You are on page 1of 5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa bahaging ito ng pag-aaral makikita ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

makatutulong sa pagpapatibay ng mga detalye tungkol sa aming pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ang social media ay ang pakikihalubilo sa lipunan ng mga tao sa buong mundo sa

pamamagitan ng mga elektronikong gamit tulad ng komputer, cellphone, tablet at iba pa na

pwedeng ibahagi ang iyong mga ginagawa, mga larawan, musika, mga aktibidad, mga gusto at

ayaw, mga video at marami pang iba na pwede mong maisip. Ayon kay Win Gatchalian humugit

kumulang 2 bilyong indibidwal ang aktibong gumagamit ng social media sa buong mundo. Ayon

sa pananaliksik mula sa Pew Research Center, 18 hanggang 29 taong gulang ang madalas

gumagamit ng social media. Sa henerasyon ngayon ang mga kabataan sa mga murang edad ay

maagang nalantad sa pag gamit ng social media nagging resulta nito ang malaking populasyon

ng mga gumagamit ng social media.

Sa paggawa ng kahit ano, may sinusundang mga proseso na kailangang sundin upang

magawa ito nang maayos at tama. Ganoon din sa pagbuo ng mga sulatin at mga salitang

binibigkas ng bawat isa. Hindi naman maaari na magsasalita ang tao sa harapan ng marami nang

hindi pinag-iisipan ang sasabihin, hindi rin maaaring gagawa ang isang manunulat ng isang

sulatin nang wala siyang ideya nito. Kinakailangang may sapat na kaalaman sa wikang gagamitin

ang isang indibidwal upang malaman ang angkop na proseso na gagamitin.

Napakapalad ng kabataan ngayon dahil sa isang click lang ay

puno na ng kaalaman ang naghihintay sa kanila tulad ng mga babala,


announcement, tips sa pag-aaral, paghahanap ng trabaho, fashion, art at

marami pang ibang nakapagpapagaan o nakatutulong sa kanilang pang-

araw-araw na gawain. Ngunit tulad ng ating kasabihan, anumang sobra

ay masama. Sa panahon ngayon, nawawala ang pokus o balanse ng mga

mag-aaral kung hawak na nila ang kanilang mga gadget. May mga

pagkakataon na napababayaan na ang kanilang pag-aaral dahil sa labis

na paglalaan ng oras sa social media.

Ang social media ay may dulot na maganda at hindi maganda sa kabataan. Kung ating

tutuklasin ang magandang dulot nito ito ang mabilisan na pag search sa internet at nagkakaroon

ng pagkakataon na makausap ang ating mahal sa buhay na nasa malayong lugar. Ang masamang

dulot ng social media sa mga kabataan ay ang pagkawala ng pokus o balanse ng mga mag-aaral

tuwing sila ay gumagamit ng social media o gadget. Ang pagkalulong masyado sa social media

ay nagdudulot ng masama sa kabataan mapa eskwelahan man o sa pang araw-araw na buhay.


KABANATA III

PAMAMARAAN AT METODOLOHIYA

Nakapaloob sa bahaging ito ang mga mahalagang impormasyon na patungkol sa

pagkakabuo at pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Inilahad sa bahaging ito ang mga

instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos, mga paraan ng pagkuha ng datos, pamamaraan

ng pag-aanalisa ng datos at mga tagatugon ng respondante.

Ang Disenyo ng Pag-aaral

Palarawan ang uri ng pananaliksik na ito sapagkat tumutukoy ito sa kasalukuyang

ginagawa at mga isyu na importante sa tao. Ang disenyong ito ang nagbigay linaw sa mga

kaalaman ng estudyante dahil nauukol ang pananaliksik na isinagawa sa ipekto ng pag-gamit ng

social media sa mga mag-aaral ng St. Joseph School na nasa antas ikalabing isa ng sekondarya.

Sa pagpili ng mga respondante, Completely Randomized Design ang ginamit. Nangangahulugan

lamang na pinili ang mga respondante sa paraang random.

Ang mga Instrumento

Nakapaloob sa mga sumusunod na pahayag ang mga pamamaraan at instrumentong

maingat na ginawa upang makalap ang mga datos at impormasyon na kakailanganin sa

pananaliksik.
1. Pangangalap ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Nakalap ng mga mananaliksik ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral

sa pamamagitan ng mga libro, lathalain sa silid-aklatan, artikulo, at lathalain sa

internet. Makatutulong ang hakbang na ito sa pagpapatibay ng pag-aaral na

isinasagawa. Hangga’t maaari, mga bago o nalimbag lamang sa nakalipas na

limang taon hanggang sa kasalukuyan ang mga pag-aaral at literaturang

tatalakayin dito.

2. Pagbuo ng Talatanungan

Talatanungan ang ginamit na instrumento ng mga mananaliksik sa

pangangalap ng mga datos para sa pananaliksik. Ang paraang ito ang pinaka-

angkop gamitin sapagkat kaunting panahon lamang ng mga respondante ang

kakailanganin. Wikang Filipino ang ginamit upang makalap ng mga mananaliksik

ang mga datos na kinakailangan hinggil sa ipekto ng pag-gamit ng social media sa

mga mag-aaral ng St. Joseph School na nasa antas ikalabing isa ng sekondarya.

Binubuo ng mga sumusunod ang talatanungang ginamit.

a. Bahagi ukol sa sosyo-demograpikong katangian ng mga mag-aaral ng St.

Joseph School na nasa antas ikalabing isa ng sekondarya.

b. Sukat kaalaman ng mga mag-aaral patungkol sa social media.

c. Paraan at oras na inilalaan sa pag-gamit ng mga mag-aaral na ito sa social

media.

d. Performance ng mga napiling resondante sa kasalukuyang paaralan.

e. Mga maaaring ipekto ng social media sa pag-aaral ng mga kabataang ito.


Ang Pagkuha ng Datos

Gumamit ang mga mananaliksik ng sample survey na isang uri ng survey kung saan

bahagi lamang ng populasyon ang kasali sa pagkuha ng datos. Nakatutulong ang sample survey

sa ganitong uri ng pananaliksik lalo na kung may kalakihan ang populasyon. Mas mapabibilis,

mapadadali at makatitipid ang mga mananaliksik sa pagtapos ng pag-aaral na isinasagawa.

Ginamit ang convenient sampling dahil pinili ang mga respondante sa kung sino ang

maabutan sa isang lugar na magsagot at magbigay ng mga datos sa talatanungang ibinigay.

Hindi naging basehan ang strand ng mga mag-aaral sa pagpili ng mga respondante at

nakuha ang kabuuang bilang na 50 respondante para sa isinagawang pananaliksik.

Paraan ng Pananaliksik

Isinagawa ang pananaliksik na ito sa taong panuruan 2019-2020. Binubuo ng 50

respondante na pawang mag-aaral lamang ng St. Joseph School na nasa antas ikalabing isa ng

sekondarya na ang kabuuang populasyong ginamit.

Ang Pag-aanalisa ng mga Datos

You might also like