You are on page 1of 2

Pictorial Essay

Isang uri ng sulating kinapapalooban ng mga larawan na nagbibigay ng malinaw


na pagpapakahulugan sa tekstong isinulat ng may-akda. Isang anyo ng sining na
nagpapahayag ng kahulugan sa pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang
sinusundan ng kapsyon kada larawan. Maaari itong maging isang mabisang paraan
upang lumikha ng isang personal na mensahe. Ang mga larawan ay nakasaayos
ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at layunin nitong magsalaysay o
magkwento.
Ang pictorial essay isang uri ng sulatin kung saan ginagamit ng may akda ang mga
litrato na nagbibigay kulay o kahulugan, kaalinsabay ng mga teksto, sa mga
paglalahad o pagbibigay diskusyon sa isang usapin o isyu.Kadalasan din na walang
teksto ito at purong litrato lamang ang ginagamit upang magbigay ng imahe at
makapagbigay ng kahulugan sa isang paksa.

Katangian
 Organisado at may makabuluhang pagpapahayag sa litrato na may 3-5na
pangungusap.
 Ito ay kadalasang personal, simple at epeketibo.
 Gumagamit ng mga teknik sa pagsasalaysay katulad ng iba pang uri ng
sanaysay
 Malinaw ang pahayag sa unang tingin palang

LAKBAY SANAYSAY
Isang sulating naglalahad ng karanasan sa paglalakbay. Maaaring nasa estilo ng
travelogue. Ang travelogue ay maaaring pelikula, palabas sa telebisyon o anumang
bahagi ng panitikan na nagdodokumento ng iba’t ibang lugar. Sa paglaganap ng
social media, nagkaroon na rin ng travel vlog upang mabigyan ng ideya ang mga
manlalakbay sa aasahang makita at maranasan sa isang lugar.
Tinatawag din itong travel essay; isang uri ng lathalain na pangunahing layunin ay
maitala ang mga nagiging karanasan sa paglalakbay. Ayon kay Nonon Carandang,
ito ay ‘SanayLakbay’ ang terminolohiya. Ito ay binubuo ng 3 konsepto; Sanaysay,
Sanay at Lakbay. Ito aniya ang epektibong pormat ng sulatin upang maitala ang
karanasan sa paglalakbay.

GABAY SA LAKBAY SANAYSAY NI MOORE


1. Hindi kailangang pumunta sa malayong lugar para makaisip ng paksang isusulat
2. Huwag piloting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lang
3. Ipakita ang kuwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay
4. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at masaya kaya’t maging mapagpasensya
at disiplinado
5. Huwag ipilit isulat ang nakikita sa postcard. Mas mahalaga na makuha ang
tamang anggulo sa pagsulat
6. Alamin ang mga natatanging pagkain sa lugar na binisita
7. isulat/isalaysay ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.

4 NA DAHILAN SA PAGSULAT/PAGLIKHA NG LAKBAY SANAYSAY


NI CARANDANG
1. Itaguyod ang isang lugar at kumite sa pagsusulat/ paglikha
2. Layuning makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay
3. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay; espiritwalidad, pagpapahilom,
pagtuklas sa sarili
4. Maidokumento ang kasaysayan, kultura, heograpiya ng lugar sa malikhaing
paraan

Kahalagahan ng LAKBAY SANAYSAY


1. Paraan upang maibahagi ang nagging karanasan ukol sa ating paglalakbay
2. Mapukaw ang tao sa realidad
3. Magbahagi ng malalim na pananaw at kakaibang anggulo tungkol sa isang
destinasyon
4. Maipakilala ang lugar na itinampok sa paglalakbay
5. Magkaroon ng kaalaman ang mambabasa at manunulat ukol sa lugar
na inilalarawan o inilalahad ng sanaysay
6. Mapahalagahan ang lugar, kultura na tinalakay
7. Nagbubukas kaalaman sa bawat manlalakbay, nagbibigay daan sa turismo para
sa mga oportunidad; sa naninirahan at mga dayuhan
8. Nagdadala ng damdaming pagpapahalaga at respeto sa kalikasang likha ng
Diyos

You might also like