You are on page 1of 35

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA ONLINE AT OFFLINE SELF SA MAG-

AARAL NG SIKOLOHIYA SA NATIONAL UNIVERSITY-MANILA

Isang Tesis na Iniharap

sa Kaguruan ng Paaralang Gradwado

ng National University, Manila

Bilang bahagi ng Pagtupad sa mga


Pangangailangan para sa Wika Sa Iba’t Ibang Larangan

RONCO, RHOMINA
SAMSON, KYLA
SANTOS, JOSHUA
TATOY, MARY ROSE
VILLACARLOS, ANDREA NICOLE
2020
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pahina ng Pamagat i

Dahon ng Pagpapatibay ii

Katibayan ng Pagwawasto iii

Pasasalamat iv

Paghahandog v

Talaan ng Nilalaman vi

Talaan ng mga Talahanayan vii

Talaan ng Pigura viii

Abstrak ix

Kabanata I. Introduksyon
Kaligirang Pangkasaysayan……………………………………… 1

Layunin…………………………………………………………... 4

Kaugnayang Literatura…………………………………………... 5

Konseptwal na Balangkas……………………………………….. 6

Teoretikal na Balangkas…………………………………………. 7

Paglalahad ng Suliranin………………………………………….. 8

Kahalagahan ng Pag-aaral……………………………………….. 9

Saklaw at Limitasyon……………………………………………. 10
Kabanata II. Metodolohiya

Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………. 11

Instrumento……………………………………………………….. 12

Reliability…………………………………………………………. 13

Paglilikom ng Datos………………………………………………. 14

Pagsusuri at Kinalabasan…………………………………………. 15

Kabanata III. Resulta at Diskusyon

Kabanata IV. Diskusyon o Talakayan

Lagom……………………………………………………………… 18

Konklusyon………………………………………………………… 20

Rekomendasyon……………………………………………………. 21

Sanggunian…………………………………………………………………. 51
Appenix
KABANATA I
INTRODUKSYON

Kaligirang Pangkasaysayan

Sa pagdaan ng maraming henerasyon at pag-usbong ng modernong pamumuhay,

maraming mga makabagong bagay ang lumaganap. Isang bagay ang naisulong sa

paglaganap ng modernong henerasyon ngayon an ito ang makabagong teknolohiya. Sa

paglaganap ng teknolohiya, kasabay din nito ang pagsulong ng Social Media. Ang social

media ay isang uri ng plataporma na kung saan maaring makipag komunikasayon sa mga

taong malalayo sa iyo. Ginagamit din ito upang mangalap ng impormasyon at balita. Ito

rin ang ginagamit ng mga negosyante upang makabenta at makakuha ng mga kostumer.

Sa dami ng pakinabang ng social media, halos lahat ng tao ngayon ang lubos na nahihilig

sa paggamit na ito. At dahil dito, lumalaki na rin ang epekto nito sa lipunan.

Ang Social Media ay tumutukoy sa makabagong Sistema ng paglikha at

pakikibahagi ng impormasyon sa ibang tao. Ito rin ang makabagong paraan ng

pakikipag-ugnayan na kung saan maraming tao na ang nahuhumaling dito. Ang

Facebook, Twitter at Instagram ay ilan lamang sa mga sikat na aplikasyon na ginagamit

ng nakakarami ngayon. Dito nanggagaling ang mga balita at impormasyon na mabilis

kumakalat kahit saan. Dahil dito, sari-saring mga pekeng balita na rin ang

lulamalaganap. Ang mga pekeng balita na ito ang minsan ang nagiging dahilan ng

miskomunikasyon ng mga tao. Hindi rin maipagkakaila na malaki ang epekto ng social

media sa isang tao. Sa mga isyu na lumalaganap, dahil sa social media, maaring

makakalap ang isang tao sa mas malawak na hanay ng opinyon mula sa ibang tao na

nagdudulot sa mas malawak na pang-unawa at kaisipan ukol sa mga bagay bagay.


Malaki rin ang naitutulong ng social media sa pagbago ng pananaw at mentalidad ng

isang tao.

Masasabi na sa panahon ngayon, halos lahat ng balita at impormasyon na iyong

nakukuha ay mula sa social media. Isang click mo lang, maari ka nang makakalap ng

mga datos. Sa mga mag-aaral, madalas din nilang pagkuhaan ang social media ng mga

impormasyon na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Dahil dito, mas pinipili nalang nila

na mangalap mula sa social media kaysa sa magbasa ng libro sa silid-aklatan. Ito ang isa

sa kinababahala ng mga ekspeto na kung saan ang porsyento ng mga mag aaral na naadik

sa social media ay lalong lumalaki. Isa pang dulot ng social media sa mag-aaral ay ang

pagbabad sa paggamit nito na kung saan kinakaligtaan na rin nila ang kanilang

responsibilidad bilang mag-aaral. Mas pinipili nila na mag-fb kaysa mag-rebyu. Sa

paggamit ng social media ay may kaakibat ito na resposibilidad at disiplina. Mabuti man

o hindi, ang epekto ng social media ay malaki lalo na sa ating sarili. May mga pag-aaral

na nagsasabi na malaki ang dulot nito sa emosyon ng isang tao.

Marami ng nalululong sa paggamit nito na kung saan hindi na natin

napagtutuunan ng pansin ang malaking dulot nito sa ating sarili. Nakakaapekto rin ang

labis na paggamit na ito sa emosyonal at mentalidad na kapasidad ng isang tao na kung

saan nagbabago na rin ang kaniyang pakikitungo sa ibang tao at pananaw ng tao sa

realidad. Mraming tao ang nakadepende nalang ng kanilang gagawin sa araw araw sa

kung ano ang makikita nilang uso sa social media. Nakakaligtaan na nila na pagtuunan

ang nangyayari sa realidad. Nagbabago na rin ang kanilang ugali dahil sa labis na

paggamit nito. Totoo na malaki ang magandang epekto ng social media sa ekonomiya

ngunit kung itutuon natin sa pansariling epekto nito, ito ay nakakabahala na.
Sa paggamit ng social media, nakakaligtaan ng marami ang responsibilidad at

limitasyon sa paggamit nito. Ngunit kung magiging disiplinado ang mga gtao sa

paggamit nito, ang masamang epekto nito ay mababawasan at ang magandang epekto

ay madagdagan.

Layunin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matuklasan ng mga mananaliksik ang mga

positibo at negatibong epekto ng social media sa Online at Offline self ng indibidwal.

Bukod pa dito, nais din ng pag-aaral na ito matuklasan kung ano-ano mga social media

sites na dahilan upang maimpluwensiyahan ang isang indibidwal sa kanyang online at

offline self. Nilalayon nito malaman kung naiimpluwensyahan at nababago ba ng mga

iba’t ibang social media sites ang pagkakakilanlan sa sarili. At higit sa lahat, layunin ng

pananaliksik na ito kung ano ang mga paraan na nakakatulong sa mentalidad, emosyonal

at kaugalian ng indibdwal sa pag gamit ng Social Media.


Kaugnayang Literatura

Ayon sa pagsasalisik ni Honglardarom, S. (2011) na pinamagatang Personality

Identity and Self in the Online and Offline World, malaking impluwensiya ang

teknolohiya sa ating mga sarli. Sinasabi na ang sosyal midya ay ipinapalagay na isang

lugar kung saan isinisuwalat ng isa ang sarili. Ito ay nagpapakita ng posibleng

pagkakagawa na masasalamin ang tunay na pagkakakilanlan ng gumagamit (Zhao et al.

(2008)) na maaaring mapakinabangan na din sa paraang maipakita ang ganap na bago o

ikalawang persona sa publiko dahil maraming tao ang gumagawa ng kanilang “ikalawa”

o haliling persona sa online na iba sa offline na sarili. Kung kaya ang paglitaw ng mga

social media sites ay lumikha ng isang problema kung paano ang sarili ay maiintindihan

ibig sabihin, sa paglaganap nito ang linya sa pagitan ng dalawang uri ng sarili ay mas

mahirap na maunawaan dahil tila may isang pagsasanib sa pagitan ng pagkakaiba ng

sarili sa online at sarili sa offline. Sinasabi na dahil din sa mga social media sites na ito,

naiuuganay ng isang tao ang kanyang sarili sa ibang indibidwal. Sa diskusyon ni

Honglardom, S. (2011), ang pagkakakilanlan sa sarili ay higit na binubuo ng mga

panlabas na salik tulad pagkaunawa ng lipunan, at iba’t ibang uri ng dokumentasyon at

pisikal na ugali kaysa sa panloob tulad ng memorya at ang subjectib na pakiramdam sa

pagiging sarili. Sa huli, ang parehong uri ng sarili ay walang anuman kakanyahan, i.e.,

anumang katangian na likas sa kanila na nagsisilbi upang ipakita na ang mga ito mismo

ay ano sila at wala sa iba. Ibig sabihin ang mga post ng isang indibidwal sa kanyang

account ay walang kinalaman sa pagkakaroon ng pangalawang sarili marahil ay nakabase

lang ito sa kung ano ang iniisip ng ibang tao sa nakikita nilang mga post online. Bilang

konklusyon ang online at offline ay hindi masasabi kung ito’y iisa o magkaibang uri ng
sarili dahil maraming bagay ang kailangan isaalang-alang at malaman pa.

Sa pananaliksik ni Trub, L. (2016) na pinamagatan na A Portrait Of The Self In

The Digital Age: Attachment, Splitting And Self-Concealment In Online And Offline Self-

Presentation, kung saan sinuri niya sa papel na ito ang ginagampanan ng mga

dinamikong kalakip ng may sapat na gulang sa pagpapakita ng sarili at pagtatago ng

sarili sa online at offline. Sa pag-aaral niya, kabuuan 145 na mga blogger ang sumagot

ng Experiences of Close Relationship Scale (Brennan, Clark, & Shaver, 1998) tungkol sa

kanilang blog persona at ang kanilang offline persona. Maraming dekada na ng

pananaliksik ay nagpakita na ang pag-unlad ng sarili ay nakaugat sa mga maagang

karanasan sa relasyon na nakakaimpluwensya ng kakayahan sa paggalugad sa sarili at

pagkakaroon ng kasarinlan. Itong pag-aaaral na ito ay sumusuporta sa paniniwala na ang

estilo ng attachment o pagkagiliw ay kumakatawan sa isang kritikal na kadahilanan sa

kung paano naiiba ang paggamit ng mga tao sa offline at digital na social media sites

para sa paglikha at pagsaliksik sa sarili; para sa mga indibidwal na attached ngunit

insekyur, maaaring mag-alok ang Internet ng isang mas ligtas na platform para sa

paggalugad sa sarili kaysa sa umiiral na offline. Sinasabi na ang Internet ay maaaring

maging isang lalagyan para sa ihiwalay o itago ang ibang bahagi ng sarili. Ang mga

indibidwal na may mataas na antas ng pagkabalisa at ang pag-iwas ay ipinakita ang

kanilang mga sarili sa higit na pagkakaiba, magkakasalungat na paraan sa online laban sa

offline. Partikular, ang mga blog personas ay higit na nagbubunyag o nagpapakita ng

sarili samantalang ang offline personas ay inilarawan bilang mas aktibong pagtago sa

sarili. Gayundin, ang offline na nagpapakita sa sarili na kalakip ang mga indibidwal ay

higit na nakatuon sa pangangalaga ng iba, samantalang ang mga personas ng blog ay


limitado sa mga pagpapakita ng ugali ng sarili.

Sa pag-aaral ni Boyd at Nicole (2007), Ang pag-usbong ng Social Networking

sites ay galing sa websayt na Sixdegrees.com. Kung saan, ang website na ito ay

nakakagawa ng tinawag na “profile” ang mga indibidwal at maglagay ng kaibigan dito

sa pamamagitan ng “surf”. Ang Sixdegrees ay nakatulong sa mga indibwal upang

makakonekta at makapag mensahe sa malayong lugar.

Ayon kila Cohen at Barak (2013), Ang Internet at ang iba pang midyum ng

komunikasyon gamit ang mga teknolohiya katulad ng cellphone ay ginagamit ng halos

lahat ng indibidwal at ayon sa pag aaral nila Valkenburg at Peter (2011) ito ay

nakakaapekto sa emosyonal at komunikasyon ng mga indibidwal. Ang pag gamit ng

mga ICT o Information and Communication Technologies ay maaaring magkaroon ng

mapanganib napag uugali sa kabataan, Ayon sa pag aaral nila Valcke at De Wever et

al., (2011) ang maling pag gamit ng social media ay maaring magkaroon ng

negatibong epekto katulad ng pagkakaroon ng problema sa emosyon at peligrosong

pag-uugali sa lipunan. Ang internet ay isa sa mga malaya na pagpapahayag sa sarili,

Tugon nila Subrahmanyam, Smahel at Greenfield (2006) Dumadami ang mga

indibidwal na nag papahayag ng kanilang mga personal na impormasyon tulad ng

edad, kasarian at oryentasyon.

Ayon kina William at sawyer (2011) ang media sharing ay ang pagbabahagi

ng mga litrato, bidyo, at musika. Halimbawa nito ay ang facebook, Instagram, twitter,

YouTube at iba pang social networking sites. Dagdag pa nina William at sawyer

(2011) ang social media ay may ibat- ibang kakayahan o abilidad. Ang maka

modernong abilidad na nagagawa ng social media ay isa sa mga dahilan kung bakit
madaming kabataan ang naaadik dito.

Batay kay Abishek Karadkar manunulat ng technician online (2015) mayroong

mga rason ang magaaral kung bat sila naglalaan ng oras sa mga social media. Isa sa

mga ito ay ang social media ay nagbibigay Kalayaan sa mga kabataan upang magawa

ang kanilang ninanais. Dahil sa pagkaadik ng mga kabataan madaming oras ang

kanilang nasasayang na dapat ay nilalaan nila sa mas importante at makabuhulang

bagay gaya ng pag-aaral, paggawa ng gawaing bahay at iba pa.

Mula sa impormasyon na nakalap, sinasabi na ang paggami ng social media ay

nakakatulong sa tao upang makihalubilo sa ibang tao. Sa paggamit ng social media,

maraming tao ang naglalakas loob na makipag-usap sa ibang tao dahil sa taglay na

anonymity nito. Marami rin ang naeengganyo na gumamit ng social media dahil sa

"sense of connection" na kanilang nararamdaman sa mga nakakausap nila sa online.

(Al-deen, Hendricls, 2017)

Sa kabilang banda, labis naman na nakakaapekto ang lubos na paggmit ng

social media sa pag-uugali ng isang tao. Ayon kay Shake Hocson, Guidance Diretor

ng Far Eastern University, naaapektuhan ang kakayahan ng isang tao na mag-absorb

ng emosyon ng nakasalamuha. Nagkakaroon aniya ng "flat-affect" o tila

"pagmamanhid" ng emosyon ang labis na paggamit ng social media. Nakakaapekto rin

aniya ito sa pang-araw-araw na buhay ng isang bata. May mga artikulo rin na

nagpapatibay nito,at kung hindi maagapan ang sitwasyon ay maaaring magdulot ito ng

pakiramdam na pagiging "out of place" at kaakibat pa nitong mga mental disorder.

Ayon sa isang pag-aaral, isang factor ang social media sa paglaki ng

populasyon ng mga kabataan na nakakaranas ng problemang mental. Dahil sa labis na


paggamit ng social media, mas maraming oras ang naigugugol ng isang tao dito at

nakakaligtaan na niya na makihalubilo sa kaniyang pamilya. Ito ay nagdudulot ng

isolasyon at kalungkutan (Pantic, 2014). Sa social media, maari kang magpost ng

iyong larawan na may filter na kung saan para sa iba, ay mas nakakapagpaganda.

Dahil dito, ang mga kabataan ay dumedepende na rin sa paggamit ng filter at sa mga

papuri mula sa kaniyang mga 'facebook friends'. Masasabi natin na malaki ang epekto

ng social media sa self-esteem ng isang tao


Konseptwal na Balangkas

Ang daloy ng pananaliksik tungkol sa Epekto Ng Social Media Sa Online At

Offline Self Sa Mag-Aaral Ng Sikolohiya Sa National Universtiy – Manila.


Teoretikal na Balangkas

Ang pananaliksik na ito ay ibinatay sa teorya ni Ervin Goffman na “Goffman

Dramaturgical Theory” ito ay may ideya na ang pamumuhay ng isang indibidwal ay

maihahalintulad sa isang aktor sa teatro. Sa pag gamit ng teoryang Goffman

Dramaturgical Theory, ang Social Media ay nakakaapekto sa pagpapakilanlan sa sarili

at sa pananaw ng indibidwal.

Ang pagsasaliksik na ito ay makakatulong sa nakakarami sapagkat ang pag gamit


ng social media ay may malaking epekto sa pamumuhay at pag iisip ng indibidwal.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “EPEKTO NG SOCIAL MEDIA


SA ONLINE AND OFFLINE SELF SA MGA MAG-AARAL NG SIKOLOHIYA
SA NATIONAL UNIVERSTY – MANILA” ay isinagawa upang malaman ang mga
epekto ng Social Media at kung may pinagkaiba ba ang sarili kapag offline o online
ang mga indibidwal na gumagamit nito. Ang pananaliksik na ito ay naghahangad
masagot ang mga sumusunod;

1. Ano ang profile ng mga mag-aaral ng Sikolohiya sa National University Manila base
sa:
a. Kasarian
b. Edad
c. Antas

2. Ano- ano ang mga social media sites (SMS) na maaaring dahilan para
maimpluwensyahan ang isang tao sa kanyang online at offline self?

3. Ano ang epekto ng paggamit ng social media sites ng isang indibidwal sa kanyang;
a. Kaugalian
b. Mentalidad
c. Kalusugan at Pinansyal
d. Pag-aaral

4. May pinagkaiba ba ang pagkakakilanlan ng sarili sa online “digital world” self sa


offline “real life” self ng mga mag-aaral ng sikolohiya sa National University-
Manila?
Kahalagahan sa Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay malaking tulong sa mga sumusunod:

Mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa mga mag-aaral upang kanilang

malaman ang mga epekto ng social media sa kanilang online at offline self. Magbibigay

din ito ng kaalaman upang maiwasan ang mga masasamang epekto ng social media.

Guro. Ang pagaaral na ito ay makakatulong sa mga guro upang sila ay magkaroon ng

kaalaman nang sa gayon matulungan at maturuan nila ang kanilang mga estudyante sa

tamang paggamit ng social media.

Magulang. Ang resulta ng pagaaral na ito ay malaking tulong sa mga magulang bilang

unang guro , upang kanilang magabayan at maituro sa kanilang mga anak ang wastong

paggamit ng social media.

Sa Bansa. Malaking tulong ang pananaliksik na ito sa ating bansa upang mapalawak ang

kasanayan sa wastong paggamit ng social media na makakatulong sa pag-angat ng ating

teknolohiya.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad sa Epekto ng Social Media sa

Online Self at Offline self ng mga mag-aaral ng sikolohiya sa pribadong paaralan ng

kolehiyo ng National University sa akademikong taon 2019-2020.

Nililimitahan ng Pagaaral na ito sa mga mag-aaral ng sikolohiya sa pribadong

paaralan ng kolehiyo ng National University. Hinahangad ng pag-aaral na ito na

malaman ang mga epekto ng paggamit ng social media sa online self at online self ng
mga mag-aaral.
KABANATA II
METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik
Instrumento
Reliability
Paglilikom ng Datos
Pagsusuri at Kinalabasan
KABANATA III
RESULTA AT DISKUSYON
KABANATA IV
DISKUSYON AT TALAKAYAN
Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon
Sanggunian
APPENDIX
SARBEY KWESTYUNER

Mahal naming Respondente,

Kami po ang PSY 186 Pangkat 7 na nagsasagawa ng pananaliksik sa paksang


EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA ONLINE SELF AT OFFLINE SELF SA MAG-
AARAL NG SIKOLOHIYA NG NATIONAL UNIVERSITY-MANILA
Mangyari pong sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem.
Tinitiyak po naming magiging kumpidensyal ang anumang impormasyon na inyong
ibabahagi o sasagutan.

Pangalan (opsyunal): ________________


Kasarian: ______________________
Edad: ________________________
Antas at seksyon: _______________

Direksyon: Punan ng angkop na impormasyon o datos ang mga kasunod na patlang.


Kung may pagpipilian, lagyan ng tsek ang kahon na tumutugon sainyong sagot.

I. Kaalaman sa social media sites

1. Sa iyong sariling assessment, ano ang antas ng iyong kaalaman tungkol sa social
media sites?
( ) Alam na alam
( ) Katamtamang kaalaman
( ) Walang kaalaman

2. Anong makabagong teknolohiya ang madalas mong gamitin?


( ) Kompyuter
( ) Smartphone/Cellphone
( ) Laptop
( ) Tablet
( ) Iba pa. Pakilagay ______________________________

3. Lagyan ng antas ang mga sumusunod na social media sites base sa kung ano ang
iyong madalas gamitin.
(1 ang pinakamadalas hanggang 10 na pinakabihira, kung hindi ka gumagamit ng
isa sa mga ito, lagyan na lamang ng 0)
___ Facebook
___ Twitter
___ Youtube
___ Instagram
___ Snapchat
___ Pinterest
___ Tumblr
___ Reddit
___ Social dating sites (Grindr, Tinder, Bumble, etc)
___ Iba pa

4. Pribado ba ang iyong mga social media accounts?


( ) Lahat ay pribado
( ) Ilan ay pribado
( ) Lahat ay publiko

5. Ilang oras ang ginugugol mo sa paggamit ng social media sites sa loob ng isang
araw?
( ) 1-2 oras
( ) 3-4 oras
( ) 5-6 oras
( ) 7-8 oras
( ) 9-10 oras
( ) 11- 12 oras
( ) kung mas higit pa, pakilagay kung ilang oras: ____

6. Ano sa palagay mo ang pangunahing dahilan bakit ka gumagamit ng mga social


media sites? (Pumili ng higit pa sa isa)
( ) Pagkuha ng impormasyon (update sa balita, sa mga idolo, sariling
interes, atbp)
( ) Pangpalipas oras (malabanan ang inip, libangan)
( ) Pagpapaunlad ng relasyon (makahanap ng bagong kaibigan,
upang makipag-ugnay sa kaibigan at pamilya)
( ) Upang makasunod sa uso o trending
( ) Pagpapalaganap at pakikipagsapalaran para sa sariling negosyo
( ) Para sa pag-aaral
( ) Upang makilala at sumikat

7. Sa iyong palagay, gaano kahalagang alamin ang tamang paggamit ng social


media accounts?
( ) Napakahalaga
( ) Mahalaga
( ) Walang halaga
Self-Esteem Index (Rosenberg, 1965)

Matindi Matindi
ang ‘Di sang- ang ‘di
pagsang- Sang-ayon ayon pagsang-
Pahayag ayon (Agree) (Disagree ayon
(Strongly ) (Strongly
agree) disagree)

1. Sa kabuuan nasisiyahan ako sa aking sarili


(On the whole I am satisfied with myself)
2. May oras na iniisip ko ay hindi ako magaling
sa kahit ano
(At times I think I am no good at all)
3. Pakiramdam ko ay marami akong
magagandang katangian
(I feel that I have a number of good qualities)
4. Nagagawa kong gawin ang mga bagay na
kaya ring gawin ng karamihan
(I am able to do things as well as most other
people)
5. Pakiramdam ko wala akong dapat
ipagmalaki
(I feel I do not have much to be proud of)
6. May oras na pakiramdam ko ay wala akong
kwenta
(I certainly feel useless at times)
7. Pakiramdam ko ay isa akong tao na may
halaga, pantay sa iba
(I feel that I am a person of worth, at least on
an equal plane with others)
8. Sana magkaroon ako ng higit na paggalang
sa aking sarili
(I wish I could have more respect for myself)
9. Sa kabuuan, naniniwala ako na ako ay isang
kabiguan
(All in all, I am inclined to feel that I am a
failure)
10. Kumukuha ako ng positibong saloobin sa
aking sarili
(I take a positive attitude towards myself)
II. Epekto ng social media sites

A. Kaugalian (Self-esteem and Self-perception)

Paano mo mailalarawan ang iyong antas ng pagpapahalaga sa sarili?


(How would you describe your level of self-esteem?)
( ) Kadalasan Mataas (Often High)
( ) Kadalasan Mababa (Often Low)
( ) Kadalasan Pabago-bago (Often Varies)

Matindi Matindi
ang ‘Di sang- ang ‘di
pagsang- Sang-ayon ayon pagsang-
Pahayag ayon (Agree) (Disagree ayon
(Strongly ) (Strongly
agree) disagree)

1. Sa palagay ko ang social media ay


nakakalikha ng tiwala sa sarili
(I think social media create self-esteem)

2. Kapag nagkakaroon ako ng kaibigan o


followers ay nadarama ko ang pagtaas ng tiwala
sa aking sarili
(When I gain friends/followers I feel an
increase in my self-esteem)

3. Kapag nawala ang mga kaibigan ko/


followers ko ay nakakaramdam ako ng pagbaba
ng aking tiwala sa sarili
(When I lose friends/followers I feel a decrease
in my self-esteem)

4. Nasasabi ko ang aking mga saloobin hinggil


sa mga usapin
(I can express my thoughts on any matters)

5. Naaapektuhan ang aking pagpapahalaga sa


sarili dahil sa palagay ko ay wala ako sa libel
ng mga pamantayan sa social media
(My self esteem get affected because I feel like
I don’t measure up to the media’s standards)

6. Natutulungan ako ng social media sites na


maitas ang aking tiwala sa sarili
(The media gave me a boost of confidence/gave
me a higher self-esteem?)

7. Ang pakiramdam ko tungkol sa aking sarili


ay mas mahalaga kaysa sa opinyon ng iba sa
akin sa social media sites
(How I feel about myself is more important
than others opinion of me in social media sites)

8. Pakiramdam ko na kailangan ipakita ang


aking sarili sa mabuting/magandang paraan sa
mga site ng social media upang mas magkaroon
ng mas mataas na pagpapahalaga sa sarili
(I feel the need to present myself in a good way
on social media sites to make me feel more
confident/have a higher self-esteem)

9. Sa palagay ko ang bilang ng mga followers /


kaibigan na mayroon ako ay napapadama
saakin na ako ay mahalaga
(I think the number of followers/friends I have
makes me feel important)

10. Ang pagiging isang miyembro ng ilang mga


social media sites ay nagpapadama saakin na
ako ay tanggap
(Being a member of certain social media sites
makes me feel accepted)

11. Ang bilang ng mga followers/kaibigan na


mayroon ako ay mahalaga sa akin
(The number of followers/friends I have are
important to me)

12. Naipapakita ko kung sino ako


(I can show who I am)

13. Marami akong mga kaibigan sa labas ng


mga social media site
(I have many friends outside of social media
sites)

14. Mahalagang mapabilib ko ang iba sa mga


social media sites
(It is important to impress others on social
media sites)
15. Tatanggalin ko ang isang post sa aking
social media sites kung hindi ko natanggap ang
tugon na nais ko (hal. hindi nakatanggap ng
maraming likes)
(I would remove a post from a social media site
if it didn’t receive the response I wante (e.g.
not receiving a desirable amount of likes))

16. Gaano ka kasaya o may tiwala sa iyong itsura? 10 ang pinakamataas


(How happy/confident would you say you are with your appearance?
10 being the most confident)
____________________________________________________________________

17. Nararamdaman mo ba na kailangan mong baguhin ang iyong sarili sa social media
sites upang makibagay sa kanilang “mga pamantayan”? Bakit?
(Does the media make you feel the need to change yourself to fit in to their “standards”?
why or why not?)
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________

18. Sa kabuuan, naaapektuhan ba ng social media ang iyong tiwala sa sarili sa anumang
paraan?
(Overall, does the social media affect your self-confidence in any way?)
( ) Oo
( ) Hindi

B. Mentalidad

Matindi Matindi
ang ‘Di sang- ang ‘di
pagsang- Sang-ayon ayon pagsang-
Pahayag ayon (Agree) (Disagree ayon
(Strongly ) (Strongly
agree) disagree)

1. Ang social media ay negatibong


nakakaapekto sa kalusugan ng kaisipan sa mga
tao
(Social media negatively affects mental health
in people)

2. Mayroong higit na positibo kaysa sa mga


negatibong epekto ang social media sa mga tao
(There are more positive than negative effects
of social media on people)

3. Ang social media ay sobrang


nakakaimpluwensya sa buhay ko
(Social media is very influential in my life)

4. May pakialam ako tungkol sa kung gaano


karaming mga tao ang maglalike o titingin ng
aking mga post o larawan
(I care about how many people will like or
view my posts/pictures)

5. Pakiramdam ko ay naiinggit ako sa mga


mayroong mas maraming kaibigan/followers
kaysa sa akin
(I feel somewhat envious of those who have
more friends/followers than me)

6. Kapag nakakakita ako ng mga post tungkol


sa mga nakakaintrigang kaganapan sa buhay ng
iba, nalulumbay ako sa ideya na ang aking
buhay ay hindi kasing halaga ng katulad
sakanila.
(When I see someone post about the intriguing
events going on their life, I get depressed by
the idea that my life isn’t as “cool” or
“eventful” as theirs)

7. Mahalaga na magustuhan ako ng mga tao sa


mga social media sites
(It is important that I am well liked on social
media sites)

8. Ako ay na-cyberbullied na sa anumang


paraan sa papamagitan ng social media
(I have been cyberbullied in any way through
social media)

9. Ako ay tumatanggap ng mga friend request o


followers kahit hindi ko sila kilala upang
matignan bilang sikat
(I accept friend request/followers even I don’t
know them in order to be viewed as more
popular)

10. Handa akong gumastos ng pera upang


makakuha ng mga koneksyon sa social media
(mga kaibigan, followers)
(I am willing to spend money to gain social
media connections (friends, followers, likes)

11. Ang pakikipag-usap tungkol sa aking sa


aking kaisipan sa social media ay nakatulong sa
akin na makaramdam ng higit na konektado sa
iba na may katulad ng aking mga karanasan
(Talking about my mental wellbeing on social
media helped me feel more connected to others
with similar experiences)

12. Nakakaranas ako ng pakiramdam ng


kalungkutan bilang resulta ng paggamit ng
social media
(I have experienced feelings of sadness as a
result of using social media)

13. Nakakaranas ako ng pakiramdam ng


pagsosolo o paglayo sa iba bilang resulta ng
paggamit ng social media
(I have experienced feelings of isolation as a
result of using social media)

14. Naranasan ko ang damdamin ng mababang


pagpapahalaga sa sarili bilang isang resulta ng
paggamit ng social media
(I have experienced feelings of low self esteem
as a result of using social media)

15. Madalas ako magkaroon ng kaaway sa


social media sites
(I’m often get enemy on social media sites)

16. Nararamdaman mo ba na naapektuhan ng social media ang iyong kalusugan sa


kaisipan?
( ) Oo
( ) Minsan
( ) Hindi

17. Kung gayon, sa anong mga paraan naapektuhan ka nito? (pwede ng higit sa isa)
( ) Anxiety
( ) Self Esteem
( ) Depression
( ) Body Dysmorphia
( ) Addiction to Social Media
( ) Eating Disorder
( ) Mas gusto na hindi sabihin
( ) Hindi ito nakakaapekto sa akin
( ) Iba pa. Pakilista: _______________

18. Alin sa mga social media sites ang mayroon ka na sa palagay mo ay nakakaapekto sa
iyong kalusugan sa kaisipan?
___ Facebook
___ Twitter
___ Youtube
___ Instagram
___ Snapchat
___ Pinterest
___ Tumblr
___ Reddit
___ Social dating sites (Grindr, Tinder, Bumble, etc)
( ) Iba pa. Pakilista: __________
19. Nababanggit mo ba ang tungkol sa iyong kaisipan (mental wellbeing) sa social media
sites?
( ) Oo
( ) Madalas
( ) Minsan
( ) Hindi

20. Sa anong paraan mo mas gustong pag-usapan ang tungkol sa iyong kaisipan (mental
wellbeing)?
( ) Sa social media sites
( ) Sa personal
( ) Sa email, o sa tawag at text
( ) Hindi ko gustong pag-usapan
Bakit? ___________________________________________________________

21. Ginamit mo ba ang social media sites upang humingi ng tulong para sa isyu ng iyong
kaisipan (mental wellbeing)?
( ) Oo
( ) Hindi

22. Sino ang mas gusto mong kausap sa social media sites tungkol sa iyong kaisipan
(mental wellbeing)?
( ) Mga kaibigan na kilala ko din sa personal
( ) Mga kaibigan sa social media sites na hindi ko kilala personal
( ) Mga taong hindi ko kilala (stranger)
( ) Sa kahit na sino
( ) Hindi ako nakikipag-usap sa kahit na sino
23. Sa pangkalahatan, sa palagay mo ba ang social media ay may positibo o negatibong
epekto sa iyong kalinisan sa pag-iisip?
( ) Positibo
( ) Negatibo
( ) Walang epekto

C. Kalusugan At Pinansyal

Pahayag Oo Minsan Hindi


1. Nawawalan ako ng gana kumain

2. Nalilipasan ako ng gutom

3. Nawawalan ako ng oras sa pagkain

4. Nababawasan ang aking baon upang


makapagpaload para makagamit ng internet
5. Nagkakautang ako sa kakilala upang
makapagpaload para makagamit ng internet
6. Hindi ako nakakapag ipon kakaload

D. Pag-aaral

Pahayag Oo Minsan Hindi


1. Bumababa ang aking grado dahil sa pagiging
aktibo ko sa social media
2. Nawawala ako sa pokus sa aking pag-aaral

3. Mas ginaganahan ako sa pag-aaral dahil sa mga


nakikita ko sa social media
4. Tinatamad akong pumasok dahil mas gusto at
mas interesado akong mag-internet
5. Malaki ang tulong sa akin ng social media
sapagkat nagkaroon kami ng mabilis na
komunikasyon ng aking mga kaklase
6. Pinapadali ang pag-aaral at pinapabilis ang mga
gawain
III. Digital online self vs. Offline real life self

Minsan
Palagi Hindi
Pahayag (Someti
(Always) (Never)
mes)
1. Kung sino ako sa mga social media sites ay sumasalamin
kung sino ako sa totoong buhay
(Who I am on social networking sites accurately reflects who
I am in real life)

2. Ang social media ay nakakaapekto sa paraang nakikita ko


ang aking sarili
(Social media affects the way I see myself)

3. Binabago ko ang akin sarili sa social media at sa personal


(I change the way I am on social media and in person)

4. Itinago ko ang tunay kong pagkakakilanlan sa social media


(I hide my real identity on social media)

5. Posibilidad kong sundin kung ano ang uso o “trending” sa


online at makalimutan ang aking sariling pagkakakilanlan
(I tend to follow what’s trending online and forget my own
identity)

6. Ganap na magkaparehong tao ang aking sarili sa personal


at online
(I am completely the same person I am in person and online)

7. Gusto kong gayahin ang mga taong nakikita ko online


(I want to copy the people I see online)

8. Mas komportable ako sa aking sarili habang nasa mga


social media site kaysa sa totoong buhay
(I am more comfortable with my self while on social media
sites than I am in real life)

9. Nakikisama ako sa daloy ng social media kahit na hindi ko


gusto ang nangyayari
(I go with the flow on social media even though I really don’t
like what’s happening)
10. Nakakadama ako ng presyur na maging “tulad ng
karamihan” sa online
(I have felt pressure to be just like “everybody else” online)

11. Ina-edit ko ang aking mga imahe upang ang mga tao sa
online ay hindi makita ang aking mga pagkukulang
(I edit my images so that people online won’t see my
imperfections)

12. Binibili ko rin kung ano ang binibili din ng ibang tao para
makasama sunod sa uso o hype
(I buy/purchase what other people are also
buying/purchasing to be in with the “hype”)

13. Iba ang kilos ko sa social media at sa personal


(I act differently on social media and in person)

14. Naaapektuhan ng social media ang paraan ng pagkilos ko


sa mga tao
(Social media influences the way I act around people)

15. Pakiramdam ko ay dinidikta ng social media na maging


katulad ako nito o tulad ng iba; isang taong naiiba sa kung
sino talaga ako
(I feel like social media dictates me to be like this and like
that; a person different from who I really am)

16. Ang aking mga opinyon ng social media at sa personal ay


pareho
(My opinions of social media and in person are the same)

17. Pinahahalagahan ko ang opinyon at mga saloobin ng mga


tao tungkol sa akin sa online kaya't nagpapanggap ako na
isang tao na hindi ako
(I value people’s opinion and thoughts about me online so I
pretend to be somebody I’m not)

18. Nais kong mapabilib ang aking mga followers kaya ako
ay iba kumilos sa online
(I want to impress my followers so I act differently online)

19. Mayroon akong tunay na sarili na parehong sa personal at


sa social media
(I have my own and same authenticity both in person and on
social media)
20. Ginagawa ko ang parehong paniniwala na mayroon
akong online at personal
(I practice the same beliefs I have online and in person)

21. Ginagawa kong mas masaya ang aking sarili sa social


media kaysa sa personal na ako
(I make myself look happier on social media than I really am
in person)

22. Ang nakikita ng mga tao sa aking mga social media


account ay naiiba ang imahe mula sa kung sino talaga ako
(What people see on my social media accounts is a different
image from who I really am)

23. Kung sino ako sa mga social media sites ay naiiba sa


kung sino ako sa totoong buhay
(Who I am on social media sites is different from who I am in
real life)

24. Sa tingin mo ba na mayroon kang isang online persona? Iba ka bang tao kapag ikaw
ay online?
_________________________________________________________________

25. Kung gayon, bakit sa tingin mo ay hindi mo kaya maging tunay sa iyong sarili?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Total number of questions: 95


Validation by: Mr. Ian Llenares - 05/18/2020

You might also like