You are on page 1of 8

METRO MANILA COLLEGE

U-Site Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City

BASIC EDUCATION DEPARTMENT
Senior High School (Grade 11)
S.Y. 2020 - 2021

AKADEMIKO

MODYUL 9

Lakbay Sanaysay
Bb. Stephanie P. Montero
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)
MODYUL 9
LAKBAY SANAYSAY

Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

a. Natitiyak ang mga elemento ng pinanood na programang pampaglalakbay

Simulan Natin!

Ang lakbay sanaysay ay tinatawag sa ingles na travel essay or travelogue na ngayon ay talamak
at nauuso sa panahon na tinawatawag na millenials. Ang sanaysay na ito ay kadalasang naglalaman
at nagtatala ng mga karanasan ng may-akda sa paglalakbay, pagsasaliksik, at pagtuklas ng isang lugar.

Sa araling ito, tatalakayin ang lakbay sanaysay mga dahilan kung bakit ito isinusulat at
isinasagawa. Inaasahan sa araling ito na makabubuo o makakasulat ng isang maganda at kaakit-akit
na lakbay sanaysay gamit ang mga gabay sa pagsulat at pagbuo nito.

Tandaan Mo!
Basahin at Suriin Natin!

A. ANG PAGLALAKBAY AT ANG PAGSULAT

Mula sa mga positibong pag-aaral at karanasan sa paglalakbay humahalaw ang maraming

bahagi ng panitikan. Tiyak na madalas kang makapanood ng mga palabas sa telebisyon sa estilong
travelogue. Ang travelogue ay maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas sa telebisyon o ano mang
bahagi ng panitikan na nagpapakita at nagdodokumento sa iba’t ibang lugar na binisita at mga
karanasan ditto ang isang turista at dokumentarista.

Kasabay ng paglaganap ng social media, lumaganap na rin ang travel blogging. Sa

pamamagitang ng mga travel blog, nabibigyan ng ideya ang mga manlalakbay kung ano ang aasahang
Makita, mabisita, madanas at makain sa isang lugar. Ang ibang travel blog ay nagbibigay rin ng ideya
sa posibleng iteneraryo o iskedyul ng pamamasyal sa bawat araw ng byahe at ang posibleng magiging
gastos sa bawat aktibidad. Malaki ang naitutulong ng mga travel blog para sa mga taong nagpaplano
pa lamang ng kanilang bakasyon.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

Maraming tao ang hindi na lamang bumibyahe bilang turista kundi nagsususlat na rin tungkol
sa kanilang mga karanasan sa isang lugar at kabuuan ng paglalakbay. Maging ang mga propesyonal
na manunulat ay gumagamit sa kanilang kakayahan upang makalibot sa daigdig, at kasabay nito ay
kumita mula rito. Ang layunin ng pagsulat tungkol sa isang paglalakbay ay makapagbigay ng malalim
na insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang destinasyon. Sa ganitong uri ng pagsulat, kailangang
mahikayat ang mga mambabasa na danasin at bisitahin din ang lugar na iyong sinusulat. Marami na
ring kurso sa pagsulat tungkol sa paglalakbay na magbibigay sa iyo ng malalim na pag-unawa kung
paanong bumuo ng mga ideya at propesyonal na artikulo at kung paano itong ibebenta sa merkado.

Nagbigay si Dinty Moore (2013) ng mga payo kung paanong epektibong makapagsusulat habang
naglalakbay.

1. Magsaliksik. Magsaliksik at magbasa nang malalim tungkol sa iyong destinasyon bago

dumating sa lugar. Huwag lamang magpakupot sa mga guidebook, bagkus ay unawain ang
kasaysayan, ekonomiya, kultura, agrikultura, pagkain, relihiyon, at mga paniniwala sa isang
lugar. Sa pamamagitan nito, ayon kay Moore (2013), mas mauunawaan mo ang mga kakaibang
bahagi ng kultural na praktis at ang konteksto nito habang naglalakbay.

2. Mag-isip nang labas pa sa ordinaryo. Kadalasang makikita sa mga guidebook ang listahan
ng mga hotel, kainan na pwede mong puntahan o mga aktibidad na pwede mong gawin. Ngunit,
bilang isang mananaysay, kailangan mong magpakita ng mas malalim na anggulong hindi basta
namamalas ng mata. Kailangan mong magkwento ng karanasan, humanap ng malalim na
kahulugan at mailarawan ang lahat ng ito sa malikhaing paraan.

3. Maging isang manunulat. Magkaiba ang manunulat ng paglalakbay sa isang turista. Nasa
bakasyon ang isang turista habang may mas malalim na tungkulin at layunin sa paglalakbay ang
isang manunulat. Para sa epektibong pagsulat, makabubuti ang pagkuha ng larawan at mga
tala sa mga bagay na naoobserbahan at naririnig mo.

B. MGA BAGAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY

Nagbigay rin si Moore (2013) ng mga gabay sa pagpili ng paksa at pagsulat ng Lakbay-Sanaysay.

1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng

paksang isusulat. Halimbawa, kung nasa probinsya ka, maaaring humanap ng isang sakahan o
linangan na nagmamanupaktyur ng gatas o keso. Kung sa urban, maaari mong maging karanasan ang
ingay ng Maynila sa gabi o kung sa mga espesyal na pagdiriwang.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang. Kailangang
malalim at malawak ang pagdanas sa karanasan sa isang lugar upang maging malalim din ang insight
na maaaring ibigay sa sanaysay.

3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay. Malaki ang adbentahe mo kung
nauunawaan mo at nagagamit ang wika ng lokalidad, ngunit kung hindi, maaari kang makipagkaibigan
sa isang local na nakakaunawa ng Filipono o Ingles upang lubos mong maunawaan ang paraan ng
pamumuhay sa isang lugar.

4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan. Ibinigay na halimbawa ni

Moore (2013) si Pico Iyer, awtor ng The Global Soul: Jet Lag, Shopping Malls, and the Search for Home.
Sa antolohiya ng kanyang Lakbay-Sanaysay sa Tsina, inilalarawan ni Iyer ang mga napaka-ordinaryong
karanasan gaya obserbasyon sa kultura ng airport at eksplosyon sa pinakamalaking kainan ng Kentucky
Fried Chicken (KFC) na matatagpuan sa Tiananmen Square, malapit sa musoleo ni Mao Tse Tung. Ang
simpleng paglalarawan ay nagbibigay ng mabigat na insight, basta’t nasasapol ng isang manunulat ang
tamang anggulo. Huwag piliting isulat ang mga madalas nang nakikita sa postcard ng mga turista.

5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positive at puno ng kaligayahan. Kung habang naglalakbay

ay nabiktima ka ng pagnanakaw o panloloko, isulat mo kung ano ang naramdaman mo tungkol dito.

6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na binisita matitikman at

pag-aralang lutuin ito. Maaaring magpaturo sa mga local na makikilala sa lugar para sa layuning
ito.

7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliliit na pook-sambahan

ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan ng pananampalataya
rito. Ito ang hindi madalas nababasa sa mga aklat at iba pang babasahin, kung kaya ito ang
magandang maging paksa ng isang mag-aaral.

8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay. Ibang-iba ang kalalabasan

ng isang Lakbay-Sanaysay na isinulat ng isang guro, sa isinulat ng isang mag-aaral.

Ngayong nauunawaan mo na ang katangian at mga gabay sa pagsulat ng isang Lakbay-Sanaysay,

suriin mo ang isang halimbawang tekstong sinulat ng batikang mananaysay at makatang Kinaray-a
tungkol sa kanilang pamimili at pakikipagtawaran sa Jakarta, Indonesia kasama ang Pambansang
Alagad ng Sining sa Panitikan, si Virgilio Almario.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

Kayang kaya Mo!

Gawain 1:

A. Panuto: Mayroon ka bang lugar na nais puntahan o ang tinatawag na dream destination? Ano
ano ang katangian na hinahanap mo sa isang lugar? Ilista mo ang tatlong lugar na nais mong
mapuntahan at magbigay ng sariling paliwanag kung bakit mo ito nais bisitahin.
1. __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

B. Sumulat ng maikling lakbay sanaysay tungkol sa iyong pinakahuling bakasyon. Gamitin ang mga
natutunang gabay sa pagsulat ng lakbay sanaysay.

_________________________________________________________

Gawain 2:

A. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa ibaba.

1. Ano ano ang kailangang iwasan sa pagsulat ng lakbay sanaysay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Anong impormasyon ang kailangang ilahok ng mananaysay sa pagsulat ng isang lakbay

sanaysay? Ano ang kailangang isantabi?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, paano magiging interasado ang isang mambabasa sa isang sulating lakbay
sanaysay?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

B. Humanap sa internet ng isang travel documentary o segment ng ano mang palabas sa telebisyon
tungkol sa paglalakbay sa ano mang lugar. Matapos panoorin suriin ang blog isulat sa loob ng
kahon ang iyong natuklasan at ibahagi ninyo sa buong klase pagkatapos.

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

Sanggunian:

Bernales, R., Ravina, E.& Pascual, M.E. (2017) Filipino sa Larangan Akademiko. Mutya Publishing
House. Inc: Malabon City, Philippines

Acopra, J., Catipon, L., Lazaro, N., Enrile, A., Armendares, J., Zagado, T., Guttan, O., Soriano, M.,
Paulmitan, M., Ruiz, M., Barrios, N & Mercado, M. (2016) Akademikong Filipino sa Piling Larangan.
Mindshapes Co. Inc: Intramuros, Manila City, Philippines

Evasco, E.& Ortiz, W. (2017) Filipino Pagbasa at Pagsulat sa Piling Larangan Akademiko. C & E
Publishing House. Inc: South Triangle Quezon City, Philippines

Philippines Tuorist Spot Cover Photo: retrieved from:

https://www.google.com/url?sa=i&url=https%3A%2F%2Fwww.lonelyplanet.com%2Fphilippines%2Ft
ours%2F11-days-in-philippines-cebu-bohol-camiguin-palawan-el-nido%2Fa%2Fpa-tou%2Fv-
46504P27%2F357304&psig=AOvVaw3dPMP71ebhMGFut-
TgK4kb&ust=1597587264073000&source=images&cd=vfe&ved=0CAIQjRxqFwoTCJi63dOynesCFQAA
AAAdAAAAABAJ6

FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIKO)

You might also like