You are on page 1of 4

POSISYONG PAPEL

Kahulugan:
 Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong
pagsulat.
 Ito ay salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang
isinusulat ng may-akda o natukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitkal.
 Nailathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang
larangan.
 Ang balangkas nito ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang
sa pinakakomplikadong tulad ng isang akademikong posisyong papel.
 Ginagamit din ito ng mga malalaking organisasyon upang isapubliko ang kanilang mga
opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.
 Nagbibigay daan ito sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa nang
walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa
akdemikong pagsulat.
 Pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kuro-kuro o mga posisyong iniharap gamit
ang ebidensya mula sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.
Mga Kailangan sa Pagbuo ng Posisyong papel:
1. Gumamit ng katibayan upang suportahan ang iyong posisyon tulad ng ebidensyang
istatistikal, petsa at mga kaganapan.
2. Patunayan ang iyong posisyon sa tulong ng mga kanapi-paniwalang sanggunian o
pangunahing pinagkukunan ng sipi.
3. Suriin ang mga posibleng solusyon at magmungkahi ng mga aksyon. Pumili ng isang isyu
kung saan mayroong isang malinaw na dibisyon ng opinyon at kung saan ito ay
maaaring patunayan ng mga katotohanan at ng masaklaw na paraan ng
pangangatuwiran. Maaari kang pumili ng isang isyu kung saan mo na binuo ang isang
opinyon. Gayunpaman, nangangailangan ang pagsulat na ito ng isang kritikal na
pagsusuri.
Gabay na tanong: Paano nga ba gumawa ng isang makabuluhang Posisyong Papel?
Ayon kay Grace Fleming, ito ang mga kailangang kunsiderahin sa paggawa ng isang magandang
posisyong papel.
1. Pumili ng paksa batay sa iyong interes– ito ay magiging daan upang mas mapadali ang
pagpapatibay ng iyong paninindigan o posisyon.
2. Magsawa ng paunang pananaliksik– Ito ay kinakailangan upang matukoy kung ang
katibayan ay magagamit upang suportahan ang iyong paninindigan.
3. Hamunin ang iyong sariling paksa– Alamin ang lahat ng posibleng mga hamon na maaari
mong makuha bilang suporta sa iyong mga pananaw. Dapat harapin at kilalanin sa iyong
posisyong papel ang mga kasalungat na posisyon at gumamit ng mga kontra-argumento
(datos, opinyon, estadistika, at iba pa) upang pahinain ang tindig ng mga ito. Ito ay
magpapatibay ng iyong kaalaman at paninindigan sa iyong isusulat na posisyong papel.
4. Mangolekta ng sumusuportang katibayan– Manaliksik at maghanap ng mga katibayan
upang suportahan ang iyong paninindigan. Puwedeng gamitin ang mga datos, mga
opinyon galing sa isang dalubhasa o mga karanasan ng mga Iba’t ibang tao.
5. Lumikha ng balangkas– Sa paglikha nito, kailangang kunsiderahin ang mga bagay na ito:
 Ipakilala ang iyong paksa gamit ang maikling paglalahad ng pangkaligirang
impormasyon at gumawa ng pahayag ng tesis na iginigiit ang iyong
posisyon.
 Itala ang mga posibleng kasalungat na pananaw ng iyong posisyon.
 Ipakita rin ang mga sumusuportang punto ng mga kasalungat na
pananaw ng iyong posisyon.
 Kailangang pangatwiranang mabuti ang iyong posisyon sa kabila ng mga
inilahad na mga kontra-argumento.
 Ibuod ang iyong argumento at muling igiit ang iyong posisyon.
Paalala: Bago ang pagsulat ng iyong posisiyong papel, tukuyin at maingat na limitahan ang iyong
isyu. Ang mga isyung panlipunan ay mahirap at may maraming mga solusyon. Paiksiin ang paksa
ng iyong papel sa paraang madaling pamahalaan. Saliksihin nang lubusan ang iyong isyu.
Komunsulta sa mga eksperto at kumuha ng mga pangunahing dokumento. Isaalang-alang ang
pagiging posible, kabisaan at pulitikal o sosyal na kapaligiran kapag sinusuri ang mga posibleng
solusyon at aksyon.
Pinagkuhanan: https://aralinph.com/posisyong-papel/
Posisyong Papel Higgil sa Pagpapatupad ng K-12 Program
Ang K-12 program ay ang pagdagdag ng 2 taon sa basic kurikulum sa Pilipinas dahilayon
sa DepEd, ang Pilipinas ang huli sa mga bansa sa asya na nagpapatupad pa ngsampung taong
basic education. Ang K-12 program ay nahahati sa kindergarten, primaryeducation, junior high
school at senior high school. Bilang mga mag-aaral, sumasang ayon kami sa pagpapatupad ng K-
12 program dahil ito’y may malaking benepisyo at mas mahahasa ang kasanayan sa iba’t ibang
larangan ng espesiyalisasyon.
Ang pagdagdag ng K-12 sa kasulukuyang panahon ay maituturing na malaking tulong sa
karamihan lalo na sa mga mag-aaral. Limang taon na ang lumipas mula ng iimplementaang K-12
kurikulum sa Pilipinas at samu’t-saring isyu pa din ang patuloy na umuusbongmula sa iba’t
ibang boses ng tao. Ito ay sumasakop sa labing dalawang taong pag-aaral naisinabatas ng
Republic Act No. 10533, na kilala sa titulong “Enhanced Basic Education Actof 2013”.
Layunin nitong mabigyan ng sapat na pag-aaral ang mga Pilipino na gaya sa ibangbansa,
kung saan may matibay na kompetensiya, kakayahan at kaalaman sa trabaho
napinanghahawakan. Bilang mga Senior High School na mag-aaral, sang ayon kami sa
pagiimplementa ng “Enhanced Basic Education Act of 2013” o K-12 kurikulum. Sa pag
iimplementa nito, mas magiging handa ang mga mag-aaral sa pasabak sa trabaho atpagharap sa
reyalidad ng buhay. Sinasabing isa sa mga kabutihang maidudulot nito ay ang pagbibigay ng
pagkakataon sa mga estudyante na mahasa sa iba’t ibang larangan ng espesiyalisasyon.
May layon din ito na makapagbigay ng sapat na panahon para mas matutunan at
mapaghusay ng mga mag-aaral ang mga konsepto at skills na kinakailanganpara sa kolehiyo at
unibersidad pati narin sa pagtatrabaho. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang isang magaaral ng
Senior High School ay maraming gawain hindi lamang sa pangintelektwal pati na rin sa
emosyonal at kakayahang hinuhubog ng departamento ng edukasyon. Isa na dito ang
“immersion” na isa sa mga pangangailangan para makapagtapos.
Dagdag sa kagandahan ng programang ito ay ang pagkakaroon ng trabaho pagkatapos
ng Senior High School dahil isinasaad ng DepEd na ang kurikulum na ito ay isang mataas na
prebilehiyo ng edukasyon. Maaari na ring ituring na may mataas na pinag-aralan ang sinumang
nagtapos ng K-12 kahit pa sa ibayong dagat. Ayon nga sa blogspot.com maaari nang kumuha ng
Certificate of Competency Level 1 kung na kompletomo na requirement ng TESDA kahit na
Junior High ka pa lang at pagnagpatuloy sa SeniorHigh may mas magandang opportunidad na
makukuha ng trabaho lalo na sa mga kapos sapanustos sa kolehiyo.
Sa kabuuan, malaki ang maituturing ng pagpapaimplementa ng “Enhanced Basic
Education Act of 2013” o K-12 kurikulum. Dapat itong pagtibayin at panatilihin ng gobyerno at
maglaan ng pondo para sa libreng pag-aaral ng K-12 nang sa gayon ang mga magulangat mga
mag-aaral hindi na tumutol ay magprotesta hinggil dito. Ngunit gaano pa man kaganda ang
ibinibigay na benepisyo ng kurikulum na ito sa buhay ng estudyante, kung hindi naman
sasamahan ng tiyaga at pagsusumikap ay wala ring mangyayari.

You might also like