You are on page 1of 6

IMPLIKASYON NG SOCIAL MEDIA SA PAGGAMIT

NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKAWALONG BAITANG SA MATAAS NA


PAARALANG JOSE P. LAUREL

KABANATA I
Ang Suliranin at Saligan Nito

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang ating mga ninuno ay mayroon
ng sariling sistema ng pagsusulat, ito ay tinatawag na Alibata. Sa paglipas ng panahon, ito ay
napalitan ng Wikang Filipino na atin ngayong ginagamit.
Ang mga tao ay nakakuha ng mga bagong pananaw sa pamamagitan ng pananaliksik at
malikhaing pag-iisip bilang resulta ng tumaas ng modernong at makabagong teknolohiya. Isa sa
mga produkto ng modernong teknolohiya ay social media.
Sa pag-usbong ng mga social media, lalo’t higit sa paggamit ng Messenger sa Facebook ay
nagkakaroon ng pagbabago sa orihinal na teksto ng wika. Habang ang iba ay nakabubuo ng ibang
lenggwahe.
Ang mga suliranin na nabanggit ang nagtulak sa mga mananaliksik upang tuklasin at alamin
ang kalagayang pangwika sa mga mag-aaral nang dahil sa paggamit ng social media.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptong pagsusuri sa mga implikasyon ng social media sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng Jose P. Laurel High School sa ikawalong Baitang.
Ito rin ay naglalayon na tugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang implikasyon ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral ng baitang walo
sa Mataas na Paaralang Jose P. laurel?
2. Ano-ano ang masamang epekto ng social media sa paggamit ng wikang Filipino ng mga
mag-aaral?
3. Ano-ano ang mabuting epekto ng social media sa paggamit ng wikang Filipino ng mga mag-
aaral?

Layunin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pagsasaliksik na ito ay tugunan ang mga isyung nauugnay sa pag-aaral ng
mag-aaral sa ating wika. Gusto rin ng mga mananaliksik na buksan ang mga mag-aaral tungkol sa
estado ng Filpino sa edad ng modernong teknolohiya.

Mga Kaugnayan na Literatura at Pag-aaral


Ayon sa teoryang“ecological system theory” ni Bronfen Brenner 2009,. ang isang mag-aaral ay ay
nasa pinaka sentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang posibilidad na
maimpluwensyahan siya ng indibidwal na nasa kanyang kapaligiran.
Batayang Konseptwal
Resulta
Pamamaraan
Pangangalap ng Datos

Pagsasagawa ng Online
sarbey

Tretment sa Datos

Deskriptibong pag-
aanalisa
Implikasyon ng Social
Media sa Paggamit ng
Wikang Filipino sa mga
Mag-aaral sa Ikawalong
Baitang sa Mataas na
Paaralang Jose P. Laurel

Pamamaraan
Pangangalap ng Datos

Pagsasagawa ng Online
sarbey

Tretment sa Datos

Deskriptibong pag-
aanalisa

Input
A. Pagsusuri ng
kaugnay na
literatura
B. Online sarbey
C. Kasarian
12 Babae
8 lalaki
D. Edad
13-14 na
taong
Mag-aaral ng
Paaralang
Jose P. Laurel

Toeretikal na Balangkas

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral


Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri ng mga implikasyon ng social media sa
paggamit ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ng Jose P. Laurel High School.
Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa wikang Filipino dahil
sa paggamit ng social media.
Ilang piling mag-aaral sa Jose P. Laurel High School sa ikawalong Baitang ang nilapitan at
hiningan ng impormasyon batay sa nasabing paksa.
KABANATA II
Disenyo ng Pananaliksik

Disenyo ng Pag-aaral
Upang matagunan ang mga suliranin na nakatala sa pananaliksik na ito, ang mga
mananaliksik ay nagsagawanng pagsisiyasat.
`

Populasyon ng Pag-aaral
Sa isinagawang pagsisiyasat, mayroong 20 mag-aaral sa nakalipas na panuruang taon 2021-
2022 na nag-aaral sa ikawalong Baitang sa Jose P. Laurel High School ang hiningian ng mga
mananaliksik ng mga impormasyon batay sa nasabing paksa.

Instrumento ng Pananaliksik
Ang pananaliksik, pagsisiyasat at panayam ay isinagawa ng mga mananaliksik upang
magkaroon ng kaalamang napili.

Pamaraan ng Pangangalap ng Datos


Ang pagsasagawa ng mga talatanungan ay upang makalikom ng mga datos na gagamitin
para makagawa ng hinuha sa paglalarawang pag-aaral. Ang mga talatanungan ay isinagawa sa
pamamagitan ng online ang mga piling respondente ay sumagot sa mga katanungan online . Ang
paraang pakikipanayam ay gagamitin ng pagtanong sa ilang respondente na online.

Tritment ng Datos
Ang mga datos na makakalap ng mga mananaliksik mula sa mga respondente na tumugon
sa talatanungan ay ipagsasama-sama. Ang mga datos na ito ay magsisilbing kasagutan sa mga
katanungang inilahad ng pag-aaral. Ang mga datos na makakalap ay isasalaran gamit ang bar graph.

You might also like