You are on page 1of 2

Likás sa mga Pilipino o sa bawat tao ang pumunta sa iba't ibang lugar upang maglibang o magliwaliw.

Kayá naman, sa araling ito ay matututuhan mo ang isa sa pinakapopular na anyong panitikan-ang pagbuo
ng lakbay-sanaysay at pictorial essay.

Ang lakbay sanaysay

Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uring lathalaing ang
pangunahing layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay.

Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Ayon kay Dr.Lilia Antonio, et al. Malikhaing Sanaysay (2013) ay may apat na pangunahing dahilan ang
pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

-Una, Upang maitaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat, isang halimbawa na nito ay travel blog.

- Pangalawa, layunin nito na magbigay ng pag alalay sa mga manlalakbay upang magkaroon sila ng
kaalaman sa kanilang lugar na tatahakin

- Pangatlo, ay maaari din na itala ang sariling karanasan sa paglalakbay tulad ng espiritwal idad,
pagpapahilom o pagtuklas sa sarili, kadalasang nagagawa ito sa isang journal o diary

- Pang apat ay upang madukomento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa mas maikling
pamamaraan

Mga dapat tandaan sa Pagsulat ng Lakbay - Sanaysay

1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista


Para makasulat ng isang masining na lakbay sanaysay, dapat isipin mo na ikaw ay isang manlalakbay sa
halip na turista.

2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista


Dito dapat makikita ang iyong mga nakita, naunawaan, at naranasan.

3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay sanaysay


Mahalaga matukoy kung ano ang magiging pokus batay sa human interest.

4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang


naglalakbay
Pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o
dyornal, kamera.
5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
Mahalaga maisama ang iyong natutuhan sa lakbay sanaysay na iyong gagawin

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsuat ng sanaysay


Mahalaga taglayin ng may akda ang sapat na kaalaman sa paggamit ng wika

Halimbawa ng isang mahusay na lakbay sanaysay ayon kina Gng. Teresita Buenseceso
at G. Ariel Marasingan, nakatala sa ibaba kung paano nila binuo ito.

-Uri ng kaisipan ng sumulat


-Panauhang ginamit sa pagsulat
-Pokus ng lakbay sanaysay
-Mga realisassyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay
-Teknikal na pagkakasulat ng sanasay

PICTORIAL ESSAY

Ang pictorial essay ay isang sulatin kung san higit na madami ang larawan kaysa sa salita. May
pagkakataong nakaugnay ito sa isang lakbay- sanaysay na karamihan ay may kasamang larawan. Sa
pagsulat ng pictorial essay dapat lamang tandaan ang sumusunod:

Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita
ng kabuoan ng kuwento o kaisipang nais ipahayag.

Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya't hindi ito
kinakailangang napakahaba o napakaikli.

May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya't hindi maaaring maglagay ng mga larawang
may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin.

Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong photo essay kung ito ba ay mga kabataan, propesyonal, o
masa upang maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay ganun ang mga salitang
gagamitin sa pagsulat ng mga caption.

You might also like