You are on page 1of 9

EPEKTO NG PAGGAMIT NG KOMPYUTER SA AKADEMIK PERPORMANS NG MGA MAG-

AARAL

Abstrak

Maipaunawa mga mambabasa ang suliranin ng paglalaro ng online games na


mabigyan ng pansin ang solusyon sa pamamagitan ng isinasagawa naming pananaliksik. Ang
pananaliksik na ito ay isinasagawa upang bigyang pansin kung gaano kalupit ang epekto ng
paglalaro ng mga kompyuter games, facebook, at sa panood ng mga videos sa porn site sa
kalusugan at pag-aaral ng isnag tao upang maipaliwanag ang kahalagahan ng buhay ng isnag
tao. +Sa panahon ngayon, mapapansin natin na mas maraming tao, lalo na ang mga kabataan
na nahuhumaling sa paglalaro ng mga online game at pagsusurfing sa internet.

Kaya napili naming magsagawa ng pananliksik ay upang makakuha ng karagdagang


datos at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa ating komunidad. Ang pag-aaral na ito ay
sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng IT ukol sa Epekto ng kompyuter sa akademik
perpormans ng mga mag-aaral sa taong 2014-2015. Kasama rin dito ang mga posibleng
maging kahinatnan ng sobrang paggamit ng internet.

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptib o pang larawang paraan. Ang


pamamaraang ito ay nagtatangkang ipakita ang isang tumpak na larawan ng mga bagay-
bagay sa kasalukuyan. Sa pamamaraaang ito ginagamit ang mga datos na nagmumula sa mga
kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid

Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod:


pananaliksik sa iba’t-ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga website sa
internet.

Paliwanag:

Sa pananaliksik na ito makikita ang epekto ng paggamit ng internet lalo na sa


tinatawag sa social media na kung saan mga kabataan ang mas higit na mabilis maapektuhan,
isa na ang perpormans ng mga bata sa akademikong usapin. Bagamat malaki ang naiitulong
ng Social Media sa lipunan subalit malaki rin ang masamang epekto nito sa lipunan na ating
ginagalawan. Nang dahil nga sa lumalaking globalisasyon, mas lumalaki rin ang ibat ibang
usapin sa social media.

MUNGKAHING PAKSA; EPEKTO NG MALING PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA


EPEKTO NG MGA WIKANG FILIPINO AT INLGES BILANG MIDYA SA PAGTUTURO NG
ALJEBRA SA ANTAS NG PAGKATUTO AT ATITYUD NG MGA MAG-AARAL SA KOLEHIYO

Abstrak

Sa nakalipas na maraming taon, alam natin na wikang Ingles ang ginagamit na


midyum sa pagtuturo ng matematiks sa lahat ng antas ng pag-aaral. Kahit na noong
nagkaroon ng direktiba ang DECS tungkol sa angkop na midyum para sa pagtuturo ng iba't
ibang asignatura, Ingles pa rin ang napiling midyum para sa pagtuturo ng matematiks.

Subalit hanggang sa ngayon, wala pa ring resulta ng pananaliksik na nagpapatunay


na talagang dapat na Ingles ang gamiting midyum sa matematiks at wala pa ring malaking
pagbabago sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral ng matematiks; gayundin, wala ring
matibay na batayan na kapag Ingles ang gamit sa pagtuturo, maganda ang atityud ng mga
mag-aaral sa matematiks.

Ngayon, isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ng mga guro at mga mananaliksik ay ang
posibleng epekto ng paggamit ng wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng
matematiks. Ayon sa karanasan ng mananaliksik na ito at ng ilan pang guro sa matematiks,
kung dumarating ang mga pagkakataong di maunawaan ng mga magaaral ang kanilang
aralin na itinuro sa wikang Ingles, ito ay ipinapaliwanag nil a sa wikang Filipino. Dahil dito
medaling naiintindihan ng mga mag-aaral ang kanilang aralin, bukod sa nagiging kawili-wili
pa sa kanila ang pag-aaral ng matematiks.

Paliwanag:

MUNGKAHING PAKSA; KOMPITENSI NG MGA MAG AARAL SAFILIPINO SA UNANG


ANTAS NILA SA KOLEHIYO; EPEKTO AT BUNGA.
ANG UGNAYAN NG WIKA, PANANALIKSIK AT INTERNASYONALISASYONG
AKADEMIKO

Abstrak

Tinatalakay sa papel na ito ang ugnayan ng wika, pananaliksik at internasyonalisasyong


akademiko sa konteksto ng hindi kaaya-ayang mga markang natamo ng mga institusyong
Pilipino sa mataas na edukasyon sa ilang Asyano at pandaigdigangranking ng mga
pamantasan.

Ang papel na ito ay may apat na bahagi, tungkol sa kahulugan ng internasyonalisasyong


akademiko, tungkol sa halaga ng pananaliksik sa internasyonalisasyong akademiko, tungkol
sa kahusayan sa pananaliksik at konsepto ng pamantasang pansaliksik (research university),
at 4) tungkol sa pananaliksik at ilang usapin kaugnay ng wikang Filipino.

Hangad ng papel na ito na maipakita ang malaking maiaambag ng wikang Filipino sa


pagpapayaman ng kultura ng pananaliksik sa loob ng mga institusyong Pilipino sa mataas na
edukasyon, na sa kalaunan ay mag-aangat sa kanilang katayuan sa ilang Asyano at
pandaigdigang ranking ng mga pamantasan.

MUNGKAHING PAKSA; EPEKTO NG ONLINE GAMES SA MGA MAG-AARAL


“KOMPARATIBONG PANANALIKSIK TUNGKOL SA MGA TSINO AT PILIPINO-TSINONG
GURO NA NAGTUTURO NG WIKANG TSINO SA MAYNILA”

I. Panimula

A. Panukalang pahayag

 Kumpara sa gurong Tsino, mas epektibo ang approach, teknik at mas mataas ang
kalidad ng mga gurong Pilipino-Tsino pagdating sa pagtuturo ng wikang Tsino.
B. Introduksiyon / Paglalahad ng suliranin

Ang paksa ng mga mananaliksik ay nagkukumpara sa gurong Pilipino-Tsino at Tsino na


nagtuturo ng wikang Tsino sa mga paaralang Philippine Sun Yat Sen High School at
Philippine Cultural College.

Napili nila ang paksang ito upang malaman ang pagkakatulad at pagkakaiba sa approach at
teknik, malaman ang mga katangian ng epektibong pagtuturo na tinataglay ng bawat piling
guro.

Kung babalikan ang kasaysayan ng ating bansang Pilipinas, hindi maikakailang napakalaki
ng naging papel at kontribusyon ng mga Tsino dito sa Pilipinas. Naging parte ang Tsina at
mga Tsino ng malawakang kalakalan na naging susi upang maimpluwensyahan nang husto
ang pamumuhay ng mga Pilipino noon at ngayon. Mula sa aklat na Ten Centuries of
Philippine-Chinese Relations ni Eufronio M. Alip, Ph. Litt. D. na dating propesor ng
Philippine History sa University of Santo Tomas at Adamson University at naging
presidente ng Philippine National Historical Society, noong 977 A.D nag-umpisa ang
relasyong Pilipino at Tsino nang ang isang Arabeng mangangalakal na si Abu Ali ay
humarap sa korte ng Tsina at nagpahayag nang kanyang pagbisita sa Brunei, Sulu, Mindoro
at Luzon. Sinundan ito ng pagpunta ng nasabing mangangalakal sa Canton upang ipahayag
rin ang kanyang pagbisita sa mga isla ng Luzon. Ayon sa Mingh Shih (Ming Dynastic
Records, 1368 – 1644) at Sung Shih (Sung Dynastic Records, 960 – 1278), sinundan na rin
ito ng pagdayo ng mga Tsinong mangangalakal sa Luzon noon pa mang ika-sampung siglo.

Hanggang sa panahon ngayon, malaki ang papel ng trades at investments sa solidong


ugnayan ng Pilipinas at Tsino sa kalakalan. Mula sa komentaryong “Philippines-China
Relations: Beyond the Territorial Disputes” na isinulat ni Andrea Chloe A. Wong ng Center
for International Relations & Studies (isang ahensya ng Foreign Service Institute ng
Pilipinas), inilahad ng Department of Trade and Industry na ang bansang Tsina ang ikatlo
sa pinakanangungunang trading partner ng Pilipinas noong 2013 sumunod sa bansang
Hapon at Estados Unidos. Umabot sa USD 14.61 billion ang naging total trades sa pagitan
ng Tsina at Pilipinas sa nasabing taon. Mahigit sa 400,000 Tsinong turista rin ang bumisita
sa bansa noong 2013.

Kasabay ng lumalaking kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina, ay ang patuloy na pagtaas


ng bilang ng mga Tsino at Pilipino-Tsino na naninirahan dito sa ating bansa. Hindi lang
upang dito magnegosyo, dito na rin sila namamalagi na naging dahilan upang sila ay
makihalubilo sa mga Pilipino.

Ayon naman sa pananalisik ni Ellen H. Palanca, Direktor ng Ateneo de Manila University


Confucius Institute, na pinamagatang “A Comparative Study of Chinese Education in the
Philippines and Malaysia”, mayroong 142 Tsinong paaralan na nagsisilbi sa 92,760
estudyante dito sa Pilipinas. Ang mga paaralang ito ay may sistemang pang-edukasyon na
tunay nga namang nakatutulong sa libo-libong tao, Tsino man o hindi. Isang patunay
lamang na lumalaganap na rin ang Tsinong edukasyon sa ating bansa.

Sa kabilang dako, dahil sa patuloy na pagdami ng mga Tsinong paaralan dito sa Pilipinas,
tumataas ang demand sa mga gurong bihasa sa wikang Tsino at may kakayahang ituro ang
wikang ito. Ayon na rin sa pananaliksik ni Ellen H. Palanca, ang naging solusyon ng
maraming Tsinong paaralan dito ay kumuha ng mga Tsinong guro mula sa mga bansang
Taiwan at Tsina. Hindi naglaon ay nakipagsabayan na rin ang mga Pilipino sa pagtuturo ng
wikang Tsino.

Ang pananaliksik na ito ay ang kauna-unahang pananaliksik na nagkukumpara sa Pilipino-


Tsino at Tsino na guro sa wikang Tsino. Ito ay nagbibigay daan upang matugunan ang
pangangailangan na malaman ang mga kalakasan at kahinaan ng mga guro sa pagtuturo ng
wikang Tsino na magiging kapaki-pakinabang sa iba pang guro kasali man sa pananaliksik
o hindi.Kaya sino nga ba sa mga gurong Pilipino-Tsino o Tsino ang may mas magandang
approach sa pagtuturo? Sino sa mga guro ang mayroong mas epektibong teknik at sino ang
mas mataas ang kalidad sa pagtuturo ng wikang Tsino?
Ang Bilingguwal na Edukasyon: Komparatibong Pagsusuri sa

Pagpaplanong Pangwika ng Mexico at Pilipinas

Renato G. Maligaya

Introduksyon

Ang wika ay isang sosyal o panlipunang penomenon at hindi ito maihihiwalay sa


lipunang kinabibilangan nito. Ang wika ay isang instrumento rin na maaaring may personal
o panlipunang gamit at dahil ito ay instrumentong panlipunan ito rin ay maaaring
instrumento ng paglaya (Constantino, 1993). Sinasabing lahat ng nakaranas ng kolonisasyon
ay tunguhin ang modernisasyon ng kani-kanilang wika matapos maging malaya sa
mananakop. Dalawang bansa ang nakaranas ng matinding pananakop ng Espanya na
nagdulot ng magkahalintulad na karanasan – ang bansang Mexico at Pilipinas na nagkaroon
ng ugnayan na bukod sa pananakop ay nakipag-ugnayan sa pamamagitan ng Kalakalang
Galyon (Manila-Acapulco Galleon Trade). Nang dahil sa ganitong karanasan, naging
magkakawing ang diwa ng bansang Mexico at Pilipinas dahil sa mga ganitong
ugnayan. Ang naranasang pananakop ay nagdulot ng mga pagbabago sa kanilang
katutubong kultura. Nabago ang tunguhin ng kanilang historikal na proseso na nagdulot din
ng politikal na implikasyon sa mga patakarang pangwika. Para kay Constantino (1993) ang
konsepto ng modernisasyon ng wika ay bahagi ng tinatawag ngayon na pagpaplanong
pangwika. Bilang isang panlipunang penomenon, batay sa mga depinisyon ng iba’t ibang mga
linggwist at sosyolinggwist, ang pagpaplanong pangwika ay tumutukoy sa mga maaaring
gawing pagbabago sa wika, sa istruktura at mga elemento nito at sa papel nito sa lipunan.
Sinasabing magkaugnay ang konsepto ng modernisasyon at nasyunalisasyon. Ang
nasyunalisasyon ng wika ay ang pagbibigay ng posisyon sa wika na maging wikang
pambansa, wikang opisyal, wika ng edukasyon, ng mass media at sa mga pang-araw-araw na
gawain. Ang papel na ito ay nakatuon sa patakaran ng bilingguwal na edukasyon sa bansang
Mexico at sa Pilipinas bilang bahagi ng pagpaplanong pangwika at kung ano ang naging
ibinunga ng mga patakarang ito.

Ang Bilingguwal na Patakaran sa Mexico

Ang edukasyong bilingguwal ay sinasabing isang pamamaraan tungo sa


makabuluhang edukasyon ng mga taong hindi binigyan ng pagkakataon ng sistemang
edukasyunal na kung saan ay pinapatakbo ng isang naghaharing wika. Para kay Cummins
(2008), ang edukasyong bilingguwal ay tumutukoy sa paggamit ng dalawa o mas higit pang
mga wikang panturo sa mga mag-aaral. Ang wika o lengwahe ang siyang gamit sa panturo ng
nilalaman ng asignatura at hindi ito pag-aaral ng mismong wika. Bahagi nito ang
magkakawing na sosyo-politikal, sosyolingwistik, sikolohikal, ekonomik, administratib, at
instraksyunal na mga salik. Kung kaya’t ang layon nito, implementasyon at resulta ng
programa ay maaaring suriin sa iba’t ibang disiplinal na perspektibo.

Ayon kay Suchenski (2000), maituturing na nagsimula ang bilingguwal na anyo ng


edukasyon sa Mexico noon pang ika-16 na siglo kung saan nagpakalat ng Kristiyansimo ang
mga misyonerong Espanyol sa mga katutubo ng Mexico. Ang mga misyonero ang siyang nag-
aral ng wika at nagsalin ng doktrina Kristiyana upang turuan ang mga katutubo. May mga
katutubong hindi nagpasakop at piniling mamundok upang hindi tuluyang masakop.

Ang pormal na bilingguwal-bikutural na edukasyon ay itinatag sa Mexico noong


1979. Sinimulan ito sa pamamagitan ng pagkatatag ng General Directorate for Indian
Education na nakakawing sa Kagawaran ng Edukasyon. Ginabayan ito ng Association of
Indian Teachers and Professionals na pawang may mga karanasan sa bilingguwal na
pagtuturo. Ang unang bahagi ng bilingguwal na patakaran ay pagtuturo ng katutubong
wika sa unang dalawang taon ng primaryang antas. Matapos ang dalawang taon ay saka
sisimulang ituro ang wikang Espanyol. Kaalinsabay ng pagtuturo ng wikang katutubo ay
pagtuturo rin ng kani-kanilang kultura bilang bahagi ng bikultural na edukasyon. Ngunit
naging mahaba ang proseso upang makahulagpos ang ganitong edukasyon hanggang sa
kinailangang magkaroon ng deklarasyon noong 1992 mula sa pamahalaan na kilanlanin
ang lipunang Mexico bilang isang pluralistikong bansa. Itinakda sa kanilang Saligang Batas
ang pagkilala sa multikultural at multi-skill na antas na bansa sa pamamagitan ng
pagpapayaman sa kondisyon at kalidad ng buhay lalo na ang mga katutubo na
kinakailangan magkaroon ng sapat na benepisyo sa kaunlaran ng bansa kasama ang
pagrespeto sa kanilang kaibahan sa kultura at wika. Ang artikulo sa Saligang Batas ng
Mexico patungkol sa multikulturalismo ay siyang nagbunsod upang maisakatuparan ang
programang pang-edukasyon sa pamamagitan ng istratehiya at planong pagsasagawa ng
1995-2000 Educational Development Program na nagpapalawig ang bilingguwal-bikultural
na edukasyon ng mga katutubo ng Mexico.
Ang Bilingguwal na Patakaran sa Pilipinas

Noong 1937 sa pamamagitan ng Executive Order No. 134 ni Pangulong Quezon ay


nagtakda ng pambansang wika na nakabase sa Tagalog na opisyal na tinawag na “Pilipino”
noong 1959. Ang pagpapalit sa katawagang “Pilipino” ay upang mapalaya ang wikang
pambansa sa ano mang pasandig sa pangkat entiko at upang matanggap ng mas maraming
Pilipino (Galang, 2000). Ang unang bilingguwal na pagtuturo sa Pilipinas ay naranasan
noong 1939 sa pamamagitan ng kautusan ng Kalihim sa Pampublikong Pagtuturo na si Jorge
Bacobo. Sa kanyang kautusan ay pinahihintulutan ang pagtuturo gamit ang katutubong wika
sa pagtuturo ng Grade 1 at 2 sa mga paaralan lalo kung hindi maintindihan ng mga mag-aaral
ang wikang Ingles. Simula 1940 ang mga nasa ika-apat na taon ng sekundarya at yaong mga
kumukuha ng kurso sa pagkaguro ay tinuruan din sa wikang nakabase sa Tagalog. Ito ang
nagbunsod upang gawing asignatura ang wikang Pilipino para sa mga asignatura ng Grade 1
at Grade 2. Hanggang sa taong 1973, idineklera ng Board of National Education ang polisiya
sa bilingguwalismo at maging polisiya ng edukasyong bilingguwal ng Department of
Education and Culture noong 1974. Ang layunin nito ay maging mahusay ang mga mag-aaral
sa parehong wika ng Ingles at Pilipino.

Ayon kay Fortunato (2003), sa Bilingual Education Policy (BEP) noong 1973 ay
naglalayong makapagdebelop ng isang nasyong bilingguwal na may competence sa paggamit
ng Ingles at Pilipino. Itinakdang gamitin ang dalawang (2) midyum ng instruksyon sa tiyak
na subject areas, kaalinsabay ng gamit ng Arabic, kung kaialngan at ang mga bernakular
bialng wikang pantulong sa grado 1 at 2. Hiwalay na subject ang Filipino tulad ng Ingles.
Gagamiting wikang panturo ang Filipino sa mga sumusunod na subject: social studies/ social
science, character education at work education. Samantalang sa Ingles naman ituturo ang
mga mathematics at natural sciences.

Subalit matapos ang pamamahala ni Marcos ay napalitan ang Saligang Batas kung
kaya’t ng taong 1987 ay nagkaroon ng panibagong polisiya ukol sa bilingguwalismo. Itinakda
sa Artikulo XIV ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas na ang opisyal na wika ay ang “Filipino”
at kailangang itong pagyamanin at payabungin. Ang mga wikang Ingles at Arabic ay mga
opisyal na wika rin ayon sa pagtatakda ng Saligang Batas. Alinsunod sa batas, ang
pamahalaang Aquino noong 1987 ay nagtakda ng Bilingual Education Policy (BEP) na
humihikayat ng pag-aaral sa dalawang wika – ang Ingles at Filipino.

Halos magkapareho ang nilalaman ng 1987 BEP sa polisiya noong 1974 maliban sa mga
sumusunod:

a. gamit ng mga rehiyunal na wika bilang pangalawang wika sa sa pagtuturo


b. gamit ng Filipino bilang tugon sa pangangailangan sa pagkatututo

c. pagbibigay ng gampanin sa mga terseryong paaralan para intelektuwalisasyon ng

wikang Filipino

d. pondo para sa implementasyon ng polisiya

e. mas mahabang panahon sa implementasyon ng polisiya (Galang, 2000).

You might also like