You are on page 1of 9

Epekto ng Social Media sa Edukasyon ng mga

Mag-aaral sa Ikalabing Isang Baitang


HUMSS B

Ay inihanda at ipinasa ni:

Jade Mira Soriano Canilang

Pananaliksik na ipinasa bilang bahagi ng pagtamo ng grado sa Asignaturang


Komunikasyon at Pananaliksik ng Wika at Kulturang Pilipino

Marso 2021
PAHINA NG PAGPAPATIBAY

Republika ng Pilipinas
Northern Zambales College Inc.
Inhobol, Masinloc Zambales

Pananaliksik na ipinasa bilang bahagi ng pagtamo ng grado sa Asignaturang Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Epekto ng Social Media sa Edukasyon ng mga Mag-aaral sa


Ikalabing Isang Baitang HUMSS B sa Mataas na Paaralan ng Northern Zambales College Inc. Taong
Pampaaralan 2020-2021

Ay inihanda at ipinasa ni:

Jade Mira Soriano Canilang

BB. JOAN M. NICOLAS


Gurong Tagapayo
ABSTRAK NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ang epekto ng Social Media sa edukasyon ng mga

mag-aaral sa ikalabing isang baitang HUMSS B. Ang epekto ng social media sa kanilang edukasyon ay

natukoy sa pamamagitan ng isinagawang sarbey na may isang katanungan na may kaugnayan sa paksa.

Ang higit sa apatnapung mag-aaral na kabilang sa ginawang pananaliksik ay nagmula sa mga mag-aaral

sa ikalabing isang baitang HUMSS B sa mataas na paaralan ng Northern Zambales College, Inhobol,

Masinloc Zambales. . Ang naging resulta ng pag-aaral ay nagsasabing mayroong negatibo at positibong

epekto ang Social Media sa kanilang edukasyon. Ang nakalap na datos ay nagsasabing mas marami ang

positibong epekto ng social media sa kanila. Mahigit 80 na porsiyento ng mga mag-aaral sa HUMSS B

ang sumagot na positibo ang epekto ng Social Media sa kanilang mga edukasyon at 20 na porsiyento

naman ng mag-aaral ang sumagot na negatibo ang epekto ng Social Media sa kanilang edukasyon.

Lumalabas sa pag-aaral na higit na nakatutulong ang social media sa kanilang edukasyon. Ayon sa

kanila ay mas maraming aral ang naitutulong ng social media at mas napabibilis ang pakikipagpalitan ng

impormasyon katulad ngayon na tayo ay sumasailalim sa community quarantine at may pandemyang

kinahaharap. Social media rin ang plataporma na ginagamit ngayon ng mga guro sa pag-aanunsyo ng

mga gawain sa mga mag-aaral. Ayon naman sa mga sumagot ng negatibo, ang social media raw ay

nagdudulot sa kanila upang hindi makapagpokus sa kanilang pag-aaral. Ito raw ay nakaaapekto sa oras

na dapat sana ay iginugugol nila sa pag-aaral.


PANIMULA/INTRODUKSIYON

Ayon sa mga mananaliksik, ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao
na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang
virtual na komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na
mga aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na nagbibigay-
daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng gumagamit.
Bukod dito, ang social media ay may interactive platform na kung saan ang isang indibidwal at mga
komunidad ay maaaring magbahagi, lumikha, tumalakay at baguhin ang nilalamang binuo ng
gumagamit. Ito ang nagbibigay daan sa isang matibay at malaganap na pagbabago sa komunikasyon sa
pagitan ng mga organisasyon, mga komunidad at mga indibidwal.

Ngunit sa pag-aaral na ito ay malalaman natin kung ano nga ba ang epekto nito sa edukasyon ng mga
mag-aaral. Nagdudulot nga ba ang social media ng mga positibong resulta o nagdudulot ito ng
negatibong resulta sa edukasyon ng mga kabataan? Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman
kung dapat pa ba nating patuloy na pagandahin ang social media o ipagbawal na ba ito sa mga kabataan
dahil ito’y nakaaapekto sa kanilang pag-aaral.

DEPINISIYON NG MGA TERMINOLOHIYA

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat kong bigyan ng
depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa
pamahanong – papel na ito:

Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya nakikita. Ito
ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa malayong lugar.

Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa
mundo dahil sa ito ay mas high tech,mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para
makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag – ugnayan sa


isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa atin.
Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng parami ang
mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o
interes sa mga larawang pinopost.

Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share stories”. Mahalaga sa larangan ng


panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring
magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong –
lalo na sa mga kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o
madiskubre.

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Sa bahaging ito ang papel ay itinala ng mga mananaliksik- ang ilang literatura at pag-aaral
na mahahalaga at may kaugnayan sa paksang kanilang isinakatuparan. Matutunghayan dito ang mga
Literatura at Pag-aaral na tumatalakay sa katuturan at uri ng panitikang Filipino, katuturan at epekto ng
“Social Media”.

Kaugnay na literatura
-Ayon kina Boyd at Ellison 2007, ang mga social networking sites ay may serbidyong well-based
na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng mga pribado o pampublikong profayl sa loob ng
sistema,pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng kanilang koneksyon at makita
ang ginagawa ng iba pang tagatangkilik.tumutukoy ito sa sites tulad ng
facebook,twitter,instagram,skypes,yahoo,at iba pa. Ilan ang mga nabanggit sa napakaraming social
networking sites na kumakalat ngayon sa internet.ang internet ay isang tsanel kung saan madalian kang
makakasagap ng impormasyon at madali ring makakapagbigay nito.isa sa pinakapakinabang nito ay ang
pakikipagkomunikasyon sa mga taong malayo sa atin.dahil sa pagkauso nito dala ng malakas na
impluwensiya,marami sa mga kabataan ang lubos na nahuhumaling dito.

-Ayon sa artikulo ng Medical Daily 2013, ang pagbabasa gamit ang libro ay mas maraing benipisyo
kaysa sa pagbabasa gamit ang e-book. Unang rason, ang pagbabasa sa libro ay mas magdudulot sa iyo
ng pagkatuto dahil hindi katulad sa e-book, nagkaroong ka ng pagkakataon upang gawin ang ibang
bagay gaya sa paggamit ng Facebook. Pangalawang rason, mas nakatutulong sa
pagtulog ang pagbabasa gamit ang libro. Dahil sa screen ng gadget, mas malaki ang posibilidad na
magdulot ito ng pagkasakit ng mata. Panghuli, ang pagbabasa gamit ang e-book ay nakadudulot ng
stress. Dahil sa pagpupuyat habang nagbabasa, mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng depresyon
at magdulot ito ng stress.

Kaugnay na Pag-aaral
-Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ni Ashley Melinis(2007), ang pagbabasa sa elektronikong
babasahin at nakadudulot sa magaaral ng motibasyon sa pagiging mahusay na mambabasa. Mas
nagkakaroon ng motibasyon sapagbabasa ang mga mag-aaral dahil sa binibigay ng elektronikong
babasahin na animation,sound,music, at narration. Gaganahan ang isang mambabasa dahil sa dulot ng
makabagong teknolohiya.

-Ayon sa pag-aaral nina Basilyo at Bemacer (2017) ang guro ay may malaking papel na
ginagampanan sa paghubog ng kagandahang asal ng mga estudyante subalit sa pamamagitan ng social
media na produkto ng makabagong teknolohiya. Kay gulo ng takbo ng kanilang pag iisip sa larangan ng
kanilang pag-aaral nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng social
media sa mga estudyante at tila ba unti-unti nang na nahihigitan ang kagandahang asal at disiplina sa
sarili.

-Ayon sa pag-aaral ni Young(2000) ang dependent ay gumugugol ng 39 na oras sa internet para sa


sosyal na pakikipag usap at pakikihalubilo. Samantala,ang independent naman ay kumokonsumo ng 5
oras para sa netsurfing o email lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot, binubukod, o walang
kakahayan sa larangan sosyal ang apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong
wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin na mas mahina itong adiksyon na
ito kung ikukumpara sa mga lasenggo o durugista.

-Ayon sa pag aaral ni Health Spokesman Dr.Eric Tayag(2006),ang social media ang isa sa mga
dahilan kung bakit madaling matukso ang mga kabataan ngayon. Paliwanag ni Tayag, madaling
maimpluwensyahan ang mga kabataan lalo na kung nagkukulang sa paggabay ang mga
magulang,simbahan at kanilang paaralan. Dahil dito, sinabi ni Tayag na tinututukan ng department of
health(DOH) ang pakikipag ugnayan sa Department of Education (DepEd) para sa inpormasyong
dissemination para maiiwas sa pagkakaroon ng HIV ang mga kabataan sa pamamagitan ng sex
education.
-Ayon sa pag aaral nina Kraut at kanyang mga kasamahan (2005) sa isang longitudinal na pag aaral
na sa 73 pamilya,nalaman nila na ang paggamit ng internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon
at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.

MGA KAGAMITAN AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Upang makakalap ng datos o kasagutan patungkol sa epekto ng social media sa edukasyon ng mga
mag-aaral sa baitang ikalabing isa HUMSS B ng mataas na paaralan ng Northern Zambales College ay
nagsagawa ako ng sarbey o poll na aking ipinadala sa mga kapwa ko mag-aaral. Social media ang
plataporma na aking ginamit upang maipadala sa kanila ang aking katanungan at masagutan ang survey
sapagkat ito ay isa sa pinakamadaling plataporma na maaring gamitin ng libre. Gumawa ako ng sarbey
sa aming groupchat tungkol sa kung positibo ba o negatibo ang naidudulot ng social media sa kanilang
edukasyon o pag-aaral. At nagpadala rin ako ng katanungan sa ilang kaklase.
RESULTA NG PAG-AARAL

Sa aking pagsasaliksik ay nalaman ko ang epekto ng social media sa edukasyon ng mga mag-
aaral sa ikalabing isang baitang HUMSS B. Marami sa kanila ang malaki ang pasasalamat sa mga
nagsimula ng social media dahil malaki ang naging tulong nito upang mapadali ang kanilang pag-aaral
lalo ngayon na tayo ay sumasailalim sa modular classes at walang sapat na diskusyon patungkol sa ilang
asignaturang hindi mainitindihan. Ayon sa kanila ay maraming dokumento, aralin, at mga panoorin ang
makikita sa social media na nakatutulong upang mas higit na maunawan ang isang aralin. Mahigit 80
porsiyento ng mag-aaral sa ikalabing isang baitang HUMSS B ang nagsabing positibo ang epekto at
nakatutulong ang social media sa kanilang pag-aaral at 20 porsiyento naman ang nagsabing hindi ito
nakatutulong, at nakagugulo lamang sa kanilang pag-aaral at nagiging dahilan sa pagbaba ng kanilang
mga grado.

PAGTALAKAY
Sa pag-aaral na ito, inaasahan ko na malaman ang epekto ng social media sa edukasyon ng mga
mag-aaral sa baitang ikalabing isa HUMSS B. Nagsagawa ako ng sarbey kung saan kailangan nilang
bumoto kung negatibo ba o positibo ba ang epekto ng social media sa kanilang edukasyon. Ang bawat
isa naman ay nakisama kung kaya’t napaboran naman na malaman o mapag-aralan kung ano ang epekto
ng social media sa kanilang edukasyon.
Sa katunayan ay mas inasahan ko na mas marami ang sasagot na negatibo ang dulot ng social
media sa kanilang edukasyon dahil ang social media ay maituturing na isa sa napakalaki at napakalawak
na plataporma kung saan mabilis ang pagkalat ng mga impormasyon. Maraming mga nakaaaliw na mga
palabas, mga kwento, babasahin, at kung ano-ano pa na maaaring kaadikan ng mga mag-aaral na maaari
ring makahadlang sa kanila upang makaroon ng konsentrasyon sa edukasyon o sa pag-aaral.
Nagiging sagabal sa mga kabataan o mga mag-aaral ang paggamit ng facebook, twitter,
instagram at kung anu-ano lalo’t higit sa panahon kung saan kailangan nating magbalik-aral para sa mga
pagsusulit. Kadalasang nauubos ang ating mga oras sa paglalaro ng mga online games gayundin ang
pag-a-update sa ating mga social media accounts at panonood ng mga pelikula sa internet lalo na ang
patok na patok na mga KDramas. Nawawala tayo sa konsentrasyon sa pag-aaral na humahantong sa
pagkababa ng ating mga marka o ‘di kaya ay paghinto sa pag-aaral.
KONGKLUSYON

Ang kinahantungan ng pag-aaral na ito ay nalaman ang epekto ng social media sa edukasyon
ng mga mag-aaral sa ikalabing isang baitang HUMSS B mula sa mataas na paaralan ng Northern
Zambales College Inc. Inhobol, Masinloc Zambales. Walumpung porsiyento ng kabilang sa sarbey ang
nagsabi na positibo ang naging epekto ng social media sa kanilang edukasyon at nakatulong ito upang
mapadali ang kanilang pag-aaral. At dalawampung porsiyento naman nang mag-aaral sa HUMSS B ang
sumagot na negatibo ang resulta ng Social Media sa kanilang edukasyon.
Higit na marami pa ring mag-aaral mula sa ikalabing isang baitang HUMSS B ang
natulungan ng social media upang mapadali ang pag-aaral at mas marami ang magandang dulot nito
kaysa sa negatibo nitong dulot sa edukasyon ng mga mag-aaral lalo na ngayong may pandemya.
Sa pangkalahatan, masasabing ang epekto ng social media sa edukasyon ng isang mag-aaral
ay nakadepende rin sa kung paano nito gamitin ang social media. Nakadepende ang resulta kung ito ba
ay positibo o negatibo kung ang isang mag-aaral ay ginagamit ang social media sa tamang oras at sa
mga kapaki-pakinabang na bagay.
Kung sakali mang negatibo ang lumabas na resulta ng paggamit ng social media sa
edukasyon ng mga mag-aaral ay hindi nito ibig sabihin na wala ng magandang dulot ang social media sa
pag-aaral. Dahil ang lahat ay nakadepende lamang kung mayroon tayong disiplina sa paggamit nito.

MGA GINAMIT NA SANGGUNIAN

Course Hero (No date included) “Epekto ng Social Media sa Edukasyon ng mga Kabataan” , from
https://www.coursehero.com/file/35508501/Ang-epekto-ng-social-media-sa-kabataandocx/

Word Press (November 22, 2016) Social Media, from


https://mysocialmedia886.wordpress.com/2016/11/

Press Reader ( 6 Oct. 2018) “Negatibong epekto ng teknolohiya at social media sa makabagong mag-
aaral” Sun.Star Pampanga. https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-
pampanga/20181006/281646781086047

You might also like