You are on page 1of 6

KAHALAGAHAN NG MAKABAGONG

TEKNOLOHIYA SA MGA MAG-AARAL NG

SENIOR HIGH SCHOOL SA IKA-LABING

ISANG ANTAS SA NAGA CITY SCIENCE

HIGH SCHOOL

Ipinasa ni:

Kim Ryan D. Ramirez

11 - Sangiovese

Hunyo, 2021
Kabanata I

Panimula

Ang makabagong teknolohiya ay nagbago ng sibilisasyon sa maraming iba't ibang

paraan. Ang mga tao ay halos palaging nasa isang landas ng pag-unlad, ngunit salamat sa

teknolohiya, ang ikadalawampu at dalawampu't isang siglo ay nakakita ng maraming

pagsulong na nagbago sa paraan ng pagtatrabaho, pamumuhay at pag-play ng mga tao. Sa

bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag

nito sa ating pamumuhay sa pangaraw - araw.

Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa naging

produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay

Espina at Borja(2005) ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang

maangkin ng bawatt nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang

kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na

pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan.

Ang isa pang lugar kung saan ang computer at ang Internet ay naging lubhang

mahalaga ay sa edukasyon. Ang edukasyon ay isa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay

natin dahil kapag mayroon tayo nito, mas maganda ang ating magiging kinabukasan.

Ngunit, sa gitna ng pandemyang ito, isang malaking isyu ang umusbong sa edukasyon.

Ang teknolohiya ang isa sa naging mabisang paraan upang maipagpatuloy ang edukasyon

ng libo libong mag aaral sa kabila ng pandemyang humahamon sa atin.


Ayon sa pag-aaral nina Basilio at Bernacer(2013), nagsisilbi rin ang Internet

bilang isang napakalaking mapagkukunan para sa pag-aaral, na nag-uugnay ng mga site

na nagbibigay-impormasyon at pinapayagan ang mga nagtataka na maghanap para sa

halos anumang paksang maiisip. Isinaad din sa Filipino Word Press(2017) na ang

Internet ay mas lalong mahalaga dahil kung walang internet ay di mo magagamit ang

kahalagahan ng kaalaman o di ka makakapag siyasat ng iyong hinahanap.

Ang simpleng prodyektor na ang ginagamit sa mga klasrum ng mga estudyante.

Ito ay may kakayahan na palakihin ang mga imahe upang mas maayos na maipakita ang

mga halimbawa ng mga tagapagturo. Ang kalkulator ay bahagi din ng makabagong

teknolohiya upang mapadali ang adisyon , pagbabawas , pagmumultiplikasyon , pag-

hahati o sa madaling salita ay pagbibilang. Ang lahat ng mga nabanggit na

makakabagong teknolohiya ay ginawa para sa ipapadali ng buhay ng tao lalong lalo sa

mga estudyante. Hindi ito ginawa para makagawa o magbunga ng kasamaan.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pamanahong papel na ito ay magbibigay impormasyon upang malaman ang epekto

ng teknolohiya para sa mga grade 11 na estudyante ng Naga City Science High School

base sa kanilang academic performance. Ang pagkatuto ng mga mag aaral ay

napakaimportanteng bagay. Kaya ito ay naglalayon na sagutin ang mga sumusunod na

katanungan na gagabay para sa pag-aaral na ito:


1. Ano ang mga mabubuti at masasamang epekto ng mga makabagong teknolohiya sa

mga Grade 11 na estudyante ng Naga City Science High School base sa kanilang

academic performance?

2. Ano ang profayl ng estudyante batay sa:

a) Gulang?

b) Baitang?

c) Adress?

3. Sa anong paraan mas mapapaganda ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya

para sa edukasyon?

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay limitado lamang sa mga estudyante na baitang 11 sa

Naga City Science High School para sa taon ng pasukan, 2020-2021.

Ito ay isasagawa sa taon ng 2020-2021. Ang mga estudyante na magiging

respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga senior high mula sa baitang 11 ng Naga

City Science High School. Ang pag-aaral ay magpopokus sa performance ng mga

estudyante sa buong taon ng pasukan upang malaman kung ano ang magiging epekto ng

teknolohiya sa kanilang pag-aaral. Para ma-evaluate ang kanilang mga sagot at opinyon,

ang mga estudyante ay sasagot sa sarbey na ibibigay ng mananaliksik.

Teoryang Sanligan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong ang pananaw ng mga estudyante ukol

sa mga nagiging epekto ng makabgong teknolohiya sa kanila at sa kanilang pag-aaral.


Malaki ang papel ng mga estudyante sa edukasyon at sa hinaharap kung kaya’t dapat

malaman kung ano ang mas makabubuti sa kanila. Sa pananaliksik na ito, malalaman,

masasagutan, at matutugunan ang mga katanungang nais masagot.

Balangkas Konseptwal

PANANAW
(Estudyante)

MAKABAGONG TEKNOLOHIYA PARA


SA EDUKASYON

MGA EPEKTO

MABUBUTI MASASAMA

Ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa pananaw sa teknolohiya sa pag-

aaral o edukasyon at ang epekto nito sa academic performance ng mga estudyante.


Katuturan ng mga Talakay

Mahalaga na pag-aralan ang mas makabubuti para sa edukasyon ng mga estudyante ng

Naga City Science High School at malaman ang maibibigay na benepisyo ng pananaliksik

na ito.

Para sa mga mag-aaral. Mahalaga na mapag-aralan ito ng mga estudyante upang sila ay

magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga bagay na nakapaligid sa kanila ngayon.

Matutulungan din ang mga mag-aaral dito na malaman o maintindihan kung ano ang

epekto ng teknolohiya sa kanila bilang mga estudyante.

Para sa mga magulang. Makakatulong din ang pananaliksik na ito sa mga magulang

upang magabayan nilang mabuti ang kanilang mga anak sa mas tama at mas epektibong

pamamaraan ng paggamit ng teknolohiya.

Para sa mananaliksik. Dapat ito ay pag-aralan, upang mapagtuunang pansin ang

benepisyo at masasamang epekto na naibibigay ng mga gadget o teknolohiya sa

pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pananaliksik na ito, makikita natin ang mga tama o

mali.

Para sa susunod pang mananaliksik. Upang makatulong na makapagbigay ng dagdag na

impormasyon at maging gabay din sa kanilang pag-aaral ukol sa usapang ito.

You might also like