You are on page 1of 1

Posisyong Papel

“Paninigarilyo ay nararapat lamang mahinto”

Isinulat ni: Len Nyan Grace P. Batan

Ang paninigarilyo ay isa sa mga matagal ng sanhi ng problema, hindi lamang dito sa pilipinas ngunit maging sa ibat-
ibang bahagi ng bansa narin. Maraming pag-aaral ang nag sasabing ang paninigarilyo ay nagdudulot ng ibat-ibang epekto
sa buhay ng isang tao. Ang isyung ito ay hindi lamang problema ng ating gobyerno, ngunit maging ng lipunan narin. Sa
panahon ngayon, hindi lamang ang mga nakakatanda ang nakikitang naninigarilyo, maging ang mga kabataan ay
naninigarilyo narin. Kaya bilang isang mag-aaral, ako ay sumasang-ayon na ang paninigarilyo ay nararapat lamang na
mahinto at tigilan. Sapagkat ito ay nagdudulot ng maraming epekto sa buhay ng tao, mapa bata man o matanda. Sabi
nga nila “Ang Kabataan ay ang Pag-asa ng Bayan". Ngunit ang sanay pag-asa ng ating Batan ngayo'y unti-unit ng nasisira
ang mga kinabukasan, ito ay dahil sa maraming dahilan. Isa narin diyan ang isyung ito, Ang Paninigarilyo.

Ako ay sumang-ayon na mahinto at tigilan ang paninigarilyo ng mga bata at matatanda, dahil maraming pag-aaral,
mga pananaliksik, at mga artikulo ang makakapagpatunay na ang paninigarilyo ay hindi nakakabuti sa ating katawan at
kalusugan. Ang paninigarilyo ay nagdudulot ng ibat-Ibang uri ng sakit gaya ng, ang paninigarilyo ay isa sa sanhi ng sakit
na tinatawag na Chronic Obstructive Pulmonary (COPD). Ang sakit na ito ay nagdudulot ng hirap sa paghinga, habang
tumatagal mas lalo itong lumalala na siyang nagiging dahilan ng maagang pagkamatay ng mga taong may ganitong sakit.
Ang sakit na ito ay may dalawang uri, ito ang Emphysema at ang Bronchitis. Ang mga taong may sakit na Emphysema ay
nakakaranas ng progrisibong hirap sa paghinga. Sapagkat sinisira nito ang air sacs ng isang tao. Ang Bronchitis naman ay
ang uri ng COPD, na kung saan ang mga taong may ng ganitong sakit ay nakakaranas ng pamamaga ng bronchial tube at
pagdami ng plema.

Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng Asthma at Kanser. Ang sakit na kanser na karaniwang dulot ng
paninigarilyo ay ang kanser sa baga. Ngunit ayon sa ibat-ibang pag-aaral, nagdudulot din ng kanser sa ibat-ibang bahagi
ng katawan ang paninigarilyo, gaya ng kanser sa bato, atay, at sikmura. Ang paninigarilyo ay maaari ding makaapekto sa
reproductive system ng isang tao. Dagdag impormasiyon din ang ginawang pananaliksik o sarbey ng “Global Youth
Tabacco Survey” noong 2015, na nagpapakita na 12 pursiyinto ng mga kabataang may edad 13 hanggang 15 taong
gulang ang naninigarilyo na. Sa paglipas ng panahon parami ng parami na ang mga namamatay, dahil lamang sa
agrisibong paninigarilyo. Ang bawat isang stick ng sigarilyo ay nagtataglay ng mahigit 4,000 na mga kemikal, kabilang na
rito ang tar, carbon monoxide, at nicotine. Ang kemikal na tar ay ang sanhi ng pagdilaw ng ngipin ng mga naninigarilyo,
ito rin ang nagiging dahilan ng baho ng hininga at sanhi ng paninilaw ng mga kuku sa daliri. Ang carbon monoxide naman
ay ang humaharang sa oxygen na makapasok sa katawan ng isang tao na nagdudulot ng hirap sa paghinga. Ang nicotine
ay ang sanhi ng pagkaadik ng mga tao sa sigarilyo.

Ang ating lipunan ay nakakaawa, mga buhay ay unti-unting nasisira dahil sa agrisibong paninigarilyo. Paano na lang
ang ating mga kinabukasan, kung sa panahong Ito ang buhay ay dahan-dahang nababawasan. Ang paninigarilyo ay may
maraming masasamang epekto sa ating katawan, kaya't importanting ito’y iwasan at tigilan. Gabay ng mga magulang
kinakailangan, upang paninigarilyoay tuloyan ng makalimutan. Ang pinakamagandang magagawa natin sa isyung ito ay,
edukasyon at suporta ng bawat isa. Ang pagkaadik sa sigarilyo ay maiiwasan, kung tayong lahat ay magtutulongan.
Huwag iasa lahat sa gobyerno, maging matalino, at paninigarilyo ay iwasan mo. Maging responsabli sa hakbang na
gagawin, kinabukasan ang isipin. Sabi nga nila “(success always starts in our minds. Once we get our thoughts moving in
right direction, taking positive action comes more easily. If you want to change your life, change your mind.)” Mas
mahalagang paninigarilyo ay iwasan, kaysa huli ang lahat ay iyong pagsisisihan.

You might also like