You are on page 1of 6

Impluwensya ng Paggamit ng Facebook tungo sa Gawaing Pang-akademiko

ng mga Mag-aaral ng Ika-labindalawang Baitang

ng Holy Child High School

Isang sulating Pananaliksik


na iniharap kay
Ms. Irene Giva
ng Holy Child High School

Bilang Bahagi ng Pagtupad


Sa Pangangailangan ng Kursong
Filipino 12 Pagbasa at Pagsuri sa iba’t ibang
Teksto tungo sa Pananaliksik

Nina:

Thresia Mea Hortesano


Eloisa Jasmin Roa
Jenelyn Salcedo
Blesy Jose
Roseville Aranez
Reuben Bardaje
Erjeniel Riano

March 2020
Kabanata 1

Ang Suliranin At Ang Kaligiran Nito

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang Facebook ay mahalaga sa buhay ng isang estudyante dahil nagbibigay ito ng impormasyon.

Ang mga estudyante at guro ay gumagamit ng social networking sites gaya ng facebook at linked in para

sa akademikong pag-aaral. Ayon kay Hew at Cheung (2012) maraming estudyanteng gumagamit ng

facebook bilang libangan. Rosen, Carrier at Cheever (2013) ang facebook ay kilala dahil isa ito sa

pinagkukunan ng impormasyon. Ayon kay Smith (2012) may isang billion na katao ang gumagamit ng

facebook kabilang na ang mahigit kumulang 90% na kabataan sa UK. Inihayag ni Dhaha at Igale (2013)

na kabilang sa mga facebook users, ay grupo ng mga kabataan na gumagamit ng facebook bilang pang

araw- araw na batayan. Sumang ayon naman sina Wilson, Fornaiser at White (2010)

Ayon kay Vergara (2014) ang Facebook ( Literal na “ aklat ng [ mga] mukha”) ay isang social

networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng facebook incorporation ng isang

pampublikong kompanya. Ito ang pinakatanyag na social media sa Pilipinas. Halos lahat ng Pilipino bata

man o matanda ay gumagamit nito dahil isa ito sa pinakamadaling paraan upang makipag komunikasyon

sa ibang tao. Ito ay naimbento ni Mark Zucherberg. Sa kabila ng kaliwa’t kanang paggamit ng facebook

hindi parin naaalis sa ibang tao persepyon tungkol dito. May mga taong labis- labis na paggmait ng website

na ito na mula sa
paggising hanggang sa bago pa sila matulog ay nakatutok o nakaharap pa rin sila sa kanilang selpon o

kompyuter. Ito ay maaring maging dahilan kung bakit hindi nila magawa ng madali ang kanilang mga

gawain.

Karamihan sa mga nawiwili nito ay mga estudyante. Ginagamit nila ang website na ito hindi

lamang sa pakikipagkomunikasyon gayundin sa pang-aliw. Kadalasan nagugugol ang oras ng mga

estudyante sa paggamit ng facebook at sa halip na pag-aaral ay mas binibigyan pansin nila ang

pagpepeysbok.
Iskematik Dayagram

Paggamit ng Gawaing Pang-


Rekomendasyon
Facebook akademiko
Paglalahad ng Suliranin

Layunin nito na malaman ang kahalagahan at koneksyon sa pagitan ng facebook at gawaing pang-

akademiko ng mga estudyante.

Sa katunayan, ang pag-aaral ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na mga katanungan.

1. Lebel ng paggamit ng facebook ng mga estudyante.

2. Lebel ng gawaing pang-akademiko ng mga estudyante.

3. Mayroon bang ugnayan ang paggamit ng facebook at gawaing pang-akademiko ng mga estudyante?

Ipotesis

Ang sumusunod na ipotesis ay binigyang-suri sa pag-aaral na ito.

1. Mayroong mahalagang ugnayan ang facebook at gawaing pang-akademiko ng mga estudyante.

2. Walang mahalagang ugnayan ang facebook at gawaing pang-akademiko ng mga estudyante.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakabenipisyo sa mga sumusunod:

Estudyante.Ang pag-aaral na ito ay ay makakatulong sa mga estudyante para makontrol at mabalanse

ang kanilang oras sa paggamit ng facebook.

Mga Magulang.Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong para mabigyan ng ideya ang mga magulang

kung paano gabayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng facebook.

Mga Guro.Ang pag-aaral na ito ay maaaring makakatulong sa mga guro para macaroon ng kaalaman ang

mga estudyante kung paano gamitin ang facebook sa wastong paraan.


Susunod na Mananaliksik.Ang lahat ng mga ideya na inilahad ng mga mananaliksik ay maaaring gamitin

para maging reperensiya sa pagsasagawa ng pananaliksik patungkol sa paggamit ng facebook tungo sa

kanilang gawaing pang-akademiko.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Layunin nitong malaman ang kahagahan at koneksyon sa pagitan ng facebook at gawaing pang-

akademiko ng mga estudyante.

Ang respondante ng pag-aaral na ito ay ang 45 na napiling mga estudyante ng ika-labindalawang

baiting ng Holy Child High School. Ang ika-labindalawang (12) baiting ang napiling respondante dahil

mas masasagutan nila ng maayos ang mga tanong.

Ang mananaliksik ay agagmit ng deskriptibong ugnayang uri ng desinyong pananaliksik upang

malaman ang ugnayan sa pagitan ng paggamit ng facebook at gawaing pang-akademiko ng mga

estudyante.

Depinasyon ng mga Terminolohiya

Facebook-ay isa sa sikat na pang-aliw sa kasalukuyang panahon. Dahil sa facebook nababawasan

ang pagkabagot ng mga taong gumagamit nito. Isa rin ang facebook sa mga material na ginagamit upang

makipag komunikasyon.

Gawaing pang-akademiko-ito ay tumutukoy sa mga Gawain sa paaralan ng mga estudyante na

may kalakip na grado.

You might also like