You are on page 1of 5

KABANATA 1

Panimula:

Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaliw sa paggamit ng Social


Media. Ang Social Media ay ang makabagong paraan ng
pakikipagkomunikasyon. Marami ring tao na ginagamit ang social media
para sa kani-kanilang plataporma o ipabatid ang mga ninanais. Sa Social
Media maaring makakahanap ng mga kaibigan o malaman kung saan o
ano ang ginagawa ng ating mga idolo. Ang Social Networking Sites ay
isang serbisyong well-based kung saan ang indibidwal ay maaaring
gumawa ng isang pampublikong profile, makita ang profile ng ibang tao
(Boyn at Ellison 2007). Ilan sa mga social networking sites na
tumutulong sa komunikasyon at pakikipagkaibigan ay ang Facebook,
Messenger, Instagram, Twitter, at marami pang iba. Ngunit hindi lamang
ang mga kabataan ang nahuhumaling dito dahil kahit ang mga
nakatatanda ay sumasabay na rin sa paggamit nito. Dahil sa patuloy na
paglawak ng sakop ng mga gumagamit nito, ang iba ay sa social media
na rin naghahanap ng pag-ibig. Nakakatulong rin ito sa iba sa paraang
nailalabas nila ang kanilang mga saloobin at mga hinaing at ang iba ay
ginagamit ang kani-kanilang mga accounts upang ibahagi ang kanilang
mga plataporma. Ayon rin kay Jeanny Burce (2013) nagiging kritikal
nang mag-isip ang mga kabataan. Nagkaroon narin ng pakialam ang mga
kabataan sa politika, sinusuri nila ang bawat kandidato na tatakbo at
kung may nakita naman silang hindi kaaya-aya ay agad nila itong
ilalagay sa kanilang social media accounts upang ipagbigay alam at
hikayating maging matalino sa pagpili. Tinatangkilik ito ng karamihan
hindi lang dahil sa mga nasabing kadahilanan, dahil malaki rin ang
naitutulong ng social media sa pag-aaral o pagkuha ng impormasyon. Sa
pamamagitan lamang ng isang pindot, lahat ng gusto o naisin ay ating
makikita o makukuha, hindi na natin kailangan na magpunta sa silid-
aklatan at isa-isahin ang mga estante upang hanapin ang mga
inpormsyong ating kinakailangan. Ngunit sa kabila nito ay may
masasamang epekto rin ito sa atin, hindi lamang sa pag-iisip, kundi sa
ating kalusugan at pag-aaral. Ayon rin kina Boyn at Ellison, ang
paggamit ng social media o social networking sites ay maaaring
magdulot ng positibo at negatibong epekto sa ating sarili, pamilya, at
lipunan. Dahil sa paggamit ng social media, nagbabago ang ugali at
kultura ng isang tao. Malaki ang ginagampanang tungkulin ng social
media sa paghubog ng mga kabataan sa kasalukuyan dahil ang social
media ngayon ang nagiging batayan ng mga kabataan sa kung ano ang
tama at ang totoo. Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa
mundo, marami ang nagbabago kabilang na dito ang pagbabago sa
pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng produkto ng makabagong
teknolohiya, mga kinahihiligan mga larong online, maging ang paraan
na kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Pero minsan, ito din ang
nakakasama sa mga kabataan na iba na ang ginagawa sa internet.
Karamihan sa mga kabataan ay hindi na nagagawa ang kanilang mga
tungkulin dahil sa social media. Sa panahon ngayon kinakain na ng
social media ang Sistema ng mga kabataan. Kadalasan sa mga kabataan
ay halos buong araw ng tutok sa social media na kadalasan ding
nawawalan na sila ng gana kumilos. Ang social media ay nakakaadik,
ngunit makakatulong naman sa pang araw-araw ng mga kabatan.Ayon
naman kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), may kinalaman
ang paggamit ng social networking sites sa pagtaas ng depresyon at
pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya. Dahil mas ginugugol
ng mga kabataan ang kanilang oras sa paggamit ng social media o
paglalaro ng online games at nakakalimutan ang mga taong naghihintay
at handang gumabay sa kanila at dahil din sa paglalaan ng higit na oras
ay nawawala ang tutok ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral na
nagiging sanhi ng pagbaba ng kanilang mga grado. Ayon kay Soriano L.
(2016), ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan
na kung saan lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalit ng impormasyon
at mga idea ng isang virtual na komunidad at mga network. Ayon sa
obserbasyon at pananaliksik ni Pascual L. (2016) karamihan sa mga
gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29

PAGLALAHAD NG SULIRANIN:

Ang pag aaral na ito ay naglalayon upang malaman ang pamamaraan at


epekto ng labis na pagkahumaling sa social media ng mga piling mag-
aaral ng ika- labing-isang baitang ng Sa pamantasan ng hilagang
silangan ng pilipinas

Layunin nitong masagot ang mga sumusunod na tiyak at espisipik na


katanungan:

Malaman ang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng ika- labing


isang baitang sa:

1.1 Edad
1.2 Kasarian
1.3 Paaralang kinabibilangan
1.4 organisasyong kinabibilangan

1. Ano ang mga dahilan ng pagkahumaling sa Social Media ng mga


kabataan?
2. Paano nakakaapekto sa pag uugali ang pagkahumaling ng mga
kabataan sa Social Media?

3. Anu- ano ang mga paraan upang magamit ng tama ang


Social Media?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon.


Maaaring mabuti o masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit.
Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kapaki-pakinabang sa mga
sumusunod

Sa mga Mag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magsisilbing


patnubay at makatutulong
para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang
kanilang pananaw tungkol
sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng
mga estudyante sa tamang
paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng
kanilang sarili.
Sa mga Guro. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyang-ideya
ang mga guro tungkol sa
Social Media na kadalasang pinagtutuunang-pansin ng mga estudyante
sa ngayon.
Sapamamagitan ng mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa
ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng
mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.
Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag-
aaral na ito ay makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa,
proyekto, mga gawain at iba pang mga hakbang para makatulong sa mga
mag-aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol sa
dito.
Sa mga Magulang. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, mabibigyang
pansin ng mga magulang ang kanilang anak at mabibigyang limitasyon
sa paggamit ng social media. Ito ay magsisilbing gabay upang
magkaroon ng sapat na kaalaman sa anumang magiging dulot o epekto
sa kanilang mga anak ang patuloy na pagkahumaling sa social media.
Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang pananaliksik na ito ay
magsisilbing gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri
nitong pag-aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng
literatura at karagdagang kaalaman.

You might also like