You are on page 1of 4

ARALIN 9 at 10: Pagsulat ng Pictorial Essay at Lakbay Sanaysay

Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami ang larawan kaysa sa mga salita o panulat. May
pagkakataong nakaugnay ito sa lakbay sanaysay lalo na’t karamihan sa lakbay sanaysay ay may kasamang larawan. Sa
pagsulat ng pictorial essay dapat lamang tandaan ang sumusunod:

 Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng
kabuuang kuwento o kaisipang nais ipahayag.
 Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya’t hindi ito
kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng
magbabasa o titingin ang katitikang isusulat ditto.
 May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng mga larawang may
ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o
paggawa ng pictorial essay.
 Isipin ang manonood o titingin ng inyong photo essay kung ito ba ay bata, kabataan, propesyonal o masa upang
maibatay sa kanilang kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay gayundin ang mga salitang gagamitin sa
caption.

Halimbawa ng pictorial essay:

Isang Makabuluhang Paglalakbay sa Bansang Vietnam

Isang sa mga sikat na tempo sa Vietnam kung saan ipinapakita kung anong
kultura ang mayroon ang bansa at relihiyon.

Reunification Hall isang gusali kung saan maaaring mapag-aralan ang historya
ng Vietnam. Naging palasyo na rin ito ng dating pangulo ng Vietnam na si
president Van Thieu.

Isang puno na kagamitan ng mga vietnamese noong sinaunang panahon.


Nilalagyan ito ng speakerupang mas lumakas ang tunog at hindi marinig ng
ibang tao ang mga iyak ng mga pinapaslang na tao malapit sa puno na ito.

Ang Notre Dame Cathedral ng Ho Chi Minh. Itinayo ng mga taga Pransya
noong 1880’s.
Isa ring templo sa Vietnam na itinayo ng pitong taon bago magawa.

Isang iskultura sa isa sa mga templo sa Vietnam. Ipinapakita rito ang


kakaibang disenyo sa bato.

- Isang Pictorial Essay na Sinulat ni AC Santo

Sanggunian:

Ariola, M. M., Galeon, K. S., Langcay, S. P., & Laroza, R. D. (2016). Filipino sa piling parang: Akademik. (R. K. Cedre, Ed.) Malabon
City: Jimczyville Publications. Pahina 123-128

Kahulugan ng Lakbay-Sanaysay
Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing
layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa paglalakbay. Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag na sanaylakbay
kung saan ang terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. Naniniwala
siyang ang sanaysay ang pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay. Aniya,
nanghihinayang siya sa mga nakalipas niyang paglalakbay sa iba't ibang lugar sa Europa at sa marami pang bansa sa
mundo dahil nakaligtaan niya o sadyang nabalewal niya ang pagtatala. Maaaring naikuwento niya ang kanyang mga
karanasan sa ilan niyang mga kaibigan, mag-aaral, at kamag-anak ngunit kalaunan ang mga ito ay nalilimutan din. Tanging
sa mga larawang di naman nakapagsasalita niya iniasa ang pagbabalik-tanaw sa kanyang mga ginawang paglalakbay.
Kaya naman, sa kanyang panayam sa naganap na UP Writers Workshop noong ika-10 ng Abril 2014 ay kanyang winika
ang kanyang mga tagapakinig na sisikapin niyang isulat ang mga nangyari at kanyang naranasan sa kanyang mga
paglalakbay sa pamamagitan ng paglalahad gamit ang sanaysay.

Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al., sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay (2013), may apat na pangunahing
dahilan ng pagsusulat ng lakbay-sanaysay. Una, upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat isang
halimbawa nito ay paggawa ng travel blog kung saan ito ay maituturing na isang libangan at gayundin naman ay maaaring
pagkakitaan. Marahil ay nakabasa ka na ng blog kung saan isinasalaysay ng may-akda ang mga paglalakbay na kanyang
isinagawa. Pangalawa layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. Marami ang
nakikinabang sa travelogue lalo na sa mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman sa lugar na kanilang bibisitahin
bago nila ito puntahan. Sabi nga ni Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere, kung nais mong higit na makilala ang
katangian at kultura ng bansang iyong pupuntahan, mahalagang alamin mo muna ang taglay nitong kasaysayan. Pangatlo,
sa lakbay-sanaysay, maaari ding itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espiritwalidad, pagpapahilum o
kaya’y pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary. Ginagawa ito
upang maitala ang mga bagong bagay na kanyang nakita, narinig, naranasan, at iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay.
Madalas itinatala rin sa journal ang mga realisasyon o mga natutuhan sa proseso ng paglalakbay. Pang-apat, ay upang
maidokumento ang kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa malikhaing pamamaraan. Tipikal na halimbawa nito ang
ginawa ni Antonio Pigafetta na isang Venetian Eskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni Ferdinand Magellan. Siya ang
nagtala ng mahahalagang datos ng kanilang nakita sa Pilipinas na may kinalaman sa mga halaman, hayop, klima,
heograpiya, at kultura ng mga sinaunang Pilipino bilang bahagi ng kanilang ulat sa hari at reyna ng Espanya sa kanilang
pagbabalik sa kanilang bansa. Gayundin ang pagtatalang ginawa ni Marco Polo, isa namang mangangalakal na Venetian
na sumulat ng librong pinamagatang "The Travels of Marco" bunga ng kanyang pagtungo sa Asya at resulta na rin ng
kanyang paninirahan sa Tsina sa loob ng labimpitong taon.

Anuman ang dahilan ng paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan
ng awtor o sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi ang karanasan at
kasiyahan sa paglalakbay.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay

1.Magkaroon ng kaispang manlalakbay sa halip na isang turista.


Upang makagawa ng isang masining at makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat na isaisip ng taong naglalakbay na
siya ay tutungo sa isang lugar hindi bilang isang turista kundi isang manlalakbay. Mahalagang malinaw sa kanyang isip
ang kanyang pakay o layunin. Kadalasan, ang isang turista ay nagpupunta sa isang lugar upang maglibang, magliwaliw,
at makita ang magagandang tanawin, mga gusali, at iba't ibang lugar. Karaniwang may nakatakda nang itinerary o talaan
ng magagandang lugar na pupuntahan gaya halimbawa ng pamamasyal sa Bohol tiyak na hindi mawawala sa listahan
ang Chocolate Hills, Ilog ng Loboc, simbahan ng Baclayon, Isla ng Pangloa, Man-made Forest sa Bilar, Hinagdanan
Cave, at iba pa. Samantala, para sa isang manlalakbay ay pangalawa na lmang ang mga bagay na ito. Kasabay ng
kanyang paglalakbay sa iba't ibang lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang kultura, kasaysayan, heograpiya,
hanapbuhay, pagkain, at maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Mahalaga ang mga ito upang sa
kanyang pagsulat ng kanyang lakbay-sanaysay ay hindi lamang nakabatay sa mga kuhang larawan ang mga kaisipan o
impormasyong itatala kundi malalim niyang maipaliliwanag o mailalarawan ang mga bagay o lugar na kanyang nakita o
namalas.

2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.


Ginagamit sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang unang panatili punto d-bista. Ang karamihan sa nilalaman ng
sanaysay ay mula mga nakita naririnig, naunawaan, at naranasan ng manunulat. Kadalasang napakapersonal ng tinig ng
lakbay sanaysay. Ayon kay Antonio (2013) ang susi sa mainam na pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng
sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang paglalakbay.Tumutukoy rin ito sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa
pagmumuni sa mga naranasan sa proseso ng paglalakbay. Bukod sa matamang obserbasyon hinggil sa paligid o mga
pangyayari, mahalagang maranasan din ng manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos na maunawaan at mabigyang-
kahulugan ang mga pangyayari. Sikaping maisali ang sarili sa mga gawain bilang bahagi na rin ng imersiyon sa mga
pangyayari. Makipamuhay kagaya ng mga taong naninirahan sa lugar na iyong pinuntahan, kumain ng mga natatanging
pagkain sa lugar, makisalamuha sa mga tao, at higit sa lahat ay maging adbenturero. Subukin ang iba't ibang karanasan at
mga hamon tulad ng pag-akyat sa bundok, paglangoy sa dagat, surfing, pagpasok sa mga yungib, pagsakay sa mga
kakaibang sasakyan o rides, at pagkain ng mga kakaiba o katutubong pagkain sa lugar. Sa pamamagitan ng pagsasagawa
nito magiging makatotohanan at may lalim ang gagawin mong paglalahad ng iyong mga karanasan.

3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay-sanaysay.


Mahalaga ring matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating lakbay-sanaysay batay sa human interest.
Tandaang iba-iba ang kinahihiligan o kinawiwilihang paksa na maaaring itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat ng
lakbay-sanaysay. Ito ay maaaring ibatay kung ano ang dahilan o layunin ng paglalakbay. Ito ay maaaring tungkol sa
espiritwal na paglalakbay gaya halimbawa ng pagtungo sa Lupang Pangako ng mga Kristiyano o ang pagpunta sa Mecca
ng mga Muslim. Ito ay maaaring pagtatampok naman ng magagandang pook, kilalang landmark, liwasan, simbahan, at mga
gusali at establisimiyento. Maaari ding gawing paksa ang tungkol sa mga hayop o halaman, mga kakatwa o kakaibang bagay,
mga pgkain, libangan, kultura, at marami pang iba. Maaaring bigyang-pansin mismo ang pakikipagsapalarang mararanasan
sa paglalakbay. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay-
sanaysay. Tinatawag itong delimitasyon sa pagsulat ng isang akda.

4. Magtala ng mabahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang naglalakbay.
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng lakbay-sanaysay ay ang panulat, kwaderno o
dyornal, at kamera. Mahalagang maitala, ang pangalan ng mahahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali at iba pa. Ang
wastong detalyeng may kinalaman sa mahahalang lugar na nakita, nabisita o napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad
sa sanaysay. Makatutulong din nang malaki kung makukuhanan ng litrato o larawan ang mga lugar, tao, o pangyayari.
Mahalaga ito para sa wastong dokumentasyon ng sanaysay. Para sa mga larawan, mahalagang maglagay ng mga
impormasyon para sa mga mambabasa. Maaaring ilagay eksaktong lokasyon kung saan ito matatagpuan, maikling
deskipsiyon nito, o kaya naman ay maikling kasaysayan nito. Iwasang maglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon upang
ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.

5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.


Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay, mahalaga ring maisama sa nilalaman ng
sanaysay ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa ang paglalakbay. Ito ang magsisilbing pinakapuso ng
sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng epekto ng ginawang
paglalakbay. Maaaring talakayin kung paano nabago ang buhay o pananaw ng may- akda, kung paano umunlad ang
kanyang pagkatao mula sa kanyang mga naging karanasan, at mga karagdagang kaalamang natuklasan mula sa ginawang
paglalakbay.

6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.


Dahil ang iyong gagawin ay isang lakbay-sanaysay, mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan
sa paggamit ng wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal, at malaman. Gumamit ng
akmang salita batay sa himig ng lakbay-sanaysay na iyong bubuoin. Maaari ding gumamit ng mga tayutay, idyoma, o
matalinghagang salita upang higit na maging masining ang pagkakasulat nito. Tiyaking makakukuha ng atensiyon ng
mambabasa ang iyong susulating akda.

Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-sanaysay, maging obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping


mailahad ang katotohan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng kondisyon
ng lugar na pinuntahan. Ito ay makatutulong nang malaki sa mga makababasa nito. Maaaring ipakita ang mga ito sa tulong
ng photo essay. Sikaping hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan sa photo essay kundi ang mahahalagang larawan na
kailangan para mapagtibay ang sanaysay. Sa pagsusulat, laging baunin sa isipan ang depenisyong ibinigay ni Nonon
Carandang na ang lakbay-sanaysay ay laging kinapapalooban ng tatlong mahahalagang konsepto: sanaysay, sanay, at
lakbay. Kung saan ang sanaysay na iyong gagawin ay kasasalaminan ng kasanayan sa paghabi ng mga aral ng buhay
mula sa ginawang paglalakbay.

Halimbawa ng Lakbay-sanaysay

Tara na, Biyahe na Tayo!

Noong Agosto 20, 2016, nangyari ang isa sa mga hindi ko malilimutang karanasan sa paglalakbay sa Romblon
kasama ang aking mga kaibigan. Ito ang unang karanasan ko na sumakay sa malaking barko. Maganda at maayos
ang barko na aming sinakyan. Tamang-tama sa presyo—medyo mahal kompara sa ibang barko na mura nga subalit
hindi gaanong maayos ang loob.
Ang barkong aming nasakyan ay may tatlong uri ng higaan para sa mga pasahero. Ang
unang uri ay nasa itaas na bahagi at may mga higaang parang nasa pampublikong pagamutan.
Pangalawang uri ay ang tinatawag na tourist, higit na maayos kaysa sa una. Pangatlong uri ay
ang tinatawag na cabin na may sariling kuwarto ang mga pasahero. Naalala ko tuloy ang isang
bahagi ng Noli Me Tangere, tungkol sa barko kung saan inilalarawan ang uri ng mga
mamamayan sa lipunan, may mayaman, katamtamang buhay, at mahirap.
Nagsimula nang maglakbay ang barko sa amjng destinasyon. Matapos naming mailagay
ang mga gamit sa aming lugar ay nagyaya ang mga kasama ko na umakyat sa itaas dahil
maganda raw pagmasdan ang paglubog ng araw. Nang mga sandaling iyon ay malapit nang
mag-agaw ang dilim at liwanag.
Medyo malakas ang alon kaya mararamdaman mo ang kaunting paghampas ng mga ito sa
barko. Magkagayunman, napakasarap damhin at langhapin ang sariwang hangin habang
minamasdan mo ang pagkulimlim ng araw sa paglubog nito. Hindi maalis sa isip ko na
maihambing sa buhay ng tao ang paglubog ng araw. Isang pamamaalam o isang kamatayan
ngunit may bukas na naghihintay. Sumasagi tuloy sa aking alaala ang mapait na kuwento ng
aking kaibigang marinero.
Mahirap daw ang buhay ng isang marinero. Palaging nasa barko at lagi mong natatanaw ang
paglubog at pagsikat ng araw. Ang pinakamahirap na kanyang naranasan ay ang pakikidaop sa
kalikasan na parang nakikipagpatintero kay Kamatayan. Ang sigwa ng bagyo sa gitna ng laot ay
hindi basta-basta kinakalaban. Tunay na matatawag mo ang lahat ng santo dahil bukod sa
matatalim na kidlat ay masasagupa rin ninyo ang malahiganteng alon na sa sandaling
magkamali sa pagpihit ng manibela ng barko ay mauutas ang buhay nang ganoon na lamang.
Napatigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang nagsigawan ang mga tao. Tuwang-
tuwa sila sa mga dugong na sumisisid pagkatapos ay pumapailanlang sa itaas. Grabe! Pati ako
ay natuwa kung kaya’t kinuha ko ang aking cell phone at inabangan ang pag-ibabaw nilang muli
upang mag-selfie kasama ng mga dugong. Wow! Ayos. Ang galing. Nakuhanan ko sila kasama
ang aking sarili. Nice selfie.
Ilang oras pa ang lumipas at wala na ang mga dugong sapagkat ganap na ang dilim. Wala
ka nang mamamalas sa gitna ng dagat kundi ang kadiliman. Kadilimang simbolo ng hungkag na
buhay at baIt ng kalungkutan na larawan ng kawalang pag-asa.
Ayaw ko nang patagalin pa ang pagtitig ko sa kadiliman dahil naIulungkot ako. Ayoko ng
malungkot na buhay. Ayaw ko sapagkat nananariwa ang mga alaala ng mapapait na kahapon
ng aking buhay na minsan nang nasadlak sa gitna ng dilim.
Minabuti ko na lamang na ayain ang aking mga kasama upang magpahinga sa aming higaan
sa gitnang bahagi ng barko.
Pagbaba namin, marami na ngang mga natutulog na pasahero at may iba namang
nagkukuwentuhan. Ilan sa mga kasama ko ay nagkukuwentuhan habang nakahiga at paminsan-
minsan ay nakikisall ako hanggang sa ako ay makatulog na.
Nagising na lamang ako dahil sa isang announcement na dadaong na ang aming sasakyan
sa Romblon sa loob ng sampung minuto.
Sa wakas, bababa na rin kami at maluwalhating makararating sa aming destinasyon.

Halaw mula sa: https://elcomblus.com/pagsulat-


ng-lakbay-sanaysay/

Sanggunian:

Julian, A. B., & Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang pluma: filipino sa piling larangan (Akademik).
Quezon City: Phoenix Publushing House, Inc. Pahina 106-139

Ariola, M. M., Galeon, K. S., Langcay, S. P., & Laroza, R. D. (2016). Filipino sa piling parang: Akademik.
(R. K. Cedre, Ed.) Malabon City: Jimczyville Publications. Pahina 139-14

You might also like