You are on page 1of 5

FILIPINO 11

Filipino sa Piling Larang (AKADEMIK)


ACTIVITY SHEET – Kwarter 2 Week 3

Pangalan: _________________________________ Baitang 11 _________________

Paksa: LAKBAY-SANAYSAY

ALAMIN
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto
Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS_FA11/12PT-0m-o-90)
Kasanayang Pampagkatuto
Inaasahan na sa katapusan ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay;
1. nakatutukoy ng mahahalagang konsepto ukol sa paggawa ng lakbay-sanaysay.
2. nakalilikha ng isang lakbay-sanaysay batay sa nillalaman ng aralin.
3. napahahalagahan ang lakbay-sanaysay bilang kasanayan sa akademikong pagsulat.

SUBUKIN
Gabay na katanungan:
Itatanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Anong lugar ang nais mong mapuntahan o mapasyalan?
2. Anong paraan ng transportasyon ang gagamitin mo upang mapuntahan iyo? Magkano ang aabutin
ng pamasahe?
3. Ano’ng iyong mga dadalhin?

Paunang Pagsusulit
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang titik “T”, kung ang pangungusap ay TAMA; kung may bahagi namang
mali sa pangungusap, isulat ang titik “M”.

1. Ang sanaysay ay akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuro-kuro o kaisipan ng


isang manunulat kaugnay ng kaniyang nakikita o naoobserbahan.
2. Kalimitang ginagamit ang patalinghagang salita sa mga impormal na sanaysay.
3. Ang lakbay-sanaysay ay nakasulat na tekstong naglalarawan at nagsasalaysay tungkol sa lugar, tao,
aktibidad at pagkain sa isang partikular na lugar.
4. Ang lakbay-sanaysay ay mapanuri o kritikal na uri ng sanaysay na tungkol sa mga naiisip ng
manunulat kaugnay ng kaniya nakikita o naoobserbahan.
5. Mas naglalahad at nagangatwiran ang lakbay-sanaysay kaysa nagsasalaysay at naglalarawan.

BALIKAN
Balik-Tanaw
Panuto: Alalahanin ang mga nakaraang aralin at sagutin ang mga katanungan. IIlagay ang sagot sa iyong
kwaderno. Iguhit ang larawan ng tseklist sa ibaba at doon ilagay ang iyong sagot.

1. Isa- isahin ang mga akademikong sulating natalakay na.


2. Ano- ano ang teknikal na pangangailan ng akademikong sulatin? Magbigay ng dalawang halimbawa.

Kasagutan sa tanong blg.3:


TUKLASIN
Ang lakbay- sanaysay o travelogue ay isang uri ng impormal na sanaysay nagsasaad ng sariling
damdamin, kuro-kuro o kaisipan ng isang manunulat kaugnay ng kaniyang nakikita o naoobserbahan sa
kaniyang paglalakbay. Ito ay isang akademikong teksto na nagsasalaysay at naglalarawan ng mga
karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar, nakasalamuhang tao, kultura, trasisyon, pamumuhay,
pagkain at maging ang kanyang mga naisip o napagtantong ideya sa perspektibo ng isang manlalakbay.
Dahil nga ito ay ukol sa karanasan ng manlalakbay, ito ay personal at subhektibo, kaya naman
karaniwang gumagamit ng unang panauhan katulad ng ‘ako’ at ‘kami’. Mayroon din itong panimula,
bahagi at wakas.
Ang layunin nito ay maitala ang karanasan ng manunulat at mailarawan ang kaniyang nararamdaman, at
natuklasan sa kaniyang paglalakbay.
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng lakbay-sanaysay

1. Magsaliksik. Ayon kay Dinty Moore (2017), kailangang maunawaan ng manunulat ang kultura ng
lugar na kaniyang tatalakayin.
2. Maging malikhain sa paggamit wika. Ang mahusay na lakbay-sanaysay ay kakikitaan ng maraming
pandiwa at pang-uri upang mailarawan at maikwento ang mga pangyayari.
3. Ang “ikaw bilang manunulat”. Ayon kay O’niel (2015), kailangang maging malinaw ang perspektibo
tungkol sa naranasan habang naglalakbay. Sumulat sa paraan maipapakita at maipaparanas ang sariling
karanasang nakikita bilang manlalakbay.
4. Ilahad ang mga reyalisasyon o natutuhan sa ginawang paglalakbay.
Ano ang mga natutuhan habang naglalakbay?
Paano nito nabago ang iyong pananaw sa lugar? Sa buhay?
Anong mga karadagdaang kaalaman ang iyong natamo sa paglalakbay?

SURIIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Pumili ng isang akdang halimbawa ng lakbay-sanaysay sa ibaba. Basahin ito at sagutin ang
kahingiang detalye sa mula sa napiling akda.
a.) Solo sa Oslo ni Will Ortiz
b.) Mga Pagsasanay sa Paggalugad sa Siyudad ni Eugene Evasco.

Punan ng detalye ang mga sumusunod:


A. Pamagat ng akda
_____________________________________
B. Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
Pangyayari 1: _____________________________________
Pangyayari 2: _____________________________________
Pangyayari 3: _____________________________________
Pangyayari 4: _____________________________________

2
Pangyayari 5: _____________________________________
C. Mga Lugar na pinuntahan
Lugar 1: __________________________________________
Paglalarawan: _____________________________________
Ginawa: __________________________________________

Lugar 2: __________________________________________
Paglalarawan: _____________________________________
Ginawa: __________________________________________

Lugar 3: __________________________________________
Paglalarawan: _____________________________________
Ginawa: __________________________________________
D. Mga Taong nakasalamuha
Tao 1: ____________________________________________
Katangian: ________________________________________
Tao 2: ____________________________________________
Katangian: ________________________________________
Tao 3: ____________________________________________
Katangian: ________________________________________
E. Mga Kinain
Pagkain 1: ______________________________
Paglalarawan: ____________________________________________

Pagkain 2: ______________________________
Paglalarawan: ____________________________________________
Pagkain 3: ______________________________
Paglalarawan: ____________________________________________
F. Mga Ideyang naisip o napagtanto ng awtor sa paglalakbay
Ideya 1: ____________________________________________
deya 1: ____________________________________________
deya 1: ____________________________________________

PAGYAMANIN
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Lumikha ng isang Venn diagram na nagpapakita ng pagkakapareho at pagkakaiba ng anyo ng
pagpapahayag na paglalarawan at pagsasalaysay.

ISAISIP
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Paano mailalapat ang kasanayan sa paglikha ng lakbay-sanaysay sa iba pang paraan at layunin ng
pakikipagtalastasan? Ipaliwanag.
ISAGAWA
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
(Lapat-Galing!)
Panuto: Bilang anak ng Laguna, paano mo maipagmamalaki ang iyong lugar, distrito, o bayan na
kinabibilangan? Sagutin ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang lakbay- sanaysay ukol sa iyong lugar o
bayan kung saan ka nakatira o nag- aaral. Isaalang-alang ang mga natalakay at halimbawang sulatin sa
pagbuo ng sariling lakbay-sanaysay.

3
TAYAHIN
Pagwakas na Pagsusulit
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang titik “T”, kung ang pangungusap ay TAMA; kung may bahagi namang
mali sa pangungusap, isulat ang titik “M”.
1. Hindi na kailangang maunawaan ng manunulat ang kultura ng lugar na kaniyang tatalakayin.
2. Ang lakbay- sanaysay ay kilala rin sa tawag na travelogue sa Ingles.
3. Mas naglalahad at nagangatwiran ang lakbay-sanaysay kaysa nagsasalaysay at naglalarawan.
4. Ang mahusay na lakbay-sanaysay ay kakikitaan ng maraming pandiwa at pang-uri upang mailarawan
at maikwento ang mga pangyayari.
5. Sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, marapat ding maglagay ng mga ideyang napagtanto mo sa
paglalakbay.

Sanggunian:

Kagawaran ng Edukasyon. (2016). Filipino sa Piling Larang (Akademik). Pasig City: DEPEd- BLR.

Maestro Valle Rey. (2019). Lakbay sanaysay – ang kahulugan at mga layunin. Nakuha sa
https://philnews.ph/2019/07/23/lakbay-sanaysay-kahulugan-layunin/

JolinaBarlam (2019). Kahulugan at katangian ng lakbay-sanaysay. Nakuha sa


https://www.slideshare.net/JolinaBarlam/lakbay-sanaysay-190360927

Tan, R. (2019). Kahulugan ng lakbay-sanaysay. Nakuha sa https://www.youtube.com/watch?


app=desktop&v=myppjYsrvio

Ziandykate. (n.d.). Ano ang katangian ng lakbay sanaysay. Nakuha sa https://brainly.ph/question/844810

Susi ng Pagwawasto:

SUBUKIN
Paunang Pagsusulit
Sagot: 1. T ; 2. M ; 3. T; 4.
M; 5. M
4

TAYAHIN
5

You might also like