You are on page 1of 37

PAGSUSURI TUNGKOL SA

ADIKSYON SA SOCIAL MEDIA AT ANG EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG


PAGGANAP NG MGA PILING MAG-AARAL SA IKA-11 BAITANG NG FLORA
NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang Pananaliksik na Iniharap kay Gng. Michelle Iglesia

Bilang bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan ng Asignaturang Pagbasa at


Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:
Zeth A. Aquino
Mica Ella Ganal
Matt Cortez
Roxette del Rosario
Monique Tomas

Accountancy, Business and Management (ABM -11)


Flora National High school

HUNYO, 2021
KABANATA 1

Ang Suliranin at Saligan Nito

A. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral

Sa pag-unlad ng modernong teknolohiya sa makabagong panahon, lumaganap din ang


iba’t ibang mga bagay at imbensyon na pumukaw sa atensyon ng nakararami. Isa ang social
media sa mga produkto ng teknolohiya na pinagkakaabalahan ngayon ng maraming tao
partikular na ng mga kabataan. Lalo pang lumobo ang bilang ng mga mag-aaral na
gumagamit ng social media ngayon lalo pa’t may online class na dahil sa pandemya.

Ayon kina Boyd at Ellison 2007, ang mga social networking sites ay mga
serbisyong well-based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng mga pribado
o pampublikong profayl sa loob ng sistema, pinahihintulutan ang mga gumagamit na
makita ang listahan ng kanilang koneksyon at makita ang ginagawa ng iba pang
tagatangkilik.

Nagsimula ang mga Social Networking Sites noong 1997 sa pagkakaunsod ng six
degrees.Com (wikipedia 2008) mula 1997-2001 nabuo ang ilan pang SNS tulad ng Asian
Avenue, Black Planet ,Mi Gente , Live Journal , Cyworld at Ryze.Com. Matapos ang 2001 ,
marami pang nailunsad na mga SNS at ilan sa mga ito ay popular hanggang ngayon tulad ng
Friendster , Multiplier at Facebook.(Boyd & Ellison).

Ilan pa sa mga social media na sikat na sikat sa mga milenyals ngayon maliban sa
Facebook ay ang Messenger, Instagram, Twitter, Tiktok, Snapchat at marami pang iba.

Tinatangkilik ito ng karamihan hindi lang dahil nakapagbibigay ito ng kasiyahan o


libangan sa kanila, kundi dahil malaki rin ang naitutulong ng social media sa pag-
aaral at pagkuha ng impormasyon, o ang tinatawag na pananaliksik. Sa pamamagitan lamang
ng isang pindot, lahat ng gusto o naisin ay makikita o makukuha, hindi na kailangan pang
magpunta sa silid-aklatan at isa-isahin ang mga estante upang hanapin ang mga
impormasyong kinakailangan.

Sa paglipas ng panahon ay patuloy na tumataas ang bilang ng mga taong gumagamit ng


Social Media. Ang paggamit ng Social Media ay kailangang limitado lamang. Ang isa(1)
hanggang dalawang (2) oras ay sapat na upang gumamit ng Social Media at hindi na dapat
lumampas dito.

Ayon sa pag-aaral, ang mga Pinoy ay mayroong average na 4 na oras at 15-minuto kada
araw sa paggamit ng social media. Tumaas ito ng 22-minuto kumpara sa Digital 2020
average na 3 hours and 53 minutes.

Ayon naman kina Boyn at Ellison, ang paggamit ng social media o social networking
sites ay maaaring magdulot ng positibo at negatibong epekto sa ating sarili, pamilya, at
lipunan.

Maraming nabibigay na benepisyo ang social media. Ngunit katuwang ng mga tulong na
naibibigay nito, ay may masama din itong naidudulot sa mga estudyante. Unang-una, maari
nitong gawing tamad ang mga estudyante sapagkat pwede na lamang nilang hanapin sa
internet at social media ang mga sagot na kanilang kailangan sa mga ibinigay na mga gawain.
Nakapagbibigay din ito ng maling impormasyon sapagkat hindi lahat ng mga impormasyon
na makikita rito ay tama o makatotohanan. Maaari din nito maapektuhan ang “privacy” ng
mga estudyante sa paggamit ng internet at social media at maari din silang mabiktima ng
iba’t ibang mga cyber crimes at cyber bullying sa isang maling pindot. At higit sa lahat, sa
madalas na paggamit ng internet at social media ay maaring magkaroon ng “addiction” dito
ang mga estudyante at maubos ang kanilang oras na dapat ay ginagamit sa mas mahahalagang
bagay gaya ng pag-aaral.

Ayon rin kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), may kinalaman ang paggamit ng
social networking sites sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at
pamilya. Dahil mas ginugugol ng mga kabataan ang kanilang oras sa paggamit ng social
media ay nakakalimutan ang mga taong naghihintay at handang gumabay sa kanila at dahil
din sa paglalaan ng higit na oras ay nawawala ang tutok ng mga kabataan sa kanilang pag-
aaral na nagiging sanhi ng pagbaba ng kanilang mga grado.

Hindi maipagkakailang nakatutulong ang social media sa araw-araw na pamumuhay,


ngunit madami rin itong hindi magandang epekto sa bawat isa. Bilang isang mag-aaral, alam naming
isa ito sa mga salik na nagiging dahilan ng pagiging wala sa pokus ng aming mga kamag-aral
Maaaring maging adbentahe ang social media bilang portal ng madaling paraan ng
pagpapasa ng mga fayls, reports, mensahe, at iba pa, ngunit maaari rin nitong kainin
ang ating oras sa mga hindi produktibo at hindi kapaki-pakinabang na bagay. (Quintos,
2021)
Kaya bilang pagganap sa kasalukuyan, layunin ng pag-aaral na itong kumalap ng
impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto na dulot ng adiksyon sa Social Media
sa mga estudyante lalo na sa kanilang akademikong pagganap.
Nais ng mga mananaliksik na tukuyin kung anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto
ng labis na paggamit ng Social Media sa mga mag-aaral sa Ika-11 baitang at nawa’y
magkaroon ang mga tao ng kaalaman sa mga maaaring maging epekto nito sa kanilang mga
sarili.

Ito ay para maging gabay, magkaroon ng mga katanggap-tanggap na resulta at maging


daan kung paano maiiwasan at masolusyonan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante
sa Social Media na isang produkto ng makabagong teknolohiya at ang mga epekto nito na
maaaring gawin sa mga susunod pang pag-aaral. Sa pamamagitan ng tamang paggamit sa
layunin nito, maiiwasan natin ang masasamang dulot nito o ang tinatawag nating adiksyon.

B. Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay naglalayon upang malaman ang epekto ng adiksyon sa Social
Media sa akademikong pagganap mga mag-aaral sa Ika-11 baitang ng Flora National High
School.

Partikular, naglalayon itong sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Anu-ano ang mga karaniwang dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga mag-aaral
sa paggamit ng social media?
2. Anu-ano ang mga positibo at negatibong epekto ng adiksyon sa Social Media sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral?
3. Paano nakatutulong at nakahahadlang ang labis na paggamit ng social media sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral?
4. Anu –ano ang mga paraan upang maiwasan ang mga potensyal na negatibong epekto
ng social media sa akademikong layunin?

C. Layunin ng Pag-aaral

Ang papel pananaliksik na ito ay isinagawa upang malaman ang epekto ng adiksyon sa
Social Media sa akademikong pagganap mga mag-aaral sa Ika-11 baitang ng Flora National
High School. Ang mga epektong ito ay maaaring positibo o negatibo, at maaari ring
makatulong o makahadlang sa pagtupad ng mga mag-aaral sa akademikong layunin.
Hinahangad din sa isinagawang pananaliksik na makapagbigay ng mga mungkahing solusyon
upang maiwasan ang sobrang pagkahumaling ng mga mag-aaral sa social media at
mabawasan ang mga epekto nito lalo na sa kanilang akademikong pagganap.

Hinahangad pa ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang positibo at negatibong epekto ng adiksyon sa Social Media sa akademikong


pagganap ng mga estudyanteng nasa Ika-11 baitang Senior High sa Flora National High
School.

2. Malaman kung ang labis na paggamit ng Social Media ay nakatutulong ba o hindi sa pag-
aaral ng mga estudyanteng nasa Ika-11 baitang Senior High sa Flora National High School.

3. Mabatid ang mga dahilan kung bakit nahuhumaling ng labis ang mga mag-aaral sa Social
Media.

D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Malaki ang epektong dala ng Social Media sa mga mag-aaral ngayon. Maaaring positibo
o negatibo ang dulot nito depende sa kung paano ito gamitin. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong makatulong sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral:

Makatutulong ang pag-aaral na ito sa mga mag-aaral upang kanilang mas


maintindihan ng kahalagahan ng tamang paggamit ng social media. Magsisilbi rin itong
kanilang gabay at patnubay para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad
ang kanilang pananaw tungkol sa social media. Makatutulong din ang pananaliksik na
ito upang maimulat ang kanilang mga isipan sa mga positibo at negatibong epekto ng
paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sa mga Magulang:

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, maaaring malaman ng magulang ang


mga bagay na nakakaapekto sa akademikong pagganap ng kanilang mga
anak. Maaari rin itong maging basehan ng mga magulang upang makahanap ng agarang
solusyon para sa labis na paggamit ng social media ng kanilang mga anak nang maiwasan
ang mga negatibong epekto nito.

Sa mga Guro:

Ito ay magiging gabay sa kanila upang maipabatid sa mga estudyante ang


mga bagay na dapat nilang isaalang-alang lalo na sa paggamit ng social
media. Makatutulong din ang pag-aaral na ito upang sa pamamagitan ng mga ideyang napulot
ay maaari nilang gamitin at isagawa ang mga mungkahing paraan at solusyon
u p a n g malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa social
media.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap:

Ito'y magsisilbing sanggunian ng mga mananaliksik na may kaangkupan ang pag-


aaral. Sa tulong ng pag-aaral na ito, mabibigyan din sila ng ideya tungkol sa social media at
sa hatid nitong epekto sa mga gumagamit nito, partikular sa akademikong pagganap ng mga
mag-aaral. Maaari rin nila itong mapagkunan ng mga impormasyon na magagamit nila sa
kanilang mga pag-aaral.

E. Sakop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay limitado lamang sa mga piling mag-aaral na nasa Ika-11 Baitang
sa Flora National High School para sa akademikong taon 2020-2021. Nakatuon lamang ito sa
pagtukoy ng mga epekto, maaaring positibo o negatibo, ng madalas na paggamit o adiksyon
sa social media sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Samakatuwid, hinahangad ng
pag-aaral na ito na suriin ang mga pananaw at persepsyon ng mga mag-aaral ukol sa
epektong dulot ng social media.

Sa pamamagitan ng mga survey questionnaire na ipamamahagi sa mga respondante ay


kakalapin ang mga impormasyong hinahangand upang matupad ang mga layunin at mabuo
ang papel pananaliksik na ito. Sa huli ay magbibigay ang mga mananaliksik ng mungkahing
solusyon upang maiwasan ang sobrang pagkahumaling sa social media at mabawasan ang
mga epekto nito.

F. Depinisyon ng mga Terminolohiya


Social Media – tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network.

Social Networking Sites – isang online na platform na ginagamit ng mga tao upang bumuo
ng mga social network o relasyon sa lipunan sa ibang mga tao na nagbabahagi ng katulad na
personal o karera na interes, aktibidad, pinagmulan o koneksyon sa real-buhay.

Online Class – isang plataporma ng pag-aaral kung saan ay idinadaos sa pamamagitan ng


paggamit sa internet, at ang estudyante ay di na kinakailangang lumabas pa ng bahay upang
magtungo nang personal sa klase at makaharap ang guro at mga kamag-aral.

KABANATA 11

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Magkakaibang pananaw at persepsyon patungkol sa paggamit ng social media at mga


epekto nito sa pagtuturo at pag-aaral ang mula sa iba't ibang iskolar. Tinukoy ng karamihan
na ang social media ay positibong nakaiimpluwensya sa kanilang akademikong pagganap
samantala inererekomenda na dapat binuo ng mga Health Training Institutions o HTI's ang
mga Interactive Social Networks upang matugunan ang mga layunin sa pagtuturo at pag-aaral
sa bansa. (Ndaku,2013)

Binago ng mga social networking site at social media ang mundo, dinala nito ng mas
malapit ang bawat isa kaysa kailanman. Gayunpaman, maaari itong gamitin ng mga mag-
aaral para sa isang mas mahusay na buhay, isang mas mahusay na bukas. Dapat itong gamitin
upang kumonekta, manatiling nakikipag-ugnay, at magbahagi ng mga tanawin nang hindi
nag-aaksaya ng oras. (Rithika & Selvaraj, 2013).

Karamihan sa mga estudyante ay gumugol ng mas maraming oras sa social media


kaysa sa mga bagay na mas makabuluhan pa sa kanila. Kahit na may pagkawala ng privacy at
kaligtasan, ang social media ay nagbibigay pa rin ng mga pagkakataon para sa pagkonekta sa
mga kaibigan, mga kaklase, at mga taong may kapaki-pakinabang na interes. Gayunpaman,
maraming mga mag-aaral ang umaasa sa mga impormasyong nasa social media. Ang ibig
sabihin nito ay nababawasan ang kanilang pagtuon sa pag-aaral at pagpapanatili ng
impormasyon.

Ang mga mag-aaral na nahuhumaling sa social media o ang over-use ng social media
ay madalas nakaaapekto sa pagganap ng akademiko at nauugnay sa pagkonsumo ng sangkap
sa pag-uugali. (Frangos, 2009).

Noong 2004 ay ipinakilala niMark Zuckerberg ang Facebook, na pinakakilalang


websayt sa kasalukuyan. Noong una ay ginawa ito para sa mga mag-aaral ng Harvard ngunit
nang nakita ang potensyal at kakayahan nito ay ipinakilala ito sa buong mundo.

Noong 2006 ay nabuo ang Twitter. Naging basehan nila Jack Dorsey, Biz
Stone, Noah Glass at Evan Williams ang text messaging o SMS upang gawin ito.Hindi rin
nagtagal ay nailunsad ang Flickr kung saan pwede mong ibahagi angmga larawan, katulad na
rin ngPhotobucket at Instagram (pinakakilala sa larangan ng pagbabahagi ng mga larawan sa
kasalukuyan).

Noong 2007 ay nailunsad ang Tumblr ni David Karp na ngayo’y pag-aari na ng


Yahoo.

Marami ring nailunsad na application na nagagamit bilang libangan tulad ng


Pinterest at Spotify.

Ang Social Media ay naging kilala na sa buong mundo. Marami na ring negosyante
ang gumagamit nito upang makipagkomunika sa mga taong may kinalaman sa kanila o sa
negosyo at para rin sa pagpapalago o pagpapalawig ng negosyo. Malaki ang naging tulong ng
social media at inaasahang magpapatuloy pa ito hanggang sa hinaharap.

Sa kabila ng mga kabutihang dulot ng social media ay may masasamang epekto rin ito
sa atin, hindi lamang sa pag-iisip, kundi saating kalusugan at pag-aaral.

Ayon rin kina Boyn at Ellison, ang paggamit ng social media o social networking
sites ay maaaring magdulot ng positibo at negatibong epekto sa ating sarili, pamilya, at
lipunan.
Dahil sa paggamit ng social media, nagbabago ang ugali at kultura ng isang tao.
Malaki ang ginagampanang tungkulin ng social media sa paghubog ng mga kabataan sa
kasalukuyan dahil ang social media ngayon ang nagiging batayan ng mga kabataan sa kung
ano ang tama at ang totoo.

Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang “Facebook” na kung
saan ang gumagamit ay maaringmagpadala ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos,
makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.

Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga
magulang ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit ay ang
Twitter at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa mga
tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may mabuti at


masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa
mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang
madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon, mabilis na pakikipag ugnayan sa mga
taong kasama sa trabaho o hindi man.

Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang
malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng mga
makabagong ideya. Ang mga kakayahan o talent ng bawat isa ay matutuklasan, halimbawa kung
ang isang tao ay magaling umawit, maaari syang matuklasan nang mas madali sa pamamagitan
ng videos. Maaari ding gamitin ang Google, isang website upang makapanaliksik ng tungkol
sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa ay madaling maipahayag.

Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga


magaaral para sa pakikipag-talastasan.

Sa isang banda, may mga kasamaan din bang makukuha mula sa social media? Unang-
una, hindi mo personal na nakakausap ang isang tao sa social media sapagkat kayo ay nag-uusap
sa pamamagitan ng screen lamang.Nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa halimbawa
sa mga detalye ng tamang pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap.

Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng mahabang oras
maaring sa laro at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan upang
maapektuhan at mapabayaan ang pag-aaral. (Pascual, L.,2016)
Ayon sa Pew Research Center Internet and American Life Project Survey noong
September 2012 , 95% ng kabataang gulang 12-17 ay laging online , 81% ang gumagamit ng
ibat ibang Social Media . Dahil sa adiksyon sa paggamit ng Social Media maraming kabataan
ang nakakagawa ng masasamang bagay dahil nagagaya nila ito mismo sa nakikita nila sa ibat
ibang uri ng networking sites.

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Napili


ng mga mananaliksik na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na siyang
gumagamit ng survey questionnaires o talatanungan upang makalikom ng datos. Online
survey ang ginamit na pamamaraan dahil sa sitwasyon ngayon (pandemya), at isinaalang-
alang din ang adbentahe ng makabagong teknolohiya. Naniniwala ang mga mananaliksik na
ang disenyong ito ay angkop para sa paksa, sapagkat sa pamamagitan nito ay mas mapapadali
ang pangangalap ng datos mula sa mga respondante.

B. Mga Respondante ng Pag-aaral

Ang mga napiling respondante sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral sa Ika-11 Baitang
ng Flora National High School. Pumili lamang ang mga mananaliksik ng tatlumpong (30)
katao upang pasagutan ang mga tanong na makatutulong sa pamanahonh papel ng mga
mananaliksik. Sila ang pagmumulan ng mga impormasyong magbibigay linaw sa pag-aaral
ukol sa epekto ng labis na paggamit ng Social Media sa akademikong pagganap ng mga mag-
aaral.
C. Instrumento ng Pnanaliksik

Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagsasarbey sa mga piling mag-aaral.


Ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan (survey questionnaire) na siyang
ginamit na instrument upang makalikom ng mga datos at upang malaman ang opinyon ng
mga mag-aaral patungkol sa paksa.

Nangalap din ng karagdagang impormasyon ang mga mananaliksik mula sa internet,


sa mga naunang tesis o pag-aaral, sa mga artikulo at mga dyornal, at sa iba pang referens na
maaaring mapaghanguan.

D. Tritment ng mga Datos

Ang papel pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang kaya’t hindi
tinangka ng mga mananaliksik na suriin ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at
kompleks na istatistikal na pamamaraan.

Tanging pagkuha ng porsyento at pagta-tally lamang ng mga datos ang ginawa ng mga
mananaliksik sa pag-aaral na ito.

KABANATA 1V

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:


GRAF 1
Porsyento ng mga Mag-aaral na madalas gumamit ng Social Media

30 respondante
 Madalas
gumamit ng
Social Media

Bilang tugon ng mga mag-aaral sa pangunahing tanong sa isinagawang sarbey,


isandaang porsyento (100%) o tatlumpong mag-aaral mula sa kabuuang tatlumpong
respondante (30/30) ang nagsabing sila ay madalas gumamit ng Social Media.

Pinapatunayan lamang nito na ang mga mag-aaral ay lubos na nahuhumaling sa social


media dahil sa kanilang madalas na paggamit nito.

GRAF 2

Gaano kadalas gumamit ng Social Media ang mga mag-aaral

30 respondante
Batay sa ginawang pagsasarbey, siyamnapung bahagdan (90%) o katumbas nito ang
dalawampu’t pitong (27) mag-aaral mula sa tatlumpong (30) piling respondante ang
nagsabing sila ay nasa kategoryang palaging gumagamit ng social media. Mas mababa naman
sa sampung porsyento (10%) ang nasa kategoryang minsan lang gumamit ng social media o
katumbas ito ng tatlong (3) mag-aaral na tumugon mula sa kabuuang tatlumpong (30) mag-
aaral na respondante. Samantala, walang mag-aaral ang sumagot na sila ay bihira lamang at
hindi kailanman gumamit ng social media. Pinapatunayan nito na pinakamataas na bilang ng
mga mag-aaral ay madalas o palaging gumagamit ng social media.

GRAF 3

Oras na ginugugol ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Social Media

30 respondante

Ayon sa pagsasarbey hinggil sa oras na ginugugol ng mga mag-aral sa paggamit ng


social media, labing-apat (14) mula sa tatlumpong (30) respondante o apatnapu’t anim at
pitong porsyento (46.7%) ang nagsabi na sila ay gumugugol ng higit pa sa apat (4) na oras sa
isang araw sa paggamit o pagbro-browse sa social media. Samantala, sampung (10)
respondante o katumbas ng tatlumpo’t tatlo at tatlong porsyento (33.3%) ang gumugugol ng
tatlo hanggang apat (3-4) na oras sa paggamit ng social media, at anim (6) na respondante
mula sa kabuuang tatlumpo (30) o dalawampung porsyento (20%) naman ang nagsabi na sila
ay gumugugol ng isa hanggang dalawang (1-2) oras sa paggamit nito sa isang araw.
Ipinapakita sa mga nakalap na datos na karamihan sa mga mag-aaral ay gumugugol
ng mahabang oras na mas mataas pa sa apat sa paggamit lamang ng social media sa loob lang
ng isang araw.

GRAF 4

Social Media Sites na madalas ginagamit ng mga mag-aaral

Social Media Sites at Bilang ng mga


gumagamit nito
Facebook

Messenger

Instagram

Tiktok Social Media Sites at Bilang ng


mga gumagamit nito
Twitter

Youtube

Iba pa

0 5 10 15 20 25 30

Ayon sa pagsasarbey, inalam din ang distribusyon ng mga respondante batay sa mga
social media sites na madalas nilang gamitin. Nagunguna ang Social Media site na Facebook
kung saan dalawampu’t siyam (29) mula sa kabuuang tatlumpong (30) respondante ang
nagsabing sila ay madalas gumamit ng site na ito. Ito ay katumbas ng siyamnapu’t anim at
pitong porsyento (96.7%) sa kabuuan. Sumunod naman ang social media site na Messenger
kung saan dalawampu’t walong (28) respondante mula sa tatlumpo (30) o katumbas ng
siyamnapu’t tatlo at tatlong porsyento (93.3%) sa kabuuan ang nagsabing madalas nila itong
gamitin.

Dalawampu (20) mula sa tatlumpong (30) respondante naman ang nagsabing ang
madalas nilang ginagamit na Social Media site ay Instagram at katumbas ng kanilang bilang
ay animnapu’t anim at pitong porsyento (66.7%) mula sa kabuuaan habang animnapu’t tatlo
at tatlong porsyento (63.3%) o labing siyam (19) na respondante naman ang nagsabing
Tiktok. Samantala, labing-apat (14) na respondante naman mula sa tatlumpo (30) ang
nagsabing madalas nilang ginagamit ang Twitter na Social media Site. Katumbas ito ng
apatnapu’t anim at pitong porsyento (46.7%) mula sa kabuuan.

Kabilang din ang Youtube bilang isang Social Media site na madalas gamitin ng mga
mag-aaral na may sampung porsyento (10%) o sinabi ng tatlong (3) mag-aaral mula sa
kabuuang tatlumpong (30) respondante. At mayroon ding isa (1) mula sa tatlumpong (30)
respondante ang nagsabing marami pang ibang social media sites ang ginagamit nito at hindi
lamang ang mga nabanggit.

GRAF 5

Social Media Sites na pinakahihiligang gamitin ng mga mag-aaral

Social Media Sites


3.30%

16.70% Facebook
33.30% Instagram
Twitter
Messenger
Tiktok
33.30%
6.70% Youtube

6.70%

Tatlumpo't tatlong bahagdan (33.3%) ng mga respondante ang nagsabing


pinakahihiligan nilang gamitin ang Facebook app gayundin ang Messenger na may katumbas
din na tatlumpo't tatlong porsyento (33.3%) sa kabuuan o sampung (10) respondante mula sa
kabuuang tatlumpo (30). Pinapatunayan nito na sadyang ang Facebook at Messenger App ay
hindi mapaghihiwalay sa mundo ng social media, sila pa rin ang nangunguna.

Nasa labing-anim at pitong bahagdan (16.7%) naman ng mga respondante ang


nagsabing pinakahihiligan nilang gamitin ang Tiktok. Ito ay katumbas ng limang (5)
respondanteng nagsabi mula sa tatlumpo (30). Samantala, apat (4) na respondante mula sa
tatlumpo (30) naman o katumbas ng anim at pitong porsyento (6.7%) ang nagsabing
pinakahihiligan nila ang Instagram, kapareho nito ang bilang ng mga nagsabing
pinakahihiligan din nila ang Twitter. Habang sa Youtube naman ay may tatlo at tatlong
bahagdan (3.3%) o isa (1) mula sa tatlumpong (30) respondante ang nagsabing ito ang
kanyang pinakahihiligan.

Batay sa datos, makikita na halos magkakaiba ang hilig o pinakahihiligang social


media site ng mga mag-aaral ngayon.

GRAF 6
Karaniwang dahilan kung bakit maraming mag-aaral ang nahuhumaling sa Social Media

Inalam din sa sarbey ang karaniwang dahilan kung bakit maraming mag-aaral ang
gumagamit o nahuhumaling sa Social Media. Sa mga pangunahing dahilan, pitumpong
bahagdan (70%) o dalawampu't isa (21) mula sa tatlumpong (30) respondante ang nagsabing
gumagamit o nahuhumaling sila sa social media dahil ito ay libangan nila, samantalang nasa
limampu't anim at pitong bahagdan (56.7%) naman sa mga respondante ang nagsabing ang
social media ay ginagamit nila sa pag-aaral o sa pagkuha ng bagong impormasyon.
Labingtatlo (13) mula sa tatlumpong (30) respondante o apatnapu't tatlo at tatlong porsyento
(43.3%) ang nagsabing pampalipas oras ang dahilan kung bakit madalas nila itong ginagamit.

Dalawang (2) respondante naman o nasa anim at pitong porsyento (6.7%) ang
nagsabing sila ay nakikiuso lamang kaya sila gumagamit ng social media, at isang (1)
respondante mula sa tatlumpo (30) ang nagsabing ginagamit niya ang social media para sa
reviewer.

Batay sa mga resulta, masasabi nating labis ang pagkahumaling ng mga mag-aaral sa
social media dahil ito ay kanilang libangan.

MGA EPEKTO NG LABIS NA PAGGAMIT NG SOCIAL MEDIA SA AKADEMIKONG


PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL

GRAF 7

Bumababa ang grado dahil sa pagiging aktibo sa Social Media

30 respondante

Sa negatibong epekto ng social media sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral,


dalawampung porsyento (20%) o anim (6) mula sa tatlumpong (30) respondante ang
nagsabing bumababa ang kanilang grado dahil sa pagiging aktibo nila sa social media,
habang tatlumpong porsyento (30%) o siyam (9) na mag-aaral mula sa kabuuang tatlumpo
(30) naman ang nagsabing minsan ay bumababa nga ang kanilang grado, at limampung
porsyento (50%) o kalahati ng mga respondante (15) ang nagsabing hindi bumababa ang
kanilang grado dahil sa pagiging aktibo nila sa social media.

Pinapatunayan nito na may ilan pa ring mag-aaral ang naaapektuhan ang kanilang
grado dahil sa labis na pagkahumaling sa social media. Ngunit sa kabila naman nito ay
lamang ang bilang ng mga mag-aaral na hindi naaapektuhan ang grado dahil lamang sa
pagiging aktibo sa social media.

GRAF 8

Nawawala ang Pokus sa pag-aaral dahil sa madalas na paggamit ng Social Media

30 respondante

Dalawampu't tatlo at tatlong porsyento (23.3%) o pito (7) mula sa tatlumpong (30)
mag-aaral na respondante ang nagsabing nawawala sila sa pokus sa kanilang pag-aaral dahil
sa madalas na paggamit ng social media, habang limampu't tatlo at tatlong porsyento (53.3%)
naman o labin-anim (16) na respondante ang nagsabing minsan ay nawawala sila sa pokus sa
kanilang pag-aaral dahil sa madalas na paggamit nito, at dalawampu't tatlo at tatlong
porsyento rin (23.3%) o pitong (7) respondante mula sa kabuuang tatlumpo (30) ang
nagsabing hindi sila nawawala sa pokus sa kanilang pag-aaral dahil sa madalas nilang
paggamit nito.

Mapapansin na nasa magkaparehong bahagdan at bilang ng mga mag-aaral ang


nagsabing naaapektuhann at hindi naaapektuhan ang kanilang pokus sa pag-aaral samantala
karamihan naman ay nawawalan minsan ng pokus sa pag-aaral dahil sa madalas na paggamit
social media.
GRAF 9

Tinatamad pumasok dahil mas gusto at mas interesadong magbabad sa Social Media

30 respondante

Tatlo at apat na porsyento (3.4%) o isang (1) respondante ang nagsabing siya ay
tinatamad pumasok dahil mas gusto at mas interesado siyang magbabad sa Social Media,
habang labingtatlo at tatlong porsyento (13.3%) naman o apat (4) mula sa tatlumpong (30)
respondante ang nagsabing minsan ay tinatamad silang pumasok dahil mas gusto nilang
magbabad sa Social Media, at walumpo't tatlo at tatlong porsyento (83.3%) o dalawampu’t
limang (25) mag-aaral na respondante ang nagsabing hindi sila tinatamad pumasok dahil lang
sa mas gusto at mas interesado silang magbabad sa Social Media.

Batay dito, masasabi na lamang pa rin ang bilang ng mga mag-aaral na marunong
disiplinahin ang sarili at hindi hinahayaang maging dahilan ang social media sa kanilang
hindi pagpasok sa klase.

GRAF 10
Nauubos ang oras sa Social Media imbes na pagtuuan ng pansin at agarang tapusin ang mga
aralin
30 respondante

Tatlumpong porsyento (30%) o siyam (9) na respondante ang nagsabing nauubos ang
kanilang oras sa Social Media imbes na pagtuunan ng pansin at agarang tapusin ang kanilang
mga aralin, habang apatnapu't tatlo at tatlong porsyento (43.3%) naman o labintatlong (13)
respondante ang nagsabing minsan ay nauubos ang kanilang oras sa Social Media imbes na
pagtuunan ng pansin at agarang tapusin ang kanilang mga aralin, at dalawampu't anim at
pitong porsyento (26.7%) o walong (8) respondante ang nagsabing hindi dahilan ang social
media upang maubos ang kanilang oras upang pagtuunan ng pansin ang kanilang mga aralin.

Batay dito, masasabi na may mga pagkakataon pa rin talaga kung saan nauubos ang
oras ng mga mag-aaral sa Social Media imbes na pagtuunan ng pansin at agarang tapusin ang
kanilang mga aralin.

GRAF 11

Mas ginaganahan sa pag-aaral dahil sa mga nakikita sa Social Media

30 respondante
Sa positibong epekto ng social media sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral,
labing-anim at pitong porsyento (16.7%) o lima (5) mula sa tatlumpong (30) respondante ang
nagsabing mas ginaganahan sila sa pag-aaral dahil sa kanilang mga nakikita sa social media
habang animnapu't tatlo at tatlong porsyento (63.3%) naman o labing siyam (19) na
respondante ang nagsabing minsan ay ginaganahan sila sa pag-aaral dahil sa kanilang mga
nakikita sa social media, at dalawampung porsyento (20%) o anim (6) na respondante ang
nagsabing hindi sila ginaganahan sa pag-aaral dahil sa mga nakikita sa Social Media.

GRAF 12
Malaki ang tulong ng Social Media sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral

30 respondante

Limampu't anim at pitong porsyento (56.7%) o labingpitong (17) respondante ang


nagsabing malaki ang tulong ng Social Media sa kanilang akademikong pagganap, habang
apatnapung porsyento (40%) naman o labindalawang (12) mag-aaral na respondante ang
nagsabing minsan ay malaki ang tulong ng Social Media sa kanilang akademikong pagganap,
at tatlo at tatlong porsyento (3.3%) o isang (1) respondante ang nagsabing hindi malaki ang
tulong ng Social Media sa kaniyang akademikong pagganap bilang mag-aaral.

GRAF 13
Malaking Hadlang ang Social Media sa Akademikong Pagganap ng mga Mag-aaral
30 respondante

Labing-anim at pitong porsyento (16.7%) o limang (5) respondante mula sa tatlumpo


(30) ang nagsabing malaking hadlang ang Social Media sa kanilang akademikong pagganap,
habang apatnapu't tatlo at tatlong porsyento (43.3%) naman o labingtatlong (13) respondante
ang nagsabing minsan ay malaking hadlang ang Social Media sa kanilang akademikong
pagganap, at apatnapung porsyento (40%) o labindalawang (12) respondante mula sa
kabuuang tatlumpo (30) ang nagsabing hindi malaking hadlang ang Social Media sa kanilang
akademikong pagganap bilang mga mag-aaral.

GRAF 14

Bilang ng mga Mag-aaral na Naaadik sa Social Media

30 respondante
Sa kabuuan ay nasa pitumpong porsyento (70%) o dalawampu't isa (21) mula sa
tatlumpong (30) bilang ng mga mag-aaral na respondante ang umaming sila ay naaadik sa
Social media. Ito ay higit na mataas kumpara sa tatlumpong porsyento (30%) o siyam (9) na
bilang ng mga mag-aaral na nagsabing sila ay hindi pa naaadik sa social media.

GRAF 15

Kabuuang Epekto ng Pagkaadik ng mga Mag-aaral sa Social Media sa kanilang Akaemikong


Pagkatuto

30 respondante

Inalam din sa sarbey ang kabuuang epekto ng kanilang pagkaadik sa Social media sa
akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral o respondante sa pag-aaral. Pinakamalaking
bahagdan na may pitumpu't anim at pitong porsyento (76.7%) o katumbas ng dalawampu’t
tatlong (23) mag-aaral na respondante ang nagsabing parehong positibo at negatibo ang
epekto ng social media sa kanilang akademikong pagganap habang dalawampung porsyento
(20%) naman o anim (6) na respondante mula sa kabuuang tatlumpo (30) ang nagsabing puro
positibo ang epekto nito sa kanilang akademikong pagganap, at ang nalalabing tatlo at tatlo
pang porsyento (3.3%) ay nagsabing puro negatibo ang epekto ng social media sa kanyang
akademikong pagganap bilang mag-aaral.
KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. LAGOM

Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod:


1. Ang mga social media sites na madalas gamitin ng mga mag-aaral ay Facebook
(96.7%), Messenger (93.3%), Instagram (66.7%), Tiktok (63.3%), Twitter (46.7%),
Youtube (10%), at marami pang iba (3.3%).
2. Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming mag-aaral ang nahuhumaling sa Social
Media ay libangan (70%), pag-aaral (56.7%), pampalipas oras (43.3%), nakikiuso
(6.7%), at mga reviewer (3.3%).
3. Ang mga negatibong epekto ng labis na paggamit o pagkahumaling sa social media sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ay ang mga sumusunod: pagbaba ng grado
dahil sa pagiging aktibo sa Social Media, pagkawala ng pokus o distraksyon sa pag-
aaral dahil sa madalas na paggamit nito, pagiging tamad sa pagpasok dahil mas
interesadong magbabad sa Social Media, at pagkaubos ng oras sa Social Media imbes
na pagtuunan ng pansin at agarang tapusin ang mga aralin.
4. Ang mga positibong epekto ng paggamit o pagkahumaling sa social media sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral ay ang mga sumusunod: nakatutulong ito
upang makakuha ng impormasyon, nakapagpapasa ng mga fayls, nakakahabol sa mga
aralin at nagsisilbing plataporma upang magkaroon ng paunang kaalaman, at
nakatutulong sa iba pang akademikong layunin.

B. KONKLUSYON

Ang mundo ay pinaliliit ng social media. Inuulan ito ng maraming kaalaman at


impormasyon na nagbubukas din ng mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay pinadadali nito ang komunikasyon, pinasisimple nito ang pamumuhay ng
mga tao. Sa isinagawang pag-aaral at batay sa resulta ng isinagawang sarbey, marami ang
nagsabi na ang social media ay nakatutulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
Gayunding may mga nagsabi na ito ay isang malaking hadlang. Malaking porsyento ng mga
mag-aaral ang nagsabi na parehong positibo at negatibo ang hatid na epekto nito sa kanilang
akademikong pagkatuto, ito ay pinatotohanan naman ng mga datos na nakalap sa
pananaliksik. Dahil dito ay napatunayan ng mga mananaliksik bilang konklusyon na sa
kabila ng mga mabubuting naidudulot ng social media sa mga mag-aaral, ang hindi paggamit
ng tama at labis na pagkahumaling sa social media ay nakapagdududlot din ng hindi
magandang epekto sa mga mag-aaral lalo na sa kanilang akademikong pagkatuto.

C. REKOMENDASYON

Narito ang mga rekomendasyon upang maiwasan ang labis na pagkahumaling sa


social media at ang mga negatibong epekto nito sa akademikong pagkatuto ng mga mag-
aaral:

1. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili. Palaging itatak sa isipan na may mga bagay na


dapat mas inuuna at ginagawang prayoridad. Matutong kontrolin ang mga bagay
na nakagawian lalo na kung nakapagdudulot ito ng negatibong epekto. Dapat na
iwasan ang pagbababad sa social media lalo na kung sa walang kabuluhang bagay
lamang ang pinaggagamitan nito. Maging responsibleng lagi sa pag-aaral at
ibalanse ng mabuti ang paggamit ng social media sa iba pang mga bagay na mas
importante.
2. Pagkakaroon ng time management. Bilang estudyante, kailangang magkaroon ng
pokus at komitment sa mga ugaling makatutulong upang maiwasan o mabawasan
ang mga negatibong epektong hatid ng social media. Matutong pangasiwaang
mabuti ang oras. Maglaan ng mas malaking oras sa mga makabuluhang bagay
gaya ng pag-aaral kaysa sa paggamit ng social media. Maghanap ng iba pang
libangan bukod sa social media. Magbasa ng libro at aralin o kaya ay gumawa ng
takda ng mga gagawin upang mas maging produktibo.
3. Manuod, making, o dumalo sa mga panayam, forum, o mga pag-aaral na nauukol
sa tamang paggamit ng social media. Makatutulong ang mga aral mula rito upang
malimitahan ang oras ng paggamit ng social media at maiwasan ang
pagkahumaling dito lalo na ang mga hindi magandang epektong maaaring idulot
nito pagtupad ng akademikong layunin.

At laging tandaan na sa alinmang bagay, “Ang Lahat ng Sobra ay Masama”.


LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN:

Catabay, C. (2017), Pananaliksik patungkol sa adiksiyon sa paggamit ng Social Media

https://carmelacatabaybolinao.blogspot.com/2017/03/adiksyon-sa-paggamit-ng-

social-media.html

Cayabyab, R. Social Media User: Epekto ng Social Media sa Pag-aaral, (p. 5)

https://www.academia.edu/35977707/SOCIAL_MEDIA_USER_EPEKTO_NG_SOC

IAL_MEDIA_SA_PAG_AARAL

Garcia, D. (2021). Pinas No.1 sa Paggamit ng Social Media

https://www.philstar.com/pang-masa/police-metro/2021/02/02/2074699/pinas-no1-sa-

paggamit-ng-social-media

Geagonia, C. et.al (2013). Epekto ng social media sa akademikong pagganap, (28).

https://www.studocu.com/ph/document/naga-college-foundation/ab-filipino/lecture-

notes/pananaliksik-tungkol-sa-epekto-ng-social-media-sa-mga-mag-aaral-ng-11-

humss-n2-ng-swu-phinma/13862632/view

Hosmillo, A. (2016). Kahalagahan ng Internet at Social Media sa Edukasyon

https://angelahosmillo.wordpress.com/2016/11/24/kahalagahan-ng-internet-at-social-

media-sa-edukasyon/

Landicho, A. (2016). Akademikong Tulong ng Social Media sa mga Mag-aaral

https://andrealandicho.wordpress.com/2016/11/10/akademikong-tulong-ng-social-

media-sa-mga-mag-aaral/

Pascual, L., (2016). Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at Edukasyon

https://1bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-edukasyon/
Pascual, L., (2016) “Ang Epekto ng Social Media sa Mag-aaral at Edukasyon”

https://www.coursehero.com/file/19654749/mga-pag-aaral-sa-epekto-ng-social-
media-sa-academic-performance-ng-mga-mag-aaral/

Ubalubao, K. et.al (2018). Pagsusuri patungkol sa epekto ng “social media” sa pag-aaral ng

mga mag-aaral sa paaralan ng RESPSCI (21).

https://www.academia.edu/36139783/ISANG_PAGSUSURI_PATUNGKOL_SA_EP

EKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAG_AARAL_NG_MGA_MAG_AARAL_SA_

PAARALAN_NG_RESPSCI

Viena, E. Ang Social Media at Epekto nito sa Akademikong Pagganap, (p. 12).

https://www.academia.edu/42215787/ANG_SOCIAL_MEDIA_AT_EPEKTO_NITO

_SA_AKADEMIKONG_PAGGANAP
APENDIKS A
BIODATA NG MGA MANANALIKSIK

Pangalan: Zeth Aquino

Kaarawan: April 01, 2004

Gulang: 17

Address: Poblacion East, Flora, Apayao

Baitang at Istrand: Accountancy Business and Management (ABM -11)

Paaralan: Flora National High School (FNHS)


v

Pangalan: Roxette Del Rosario

Kaarawan: September 12, 2004

Gulang: 16

Address: Sipa Sta. Marcela Apayao

Baitang at Istrand: Accountancy Business and Management (ABM -11)

Paaralan: Flora National High School (FNHS)


Pangalan: Monique Tomas

Kaarawan: February 19, 2004

Gulang: 17

Address: Poblacion East, Flora, Apayao

Baitang at Istrand: Accountancy Business and Management (ABM -11)

Paaralan: Flora National High School (FNHS)


Pangalan: Mica Ella Ganal

Kaarawan: August 26, 2004

Gulang: 16

Address: Poblacion East, Flora Apayao

Baitang at Istrand: Accountancy Business and Management (ABM -11)

Paaralan: Flora National High School (FNHS)


Pangalan: Matt Cortez

Kaarawan: June 24, 2004

Gulang: 17

Address: Pob. East, Flora, Apayao

Baitang at Istrand: Accountancy Business and Management (ABM -11)

Paaralan: Flora National High School (FNHS)


APENDIKS B
TALATANUNGAN

Pananaliksik tungkol sa Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Ika-11 Baitang


ng Flora National High School
Ang iyong agarang pagtugon sa sarbey na ito ay lubos naming pinahahalagahan. Salamat!
Madalas ka bang gumagamit ng Social Media?

Oo
Hindi
Gaano ka kadalas gumamit ng Social Media?
Palagi
Minsan
Bihira
Hindi kailanman
Ilang oras ang ginugugol mo sa isang araw sa paggamit ng Social Media?
mas mababa pa sa 30 minuto
1-2 oras
3-4 oras
higit pa sa 4 na oras
Anu-ano ang mga Social Media Sites na madalas mong gamitin?
Facebook
Instagram
Twitter
Messenger
Tiktok
Other:
Alin sa mga ito ang pinakahihiligan mong gamitin?
Facebook
Instagram
Twitter
Messenger
Tiktok
Other:
Ano ang dahilan kung bakit ka gumagamit ng Social Media?
Libangan
Pampalipas oras
Nakikiuso
Pag-aaral (makakuha ng bagong impormasyon)
Other:
Punan ng angkop na sagot ang pahayag: Bumababa ang aking grado dahil sa
pagiging aktibo ko sa Social Media.
Oo
Minsan
Hindi
Nawawala ako sa pokus sa aking pag-aaral dahil sa madalas na paggamit ko
ng Social Media.
Oo
Minsan
Hindi
Tinatamad akong pumasok dahil mas gusto at mas interesado akong
magbabad sa Social Media.
Oo
Minsan
Hindi
Nauubos ang oras ko sa Social Media imbes na pagtuunan ng pansin at
agarang tapusin ang aking mga aralin.
Oo
Minsan
Hindi
Mas ginaganahan ako sa pag-aaral dahil sa mga nakikita ko sa Social Media.
Oo
Minsan
Hindi
Malaki ang tulong ng Social Media sa aking akademikong pagganap.
Oo
Minsan
Hindi
Malaking hadlang ang Social Media sa aking akademikong pagganap.
Oo
Minsan
Hindi
Ikaw ba ay naaadik sa Social Media?
Oo
Hindi

Ano ang kabuuang epekto ng iyong pagka adik sa Social Media sa iyong
akademikong pagganap?
Positibo
Negatibo
Pareho (Positibo at Negatibo)
APENDIKS C
DOKUMENTASYON

You might also like