You are on page 1of 17

1

EPEKTO NG “FACEBOOK” SA BOKABULARYO


NG
MGA MAG-AARAL NG DLSAU-SHS SA TAONG PANURUANG 2022-2023

Isang Konseptong Papel


na iniharap sa Klase ng
PAMANTASANG DE LA SALLE ARANETA
Liwasang Victoneta, Lungsod ng Malabon

Bilang Bahaging Katuparan


Ng mga Kahingian para sa katibayan ng
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG FILIPINO

Ipinasa nina:

Cuna, Arzelito
Dalog, Bea
Cabanilla, Deanne Abuan,
Cristina,
Fernandez, Chasey
2

RASYONALE

Ang Facebook ay naging isang malaking impluwensya hindi lamang sa


kamalayan ng mga mag-aaral, kundi maging sa paraan pagsasalita, pagsusulat at pagbasa.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng Facebook sa
bokabularyo ng mga mag-aaral, kung ito ba’y nakakatulong o mas nagdudulot ng
pagkawalang-malay ng mga mag-aaral hinggil sa ilang mga salitang Filipino.
Ang paglipas ng panahon ay nagdulot ng mga bagong imbensyon may kaugnayan
sa teknolohiya. Halos lahat ng tao, sa anumang estado ay gumagamit ng Facebook sa
pang-araw-araw na komunikasyon. Tinatayang nasa 2.80 billion (Facebook, 2021) ang
aktibong gumagamit nito, kasama na rito ang messenger at instagram na kapwa sangay
ng kumpanyang ito. Mas naging kapaki-pakinabang ito noong nagkaroon ng lockdown
noong Marso 2020. Ayon sa Facebook (2020) mayroong 1.84 bilyon, kumpara sa 540
bilyon noong 2019. Ito’y mga bilang ng mga gumagamit ng Facebook araw-araw sa
kanilang mga main account, ito’y nangangahulugan na hindi pa kasama dito ang kanilang
mga ibang account o dummy account.
Mithiin ng paksang ito na sagutin ang mga sumusunod: Maganda at masamang
epekto ng paggamit ng Facebook sa bokabularyo ng mga mag-aaral. Ayon kay Qui Faryadi
(2017), isang mananaliksik sa Malaysia, na ang Facebook ay nakakatulong sa husay ng
bokabularyo ng mga mag-aaral. Ito ang nais na matalunton at palagumin ng pananaliksik
na ito. Sa Pilipinas ay ganoon din ba ang epekto nito. Kaugnay nito, ninanasa rin’g sagutin
ng pananaliksik na ito ang mga salitang nabubuo, sa paglipas ng panahon. Ayon kay Benett
(2006), ang Faecebook ay nagpalawig sa mga salita na ginagamit ng mga mag-aaral.
Ang disenyo ng pananaliksik na gagamitin ay kuwalitatibo, ito ay upang magkaroon
ng mga impormasyong magpapatibay sa mga nakatala sa pananaliksik na ito, Serbey ang
paraan ng pagtatanong, na binubuo ng 5 katanungan. Ang makukuhang impormasyon ay
hahatiin sa dalawang kategorya Pro’s at con’s. Ang masinsinang pagsasaayos nito sa
katawan, kaakibat ng bilang ng sumagot ng parehong ideyolohiya ay natitiyak na mas
3

magpapalagom sa kahalagahan ng usapin o paksang ito. Nakakatiyak na ang mga


katanungan ay hindi sumasagot sa oo o hindi bagkus ay sa sariling pagpapaliwanag ng
mag-aaral.
4

I. Panimula:

Ang paggamit ng Facebook ay nagbigay ng napakaraming oportunidad upang


makipagpalitan ng kaisipan, bumuo ng mga seryosong usapin hinggil sa kasalukuyan at
ibahagi at palagumin ang kanilang mga pansariling kakayahan. Ito ay nagbibigay-
kapangyarihan sa pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa mundo. Sa pag-aaral,
nakita ng mga eksperto na malaki ang epekto nito sa proseso ng pagkatuto ng mga
magaaral (Noorden, 2014). Ang paggamit ng Facebook bilang pangunahing Social
networking website ay nagbibigay ng opportunidad sa pakikipag-ugnayan sa Social
networking (Masa’deh et al., 2013). Ito ay nagiging tulay upang ibahagi sa lahat sa
pamamagitan ng pagpopost ang kanilang ideolohiya, pakiramdam o maging
impormasyon tungkol sa kanilang sarili. Ito ang nagpaging-una sa Facebook bilang
leading social networking website sa mundo. Sa pag-aaral na ito ay tatalakayin kung ang
Facebook ay nakakapagpabuti sa bokabularyong Filipino ng mga mag-aaral.
Minimithi ng pananaliksik na ito na masuri kung ang kasalukuyang palagiang
paggamit ng Facebook ay maituturing na mainam na Language learning tool. Sa kabilang
dako, ito din ay magpapatungkol at iinog sa epekto ng Facebook sa pakikipagtalastasan
ng mga mag-aaral, mapa-pormal o impormal. Nilalayon din ng pananaliksik na ito na mas
palagumin at pagtibayin pa ang pahayag ni Nunan (2003) na ang Facebook ay naging
malaking impluwensya sa bokabularyo ng mga mag-aaral, na mas sila’y nakakabuo ng
mga salitang mas angkop sa iba’t ibang sitwasyon at pangyayari.
Ayon kay Ibrahim (2003) ang mga mag-aaral sa kasalukuyan, ay mas maraming
reklamo kaysa sa pagiging abala sa pag-aaral at mas nagiging abala pa sa pagkahumaling
sa iba’t ibang uri ng teknolohiya. Dagdag pa rito, mas ninanasa na mag-chat na lamang sa
mga kaibigan, kaysa sa pakikipag-usap. Nangangahulugan na ang bagong
komunikasyong nabubuo sa Facebook ng mga mag-aaral ay mas napapabuti ang kanilang
kaisipang may ugnayan sa kanilang bokabularyo.
5

Ang bokabularyo ay may napakahalagang parte sa Tagalog language art instruction


kaya naman, ang pag-aaral na ito ay patungkol at mas umiinog sa epekto ng Facebook sa
pagpapatalas at pagkawalang-malay sa bokabularyo ng mga mag-aaral ng
Pamantasang De La Salle Araneta University. Ito’y sapagkat lumalabas din sa ilang
pagaaral na nagbubukas ng oportunidad ang Facebook sa paggamit ng mga bagong salita
at terminolohiya sa pagbuo ng mga monolinggualismong grupo, sharing posts, at maging
sa pakikipag-ugnayan ng mga mag-aaral sa kanilang guro.
Dagdag pa ng mga naunang pag-aaral, na nag-udyok ang Social media networking,
ispesipiko sa Facebook upang gumawa ng pananaliksik ang mga eksperto kung anong
kakayanan ng Facebook sa bokabularyo, hindi lamang ng mga mag-aaral, kundi maging
sa mga taong gumagamit nito (Benett, 2006).
Sa kasalukuyan, lahat ng mga mag-aaral ng Pamantasang De La Salle Araneta
University, ay gumagamit ng Facebook, kasama na rito ang mga application na ugat at
parehong produkto ng iisang kumpanya, ang Meta, kagaya ng Twitter, Instagram,
messenger, atbp. Isa sa mga tampok na buod ng settings na ito ayon sa mga mag-aaral ay
ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao nang walang mga hadlang at limitasyon. Isa rin sa
naipagmamalaki nilang benepisyo nito sa kanilang kamalayan sa wika, ay nagagamit nila
sa tunay na buhay ang mga salitang ginagamit nila sa Facebook, alalaumbaga’y sa
kanilang pakiwari’y nagpapahasa ng bokabularyo ang paggamit nito. Sa ilang pag-aaral
sa pamantasang ito, napag-alaman din na kahit sa mga pormal na kaganapan, lalo na sa
klase ay nagagamit nila ang mga salitang natututunan nila sa Facebook, gaya ng mga
terminolohiyang: Supremacy, pedophile, racism, atbp. na pawang hindi naman
pinapalawig at itinuturong gamitin sa mga nagdaang taong panuruan, at natutunan na
lang, maging ng mga guro sa mga pagkakataong tampok ang mga salitang ito sa ilang
mga balita at isyu.
Sa paglawak ang kapangyarihan ng Facebook sa buong mundo, humantong na ito sa
uspang batas ng Pilipinas. Nilagdaan ng Dating Pangulong Benigno Simeon Aquino
6

III ang Data Privacy act of 2012. Ang batas na ito ay nagbibigay-kaparusahan sa
sinimang magpapakalat ng mga sensitibong impormasyon tungkol sa isang tao, na walang
pahintulot, mapa-bidyo, larawan o maging sa pagpopost. Ang sinumang magpost ng mga
sensitibong impormasyon ng walang pahintulot ng taong sangkot ay magmumulta
₱500,000 hanggang ₱2,000,000 sa loob ng 1-3 taon (Sec 25). Binigyangdiin din ng batas
na ito ang Privacy ng mga mag-aaral na aktibong gumagamit ng Facebook.
Ipinagbabawal ang pagpopost ng kanilang LRN (Learners reference number) para sa
kaligtasan ng kanilang sariling impormasyon. Samantala, sa usaping hidwaan sa pulitika,
pinagbantaan ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipapatanggal niya ang access
sa Facebook sa bansa (APAC, 2020) kapag nagpatuloy na tanggalin ang mga pahina na
nagpapahayag ng supporta para sa administrasyon. Anila ito ay malinaw na sa paglipas
ng panahon at sa papalit-palit na administrasyon Facebook ay nakikitaan ng pagkiling sa
mga ispesipikong organisasyon, ideyolohiya at pananaw.
7

II. Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong palagumin ang mga sumusunod:


1. Matukoy ang epekto ng madalas na paggamit ng Facebook sa bokabularyo ng mga mag-
aaral.
2. Masuri ang pagbabagong dulot ng Facebook sa pananalita ng mga mag-aaral
3. Maisa-isa ang mga batas na nakapaloob sa paggamit ng Facebook- ang mga
pamantayang dapat isaalang-alang o tandaan upang makapaglagay ng hangganan

III. Suliranin

Pangunahing layunin ng pananaliksik ay tuklasin ang mga benepisyo ng Facebook


sa bokabularyong Filipino ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng sinasagawang
pananaliksik, mas naipapakita ang pro’s at con’s ng malimit na paggamit nito. Gayundin,
mas nabibigyang-tibay at kahulugan ang mga naunang pananaliksik alinsunod sa usaping
ito:
1. Anu-ano ang mga posibleng epekto ng pagkahumaling sa Facebook sa
bokabularyong Filipino ng mga mag-aaral?
2. Sa papaanong paraan, maaring magamit ang bokabularyo mula sa Facebook sa
paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa wikang Filipino?

3. Anu-ano ang mga limitasyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng Facebook sa


pagsasabuhay ng kanilang mga natutunan dito sa larangan ng bokabularyo?
8

IV. Pamamaraan

Ang pananaliksik ay gagamit kuwalitatibo bilang disenyo nito na gagamitin sa


pagbibigay ng patunay sa mga impormasyong nakatala sa papel na ito. Ito ay isang
anyo ng pag-aaral na itinuturing na non-numerical o hindi gumagamit at nabibilang ng
numero. Ilan sa mga tanyag na halimbawa nito ay ang mga: open-ended surveys,
panayam, at mga detalydaong deskripsyon (Trochim, Donelly at Arora, 2014).
Naniniwala ang mga mananaliksik na sa ganitong paraan mas mapapadali ang proseso
ng pangangalap ng impormasyon at angkop para sa paksa na kung saan ay nakapukol
sa personal na karanasan ng bawat mag-aaral ng Pamantasan.
Sa pagsasakatuparan nito ay gagamit ng isang open-ended na surbey. Ito ay
impormasyong mula sa mga respondente na maaring maikli o mahaba, gayundin, ang
mga katanungan at sagot sa mga ito ay may kaugnayan sa kalagayan o personal na
impormasyon sa mga taga-tugon (IBM Corporation, 2004). Pinaniniwalaang mas
magiging epektibo ang pagkalap ng impormasyong hinggil sa paksa, sapagkat mas
magiging makatotohanan ang pagsagot ng mga lalahok, lalo’t higit sila ay malayang
makapagpapahayag ng karanasan sa pa-talatang o pangugusap na pamamaraan.
Sa kabilang dako, binubuo ng limang katanungang hango sa layunin at suliranin
ang tanungang papel. Tiyak lamang masasagot ng Oo at hindi ang mga katanungan,
sapagka’t bahagi ng panuto na bigyang-tibay ang kanilang panig. Sa ganitong paraan,
ay mas mapapadali ang tungkulin ng mga nananaliksik sa paglalagay ng mga malilikom
na impormasyon sa katawan ng nilalaman ng kasalukyang pananaliksik.
Ang mananaliksik ay gagamit ng MS Forms, isang application ng Microsoft, sa
paglalathala ng tanungang papel. Dito ay ita-type ang mga katanungan na may panuto
at walang limitasyong pagsagot. Pinaniniwalaang mas magiging madali ang pagkuha
ng impormasyon, dahil sa auto-generating na katangian nito sa paggawa ng graphs o
pagkuha ng porsiyento. Ang link naman ng nasabing instrument ay ipamamahagi sa
mga Class president ng SHS, sang-ayon sa pahintulot ng guro sa Filipino.
9

Inaasahang ang open-ended survey na isasakatuparan ay mas magpapalawig at


magbibigay ng pagsasakonkreto ng mga impormasyong nakatala ng mga riserts na ito.
Pinaniniwalaang mas magiging makatotohanan ang mga pahayag, sa samu’t saring
ideyolohiya at karanasang ibabahagi ng mga mag-aaral.
Ang open-ended survey na ito ay lalahukan ng lahat ng mga mag-aaral ng
Senior High School ng Pamantasang De La Salle Araneta University. Sapagka’t
lumalabas sa mga naunang pananaliksik at obserbasyon na kalahatan ng mag-aaral sa
bawat istrand ay gumagamit at naiimpluwensyahan ng social media, partikular sa
Facebook. Ang bilang ng mga tutugon ay inaasahang dalawampung katao bawat strand
ng baiting-11. Ito ay upang mas maituon nang mainamn ang kanya-kanyang sagot ng
bawat kalahok, sa kabila ng pagkakaiba-iba ng pananaw. Pinaniniwalaang mas
magiging magiging madali ang pag-iinterpreta ng mga mananaliksik sa mga istatistiko
o mga graphs. Gayundi’y isinasaalang-alang na hindi lahat ng mag-aaral sa mga strand
ay sasagot sa sarbey sa kanilang mga pansariling kadahilanan. Inaasahang ang
pagsasagawa sarbey ay magtagtagal ng isa hanggang dalawang araw, bukod pa sa
pagsasala ng mga impormasyong ibinahagi ng mga kalahok.

Papel 101: Pormat ng tanungang papel na ipamamahagi sa mga respondente.


10

Malaki ang magagawa ng sarbey na ito sa kasalukuyang pag-aaral, dahil bukod sa


magbibigay-patunay ito, ito rin ay makapagpapalawig sa paksang pokus ng pananaliksik,
ang bokabularyong Filipino. Ang mga impormasyong malilikom ay gagawan ng naratibo
na kung saan ay nakabuod ang lahat ng mga ideyolohiya. Ito naman ay gagawan ng bilog
na grap, pinaniniwalaang mas magiging organisado at mas makredebilidad ang ganitong
klase ng presentasyon para sa pagprepresenta ng datos na matatanggap mula sa open-
ended sarbey na ito.
11

V. Sanggunian

Chaffey, D. (2022, August 22). Global social media statistics research summary 2022.
Retrieved from https://www.smartinsights.com/social-media-marketing/social-
mediastrategy/new-global-social-media-research/

Layson, M. (2022, September 21). 50K estudyante mula Grade 1-3, hirap magbasa:
DepEd. Retrieved from https://www.guroforms.com/2022/09/50k-estudyante-mula-
grade1-3-hirap.html

Andre, L. (2022, January 14 ). 68 Social Media Usage Statistics for 2022: Time Spent &
Impact on Health. Retrieved from https://financesonline.com/social-media-usagestatistics/

Aslam, S. (2022, February 22). 63 Facebook Statistics You Need to Know in 2022 -
Omnicore. Retrieved from https://www.omnicoreagency.com/Facebook-statistics/

Sharwood, S. (2022, September 30). Philippines president threatens Facebook ban after
The Social Network™ deleted supportive content. Retrieved from
https://www.theregister.com/2020/09/30/philippines_facebook_ban_threat/

Gaille, B. (2017, May 29). 33 Awesome Facebook Statistics by Age. Retrieved from
https://brandongaille.com/32-awesome-facebook-statistics-
byage/#:~:text=Facebook%20Statistics%201%20Almost%2030%25%20of%20all%20Fa
ce
book,Facebook%20profile%20pages%20created%20since%202012.%20More%20items

Fadil, T. (2021, July 2). The effect of social media on the language. Retrieved from
https://www.assahifa.com/english/opinions/the-effect-of-social-media-on-the-language/
12

Amo, O. (2022, April 4). Effects of Social Media On Student Academic Performance.
Retrieved from https://edupadi.com/blog/effects-of-social-media-on-student-academic-
performance/

Kaur, S. P. (2018). The effects of social media on students. Academia.edu - Share


research. Retrieved from
https://www.academia.edu/36926045/The_Effects_of_Social_Media_on_Students

Jordan, J. (2022, June 9). The benefits of social media for students. Retrieved from
https://supereval.com/blog/the-benefits-of-social-media-for-students/

Jarski, V. M. (2020, March 24). Social media terminology: Words you need to know.
Agorapulse. Retrieved from https://www.agorapulse.com/blog/social-media-glossary-
terminology/

Indelicato, D. (2021, April 2). Learning social media language: Its effects & changes it
brought. Best translation websites from PickWriters.com. Retrieved from
https://pickwriters.com/blog/social-media-language

Wong, B. (2015, December 15). 7 ways Facebook can ruin your relationship. HuffPost.
https://www.huffpost.com/entry/7-ways-facebook-can-ruin-your-
relationship_n_56706867e4b0e292150f80b6

IvyPanda. (2021, July 26). Facebook Effects on Our Self-Esteem. Retrieved from
https://ivypanda.com/essays/facebook-effects-on-our-self-esteem/

Activereload (2013). Ang positibo at negatibong epekto ng Facebook. Retrieved from


https://tl.activereload.net/The-Positive-and-Negative-Effects-of-Facebook
13

Apendiks A

Katanungan ng Surbey

Unang Pahina

EPEKTO NG FACEBOOK SA BOKABULARYO NG MGA MAG-AARAL NG


DLSAU-SHS SA TAONG PANURUANG 2022-2023

DATA PRIVACY AGREEMENT


The researchers are assuring that your comments here will remain private and
anonymous. Your participation in this survey is entirely voluntary. Following the focus
group, the information we discussed will be organized into themes and issues before
being shared anonymously with others with whom we collaborate on a publishable
research piece. If you have any questions or suggestions, please let us know. As we
comply with the 2012 Data Privacy Act, your personal information will be kept
strictly private.

Isang mapagpalayang araw mga Respondente!

Mula sa ikaapat na pangkat ng baitang 11-HUMSS, kayo ay inaanyayahang makiisa sa


aming sarbey. Kami ay naglalayong matalunton ang epekto ng Facebook sa inyong
paraan ng pagsasalita, pagbabasa at pagbabasa. Ang inyong katugunan, ay magiging
malaking ambag sa aming pananaliksik. Ang inyong pagsagot ay aabutin ng hanggang
sampung (10) minuto. Lubos na inaasahan ang inyong katapatan, at buong lugod na
pagbabahagi ng inyong saloobin o kasagutan. Makakaasa na tanging ang propesor
lamang at ang mga mananaliksik na magsusuri ng datos ang makakaalam ng inyong
kasagutan at impormasyon.
14

Lubos na gumagalang,

Dalog, Bea

Cuna, Arzelito

Fernandez, Chasey

Abuan, Ma. Cristina

Cabanilla, Deanne

PANUTO

Tapat na punan ang mga sumusunod na katanungan. Ibahagi nang ispesipiko at buo ang
inyong karanasan, na para ba'ng nagkukuwento lang sa isang matalik na kaibigan.

UNANG BAHAGI: PAUNANG IMPORMASYON HINGGIL SA RESPONDENTE

Katanungan 1: Baitang at istrand

PANGALAWANG BAHAGI: MALAYANG PAGSAGOT / SANAYSAY

1. PAGSUSURI: Ilang taon ka nang una ka'ng gumagamit ng Facebook? Base sa


iyong pansariling karanasan, nakaapekto ba ito sa iyong pagsasalita, pagsusulat o
maging sa pagbasa? Ibahagi nang ispesipiko.
15

2. Sa papaanong paraan, nakakatulong ang Facebook sa iyong pag-aaral? (Maging


ispesipiko)

3. Sa loob ng maraming taon na paggamit ng Facebook, anu-ano ang mga bagong


salitang natutunan mo? (Magbigay ng hindi bababa sa 2 salita)

4. Kaugnay sa ikalawang katanungan, ang mga salitang ito ba ay nagagamit mo sa


araw-araw na pakikipagtalastasan, mapa-pormal o hindi?

5. Sa tingin mo ba, maari na ba'ng ituring na makabagong diksyunaryo


ang Facebook, partikular sa panonood ng mga vloggers at mga sanaysay para sa
mga salitang hindi mo pa naarok?

Link ng talatanungan:
https://forms.office.com/Pages/ResponsePage.aspx?id=D2S4n54GdUyvzQWkTAUR6
SMMs1c-
v95GpiQkdNPWhSZUQURJTUw5MERLQTU1QVRWUkdNVzFMMERVOC4u
16

Apendiks B

Dokumentasyon sa Pagpupulong

B.1. ANG MGA PAGPUPULONG SA PAMAMAGITAN NG ONLINE


PLATFORMS

B.1.1 Ang unang pagpapakonsulta ng konseptong papel at mga plano kay Gng. Amalia
Soriano, guro sa pananaliksik, noong Oktubre 2022.

B.1.2 Ang huling pagpapakonsulta ng konseptong papel noong ikaapat ng Marso taong
kasalukuyan
17

B.2 MGA PAGPUPULONG SA SILID-ARALAN

B.2.1 Ang pagkuha ng mga impormasyon sa mga aklat ng silid-aklatan para sa katawan
ng riserts

B.2.2 Ang pagbuo ng kalansay ng konseptong papel sa pamamagitan ng pagbabalangkas,


kasama ang isang miyembro ng kabilang pangkat bilang tagapagbigay ng suhestiyon.

You might also like