You are on page 1of 16

IMPLUWENSIYA NG SOCIAL MEDIA SA PAGPAPAUNLAD NG BOKABULARYO

NG MGA MEDYOR SA FILIPINO SA ISU-C

2023-2024

Mga Mananaliksik

Agabin, Lyka

Baquiran, Angelica

Cervantes, Angelica

Gumatay, Rishelle

Malenab, Jelly Rose

Marayag, Hazel

Tarun, Alex

Torres, Christel
TALAAN NG MGA NILALAMAN

TSAPTER PAHINA

I. INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral……………………………………..

Paglalahad ng Suliranin……………………………………

Kahalagahan ng Pag-

aaral…………………………………

Saklaw at Delimitasyon…………………………………….

II. KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura at Pag-

aaral……………………….

Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral………………….

Haypotesis…………………………………………………...

Depinisyon ng mga Termino……………………………….

III. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral………………………………………...

Pagkukuhanan ng mga Datos……………………………….


Instrumento ng Pag-aaral…………………………………...

Mga Hakbang sa Pangangalap ng

Datos……………………

Istatistkal na Pagsusuri ng mga

Datos………………………
KABANATA I

INTRODUKSYON

Kaligiran ng Pag-aaral

Malawak ang nasasakupan ng Social Media, kung mapapansin halos lahat na ng tao sa

mundo ay mayroon nito. Hindi rin maikakaila na mayroong mahalagang gampanin ito sa

buhay ng bawat-isa tulad na lamang ng magkaibigan at magkamag-anak na malayo sa isa’t

isa, naaabot nila ang bawat-isa sa pamamagitan na lamang ng pakikipag-usap gamit ang

social media. Mayroon ding mga taong gumagamit nito na ang tanging hangarin ay kumuha

ng impormasyon. At sa tulong ng social media ay marahil napapaunlad nito ang ating wika at

napapalawak ang ating bokabularyo.

Ayon kina Hu at Deng (2007), Isang mahalagang bahagi ng wika at siyang batayan ng

mga kakayahang pangwika ang bokabularyo dahil ang mag-aaral ay mas makararanas ng

paghihirap sa pagiging matatas sa pakikipagtalastasan at pang-unawa sa binabasa ng mag-

aaral na walang sapat na kaalaman sa bokabularyo.

Sa pag-aaral na isinagawa naman ni Kamil et al. (2008), Sa batayan ng pag-aaral ng

anumang wika ay kinakailangan ang isang prosesong pagtanggap ng mga bagong salita na

siyang gagamitin sa pang-araw-araw na buhay. Nakatutulong din sa mga mag-aaral ang

pagbuo ng bokabularyo na matutuhan ang kahulugan ng mga bagong salita at konsepto sa

iba’t ibang konteksto at sa lahat ng akademikong pangnilalaman. Tunay nga naman na sa

bawat pakikipagtalastasan natin ay mayroong mga salitang naibubulalas at natututuhan. Iba-

iba ang pamamaraan nga lamang ang ginagamit ng bawat-isa upang ang mga salitang ito ay

maidagdag sa ating bokabularyo.

Hindi rin naman maikakaila na talamak ang mga “social media platforms” na siyang

nagiging midyum sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Tulad na lamang ng “Facebook,


Instagram, Youtube, Twitter” at marami pang iba na naglalayong maging daan sa

komunikasyon ng bawat-isa. Ayon kina Derakshan at Hasanabbasi (2015), napag-alaman na

ang Facebook ay mayroong malawakang epekto sa pangalawang pag-aaral ng wika.

Ayon naman kay Soriano L. (2016), Tumutukoy sa Sistema ng pakikipag-ugnayan ang

social media na kung saan lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at

mga ideya ng isang virtual na komunidad at mga network.

Maaaring maimpluwensiyahan din ang mga mag-aaral sa paggamit ng impormal na

pagkakabuo ng mga salita at gamitin ito sa pagsusulat. Sa isinagawang pag-aaral ni Swan

(2017), ang social media ay nakatanggap ng maraming reklamo hinggil sa negatibong epekto

sa paggamit at pagbabaybay ng gramatika ng mga mag-aaral.

Bukod pa rito, ang social media ay parte na ng ating buhay na kung saan mayroon

tayong kanya-kanyang pananaw sa kung ano ang positibo at negatibong epekto nito sa atin sa

pagpapakadalubhasa at pagpapalawak ng ating bokabularyo sa larangan ng ating sariling

wika, ang Wikang Filipino.

Layunin ng pananaliksik na ito na matukoy kung makatutulong ba ang Social Media

sa bokabularyo ng mga mag-aaral na maging mas dalubhasa pa sa kanilang

pakikipagtalastasan. Gayundin, layunin ng pag-aaral na ito na mabigyang kaalaman ang mga

mag-aaral na kumukuha ng Medyor sa Filipino tungkol sa Impluwensiya ng Social Media sa

pagpapaunlad ng kanilang bokabularyo. Panghuli, layunin din nitong alamin ang positibo at

negatibong impluwensiya ng social media partikular sa bokabularyo ng mga Medyor sa

Filipino.
Paglalahad ng Suliranin

Sa pananaliksik na ito na may pamagat na Impluwensiya ng Social Media sa

Pagpapaunlad ng Bokabularyo ng Mga Medyor sa Filipino sa ISU-C ay isasagawa dahil

sa pagnanais ng mga mananaliksik na matugunan ang mga katanungan na naglalayong

bigyang kasagutan ang mga sumusunod na suliranin:

1. Anu-anong mga Social Media ang karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral.

2. Anu-ano ang positibo at negatibong impluwensiya ng Social Media sa

bukabolaryo ng mga mag-aaral.

3. Gaano nakatutulong ang social media sa paglinang ng bokabularyo ng mga

mag-aaral.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Magsasagawa ang mga mananaliksik ng pag-aaral tungkol sa Impluwensiya ng Social

Media sa Pagpapaunlad ng Bokabularyo ng Mga Medyor sa Filipino sa ISU-C na

makatutulong ng malaki sa mga sumusunod:

 Sa mga Mag-aaral- makatutulong ang pananaliksik na ito upang malaman nila ang

positibo at negatibong impluwensiya ng Social Media sa kanilang Bokabularyo. Sa

pamamagitan nito ay malilinang nila ang kanilang Bokabularyo sa paggamit nito.

 Sa mga Guro- magbibigay kabatiran o kamalayan ito sa kanila upang matukoy ang

bawat salitang ibubulalas ng mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan man o pagsusulat.

 Sa mga Magulang- upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman sa wastong gamit ng

mga salita sa pang-araw-araw na buhay.


 Mga mananaliksik sa hinaharap- magsisilbi itong tulong sa kanila na magkaroon ng

ideya o maraming impormasyon para sa pag-aaral na nais nilang isagawa.

 At sa mga Mambabasa- upang malaman din nila kung ano ang Impluwensiya ng

Social Media sa kanilang Bokabularyo.

Saklaw at Delimitasyon

Ang saklaw ng pananaliksik na ito ay isasagawa sa Isabela State University-

Cabagan Campus sa taong 2023-2024, na kung saan pinili ng mga mananaliksik ang

pangalawa hanggang apat na antas ng kolehiyo na kumukuha ng kursong Batsilyer ng

Sekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino bilang respondente. Gagamit ang

mananaliksik ng Talatanungan upang makapangalap ng impormasyon o datos. Naka-pokus

ang pag-aaral na ito sa mga makukuhang sagot mula sa mga respondente.


KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ayon sa sinabi ni Vygotsky (Kathryn, 1998) Malaki ang papel ng social media sa

pagkuha ng wika ng mga mag-aaral. Ang isang makabuluhang paghahanap ng positibong

epekto ng social media sa mga nag-aaral ng wika ay ang pagtitiwala, saloobin, at pagganyak

ng mga mag-aaral na napabuti nang husto. Sa mga mag-aaral na ang pakikilahok sa mga

social media plataporma ay mas positibong saloobin sa pag-aaral ng Ingles dahil ang mga

daluyan na ito ay may mga tampok na nag-aalok sa kanila ng mga pagkakataon sa

pagpapahusay ng wika.

Ayon kina Beck, Graves at Watts-Taffe (2008), kung direktang pagtuturo ng mga

estratehiya sa bokabularyo at pag-aaral ng salita, o pagdaragdagng dami ng pagbabasa ng

mga mag-aaral, isang mahalagang prinsipyo na nakabatay sa pananaliksik na nalalapat sa

kabuuan ng lupon ay itaguyod ang masidhing interes sa mga salita sa pamamagitan ng

pagpapahayag ng estudyante at pakikilahok sa isang komunidad ng pag-aaral na tinatangkilik

ang paglalaro ng mga salita,nagtataguyod din sa mga indibidwal na interes.

Ayon kay Ong (2009), ang estratehiyang ginagamit ay nakatuon sa tradisyunal nagpag-

aaral ng aktwal na diskusyon ng mga guro upang mahubog at mahasa ang bokabolaryo ng

mag-aaral na kung saan kadalasang naituturo ng mga guro. Nabanggit din ni Ong na ang pag-

aaral sa bokabularyo ay ginagamit ang konteksto sa pagbibigay- kahulugan ng salitang

binigkas ng guro sa diskusyon na maaring maging Kasanayan sa bokabularyo.

Tumataas ang paggamit ng 'social networking', dapat mayroong pagpapatupad ng

paggamit ng social media sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Ingles. Mayroong

ilang mga pagsusuri sa mga pag-aaral na nauugnay sa paksa tulad ng pag-aaral ng


bokabularyo, mga hadlang sa pag-aaral ng wika, mga salik sa pagkuha ng bokabularyo, at

ang impluwensya ng social media sa pagkuha ng wika (Krashen, 2009).

Ayon kay (Kabilan et al., 2010). Sa social media lalo na sa Facebook at Twitter, ang mga

mag-aaral ay nalantad sa malawak na hanay ng mga teksto. Hindi lamang sila ay maaaring

magkaroon ng daan upang suriin at basahin ang iba't ibang nakasulat na mga teksto na

ibinahagi ng iba pang mga gumagamit, ang mga mag-aaral ay patuloy na maa-update ng mga

pandaigdigang kasalukuyang isyu sa Twitter.

Inulat ng GMA News (2011), lumalabas sa pag-aaral ng american phsychological

association ang relasyon ng social media sa pagbaba ng mga marka ng mga mag-aaral. Ang

epekto ng 15 minuto ngpaggamit ng social media gaya ng facebook ay nakakababa ng

markang isang estudyante.

Rouis, Limayem, & Salehi (2011) Maaari rin nilang mapaunlad ang tungkulin ng wika

nang hindi nakikipagkita sa mga katutubong nagsasalita ng tunay sa pamamagitan ito ng

social media.

Ayon kay Gaytan (2013), Ginagamit ang social media karamihan sa mga indibidwal

upang makapag-ugnayan at makipag-usap sa pamamagitan ng mga 'gadget'. Ilan sa mga

plataporma na ginagamit ng mga indibidwal ay ang "facebook", "twitter" "youtube" at

"google" na may malaking kakayahan sa pagtulong sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-

aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng nga pagkakataong mangalap at may pribilehiyong

makakuha ng impormasyon upang mapaunlad, mapalakas at maibahagi ang kanilang

kaalaman.

Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban, PhD. (2013), ang social

media o social networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro
sa pag tuturo sakanilang mga estudyante. Maaring mag bigay ito ng oportunidad sa mga guro

upang komunekta sa kanyang mga mag-aaral.

Batay naman sa mga pag-aaral ni Fionamae Abainza (2014), ang social media, kundi

o katulad ng facebook ay isang daan na maaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan.

Social Media ang nagiging pangunahing daluyan para sa libangan at edukasyon

ginagamit ng mga mag-aaral ang social media bilang daluyan ng pakikipag-ugnayan sa araw-

araw. Ayon kay Regan (2015) may kabuuang 2,206 bilyong aktibong user ang naitala noong

2015, na nagresulta sa 30% ng populasyon sa buong mundo. Tumaas ito ng 176 milyong user

noong nakaraang taon.

Nag sisilbing iba't ibang tampok at serbisyo ang mga ibat-ibang plataporma ang 'social

media'. Dahil sa pagkakaiba, naaapektuhan nito kung paano nakikipag-usap at nagsasalita ang

mga tao sa loob ng mga plataporma na ito. Ang ilan sa mga plataporma ay ang twitter,

facebook at instagram. Ginagamit ang Twitter para sa mabilis na pagbabasa ng impormasyon,

kaya hinihikayat ang paggamit ng limitadong salita sa bawat tweet. Samantala ang Facebook

ay nagbibigay ng mas mahabang pagsulat ng mga mensahe. Sa kabilang banda, ang

Instagram ay pangunahing isang picture at video media platform na walang limitasyon sa

mga tuntunin ng haba ng mga mensahe. (Sebah Al-Ali,2014 at Mansor, 2016)

Ayon kay Khan, Ayaz Khan & Khan (2016),Sa pagkakaroon ng social media ay nakatulong

sa mga tao sa buong mundo na manatiling konektado sa pamamagitan ng online na

pakikipag-ugnayan. Ang ganitong uri ng interaktibidad ay nag-aalok sa mga mag-aaral na

maranasan ang paggawa ng kahulugan gamit ang orihinal na nilalaman at mga taong

katutubong nagsasalita.

Ayon sa paliwanag ng (Social Learning Theory) ni Albert Bandura, maaaring makuha sa

pagmamasid sa ibang tao ang mgapagkatuto tulad ng pagkakaroon ng mabuting ugali at


bagong impormasyon. Mahalaga ang mga iniisip ng tao sa kanyangpagkatuto ngunit hindi

nangangahulugang magbubunga ito ng pagbabago sa kilos at pananalita.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Pascual L (2016), na maypamagat na “ang epekto ng

social media sa mga mag-aaral at edukasyon”, mas pinaliit ng social media ang mundo dahil

inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na kaalaman at mas mabuting

oportunidad upang magamit ang mga ito.

Mayroong mga pakinabang ang social media sa mga mag-aaral tulad ng pagtaas ng

pagganyak at pagbuo ng kasanayang panlipunan. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa nina

Dhanya (2016) at Namaziandost at Nasri (2019), dahil sa iba't ibang paraan kung saan sa

social media ay nagagawa ng mga mag-aaral na mapahusay ang kanilang mga kasanayan sa

wika. Bilang karagdagan, ang social media ay nagbibigay sa mga mag-aaral ng karanasan sa

pakikilahok sa isang nauugnay at patuloy na aktwal na pag-uusap sa mga social networking

site na ito ay sinasabing ang paggamit ng social media ay nakakabawas ng pagkabalisa at

nagpapabuti sa produksyon ng wika.

Sinabi ni Rahmat (2019) na ang isang paraan ng paghikayat sa mga nag-aaral ng wika ay

lumikha ng isang kaaya-ayang sitwasyon na angkop para sa pag-aaral upang mapabuti ang

aktibong pag-aaral. Maaaring gamitin ang social media para gawin ito. Sa pamamagitan ng

paggamit ng mga social media plataporma tulad ng Facebook bilang isang tool sa pag-aaral

ng Ingles, ang mga mag-aaral ay maaaring makakuha ng mga kasanayan sa wika at

makipagtulungan sa mga indibidwal sa buong mundo .

Ayon kina Abbas, Aman, Nurunnabi at Bano (2019) ay sa halip na ginugugol ng mga

mag-aaral ang kanilang oras sa pakikipag-ugnayan ng personal sa mga tao ay mas maraming

oras ang kanilang inalalaan sa social media na lubos na nakaaapekto sa kanilang kasanayan sa

komunikasyon.
Nakapaloob sa pag-aaral nina Ogatia, Bonacia, Alviar, Sanfelipe at Garcia (2019) ang

mga dahilan ng pagsali sa mga socialnetworking websites. Halimbawa nito ay

pakikisalamuha sa ibang tao sa internet. Naglalaan lamang sila ng kaunting oras sa pagbisita

ng mga sites na ito sapagkat mas binibigyang halaga nila ang mas importanteng mga bagay o

Gawain tulad ng mga pag-aaral.


Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral
Malayang Baryabol ‘Di Malayang Baryabol

Profile ng mga respondente:

a. Kasarian Impluwensiya ng Social Media

b. Edad sa Pagpapaunlad ng

c. Social Media Platform Bokabularyo ng Mga Medyor

d. Antas ng mga mag- sa Filipino.

aaral
Mapapansin sa bahaging ito ang Konseptuwal na Balangkas ng Pag-aaral na

naglalayong tukuyin ang ang profile ng mga respondente partikular sa kasarian, edad, social

media platform at antas ng mga mag-aaaral na nasa unang kahon, ang Malayang Baryabol. Sa

‘Di Malayang Baryabol naman nakapaloob sa kahon ang Impluwensiya ng Social Media sa

Pagpapaunlad ng Bokabularyo ng Mga Medyor sa Filipino.

Haypotesis

Sa pag-aaral na ito ay inaasahang maibabalangkas ng maayos ang bawat detalye

patungkol sa Impluwensiya ng Social Media sa Bokabularyo ng mga mag-aaral partikular sa

mga kumukuha ng Medyor sa Filipino. Inaasahang tatangkilin ng mambabasa ang nilalaman

ng pananaliksik na ito.

Depenisyon ng mga Termino

Upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang pag-aaral na ito, narito ang ilan sa

mga termonolohiyang ginamit at mga angkop na kahulugan para rito.


Social Media- Ito ay tawag sa mga interaktibong teknolohiya na nagsisilbing daan sa

pagpapalitan, paglilikha at bagbabahagi ng mga impormasyon, interes, ideya, at iba pang uri

ng mga pahayag sa mundong digital, ito ay sa pamamagitan ng mga birtwal na pamayanan.

Impluwensiya- Ito ay may kakayahang makapagpabago ng isang bagay, pangyayari o

sitwasyon.

Bokabularyo- Tumutukoy naman ito sa lahat ng mga salita ng isang wika, o mga

salitang ginamit ng isang partikular na tao o grupo. Maaari ding tumutukoy sa ginagamit ng

mga mambabasa bilang pinagkukuhanan ng kahulugan ng salita o wika na siyang ginagamit

sa pangungusap.
KABANATA III

METODOLOHIYA

Ilalahad sa kabanatang ito ang mga pamamaraang gagamitin sa pag-aaral at

paglalarawan sa mga hakbang nang maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

Disenyo ng Pananaliksik

Gagamitan ng deskriptibong kwantitatibong pamamaraan ang pag-aaral na ito at sa

paraang talatanungan o surbey kwestyuner na may paksang Impluwensiya ng Social Media

sa Pagpapaunlad ng Bokabularyo ng Mga Medyor sa Filipino sa ISU-C.

Pagkukuhanan ng mga Datos

Sa pangangalap ng datos sa pananaliksik na ito, ang mga mag-aaral na kumuha ng

Medyor sa Filipino sa ISU-Cabagan Campus ang magiging respondyente. Gagamit ang mga

mananaliksik ng simple random sampling, kung saan ang pagpili ng respondyente ay

malaya mula sa kinabibilangan nitong grupo.

Instrumentong ng Pag-aaral

Talatanungan o surbey kwestyuner ang instrumentong gagamitin. Ito ay naglalaman

ng mga tanong hinggil sa Impluwensiya ng Social Media sa Pagpapaunlad ng Bokabularyo

ng Mga Medyor sa Filipino sa ISU-C.

Mga Hakbang sa Pangunguha ng Datos


Gagamitin ang talatanungan sa paglikom ng mga datos sa pananaliksik na ito, upang

mas mapadali sa mga mananaliksik at respondyente. Magtatalakay ang mga mananaliksik

ng maikling oryentasyon at sisiguraduhin ang pagiging kompidensyal nito para sa mga

sagot at mga respondyente.

Estadistikang Pagsusuri ng mga Datos

Upang mas mapadali ang pagtataya ng pag-aaral na ito, susuriin ng mga mananaliksik

ang mga datos na makakalap. Gagamitan ito ng Estadistikang Deskriptibo upang i-presenta

ang mga datos na kung saan gagamitin ang mga talaan sa pagsusuri. Napili ng mananaliksik

ang kagamitang ito upang mas madaling maintindihan ang mga datos na makakalap sapagkat

sa mga datos na ito ay nakabuod gamit ang iba’t ibang uri ng talaan gaya ng talahanayan,

weighted mean, likert scale, gayundin, may pagtatalakay sa mga resulta ng datos.

You might also like