You are on page 1of 37

LAKBAY

SANAYSAY
FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)

Bb. MERLYN R. VILLAR, LPT


Guro sa Filipino
PANIMULANG
GAWAIN
Ayusin ang mga magkakahalong titik upang
matukoy ang wastong sagot sa bawat tanong.
1. ANNASAAKR KARANASAN
Ito ay ang kaalaman ng
isang taong nakukuha sa
pamamagitan ng paggawa
ng isang bagay o gawain.
2. LAGBYAPLKAAPAGLALAKBAY
Ito ay laging kinapapalooban ng mayamang
karanasan at punumpuno ng masasayang
pangyayari, pagkamangha o paghanga sa
magagandang lugar na unang
napuntahan , mga alaalang magiging
bahagi ng buhay ng isang manlalakbay.
3.
PAGTATALA
ATALTAGAP
Isang paraan ng
manunulat na maibahagi
ang karanasan at
kasiyahan sa paglalakbay.
4. BYAKLA SAYNASYA
LAKBAY SANAYSAY
Uri ng lathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga
naging karanasan sa paglalakbay.
5. WARLANA LARAWAN
Isa sa mga dapat taglayin sa
pagsulat ng lakbay sanaysay
na kung saan nilalagyan ng
maikling deskripsyon.
LAYUNIN
Matapos ang aralin, inaasahan ang mga mag-aaral na:
• Natatalakay ang mahahalagang
katangian ng lakbay sanaysay;
• Natutukoy ang mga hakbang sa
pagsulat ng lakbay sanaysay;
• Nakasusulat ng lakbay sanaysay
batay sa karanasan ng paglalakbay.
KAHULUGAN
NG LAKBAY
SANAYSAY
LAKBAY SANAYSAY
Ito ay tinatawag ding travel essay
o travelogue. Ito ay isang uri ng
lathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga
karanasan sa paglalakbay.
LAKBAY SANAYSAY
Ito ay isinusulat gamit ang unang
panauhan (ako, kami, tayo).
Tinatawag namang delimitasyon ang
pagtukoy sa isang paksa upang
matiyak ang sakop ng nilalaman ng
lakbay sanaysay.
TRAVELOGUE
Nagdodokumento ng iba’t ibang lugar
na binisita at mga karanasan ng
isang turista o dokumentarista.

DOKYU PELIKULA TV SERIES


TRAVEL BLOG
Gamit ang internet,
nabibigyan na ng ideya ang
mga manlalakbay ng
posibleng gastos at
iteneraryo o kung ano ang
aasahang makita, mabisita,
at makain sa isang lugar.
TURISTA V MANLALAKBAY

nagpupunta sa isang S sinisikap maunawaan


ang kultura,
lugar upang maglibang,
kasaysaysan,
magliwaliw at makita ang
heograpiya, hanapbuhay,
magandang tanawin,
pagkain at uri ng pang-
mga gusali, at iba’t
araw-araw na
ibang lugar
pamumuhay ng lokal
HAKBANG SA
EPEKTIBONG
PAGSUSULAT
HABANG
NAGLALAKBAY
1. MAGSALIKSIK
• Magbasa nang malalim tungkol sa
iyong destinasyon bago dumating sa
lugar. Huwag lamang umasa sa
guidebook, bagkus ay unawain ang
kasaysayan, ekonomiya, kultura,
agrikultura, pagkain, relihiyon at mga
paniniwala ng isang lugar.
1. MAGSALIKSIK
• Sa pamamagitan nito, mas
mauunawaan mo ang kakaibang
bahagi ng kultural na praktis at
konteksto nito habang
naglalakbay. (Moore, 2013)
2. MAG-ISIP NANG LABAS SA ORDINARYO
• Kadalasang makikita sa mga guidebook ang
listahan ng mga hotel at kainan o mga aktibidad
na pwedeng gawin. Ngunit kailangan mong
magpakita ng mas malalim na anggulong hindi
basta namamalas ng mata. Kailangan mong
magkwento ng karanasan, humanap ng
malalim na kahulugan at mailarawan ang
lahat ng ito sa malikhaing paraan.
3. MAGING ISANG MANUNULAT
• Magkaiba ang manunulat ng paglalakbay sa
isang turista. Nasa bakasyon ang isang turista
habang mas may malalim na tungkulin at
layunin sa paglalakbay ang isang
manunulat. Para sa epektibong pagsulat,
nakabubuti ang pagkuha ng larawan at mga
tala sa mga bagay na naoobserbahan at
naririnig.
MGA BAHAGI
NG LAKBAY
SANAYSAY
SIMULA
• Ito ang pinakamahalagang bahagi
dahil dito inaasahan kung
ipagpatuloy ng mambabasa sa
kanyang binabasang sulatin. Dapat
makuha ng akda ang atensyon at
damdamin ng mambabasa.
GITNA
• Dito mababasa ang mga mahalagang
puntos o ideya ukol sa paksang pinili at
sinulat ng may-akda. Dito rin natin
malalaman ang buong puntos dahil
ipinaliliwanag nang maayos at mabuti
ang paksang pinag-uusapan o
binibigyang pansin.
WAKAS
• Sa bahaging ito isinasara ng akda
ang paksang nagaganap sa gitna
o katawan ng isinulat niya. Dito rin
inilalahad ang mga realisasyon o
mga natutuhan sa ginawang
paglalakbay.
MGA GABAY
SA PAGSULAT NG
LAKBAY SANAYSAY
MOORE (2013)
1. Hindi kailangang pumunta sa ibang
bansa o malayong lugar upang
makahanap ng paksang isusulat.
2. Huwag piliting pasyalan ang
napakaraming lugar sa iilang araw
lamang.
3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao
sa iyong sanaysay.
4. Huwag limitahan ang sarili sa mga
normal na atraksyon at pasyalan.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay
positibo at puno ng kaligayahan.
6. Alamin mo ang mga natatanging
pagkain na sa lugar lamang na binisita
matitikman at pag-aralang lutuin ito.
HALIMBAWA
NG LAKBAY
SANAYSAY
https://galalakbaylakad.wordpress.com/category/lakbay-sanaysay/
Bakit kailangang
Paano nakapagbibigay
magkaroon ng kaisipang
ng bagong sigla sa isip
manlalakbay sa halip
ang paglalakbay?
na isang turista?

Bakit mahalagang ilahad


ang mga realisasyon sa
ginawang paglalakbay?
PAGTATAYA
Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat tanong.
1. Ito ay isang uri ng lathalaing
ang pangunahing layunin ay
maitala ang mga karanasan sa
paglalakbay.
a. sanaysay c. lakbay sanaysay
b. nobela d. pagsulat ng iskrip
2. Ang mga sumusunod ay
konsepto ng sanaylakbay
maliban sa isa.
a. pasalaysay c. sanaysay
b. sanay d. lakbay
3. Isa sa mga dapat taglayin sa
pagsulat ng lakbay sanaysay na
kung saan nilalagyan ng maikling
deskripsyon.
a. dyornal c. sanaysay
b. larawan d. blog
4. Sa bahaging ito inilalahad ang
mga realisasyon o mga
natutuhan sa ginawang
paglalakbay.
a. simula c. wakas
b. gitna d. simula at gitna
5. Hakbang kung saan
kinakailangang magbasa nang
malalim tungkol sa iyong
destinasyon bago dumating sa
lugar.
a. magsaliksik c. maging manunulat
b. mag-isip nang unique d. maging turista
SUSI SA PAGWAWASTO

1. C
2. B
3. B
4. C
5. A
PT2: LAKBAY SANAYSAY
Sumulat ng isang lakbay sanaysay tungkol sa isang
lugar na iyong napuntahan na o nais puntahan.
Sa lugar na nais puntahan, maaaring magsaliksik ng
mga impormasyon tungkol dito. I-attach ang larawan ng
lugar na iyong napuntahan o nais puntahan. Gamiting gabay
ang mga tinalakay tungkol sa pagsulat ng lakbay sanaysay.
Bigyan ito ng malikhaing pamagat.
MGA
PAMANTAYAN
SA PAGGAWA
NG LAKBAY
SANAYSAY

You might also like