You are on page 1of 4

Grade 12 – Cicero

GROUP 7: WRITTEN REPORT

Aralin 7 : Pagsulat ng Lakbay Sanaysay – Lakbay Sanaysay

Kahulugan ng Lakbay Sanaysay


Ano nga ba ang Lakbay Sanaysay?
Ang isang lakbay-sanaysay, o travel essay sa Ingles, ay isang uri ng sanaysay na
karaniwang nagpapahayag ng karanasan o paglalakbay ng may-akda na kanyang nagawa sa
isang punto ng kanyang buhay.
Ito ay naglalarawan hindi lamang ng damdamin ng maglalakbay pati na rin ng mga
lugar na kanyang napuntahan kasama na dito ang mga tradisyon, kultura at mga tao.
Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat kung saan ito ay galing sa personal na
paningin ng awtor at nagpapakita, pinag uusapan at pinag-aaralan ng isang topiko.

Layunin ng Lakbay Sanaysay


Ang lakbay sanaysay ay may angking layunin. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:

 Maitaguyod ang lugar na pinuntahan o pinaglakbayan.


 Makagawa ng gabay para sa mga tao na magnanais maglakbay din sa lugar.
 Makapagtala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay.
 Makapagdokumento ng kultura at heograpiya ng isang lugar sa masining o
malikhaing paraan.
 Makapagbuo ng konkretong ideya ng lugar na pinuntahan sa mambabasa;
 Makapagbigay ng tamang impormasyon ukol sa transportasyon o paraan
upang makaabot sa lugar nang ligtas;
 Makapagpahiwatig ng mga espiritwal na karanasang nadama habang
naglalakbay sa lugar na tinutukoy; at
 Makapagpakita ng ebidensiya o magagandang litrato o bidyo ng lugar at
maitala nang tama ang kasaysayan at kultura ng lugar sa pamamagitan ng
pagtanong sa mga lokal na mamamayan ng lugar.

Gamit ng Lakbay Sanaysay


Nagagamit ang lakbay-sanaysay sa mga akdang pumapatungkol sa sumusunod:

 magandang tanawin tagpo


 pangyayari
 interaksyon
 kultura
 tradisyon
 pamumuhay na minsan nang napuntahan ng may-akda

Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at natuklasan sa


paglalakbay gamit ang pandama, paningin, pakiramdam, panlasa, pang amoy, at pandinig.
Hindi lamang sa mga magagandang pangyayari ang isinusulat sa ilalim ng lakbay-
sanaysay, sinsaklaw din nito ang mga mapapait at masalimuot na parte ng kanilang karanasan
na nais nilang ibahagi sa mga mambabasa upang hindi na maulit pa ang kanilang karanasan
sa iba.

Katangian ng Lakbay Sanaysay

 Hinihikayat ang mga manlalakbay upang puntahan ang isang nasabing lugar
 Naglalahad ng mga mahahalagang impormasyon bilang patnubay o guide sa pagpunta
sa isang lugar.
 Ito ay personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa
 Naglalaman ng mg larawan at ang paksa nito
 Mas madami ang teksto kaysa sa mga larawan

Anyo ng Lakbay Sanaysay


Maaaring isulat ang lakbay sanaysay sa di pormal na uri. Ang importante’y kagaya
ang bahagi nito sa iba pang mga sanaysay: may panimula, katawan, at wakas.
Tumatalakay ito sa mga topikong karaniwan, personal,
Ito ay isang di pormal na sanaysay na tumatalakay sa karanasan ng manunulat sa
kanyang paglalakbay at pati sa pang araw-araw na karanasan na makabibigay ng kasiya-siya
o aliw sa mga mambabasa. Ang diwa niya ay subhektibo at ito ay karaniwang gumagamit ng
unang panaunhin.
Halimbawa ng Lakbay Sanaysay

You might also like