You are on page 1of 3

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Ang Facebook ay isang social networking sites na maari kang makipag komunika sa mga taong

malalayo. Ang Twitter ay isa ring social networking site na maari kang magpost ng litrato,

mensahe.Kung saan pwede mo ifollow o sundan ang profile ng mga iniidolo mong artista o hilig.

Ang tumblr ay isa ring social networking site na maari kang mapost ng mga larawan, mensahe at

maaari mong i-follow o masundan ang iyong mga hilig at interes.

Ang Yahoo naman ay isang email sending website na maari kang mag-dagdag ng contacts

mo na mapapadalhan mo ng mensahe gamit ang e-mail.

Ang Social Networking Sites ay mga website na maaring mapuntahan o masalihan sa

pamamagitan ng internet, nakakatulong ito sa komunikasyon ng tao. Ang account naman sa

social networking sites ay ang iyong sariling o personal na space sa mga social networking sites.

Ang Link ay nagsisilbing ungnayan o daluyan sa ibang website.

Ang Selfie ay isang makabagong salita na tawag ng mga kabataan ngayon sa iyong sariling

litrato.

Ang Cyberbully mga tao na nanghaharas o gumagamit ng mga masasakit na salita laban sa ibang

tao sa pamamagitan ng teknnolohiya o ng internet.

Ang internet ay isang tsanel ng kung saan madalian kang makakasagap ng impormasyon at

madali ding makakapag-bigay nito.


Ang add-as-friend sa Facebook ay isang proseso sa mga networking sites kung saan maari kang

makipag-ugnay sa iba pang tao na mayroon account.

Ang deactivate naman sa Facebook ay ang pagtangal o pagsawalang bahala ng iyong account.

Upang wala ng iba pang makakita nito.

Ang Profile naman sa mga networking sites ay ang iyong personal na impormayson na maaring

makita ng kahit na sinong nakakaugnay mo sa networking sites. Litrato ng may ari ng account at

mga aktibidad nya ang makikita dito.

Ang Easy Access ay ang madaliang pagkuha o proseso ng kahit na anong gawain.

Ang Freedom of Speech naman ay ang kalayaan ng kahit na sino na maipahayan ang kanyang

saloobin, damdamin o opinion.

Ang Epekto ay ang resulta ng isang gawain o mga bagay.

Ang artikulo ay isang sulatin na makikita sa mga dyaryo magasin at sa internet.

Ang Website(s) ay isang lokasyon sa internet kung saan naimimintina ang mga pahina sa World

Wide Web.

Ang Tsanel ay isang daluyan. Ang Impluwensya ay ang kapasidad o epekto ng isang bagay sa tao

o epekto ng isang tao sa kanyang nakakasama.

Ang Pagkritika ay kagaya lamang ng pamimintas o paghahanaap ng mali sa ibang tao.

Ang Contact Number ay ang numbero ng isang partikular na tao kung saan maari mo silang

makaugnayan, mapadalhan ng mensahe at matawagan.


Ang Depresyon ay ang pakiramdam ng pagbaba ng tingin sa iyong sarili o kawalan ng pag-asa sa

mga bagay bagay.

Ang Text Message ay ang mensahe na maaring maipadala sa pamamagitan ng mga telepono.

You might also like