You are on page 1of 4

HOLY TRINITY ACADEMY

CALABASH ROAD, BALIC BALIC, SAMPALOC MANILA


S.Y 2023-2024

Ang Negatibong Epekto ng Social Media sa Hindi Wastong


Pakikipag-ugnayan Gamit ang Wikang Filipino sa Ika-walong
Antas ng Holy Trinity Academy Pangkat Bonaventure at St. John
taong panuruan 2023-2024

IPINASA NI:
BABIERA, Mhica E.
11 ABM – A

IPINASA KAY:
Gng. Jocelyn Fernandez
PAKSA: Epekto ng Social Media sa pakikipag ugnayan gamit ang wikang filipino ng mga
Kabataan

PAMAGAT: Ang Negatibong Epekto ng Social Media at Hindi Wastong Pakikipag-ugnayan


Gamit ang Wikang Filipino sa ika-walong antas ng Holy Trinity Academy pangkat
Bonaventure at St. John taong panuruan 2023-2024

PAHAYAG NG TESIS

Sa kabila ng pagpapadali ng komunikasyon ang social media ay


nagdudulot ng maraming negatibong epekto sa bawat mag-aaral ng
Holy Trinity Academy. Gaya na lamang kung paano nito naapektuhan
ang kanilang abilidad makipag komunikasyon sa kanilang kapwa
gamit ang wikang Filipino. Nararapat na matutunan ng bawat mag-
aaral kung gaano kahalagang matutunan ang wikang Filipino, pati
na rin ang tamang pagbigkas, pagbaybay at pag gamit ng gramatika
nito.

INTRODUKSIYON

Sa patuloy na pag lago at pag dami ng iba’t ibang uri ng social


media, maraming tao na rin ang natututong gumamit nito. Kahit
sanggol na hindi pa nakakalad o nakakapagsalita at matatandang
hirap na gumalaw, ay ginagamit ito bilang libangan. Sinasabing ito
ay nakakatulong sa maraming paraan, lalo na sa larangan ng trabaho
at eskwela. Ngunit sa kabila ng magagangdang epekto nito sa mga
mag-aaral, kaakibat din nito ang mga negatibong epekto. Nagkakalat
na ang iba’t ibang uri ng social media, gaya ng Facebook, Tiktok,
Instagram, X, at iba pa. Kung saan malayang nakakapagpahayag
ang kahit na sino sa mga platamormang ito. Bihira ang mga nang
pupuna o nag tatama kung may mali man sa pahayag na iyong
nagawa. Kung kaya’y maraming kabataan ang nasasanay na
gumamit ng balbal, kolokyal, at iba pang maling pag gamit ng wikang
Filipino, na nagdudulot ng masamang epekto sa mga mag-aaral.

LAYUNIN:
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay tukuyin ang impluwensya ng
social media sa mga kabataan. Kung paano nito naaapektuhan ang
kanilang abilidad makipag komunikasyon at makipag-ugnayan. Hindi
lamang sa kanilang kapwa kamag-aral, pati na rin sa kanilang mga
guro, magulang, kamag-anak, at iba pang mas nakakatanda sa
kanila.

MGA TANONG:

1. Anong lengguwahe ang kalamitang ginagamit ng mga


kabataan kapag kausap nila ang kanilang mga kaibigan,
kamag-aral, magulang, guro, mas nakakatanda sa kanila.
2. Ano ang pinagkaiba ng tungo nila sa pakikipag usap sa
kanilang mga kaibigan, kamag-aral, magulang, guro, mas
nakakatanda sa kanila sa social media at sa personal.
3. Anong mga kaalaman ang kulang sa mga kabataan at kung
paano ito matutugunan.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pag aaral na ito ay magiging makabuluhan at kapakipakinabang


dahil ang resulta nito ay nagbibigay impormasyon ukol sa kaalaman
mayroon ang mag-aaral ng Holy Trinity Acadamy sa tamang pag
gamit ng Wikang Filipino.

Ang pananaliksik na ito ay higit na makatutulong sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral
Sa papel na ito, mapapalawak ang kanilang kamalayan sa
wastong paraan nang pakikipag-uganayan hindi lamang sa
social media kung hindi pati na rin sa kanilang kausap sa
personal. Gaya ng wastong pagbuo ng mensahe para sa
kanilang guro at paglagay ng respeto tuwing sila ay nakikipag
interaksyon sa mas nakakatanda sa kanila. Sa pamamagitan
nito, naiwawasto ang mga maling nakasanayan sa social
media ng bawat kabataan lalo na ng mga mag-aaral.

GURO
Dito malalaman ng guro ang kanilang maaring gawin upang
mapabuti ang kaalaman ng bawat mag-aaral sa pakikipag-
ugnayan. Ito ay makatutulong sa kanilang upang malaman
kung ano naging

MAGULANG
Makatutulong ito sa pamamaraan ng pagtukoy nila sa
masamang epekto kung hahayaan lamang nilang mahumaling
ang kanilang mga anak sa social media. Sa pamamagitan nito,
maaari nilang mapigilan o malimitahan ang kanilang mga
anak na magbabad sa social media at matuto ng mga maling
bagay, lalo na kung may kinalaman sa wikang Filipino.

SAKLAW AT DELIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng datos


namakakapagsabi kung paano naapektuhan ang paraan ng
pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral dahil sa social media. Ang
mananaliksik ay magtatanong sa Holy Trinity Academy, ika-walong
baitang ng pangkat Bonaventure at St. John, taong panuruan 2023-
2024 lamang.
BIBLIYOGRAPIYA

Peña, M. L. D. (2023, June 10). WiFi Connected! (Connected through the Filipino
Language): The Causes and Effects of the Utilization of the Filipino Language in Social
Media of Selected Grade 11 Students from St. Mary’s College, Quezon City, School Year
2021-2022: A Qualitative Study.
https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/AAJMRA/article/view/12637

(Christine Joy D., G. ., Kin Raxelle S., M. ., Aljay B., O. ., Vivian F., P. ., & Cheramie Joy G.,
T. . (2022). Kalamangan at Kawalan ng Social Media sa Mag-aaral ng Senior Hayskul
ng Gallanosa sa Panahon ng Pandemya. Research and Analysis Journal, 5(7), 01–04.
https://doi.org/10.18535/raj.v5i7.305

(Magalona, E. , Papasin E., Ilagan T. M., Almarez, M.) (n.d.). Epekto-ng-social-


media-sa-paggamit-ng-wika compress. . ..bhjjkkgftgjjik 229 - Epekto ng Social Media -
Studocu. https://www.studocu.com/ph/document/university-of-batangas/bs-
accountancy/epekto-ng-social-media-sa-paggamit-ng-wika-compressbhjjkkgftgjjik-
229/2597773

“Positibo at Negatibo na epekto ng Internet at Social Media sa larangan ng Pagaaral,


Pagsasaliksik at Komunikasyon.” (2016, November 9). WordPress.com.
https://eamariaj.wordpress.com/2016/11/09/positibo-at-negatibo-na-epekto-ng-
internet-at-social-media-sa-larangan-ng-pagaaral-pagsasaliksik-at-komunikasyon/

( Gallego, M. C.) “Isang Pagsusuri sa Korpus Ukol sa Pagbabago ng Wikang Filipino,


1923-2013.” (n.d.).
https://journals.upd.edu.ph/index.php/pssr/article/view/5395/4854

PEJ Reader. (n.d.).


https://ejournals.ph/function/reader1/read2/web/reader.php?id=uploads%2Farchi
ve%2FHASAAN%2FVol.+3+No.+1+%282016%29%2FA%2F008_concepcion.pdf&di=
10349

You might also like