You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Layang

LECTURES/PPT AND HANDOUT-BASED


LAKBAY-SANAYSAY sinaunang Pilipino bilang bahagi ng kanilang ulat
- Ang lakbay-sanaysay ay tinatawag ding travel shariat ringan Makanilang pagbabalik sa kanilang
essay o travelogue. bahkanilang ulat ang pagtatalang ginawa ni Marco
- Ito ay isang uri ng lathalaing ang pangunahing Polo, isa namang mangangalakal na Venetian
layunin ay maitala ang mga naging karanasan sa tasumine yaran binatang The Travels of Marco"
paglalakbay. bunga ng kenetian pagtungo sa Asya at resulta na
- Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag rin ng kanyang paninirahan sa Tsina sa loob ng
niyang sanaylakbay kung saan ang labimpitong taon. Anuman ang dahilan ng
terminolohiyang ito, ayon sa kanya, ay binubuo ng paglalakbay, ang lakbay-sanaysay ay kadalasang
tatlong konsepto: sanaysay, sanay, at lakbay. naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o
- Naniniwala siyang ang sanaysay ang sumulat sa paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay
pinakaepektibong pormat ng sulatin upang maitala isang paraan ng manunulat na maibahagi ang
ang mga naranasan sa paglalakbay. karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.

MGA DAHILAN NG PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG LAKBAY-


- Ayon kay Dr. Lilia Antonio, et al. sa kanilang SANAYSAY
aklat na Malikhaing Sanaysay (2013), may apat 1. Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa
na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng lakbay- halip na isang turista. Upang makagawa ng isang
sanaysay. masining at makabuluhang lakbay-sanaysay, dapat
- Una, upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa na isa-isip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo
pagsusulat. Isang halimbawa nito ay paggawa ng sa isang lugar hindi bilang isang tursita kundi isang
travel blog kung saan ito ay maituturing na isang manlalakbay. Mahalagang malinaw sa kanyang isip
libangan at gayundin naman ay maaaring ang kanyang pakay o layunin. Kadalasan, ang
pagkakitaan. Marahil ay nakabasa ka na ng blog isang turista ay nagpupunta sa isang lugar upang
kung saan isinasalaysay ng may-akda ang mga maglibang, magliwaliw, at makita ang
paglalakbay na kanyang isinagawa. magagandang tanawin, mga gusali, at iba't ibang
- Pangalawa, layunin din nitong makalikha ng lugar. Karaniwang may nakatakda nang itinerary o
patnubay para sa mga posibleng manlalakbay. talaan ng magagandang lugar na pupuntahan gaya
Marami ang nakikinabang sa travelogue lalo na sa halimbawa ng pamamasyal sa Bohol tiyak na hindi
mga taong nais magkaroon ng paunang kaalaman mawawala sa listahan ang Chocolate Hills, Ilog ng
sa lugar na kanilang bibisitahin bago nila ito Loboc, simbahan ng Baclayon, Isla ng Panglao,
puntahan. Sabi nga ni Rizal sa kanyang nobelang Man-made Forest sa Bilar, Hinagdanan Cave, at
Noli Me Tangere, kung nais mong higit na makilala iba pa. Samantala, para sa isang manlalakbay ay
ang katangian at kultura ng bansang iyong pangalawa na lamang ang mga bagay na ito.
pupuntahan, mahalagang alamin mo muna ang Kasabay ng kanyang paglalakbay sa iba't ibang
taglay nitong kasaysayan. lugar ay sinisikap niyang maunawaan ang kultura,
- Pangatlo, sa lakbay-sanaysay, maaari ding itala kasaysayan, heograpiya, hanapbuhay, pagkain, at
ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad maging uri ng pang-araw-araw na pamumuhay ng
ng espiritwalidad, pagpapahilom, o kaya'y mga tao. Mahalaga ang mga ito upang sa kanyang
pagtuklas sa sarili. Kadalasang naisasagawa ito sa pagsulat ng kanyang lakbay-sanaysay ay hindi
pamamagitan ng paggamit ng daily journal o diary. lamang nakabatay sa mga kuhang larawan ang
Ginagawa ito upang maitala ang mga bagong mga kaisipan o impormasyong itatala kundi
bagay na kanyang nakita, narinig, naranasan, at malalim niyang maipaliliwanag o mailalarawan ang
iba pa sa kanyang ginawang paglalakbay. Madalas mga bagay o lugar na kanyang nakita o namalas.
itinatala rin sa journal ang mga realisasyon o mga
natutuhan sa proseso ng paglalakbay. 2. Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.
- Pang-apat ay upang maidokumento ang Ginagamit sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang
kasaysayan, kultura, at heograpiya ng lugar sa unang panauhang punto de-bista. Ang karamihan
malikhaing pamamaraan. Tipikal na halimbawa nito sa nilalaman ng sanaysay ay mula sa mga nakita,
ang ginawa ni Antonio Pigafetta na isang Venetian narinig, naunawaan, at naranasan ng manunulat.
iskolar na tumungo sa Pilipinas kasama ni Kadalasang napakapersonal ng tinig ng lakbay-
Ferdinand Magellan. Siya ang nagtala ng sanaysay.
mahahalagang datos sa kanilang nakita sa - Ayon kay Antonio (2013), ang susi sa mainam na
Pilipinas na may kinalaman sa mga halaman, pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay
hayop, klima, heograpiya, at kultura ng mga ng sapat na kaalaman at pagkatuto sa isang
Filipino sa Piling Layang
LECTURES/PPT AND HANDOUT-BASED
paglalakbay. Tumutukoy rin ito sa pagkilala at mahahalagang lugar na nakita, nabisita o
pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni sa mga napuntahan ang magbibigay ng kredibilidad sa
naranasan sa proseso ng paglalakbay. Bukod sa sanaysay. Makatutulong din nang malaki kung
matamang obserbasyon hinggil sa paligid o mga makukuhanan ng litrato o larawan ang mga lugar,
pangyayari, mahalagang maranasan din ng tao, o pangyayari. Mahalaga ito para sa wastong
manlalakbay ang mga bagay-bagay upang lubos dokumentasyon ng sanaysay. Para sa mga
na maunawaan at mabigyang-kahulugan ang mga larawan, mahalagang maglagay ng mga
pangyayari. Sikaping maisali ang sarili sa mga impormasyon para sa mga mambabasa. Maaaring
gawain bilang bahagi na rin ng imersiyon sa mga ilagay ang eksaktong lokasyon kung saan ito
pangyayari. Makipamuhay kagaya ng mga taong matatagpuan, maikling deskripsiyon nito, o kaya
naninirahan sa lugar na iyong pinuntahan, kumain naman ay maikling kasaysayan nito. Iwasang
ng mga natatanging pagkain sa lugar, maglagay ng napakadetalyadong deskripsiyon
makisalamuha sa mga tao, at higit sa lahat ay upang ito ay kawilihang basahin ng mga
maging adbenturero. Subukin ang iba't ibang mambabasa.
karanasan at mga hamon tulad ng pag-akyat sa
bundok, paglangoy sa dagat, surfing, pagpasok sa 5. Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan
mga yungib, pagsakay sa mga kakaibang sa ginawang paglalakbay. Bukod sa paglalahad
sasakyan o rides, at pagkain ng mga kakaiba o ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay,
katutubong pagkain sa lugar. Sa pamamagitan ng mahalaga ring maisama sa nilalaman ng sanaysay
pagsasagawa nito, magiging makatotohanan at ang mga bagay na natutuhan habang isinasagawa
may lalim ang gagawin mong paglalahad ng iyong ang paglalakbay. Ito ang magsisilbing pinakapuso
mga karanasan. ng sanaysay kung saan dito ibabahagi sa mga
mambabasa ang mga gintong aral na nakuha
3. Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay- bunga ng epekto ng ginawang paglalakbay.
sanaysay. Mahalaga ring matukoy kung ano ang Maaaring talakayin kung paano nabago ang buhay
magiging pokus ng susulating lakbay-sanaysay o pananaw ng may- akda, kung paano umunlad
batay sa human interest. Tandaang iba-iba ang ang kanyang pagkatao mula sa kanyang mga
kinahihiligan o kinawiwilihang paksang maaaring naging karanasan, at mga karagdagang kaalamang
itampok sa paglalakbay at maging sa pagsulat ng natuklasan mula sa ginawang paglalakbay.
lakbay-sanaysay. Ito ay maaaring ibatay kung ano
ang dahilan o layunin ng paglalakbay. Ito ay 6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng
maaaring tungkol sa espiritwal na paglalakbay sanaysay. Dahil ang iyong gagawin ay isang
gaya halimbawa ng pagtungo sa Lupang Pangako lakbay-sanaysay, mahalagang taglayin ng may-
ng mga Kristiyano o ang pagpunta sa Mecca ng akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng
mga Muslim. Ito ay maaaring pagtatampok naman wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging
ng magagandang pook, kilalang landmark, liwasan, malinaw, organisado, lohikal, at malamán.
simbahan, at mga gusali at establisimiyento. Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng
Maaari ding gawing paksa ang tungkol sa mga lakbay-sanaysay na iyong bubuoin. Maaari ding
hayop o halaman, mga kakatwa o kakaibang gumamit ng mga tayutay, idyoma, o
bagay, mga pagkain, libangan, kultura, at marami matalinghagang salita upang higit na maging
pang iba. Maaaring bigyang-pansin mismo ang masining ang pagkakasulat nito. Tiyaking
pakikipagsapalarang mararanasan sa paglalakbay. makakukuha ng atensiyon ng mambabasa ang
Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong iyong susulating akda.
upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng lakbay-
sanaysay. Tinatawag itong delimitasyon sa Sa pangkalahatan, sa pagsulat ng lakbay-
pagsulat ng isang akda. sanaysay, maging obhetibo sa paglalatag ng mga
impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha sa pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at
ng mga larawan para sa dokumentasyon negatibong karanasan at maging ng kondisyon ng
habang naglalakbay. Ang mga pangunahing gamit lugar na pinuntahan. Ito ay makatutulong nang
na dapat dalá ng taong susulat ng lakbay sanaysay aggin sa mga makababasa nito. Maaaring ipakita
ay ang panulat, kuwaderno o dyornal, at kamera. ang mga ito sa tulong ng photo essay. Sikaping
Mahalagang maitala ang pangalan ng hindi nakatuon sa sarili ang mga larawan sa photo
mahahalagang lugar, kalye, restoran, gusali, at iba essay kundi ang mahahalagang larawang
pa. Ang wastong detalyeng may kinalaman sa kailangan para mapagtibay ang sanaysay. Sa
Filipino sa Piling Layang
LECTURES/PPT AND HANDOUT-BASED
pagsusulat, agging baunin sa isipan ang
depenisyong ibinigay ni Nonon Carandang na ang
lakbay-sanaysay ay agging kinapapalooban ng
tatlong mahahalagang konsepto: sanaysay, sanay,
at lakbay. Kung saan ang sanaysay na iyong
gagawin ay kasasalaminan ng kasanayan sa
paghabi ng mga aral ng buhay mula sa ginawang
paglalakbay.

Narito ang halimbawa ng isang mahusay na


lakbay-sanaysay na ginawa nina Gng. Teresita
Buensuceso at G. Ariel Marasigan. Basahin at
suriin kung paano nila ito binuo batay sa balangkas
na makikita sa loob ng kahon.
 Uri ng kaisipan ng sumulat.
 Panauhang ginamit sa pagsulat
 Pokus ng lakbay-sanaysay.
 Mga realisasyon o mga natutuhan sa
ginawang paglalakbay.
 Teknikal na pagkakasulat ng sanaysay
(kaisahan, kalinawan, kawastuhan,
kaangkupan)

ANG PICTORIAL ESSAY


- Ang pictorial essay ay isang sulatin kung saan
higit na nakararami ang larawan kaysa sa salita o
panulat.
- May pagkakataong nakaugnay ito sa isang
lakbay- sanaysay lalo na't karamihan ng lakbay-
sanaysay ay may kasamang larawan.

Sa pagsulat ng pictorial essay dapat lamang


tandaan ang sumusunod:
- Ang paglalagay ng larawan ay dapat na isinaayos
o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuoan ng kuwento o kaisipang
nais ipahayag.
- Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat
larawan ay suporta lamang sa mga larawan kaya't
hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
Kailangang makatutulong sa pag-unawa at
makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang
mga katitikang isusulat dito.
- May isang paksang nais bigyang-diin sa mga
larawan kaya't hindi maaaring maglagay ng mga
larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang
nais bigyang-diin. Kailangang maipakita sa
kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng
pictorial essay.
- Isipin ang mga manonood o titingin ng iyong
photo essay kung ito ba ay mga bata, kabataan,
propesyonal, o masa upang maibatay sa kanilang
kaisipan at interes ang mga larawang ilalagay
gayundin ang mga salitang gagamitin sa pagsulat
ng mga caption.

You might also like