You are on page 1of 3

LAKBAY SANAYSAY

 Kilala rin sa Ingles bilang “Travel Essay”, ito ay isang sanaysay na kung saan
ang ideyang ito ay pinanggalingan mula sa mga pinuntahang or “nilakbayang”
mga lugar. Kabilang rin dito ang kultura, trasisyon, pamumuhay, uri ng mga
tao, eksperyensya mula sa awtor at lahat ng aspetong naalaman ng isang
manlalakbay.
 Ito rin ay isang maikling bahagi ng pagsulat na kung saan ito ay mula sa
personal na paningin ng awtor at nagpapakita, pinagusapan, at pinag-aaralan
ang isang topiko.
 Nagtataglay ng mga pahayag tungkol sa karanasan sa paglalakbay ang lakbay
– sanaysay. Isinusulat ito upang ilahad sa mambabasa ang mga nakita at
natuklasan sa paglalakbay gamit ang pandama; paningin, pakiramdam,
panlasa, pang – amoy, at pandinig.
 Kadalasang pumapaksa sa magagandang tanawin, tagpo, at iba pang mga
karanasan sa paglalakbay ang lakbay – sanaysay. Gayundin, maaari din itong
magbigay ng impormasyon ukol sa mga karanasang di kanais – nais o hindi
nagustuhan ng manunulat sa kanyang paglalakbay.
LAYUNIN
 Maitaguyod ang isang lugar na karaniwang ang lugar na pinuntahan ng
manlalakbay.
 Gumawa ng gabay para sa mga maaring manlalakbay. Halimbawa nito ang
daan at ang mga modo ng transportasyon.
 Pagtatala ng sariling kasaysayan sa paglalakbay na kabilang dito ang
espiritwalidad, pagpapahilom, o pagtuklas sa sarili.
 Pagdodokumento ng kasaysayan, kultura, at heograpiya ng isang lugar sa
malikhaing pamamaraan.
URI
 Pormal – Ang talakayin ng uri nito ay ang mga seryosong mga paksa na
nagtataglay ng masusing at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat.
 Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at
pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa. Ito
ay binigyan din ng mga bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang topiko
kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang nakikipag-
usap siya sa isang kaibigan.
MGA BAHAGI
 Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang
inaasahan kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin.
Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
 Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang
puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin
malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang
paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
 Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o
katawan ng isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga
mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.

It’s more fun in the Philippines. Ito ang islogang isinusulong ng ating bansa sa
pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, bilang pagmamalaki sa ating turismo. Ano
nga ba ang maipagmamalaki ng ating bansang Pilipinas sa larangan ng turismo?
Kung karanasan sa kagandahan ng magagandang tanawin ang paksa sa lakbay –
sanaysay, tiyak na patok na patok ang binanggit na pahayag.
Tunay na mayaman sa kasaysayan at karanasan ang ating bansa hindi lamang sa
taglay na likas na kagandahan kaya dito pa lamang ay marami ka nang maisusulat na
paksa para sa sulatin na lakbay – sanaysay.
TUNGKOL KANINO ANG LAKBAY SANAYSAY
 Ayon kay Patti Marxsen, sa kanyang artikulong “The art of the travel essay”,
ang isang mapanghikaya’t na lakbay – sanaysay ay dapat makapagdulot hindi
lamang ng mga impormasyon kundi ng matinding pagnanais na maglakbay.
Maituturing na matagumpay ang isang lakbay – sanaysay kung ito’y nakapag –
iiwan sa mambabasa ng sariwa at malinaw na alaala ng isang lugar bagama’t
hindi pa nila ito napupuntahan.
 Ang lakbay – sanaysay ay maaaring pumaksa sa tao o mamamayan ng lugar.
Binibigyang – pansin dito ang gawi, katangian, ugali, o tradisyon ng mga
mamamayan sa isang particular na komunidad.
 Maari ding maging paksa ng lakbay-sanaysay ang kasaysayan ng lugar at
kakaibang mga makikita rito. Binibigyang-halaga rito ang uri ng arkitektura,
eskultura, kasaysayan, anyo at iba pa. sa mga lugarupang malinang ang
wastong Sa pagsulat maaaring gamitin ang pagtatangi at paghahambig
pagtitimbang-timbang ng mga ideya, mula sa maganda o hondi kanais-nais,
kapaki-pakinabang o walang kabuluhan, katanggap-tanggap o hindi
katanggap-tanggap, at kapuri-puri o hindi kapuri-puri.
 Higit sa lahat, ito ay tungkol din sa sarili sapagkat ang karanasan ng tao ang
nagbibigay-kulay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay. Binibigyang halaga ang
pagkilos sa lugar na narrating, natuklasan sa sarili, at pagbabagong
pangkatauhan na nagawa ng nasabing lugar sa taong nagsasalaysay na maaari
din maranasan ng mga makakabasa. Ito’y tila pagsulat ng isang magandang
pangako ng lugar para sa mambabasa.
MGA MUNGKAHING GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY-SANAYSAY
Narito ang ilang mungkahing sa pagsulat ng labay-sanaysay na maaari momh maging
gabay.
1. Bago magtungo sa lugar na balak mong puntahan ay dapat magsaliksik o
magbasa tungkol sa kasaysayan nito. Pag aralan ang kanilag kultura, tradiyon
at relihiyon. Bigyang-pansin din ang sistemang politikal at ekonomikal ng
lugar. Pag aralan din ang lengguwahe na ginagamit sa lugar na iyon.
2. Buksan ang isipat damdamin sa paglalakba, lawakan ang naaabot ng paningi,
talasan ang isip, palakasin ang pandama at pang-amoy, sensitibong lasahan
ang pagkain.
3. Magdala ng talaan at ilista ang mahahalagang datos na dapat isulat.
4. Kung susulat na ng lakbay-sanaysay, huwag gumamit ng mga kathang-isip na
ideya. Isulat ang katotohanan sapagat higit na madali itong bigyang paliwanag
gamit ang mga malikhaing elemento.
5. Gamitin ang unang panauhang punto de bista at isaalang-alang ang
organisasyon ng sanaysay sa pagsulat. Magkaroon ng kritikal na pananaw sa
pagsulat sa pamamagitan ng malinaw at malalim na pag-unawa sa mga
ideyang isusulat.
6. Tiyakin na mapupukaw ang kawilihan ng mambabasa sa susulating lakbay-
sanaysay.

You might also like