You are on page 1of 9

LAKBAY

SANAYSAY
Mahilig ka bang maglakbay o mamasyal sa iba't ibang lugar?
Ano-ano sa mga lugar nanapuntahan mo ang iyong labis na
naibigan?Sa kasalukuyan, ang paglalakbay o pagsasagawa ng
tour ay itinuturing nang isang mahalagang libangang
isinasagawa ng marami.
LAKBAY SANAYSAY
Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag ding travel essay o
travelogue. Ito ay isang uri nglathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga karanasan sa paglalakbay.Ayon
kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay
kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay
binubuo ng tatlong konsepto:sanaysay,sanay at lakbay.
Naniniwala siyang angsanaysay ang pinakaepektibong
pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan
sapaglalakbay.
Mga Dahilan ng Pagsulat ng
Lakbay-Sanaysay
Ayon kay Dr. Lilia Antonio ;et.al sa kanilang aklat na Malikhaing
Sanaysay (2013)may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng
Lakbay-Sanaysay:
1.Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
Halimbawa nito ay ang travel blog

2.Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga


posibleng manlalakbay.
3. Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad
ngespiritwalidad,pagpapahilom, o kaya ay pagtuklas sa sarili. Kadalasang
naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng upang maitala ang mga
bagong bagay na nakita ,narinig, naranasan at iba pa sa kanyang ginawang
paglalakbay.

4.Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa


malikhaingpamamaraan.

Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang Lakbay-Sanaysay ay


kadalasangnaglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa
paglalakbay. Angpagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na
maibahagi ang karanasan atkasiyahan sa paglalakbay.
Mga Dapat Tandaan Sa Pagsulat
Ng Lakbay-Sanaysay:
1.Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista- Dapat na
isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang
isang turista kundi isang manlalakbay. Ang isang turista ay nagpupunta sa
isang lugar upang maglibang, magliwaliw, at makita ang magandang
tanawin,mga gusali, at iba't ibang lugar samantalang para sa isang manlalakbay
ay pangalawa na lamang ang mga bagay na ito.Kasabay sa kanyang
paglalakbay sa iba't ibang lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang kultura,
kasaysaysan, heograpiya, hanapbuhay pagkain, at maging uri ng pang-araw-
araw na pamumuhay ng isang tao.
2.Sumulat sa unang panauhang punto de-bista-
Tumutukoy sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni sa
mga naranasan saproseso ng paglalakbay. Ayon kay Antonio (2013), ang
susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng
sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay.

3. Tukuyin ang pokus ng susulating Lakbay-Sanaysay


Mahalagang matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating
Lakbay-Sanaysay batay sa human interest.Ang pagtukoy sa tiyak na paksa
ay makatutulong upang matiyak ang sakopng nilalaman ng Lakbay-
Sanaysay. Tinatawag din itong delimitasyon sa pagsulat ng isangakda.
4.Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para
sadokumentasyon habang naglalakbay-
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng Lakbay-
Sanaysay ay angpanulat,kuwaderno o dyornal at kamera.Mahalaga ito
para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay lwasang maglagay ng
napakadetalyadong deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin ng mga
mambabasa.

5.llahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay-


Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay,
mahalaga ringmaisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na
natutuhan habang isinagawa angpaglalakbay. Ito ay magsisilbing
pinakapuso ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mgamambabasa ang
mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay.
6.Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay-
Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng
wika. Sikapingang susulating sanaysay ay maging
malinaw,organisado,lohikal at malaman.Gumamit ng akmang salita batay
sa himig ng lakbay -sanaysay na iyong bubuoin. Maaari ring gumamit ng
mga tayutay, idyoma, o matalinghagang salita upang higit na maging
masining angpagkakasulat nito. Tiyaking makakukuha ng atensyon ng
mambabasa ang iyong susulating akda. Sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay,
maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad
ang katotohanan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at
negatibong karanasan at maging ng kondisyon ng lugar na pinuntahan.

You might also like