bumibili ng pagkain at gamot ang pedicab driver na si Jose. Para sa kanya,
mahalaga ang tumulong sa kanyang kapwa.
PANGANGATUWIRAN – Layunin nitong umakit o makapanghikayat ng mambabasa
na pumanig sa isang isyu o paksa
Hal. Ang pagsugpo ng pandemya ay nangangailangan ng kooperasyon ng
lahat kaya naman, tayo nang magtulungan!

Gawain 1
Gawain 1

Panuto: Basahin at unawain ang sanaysay na nasa ibaba.

Positibo Ako
ni Katrina Paula B. Catugas

Napakahaba ng aking mga araw. Nakahiga lamang ako habang nakatingin


sa puting kisame ng silid na kahapon ko lamang binahayan. Iba-iba ang aking
naririnig na nangagagaling mula sa katabing silid. May umuubo na animo'y kahol
ng aso, may impit na iyak at bahaw na tinig na tila kinakapos sa paghinga at may
mga kaluskos ng mga taong nakaputi na halinhinan sa pagtingin at pagsusuri sa
mga tulad ko na nakaratay sa silid na ito. Mag-isa lang ako. Sabi nila, bawal
akong dalawin. Nakahahawa daw ako, kaya ang lahat ng mga taong nakaputi ay
nababalutan ng tela na ang tangi kong nakikita ay matang nakasilip sa lente ng
salamin.

6
Sabi ng isang nakaputi na isa palang doktor, positibo raw ako sa
“coronavirus”. Isang nakahahawang sakit na hindi ko alam kung saan, paano at
kanino ko nakuha. Ang alam ko lang, pumunta ako sa isang grocery store upang
mamili ng mga pagkain dahil nag-anunsyo ang Pangulo na magkakaroon ng
lockdown. Matagal ako bago nakauwi sa bahay dahil sa haba ng pila ng mga taong
dumagsa pagkarinig ng balita. Dahil sa pagod ng matagal na pagpila, nakatulog
ako pagkalapag ng aking mga pinamili.
Nagising akong inaapoy ng lagnat. Inakala ko noong una na simple lang
itong trangkaso. Hanggang sa hindi na ako pinatulog ng aking ubo at sipon.
Namalayan ko na lamang na isinugod na pala ako sa malapit na ospital. Ngayon
nga ay nakikinig sa sintensya ng doktor– positibo.
Isa ako na nahawaan ng sakit na “2019 Novel Coronavirus Acute
Respiratory Disease o 2019-nCoV ARD”. Isang nakahahawang sakit na dulot ng
bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay
makararanas ng mga sintomas na tulad ng lagnat, pag-ubo at labis na pagdumi.
Iba-iba ang epekto nito sa mga tao ngunit kadalasang nakakararanas ng higit na
malubhang sakit ang matatanda at mga may dati nang karamdaman.
Disyembre ng taong 2019 unang narinig ang sakit na ito sa bansang Tsina
hanggang sa kumalat na sa iba’t ibang panig ng mundo. Isang buwan ang
nakalipas nang kinumpirma ng World Health Organization na ang 2019-nCoV ay
naipapasa tao sa tao. Ngunit wala pang sapat na ebidensyang nagpapatunay sa
bagsik at bilis ng pagkahawa nito. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring
natutuklasang gamot na maaaring makalunas sa epidemyang ito. Patunay lamang
ang iba’t ibang gamot na tinuturok nila sa akin upang bumuti ang aking
kalagayan.
Sinabi ng doktor na naiwasan ko sana ang sakit na ito kung naghugas ako
ng aking kamay pagkagaling ko sa labas ng bahay. Namamatay ang mga virus na
maaaring nasa kontaminadong kamay sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol.
Ayon pa sa doktor, dapat ay iniwasan ko ang paghawak sa aking mata, ilong
at bibig. Maraming hinahawakan ang ating kamay at maaari itong makakuha ng
mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at
bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. Kaya naman
napakahalaga ang paggamit ng face mask lalo na kapag pumupunta sa
pampublikong lugar. Mahalaga ring sumunod sa tamang paraan ng pag-ubo na
maaring gumamit ng tisyu, manggas ng suot na damit o loob ng siko at paglayo sa
mga tao kung uubo o babahing. Ang higit sa isang metrong pagitan sa bawat isa o
social distancing ay mahigpit na ipinatutupad ng publiko upang hindi na dumami
pa ang nagkakasakit nito. At higit sa lahat, ang pagpapanatili na malusog ang
pangangatawan upang lumakas ang resistensya at hindi agad mahawaan ng sakit.
Sa gitna ng nagaganap na pandemya, ang malinis, malakas at malusog na
pangangatawan ay magiging susi mo upang hindi mahawaan ng sakit na ito. Huli
ko man na itong narinig, ipinapanalangin ko na ikaw at ang iyong pamilya ay hindi
magsawalang-bahala sa iyong kalusugan at hindi maging positibo sa kahit na ano
pa mang sakit.
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay? Sa iyong palagay, ano kayang uri ito ng
sanaysay? Pangatuwiranan ang sagot.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ilarawan ang sitwasyon ng nagsasalita sa akda? Patunayan ang iyong sagot.


7
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Batay sa akda, isalaysay kung paano at saan kaya niya posibleng nakuha ang
sakit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Ano-anong mahahalagang kaisipan tungkol sa sakit ang iyong nalaman mula sa


binasang sanaysay? Sagutin ito sa pamamagitan ng grapikong paglalarawan na
nasa ibaba:

Kaisipan 1
Mahahalagang
Kaisipan
Kaisipan 2
Tungkol sa
2019-nCoV ARD
Kaisipan 3

5. Ano ang iyong sariling pananaw, opinyon at saloobin sa pahayag sa huling


talata ng sanaysay na: “Sa gitna ng nagaganap na pandemya, ang malinis,
malakas at malusog na pangangatawan ay magiging susi mo upang hindi
mahawaan ng sakit na ito.” Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 2

Sa bahaging ito ng gawain nais kong suriin mo ang


bawat talata sa binasang sanaysay at tukuyin ang uri ng
pagpapahayag na ginamit dito. Piliin sa loob ng kahon ang sagot. Isulat sa
kwaderno ang sagot.

Paglalahad Paglalarawan
Pagsasalaysay Pangangatuwiran

1. Iba-iba ang aking naririnig na nangagagaling mula sa katabing silid. May


umuubo na animo'y kahol ng aso, may impit na iyak at bahaw na tinig na tila

8
kinakapos sa paghinga at may mga kaluskos ng mga taong nakaputi na halinhinan
sa pagtingin at pagsusuri sa mga tulad ko na nakaratay sa silid na ito.
_______________________________________________________________________________

2. Pumunta ako sa isang grocery store upang mamili ng mga pagkain dahil
naganunsyo ang Pangulo na magkakaroon ng lockdown. Matagal ako bago
nakauwi sa bahay dahil sa haba ng pila ng mga taong dumagsa pagkarinig ng
balita. At dahil sa pagod ng matagal na pagpila, nakatulog ako pagkalapag ng
aking mga pinamili.
_______________________________________________________________________________

3. Ang 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o 2019-nCoV ARD


ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus.
________________________________________________________________________________
4. Mahalaga ring sumunod sa tamang paraan ng pag-ubo na maaring gumamit ng
tisyu, manggas ng suot na damit o loob ng siko at paglayo sa mga tao kung uubo o
babahing.
_________________________________________________________________________________

5. Sa gitna ng nagaganap na pandemya, ang malinis, malakas at malusog na


pangangatawan ay magiging susi mo upang hindi mahawaan ng sakit na ito.
_________________________________________________________________________________

TANDAAN

Sa pagsulat ng anumang uri ng panitikan, lalo na sa akdang tuluyan na


sanaysay, napakahalagang gamitin ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag upang
malinaw na maisiwalat ang kaisipan, opinyon, saloobin, kuru-kuro at pananaw sa
isang isyu o paksa. Ang paglalahad ay ginagamit upang maisa-isa at maipaliwanag
ang isang isyu o paksa; ang paglalarawan ay ginagamit upangipakita ang
kabuuang anyo ng tao, bagay o pook; ang pagsasalaysay ay ginagamit upang
maglahad ng pangyayari o magkuwento; at ang pangangatuwiran ay ginagamit
upang umakit o makapanghikayat ng mambabasa na pumanig sa isang isyu o
paksa.

PAG-AANALISA

Panuto: Basahin ang sanaysay na nasa tsart. Sagutin ito sa inyong kwderno batay
sa hinihingi ng mga sumusunod:
a. Isulat ang paraan ng pagpapahayag na ginamit sa nakasalungguhit na
pangungusap.
b. Ibigay ang pansariling kaisipan, pananaw, opinyon at saloobin kaugnay ng
akdang tinalakay

9
Bayanihan, Tatak- Pilipinong Isinasabuhay Ngayon
ni Katrina Paula B. Catugas
Isa sa katangi-tangi at tunay na (1) Paraan ng Pagpapahayag:
maipagmamalaki na kulturang Pilipino ang
bayanihan. Noon, ang konsepto ng pagbabayanihan
ay ang sama-sama at magkakapit-bisig na Sariling Kaisipan at Saloobin
pagtutulungan ng mga magkakapitbahay o
magkakabaranggay sa pagbuhat at paglipat ng isang
bahay, patungo sa bago nitong pwesto o lugar.
Ngunit sa ngayon, ang konsepto ng bayanihan ay
masasabing dinamiko at naaangkop sa hinihingi ng
panahon at sitwasyon.
Bibihira ka nang makakita ng sama-samang (2) Paraan ng Pagpapahayag:
pagbubuhat ng bahay sa kasalukuyan subalit ang
diwa ng bayanihan ay nananatili pa rin sa puso at
isipan ng mga Pilipino lalo na sa mga panahon ng Sariling Kaisipan at Saloobin
kalamidad, trahedya at pandemya. Ang pag-aabot ng
tulong sa ating mga kababayang Pilipino lalo na sa
panahon ngayon na nakararanas ng problemang
pangkalusugan dahil sa pandemya ay isang
halimbawa ng pagpapamalas ng diwa ng bayanihan.
Ang simpleng pangangalap, pagbibigay at
pamamahagi ng pagkain, gamot at iba pang
pangangailangan nang walang hinihintay na kapalit
ay nagpapakita lamang na sinasalamin pa rin natin
ang pagkakabuklod-buklod, mapayapang samahan,
sistema ng tulungan at pagiging mapanagutan sa
ating kapwa.

(3) Paraan ng Pagpapahayag:


Ikaw, kabataan nakatatak ba sa iyo ang
bayanihan? Magbago man ang panahon at maging
iba man ang sitwasyon o pagkakataon, maipakita at Sariling Kaisipan at Saloobin
maipadama mo sana ang malasakit at pagtulong ng
isang Pilipino.

PAGSUSULIT

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa
inyong kwaderno.

1. Kinakailangan upang maging malinaw na pagsisiwalat ng may-akda ng


sanaysay kaniyang saloobin, paniniwala at kaisipan.
A. kaalaman sa paksa C. paggamit ng iba’t ibang pahayag
B. kumpletong nilalaman D. makasining na pagsulat
2. Akdang pampanitikan na nagpapahayag ng sariling kaisipan, kuru-kuro,
saloobin at damdamin na kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
A. dula B. maikling kuwento C. sanaysay D. tula
3. Uri ng sanaysay na gumagamit ng mapitagang pananalita at obhektibong
pananaw sa isang mabibigat na isyu o paksa.
10
A. impormal B. makasining C. pormal D. salawikain
4. Uri ng sanaysay kung ang paksa ay tungkol sa iyong kinahihiligang online game
application na ang tonong ginamit ay parang nakikipag-usap sa isang kaibigan.
A. impormal B. makasining C. pormal D. salawikain
5. Ang paksang iyong isusulat sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay ay tungkol
sa programang Brigada Eskwela na nagpapaliwanag sa kahalagahan ng
pagtutulungan ng komunidad na matiyak ang kaligtasan at kalinisan ng inyong
paaralan. Anong uri ng pagpapahayag ang nararapat mong gamitin upang
maging epektibo ang susulating sanaysay?
A. paglalahad C. pangangatuwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay
6. Inatasan ka ng iyong guro na sumulat ng isang sanaysay na nagkukwento ng
mga pangyayaring naganap sa inyong komunidad kaugnay ng pagpapatupad
ng Enhanced Community Quarantine (ECQ), anong paraan ng pahayag
ang naangkop na gamitin mo?
A. paglalahad C. pangangatuwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay
7. Binigyan ka ng gawain na magsulat tungkol sa magagandang pasyalang lugar
sa Pilipinas. Anong uri ng pahayag ang naangkop mong gamitin upang
maitampok ang mga katangian ng magagandang tanawin sa bansa?
A. paglalahad C. pangangatuwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay
8. Paraan ng pagpapahayag na maaari mong gamitin kung nais mong
makahikayat ng iyong mambabasa sa iyong opinyon at paninindigan hinggil sa
pagsugpo ng pamahalaan sa illegal na droga.
A. paglalahad C. pangangatuwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay
9. Kinapanayam mo ang kapitan ng inyong barangay upang tukuyin at isa-isahing
ipaliwanag ang mahahalagang programa ng inyong baranggay upang matiyak
na ligtas sa banta ng epidemya. Anong paraan ng pagpapahayag ang maaari
mong gamitin kung susulat ka ng sanaysay tungkol dito?
A. paglalahad C. pangangatuwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay
10.Pinagsusulat ka ng iyong guro upang ikuwento ang inyong mga
pinagkakaabalahan sa loob ng bahay noong ECQ. Anong paraan ng
pagpapahayag ang naangkop mong gamitin para sa sanaysay na ito?
A. paglalahad C. pangangatuwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay

REPLEKTIBONG PAGKATUTO
Panuto: Magsulat ng sanaysay na may tatlo o higit pang talata tungkol sa
kaisipan o aral na iyong napagtanto at natutuhan ngayong nakararanas
ang ating bansa ng krisis sa kalusugan dulot ng pandemya. Gamitin ang
natutuhan sa iba’t ibang paraan ng pagpapahayag upang higit na maging
mabisa iyong sanaysay. Isulat sa kwaderno.
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/feather-pen-background-vector-4241522

11
______________________________
Pamagatng Sanaysay

____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________
________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

SANGGUNIAN
https://www.bitmoji.com
https://www.facebook.com/reeltimegmanewstv11/photos/a.285088244855703/31741290
35951595
https://www.facebook.com/reeltimegmanewstv11/photos/a.285088244855703/31648898
16875517/?type=3
https://www.deped.gov.ph/covid19-media-materials/
https://www.facebook.com/reeltimegmanewstv11/photos/a.285088244855703/31743213
45932364
https://www.vectorstock.com/royalty-free-vector/feather-pen-background-vector-4241522

12
Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok Pangwakas na Pagsusulit


1. B 1. C 2.
2. B C
3. D 3. C
4. D 4. A
5. A 5. A
6. D
7. B
8. C
9. A
10. D
Balik Tanaw
Gawain
1. Mahalagang pag-aralan ang panitikang Filipino dahil ipinahahayag nito ang kaisipan,
damdamin, karanasan, hangarin at diwa ng tao. Sumasalamin din ito sa kultura,
kasaysayan at kapaligiran
2. Mahalaga ang mabisang pagpapahayag upang
Maikling Pagpapakilala sa aralin
1. PAGLALAHAD
2. PANGANGATUWIRAN
3. PAGLALARAWAN
4. PAGSASALAYSAY
Gawain 1
1.Ang sanaysay ay tungkol sa karanasan ng may-akda at mahahalagang impormasyon sa
sakit na 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o 2019-nCoV ARD. Isa itong
impormal na sanaysay dahil ang pananalitang ginamit ay parang nakikipag-usap lamang
sa isang kaibigan.
2. Batay sa una hanggang ikatlong talata, masasabing ang nagsasalita ay naka-
quarantine dahil sa sakit na 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease o 2019-
nCoV ARD.
3. Nabanggit na hindi niya tiyak kung saan niya nakuha ang sakit. Ngunit isinalaysay
niya na siya ay lumabas ng bahay upang mamili sa grocery store at hindi nakapaglinis ng
katawan pagkatapos lumabas ng bahay.
4.
Isang uri ng nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Ang
mga kadalasang sintomas ay lagnat, ubo at labis na pagdudumi.

Mahahalagang Kumalat na sa iba't ibang panig ng mundo na unang narinig sa Tsina


Kaisipan Tungkol sa noong Disyembre 2019. Hindi malinaw kung saan ito nagmula at wala
2019-nCoV ARD pang lunas para rito.

Maaaring maiwasan na mahawaan at magkaroon ng sakit na ito kung


palagiang maghuhugas ng kamay,iwasang hawakan ng kamay ang mata,
ilong at bibig, sumunod sa tamang pag
-ubo, magsocial distancing at
panatihing malinis at malusog ang pangangatawan

5 (Sariling sagot ito ng mga mag-aaral)


Gawain 2
1. Paglalarawan
2. Pagsasalaysay
3. Paglalahad
4. Paglalahad
5. Pangangatuwiran Pag-alam sa Natutuhan
1. Paglalarawan
2. Paglalahad
3. Pangangatuwiran

13

You might also like