You are on page 1of 18

ANG MGA EPEKTO NG PAGGAMIT NG FACEBOOK SA PAG-AARAL

NG MGA MAG-AARAL NG PAARALAN NG


INHINYERO AT ARKITEKTURA

TAONG PANURUAN 2015-2016

PAMANAHONG PAPEL NA INIHARAP SA KAGAWARAN NG FILIPINO


PAARALAN NG EDUKASYONG PANGGURO
SAINT LOUIS UNIVERSITY

BILANG PAGTUPAD SA ISA SA MGA PANGANGAILANGAN NG


ASIGNATURANG FILIPINO 2 – PAGBASA AT PAGSULAT
TUNGO SA PANANALIKSIK

YESSAMYN DULNUAN
JHANILLE RYLE MULA
ROBIN ERWIN DEE
IAN JERICHO LAMIS
JOHN CARLO TABORA
REB JEFFREE TAÑO
Mga Mananaliksik

MYKA CERYLLE S. VERGARA


Guro
INTRODUKSYON

Ang henerasyon ng kabataan ngayon ay lumaki, natuto, at nahubog na sa mundong

patuloy nang umuunlad. Mula sa mga makabagong teknolohiya hanggang sa pagsulong ng mga

karagdagang kaalaman at impormasyon, hindi maiiwasan ang mga impluwensiya ng mga ito sa

paghubog ng kaisipan at katauhan ng mga kabataan ngayon.

Isa sa mga naging bahagi na ng pang-araw-araw nang buhay ng mga kabataan ngayon

ang social media o mga social networking site. Ang social media o mga social networking site ay

“mga anyo ng komunikasyong elektronik (tulad ng mga web site para sa social networking at

microblogging) kung saan ang mga gumagamit ay gumagawa ng komunidad na online para

magbahagi ng impormasyon, mga ideya, mga personal na mga mensahe, at iba pang mga

nilalaman (katulad ng mga bidyo),” ayon sa diksyunaryong Merriam-Webster; at isa sa mga

halimbawa nito, at malamang pinakasikat, ay ang Facebook. Ang Facebook, sa depinisyon ni

Wigmore (2015), ay “isang sikat na libreng social networking website na nagpapahintulot sa mga

nakarehistrong gumagamit na gumawa ng mga profile, mag-upload ng mga litrato at video,

maghatid ng mga mensahe, at makipag-ugnayan sa mga kaibigan, pamilya, at mga kasamahan.”

Napakaraming gumagamit ng Facebook dito sa ating bansa. Ayon nga sa estatistika ng

statista.com, nasa 37.2 milyong katao ang gumagamit ng Facebook sa bansa sa taong 2015 at

nasa 42.1 milyon naman ang kasalukuyang bilang (2016) na inaasahan pang tumaas sa mga

susunod pang mga taon.

Ang paggamit ng Facebook ng karamihan, halos lahat ng kabataan, lalo na ang mga mag-

aaral, ay tila ba unti-unting nagiging karaniwan na sa mga ito. Ayon sa estatistika ng

gethooked360.com, ang mga gumagamit ng Facebook sa bansa sa taong 2013 ay nasa 30 milyon
na kung saan 40% ay nasa edad na 18-24 at 15% ay nasa edad na 13-17, karamihan ay mga

kabataan na maaaring mga mag-aaral. Dahil sa mga malalaking bilang na ito, hindi maiiwasan

ang pagkakasama nito sa karaniwan o “mainstream” nang mga gawain.

Ang paggamit ng Facebook ay mayroong mga benepisyo at mga kapakinabangan. Ayon

nga sa depinisyon nito, ang Facebook ay tumutulong sa komunikasyon. Ito ay mas malaking

tulong sa mga taong magkalayo at nagnanais na makausap ang isa’t isa. Mas “advanced” ang

anyo ng komunikasyon na ito kaysa sa pagtetext at pakikipag-usap sa telepono, sa maraming

paraan. Isa pa sa kabutihan nito ay ang mas maayos na pakikipag-ugnayan sa ibang tao. Ngunit

sa kabila ng mga kabutihang naidudulot nito, mayroon din itong mga kapinsalaan na naidudulot.

Isang disbentahe nito, ayon kay Bolton (2016), ay “adiksyon sa paggamit nito.”

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman ang mga epekto, kabutihan at

kasamaan, ng paggamit ng Facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Nais namin malaman ang

mga sagot ng mga mag-aaral kung ano ang epekto ng paggamit nila ng Facebook sa kanilang

pag-aaral, kung ito ba ay mabuti, masama, pareho.

Mga Suliranin

1. Ano ang mga dahilan ng paggamit ng Facebook ng mga kabataan, lalo na ng mga

mag-aaral?

2. Anu-ano ang mga naidudulot ng paggamit ng Facebook sa buhay at pag-aaral ng

isang mag-aaral?
RESULTA AT DISKUSYON

Ang bahaging ito ay naglalahad ng nagging reultang pananaliksik at ang pagsusuri ng

mga datos na nakalap ayon sa instrumento, paraan, at disenyo na ginamit sa pagsasagawa ng

pananaliksik.

Ang mga datos na nakalap ay nakalahad gamit ang talahanayan, grapikal, at tekstwal na

representasyon.

Talahanayan 1 at 2. Ang bilang ng mga tugon ng mga respondent sa mga pahayag

Mga Positibong Epekto 4 3 2 1


1. Ang paggamit ng Facebook ay nakatutulong sa mas maayos na
60 33 7 0
komunikasyon.
2. Nakatutulong ang Facebook sa pagiging “updated” sa mga
57 36 7 0
bagong balita at impormasyon.
3. Nakatutulong ang Facebook sa pakikisalamuha at
52 39 8 1
pakikipagkapwa sa ibang tao.
4. Ang Facebook ay nagsisilbing libangan. 49 47 4 0

5. Nakatutulong ang Facebook sa paghahanapbuhay. 47 39 12 2

Mga Negatibong Epekto 4 3 2 1

1. Ang Facebook ay nagiging daan para sa “cyber-bullying.” 42 52 5 1


2. Ang Facebook ay nagtataguyod ng maling balarila o gramatika
39 44 16 1
tulad ng jejemon at pagpapaikli ng mga salita.
3. Mas maraming nagugugol na oras sa paggamit ng Facebook
36 47 15 2
kaysa sa pag-aaral.
4. Nagiging daan ang Facebook upang maipamahagi ang mga
43 44 11 2
mali at hindi naangkop na mga balita at impormasyon.
5. Ang Facebook ay naglalaman ng mga maseselang media na
38 56 5 1
maaaring hindi naaangkop sa mga gumagamit.
Kabuuang bilang ng mga respondente = 100
Talangguhit 1. Ang paggamit ng Facebook ay nakatutulong sa mas maayos na komunikasyon.

Ang paggamit ng Facebook ay nakatutulong sa mas maayos na komunikasyon.

7% 0%

33%

60%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Ipinapakita ng grap ang distribusyon ng mga tugon ng mga respondent sa unang

positibong pahayag patungkol sa Facebook. Animnapung bahagdan ng kabuuang bilang ng mga

respondent ang lubos na sumasang-ayon sa pahayag, pinkamarami sa lahat. Tatlumpu’t tatlong

bahagdan naman ang sumang-ayon ngunit hindi lubusan. Kakaunti naman ang hindi sumasang-

ayon sa pahayag sapagkat pitong bahagdan lamang ang tumugon dito. Wala naming tumugon sa

huling pagpipilian na lubos na hindi sumasang-ayon sa pahayag, pinakamababa sa lahat.

Makikita na karamihan sa mga mag-aaral na respondente ay lubos na sumang-ayon

at sumang-ayon sa pahayag na ang Facebook ay nakatutulong sa mas maayos na komunikasyon.

Marahil sapagkat naniniwala ang mga respondent sa pangunahing layunin ng Facebook na

“gawing mas maayos ang komunikasyon” (Mark Zuckerberg, 2012). Ayon pa kay Morse (2012),

“ang kalaganapan nito [Facebook] ang gumagawa dito bilang isa sa mga pinakamadaling

kasangkapan ng komunikasyon…” Kakaunti lamang ang hindi sumang-ayon dahil marahil sila

ay hindi naaapektuhan ng epekto na ito ng paggamit ng Facebook.


Talungguhit 2. Nakatutulong ang Facebook sa pagiging “updated” sa mga bagong balita at

impormasyon

Nakatutulong ang Facebook sa pagiging "updated" sa mga bagong balita at impormasyon.

7% 0%

36%
57%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Ipinapakita naman sa ikalawang grap ang distribusyon ng mga tugon ng mga

respondent sa ikalawang positibong pahayag na ‘nakatutulong ang Facebook sa pagiging

“updated” sa mga bagong balita at impormasyon.’ Makikitang limampu’t pitong bahagdan ang

lubos na sumang-ayon sa pahayag, at ito ang pinakamarami sa apat na pinagpilian. Ikalawa ang

“sumasang-ayon” na may talumpu’t anim na bahagdan ng kabuuan. Pitong bahagdan naman ng

kabuuang bilang ang hindi sumang-ayon sa pahayag.Wala naming lubos na hindi sumang-ayon.

Karamihan na naman sa mga respondente ay sumang-ayon sa pahayag patungkol sa

paggamit ng Facebook. Ito marahil ay sumasalamin sa isa sa mga layunin ng mga mag-aaral sa

paggamit ng Facebook, ang pagiging “updated” at sumunod sa uso. Ayon kay Wagner (2016), na

sumangguni sa mga datos ng Pew Research, “mas kakaunting balitana ang binabasa ng mga

kabataan kaysa sa mga matatanda,” “yung mga nagbabasa ay nababasa ito sa online mas madalas

kaysa sa mga matatanda” at “Facebook pa rin ang nangungunang social platform pagdating sa

paghahatid ng balita.”
Talungguhit 3. Nakatutulong ang Facebook sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa sa ibang tao

Nakatutulong ang Facebook sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa sa ibang tao.

8% 1%

52%
39%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Sa ikatlong grap, kitang-kita ang pagsang-ayon ng karamihan sa mga respondent sa

pahayag na “nakatutulong ang Facebook sa pakikisalamuha at pakikipagkapwa sa ibang tao” na

nasa limampu’t tatlong bahagdan ng kabuuan, ang pinakamarami. Pumangalawa naman sa

tatlumpu’t siyam na bahagdan ang mga sumang-ayon lamang. Walong bahagdan ang hindi

sumang-ayon; at may isang bahagdan na lubos na hindi sumang-ayon, ang pinakamababa.

Sa pagsusuring ito, makikita na sumasang-ayon pa rin ang malaking parte ng

kabuuang bilang ng mga respondent sa positibong pahayag na ito patungkol sa Facebook, lubos

man o sakto lamang. Ang resulta ng pagsusuri na ito ay maaaring maiugnay sa pagsusuring

ginawa sa unang grap, na ang paniniwala ng mga kabataan sa pangunahing layunin ng Facebook

na gawin itong isang kasangkapan sa mas maayos na komunikasyon ang namamayani.

Inilarawan nina Ainin, Naqshbandi, Moghavvemi, at Jaafar (2015) ang Facebook, mula sa

pahayag ni Zuckerberg (2005), bilang “isang online directory na nag-uugnay sa mga tao sa mga

kolehiyo at unibersidad” at “orihinal na ginawa ang Facebook upang makilala ng isang mag-

aaral ang iba pang mga mag-aaral.”


Talungguhit 4. Ang Facebook ay nagsisilbing libangan

Ang Facebook ay nagsisilbing libangan.

4%0%

49%
47%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Inilalahad ng ika-apat na grap ang resulta ng mga tugon ng mga respondente sa ika-

apat na pahayag. Apatnapu’t siyam na bahagdan ang lubos na sumang-ayon sa pahayag na ang

Facebook ay nagsisilbing libangan. Apatnapu’t pitong bahagdan naman ang sumang-ayon

lamang. Apat na bahagdan ang hindi sumang-ayon. At wala naming lubos na hindi sumang-ayon.

Kitang-kita sa mga nakalap na datos na malaking bahagi pa rin ng kabuuang bilang

ng mga respondente ay sumang-ayon. Maaaring ito ay dahil sa kadahilanang isa rin sa mga

pangunahing layunin ng Facebook ay makapaghatid ng mga paglilibangan, na tinatangkilik

naman ng mga gumagamit. Ayon kay Mulvihill (2011), ang Facebook ay isa sa mga social media

platform na “unti-unting nagiging multimedia entertainment platform – na tila ba ang layunin ng

mga ito.” Inilahadni Moth (2012), gamit ang mga datos na nakalap ng Beans Group, na “ang

mga karaniwang sagot” kung bakit ginagamit ng mga mag-aaral ang Facebook ay “libangan” at

“pakikipag-chat sa mga kaibigan.” Sinabi naman ni Farmer (2008) na “nabihag” ng Facebook

“ang isang makapangyarihang demograpiko” at ito ang mga kabataan.


Talungguhit 5. Nakatutulong ang Facebook sa paghahanapbuhay

Nakatutulong ang Facebook sa paghahanapbuhay.

2%
12%

47%

39%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Sa ikalimang grap, makikitang apatnapu’t pitong bahagdan ang naniniwala at lubos

na sumasang-ayon sa pahayag patungkol sa Facebook, na kung saan ito ang pinakamarami.

Pumangalawa naman sa bilang ng bahagdan ang mga tumugon na sumasang-ayon, na nakakuha

ng tatlumpu’t siyam na bahagdan ng kabuuan. Labindalawang bahagdan naman ang hindi

sumang-ayon at dalawang bahagdan naman ang lubos na hindi sumang-ayon.

Nanguna pa rin ang mga sumang-ayon sa pahayag. Ayon kay Helmrich (2016), ang

“Facebook ay halos isang pangangailangan ng mga negosyong kahit anong sukat.” Ayon naman

kay Shaugnessy (2011) na “ang Facebook ay ang nais maging platform para sa mga ibang

negosyo” bukod sa mga game developers.

Mula sa pinakaunang positibong pahayag hanggang sa ikalimang ito ay nanguna lagi

ang mga lubos na sumang-ayon, at halos wala hanggang isa lamang ang lubos na hindi sumang-

ayon. Maaaring nangangahulugan itong lahat ng positibong epekto at benepisyo o kabutihan ng

Facebook ay nadarama at nagagamit ng karamihan sa mga gumagamit nito, na kalimita’y

kabataan at mga mag-aaral.


Talungguhit 6. Ang Facebook ay nagiging daan para sa “cyber-bullying”

Ang Facebook ay nagiging daan para sa "cyber-bullying."

5%1%

42%

52%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Ang grap na ito ay naglalahad ng resulta at distribusyon ng mga tugon sa unang

negatibong pahayag patungkol sa Facebook. Pinakamarami ang sumang-ayon sa pahayag na may

limampu’t dalawang bahagdan. Apatnapu’t dalawang bahagdan naman ang lubos na sumang-

ayon. May nasa limang bahagdan naman ng kabuuan ang hindi sumang-ayon at nasa isang

bahagdan lamang ang lubos na hindi sumang-ayon.

Ang distribusyon ng mga tugon ay nagpapahiwatig na ang malaking bahagi ng

kabuuang bilang ng mga respondente na sumang-ayon sa pahayag ay malamang nakaranas na ng

nasabing problema sa paggamit ng Facebook at ng iba pang katulad na social media platform.

Ayon kay Gayle (2013), na bumase sa isang pag-aaral, “ang Facebook ang pinakamalalang

social networking site para sa internet trolling, at ang bullying ngayon ay mas laganap sa online

kaysa sa ibang lugar.” Ang katotohanang ito ay maaaring hindi maiwasan at maaari itong maging

sanhi ng mas malalang problema. Ayon kay Pappas (2015), na kumuha ng datos mula sa

maraming pag-aaral na ginawa ukol sa paksa, “ang cyberbullying sa social media ay naiuugnay

sa depresyon ng mga tinedyer.”


Talungguhit 7. Ang Facebook ay nagtataguyod ng maling balarila o gramatika tulad ng jejemon

at pagpapaikli ng mga salita

Ang Facebook ay nagtataguyod ng maling balarila o gramatika tulad ng jejemon at


pagpapaikli ng mga salita.

1%
16%

39%

44%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Ang ikapitong grap ay nagpapakita naman ng distribusyon ng mga tugon sa

ikapitong pahayag. Pinakamarami ang sumang-ayon sa pahayag na may apatnapu’t apat na

bahagdan ng kabuuan. Tatlumpu’t siyam na bahagdan naman ang lubos na sumang-ayon.

Samantalang nasa labing-anim na bahagdan naman ang hindi sumang-ayon, at may iisang

bahagdan ang lubos na hindi sumang-ayon.

Sa unang pagtingin pa lamang ay mababatid na mas marami pa rin tumugon na

sumang-ayon na ang Facebook ay nagtataguyod ng maling balarila o gramatika. Ito marahil ay

naging resulta ng karanasan ng mga respondente sa paggamit ng social media platform na ito.

Sinabi ni Osborne (2011) na “kasalanan ng Facebook at Twitter” ang maling paggamit ng mga

salita at maling pagbabaybay sa mga naipopost sa online. Ayon kay Snood (2013), “hindi

kapani-paniwala kung gaano karaming ‘basura’ ang nakaladlad sa mga social media channel.”

Isa raw sa mga dahilan nito ay ang pagpapaiksi ng mga salita upang hindi umano masyadong

humaba ang mga post. Karamihan naman daw sa mga gumagamit at nakababasa ng mga ito ay

naiintindihan naman ang mga ito at ito ang bumabahal sa ibang mga akademiko.
Talungguhit 8. Mas maraming nagugugol na oras sa paggamit ng Facebook kaysa sa pag-aaral

Mas maraming nagugugol na oras sa paggamit ng Facebook kaysa sa pag-aaral.

2%
15%

36%

47%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Ipinapakita ng ikawalong grap na ito ang pagsang-ayon ng karamihan sa pahayag.

Pinakamarami ang sumang-ayon na may apatnapu’t pitong bahagdan. Pumangalawa ang bilang

ng mga lubos na sumang-ayon na nasa tatlumpu’t anim na bahagdan ng kabuuan. Labinglimang

bahagdan naman ang hindi sumang-ayon. Samantalang may dalawang bahagdan naman ang

lubos na hindi sumang-ayon.

Ang malaking bahagi ng kabuuang bilang ng mga repondente ay maaaring

sumasalamin sa ugali ng mga ito. Malamang ay nangyayari sa kanila ito, na masmarami silang

oras na nagugugol sa paggamit ng Facebook kaysa sa pag-aaral nila. Ang kasanayang ito ay

mayroong hindi magandang epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ayon kay Clark (2009), na

nagbase sa isang pag-aaral, “karamihan sa mga mag-aaral na kalimitang gumagamit ng social

networking site ay mababa ang mga nakukuhang iskor sa mga pagsusulit – ang iba ay umaabot

pa sa mga mabababang marka.” Ipinapakita lamang nito na ang paggamit ng Facebook ay

kailangang limitahan sa kahangganang ito ay hindi dapat nakaaagaw ng oras sa pag-aaral.


Talungguhit 9. Nagiging daan ang Facebook upang maipamahagi ang mga maling balita at

impormasyon

Nagiging daan ang Facebook upang maipamahagi ang mga maling balita at impormasyon.

2%
11%

43%

44%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Ang ikasiyam na grap ay naglalahad na pinakamarami ang sumang-ayon na

nakatipon ng apatnapu’t apat na bahagdan ng kabuuan. Apatnapu’t tatlong bahagdan naman ang

lubos na sumang-ayon. Labing-isang bahagdan ang hindi sumang-ayon sa pahayag; at mayroon

naman sa dalawang bahagdan ang lubos na hindi sumang-ayon.

Makikitang mas mataas pa rin ang mga sumang-ayon kaysa sa mga hindi. Dahil

naman ito sa katotohanang maaaring makapamahagi ng mga maling balita at impormasyon sa

Facebook, batay na rin sa aking sariling karanasan. Ang mga maling balita at impormasyong ito

ay maaaring makaapekto sa pag-iisip ng mga nakakikita ng mga ito. Maaaring mabago ang

kaisipan at paniniwala ng gumagamit sa sulyap ng mga maling balita at impormasyon na mga

ito.
Talungguhit 10. Ang Facebook ay naglalaman ng mga maseselang media na maaaring hindi

naaangkop sa mga gumagamit

Mas maraming nagugugol na oras sa paggamit ng Facebook kaysa sa pag-aaral.

5%1%

38%

56%

4 - Lubos na Sumasang-ayon 3 - Sumasang-ayon 2 - Hindi Sumasang-ayon 1 - Lubos na Hindi Sumasang-ayon

Sa ikahuling grap, makikitang napakarami pa rin ang mga sumang-ayon sa

negatibong pahayag na ito patungkol sa Facebook. Higit sa kalahati ang sumang-ayon na

mayroong limampu’t anim na bahagdan. Tatlumpu’t walong bahagdan ng kabuuan naman ang

lubos na sumang-ayon. Kakaunti naman ang hindi sumang-ayon na nasa limang bahagdan

lamang; at lubos na hindi sumang-ayon na nasa iisang bahagdan lamang.

Ang datos na nakalap ay nagpapatunay lamang na marami ang naniniwala sa

pahayag. Maaaring ito ay sa kadahilanang marami ang nakararanas ng pangyayari kung saan

mayroong nagpapakitang maseselan na mga post sa news feed ng mga gumagamit. Minsan, ito

ay hindi maiiwasan sapagkat tayo ay walang kontrol sa mga maaaring i-post ng ibang tao. Ngunit

ang Facebook ay gumawa na ng paraan upang maiwasan at magbigay babala sa mga gumagamit

na maaaring naglalaman ng maseselan na media ang isang post. Ayon kay Dredge (2015),

“kahubaran, mapoot na salita, pamiminsala sa sarili, mga delikadong organisasyon, pambu-bully


at panliligalig, sekswal na karahasan at pagsasamantala, mga kriminal na gawain, karahasan at

mga grapikong nilalaman ay iilan lamang sa mga sakop ng na-update ng mga alituntunin.”

Ang pagsang-ayon ng karamihan sa lahat ng mga pahayag patungkol sa Facebook,

positibo man o negatibo, ay sumasalamin sa mga karanasan ng karamihan ng mga gumagamit.


MGA SANGGUNIAN

social media. 2016. Sa Merriam-Webster.com. Kinuha noong Hulyo 15, 2016, mula sa

http://www.merriam-webster.com/dictionary/social%20media

Wigmore, I. (2015, Mayo). What is social media? – Definition from WhatIs.com. Kinuha noong

Hulyo 15, 2016, mula sa http://whatis.techtarget.com/definition/social-media

Philippines: Number of Facebook users 2019 | Statistic. (w.p.). Kinuha noong Hulyo 15, 2016,

mula sa http://www.statista.com/statistics/490455/number-of-philippines-facebook-users/

Facebook Management. (2013, Enero 16). Kinuha noong Hulyo 15, 2016, mula sa

http://www.gethooked360.com/facebook-reaches-30-million-users-in-the-philippines/

Bolton, N. (w.p.). What Are the Disadvantages of Facebook? Kinuha noong Hulyo 15, 2016,

mula sa http://techin.oureverydaylife.com/disadvantages-facebook-3355.html

Mark Zukerberg’s IPO Letter Describing Facebook’s Purpose, Values & Social Mission. (2012,

Pebrero 5). Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://prosperosworld.com/mark-zukerbergs-

ipo-letter-describing-facebooks-purpose-values-social-mission/2012/

Morse, S. (w.p.). How Facebook Helps Us Communicate. Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula

sa http://smallbusiness.chron.com/facebook-helps-communicate-66432.html

Wagner K. (2016, Hulyo 7). Facebook is the social network for news. Kinuha noong Hulyo 12,

2016, mula sa http://www.recode.net/2016/7/7/12110326/facebook-twitter-news-consumption-

growing-pew-research

Sulaiman et. al. (2015, Enero 8). Facebook usage, socialization and academic performance.

Computers & Education, 83, 64-73. doi: 10.1016/j.compedu.2014.12.018


Mulvihill, A. (2011, Oktubre 19). Facebook: From Social Media Site to Entertainment Portal.

Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://www.econtentmag.com/Articles/News/News-

Feature/Facebook-From-Social-Media-Site-to-Entertainment-Portal-78027.htm

Moth, D. (2012, Hunyo 21). Students use Facebook for entertainment, not for offers or discounts.

Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa https://econsultancy.com/blog/10164-students-use-

facebook-for-entertainment-not-for-offers-or-discounts/

Farmer, J. (2008, Mayo 20). Facebook Users Just Want Entertainment. Kinuha noong Hulyo 12,

2016, mula sa http://20bits.com/article/facebook-users-just-want-entertainment

Helmrich, B. (2016, Enero 28). Facebook for Business: Everything You Need to Know. Kinuha

noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://www.businessnewsdaily.com/7761-facebook-business-

guide.html

Shaughnessy, H. (2011, October 28). How Facebook's New Business Platform Changes the

Global Business Ecosystem. Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa

http://www.forbes.com/sites/haydnshaughnessy/2011/10/28/how-facebooks-new-business-

platform-changes-the-global-business-ecosystem/#33b1fe6841b1

Gayle, D. (2013, Marso 18). Facebook is the worst social network for bullying with 19-year-old

BOYS the most common victims. Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa

http://www.dailymail.co.uk/sciencetech/article-2294023/Facebook-worst-social-network-

bullying-New-survey-shows-youngsters-targeted-online-else.html
Pappas, S. (2015, Hunyo 22). Cyberbullying on Social Media Linked to Teen Depression.

Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://www.livescience.com/51294-cyberbullying-social-

media-teen-depression.html

Osborne, C. (2011, December 14). Your grammar is terrible. Get off Facebook | ZDNet. Kinuha

noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://www.zdnet.com/article/your-grammar-is-terrible-get-off-

facebook/

Snood, A. (2013, Abril 27). Ruining Social Media Credibility with Bad Spelling & Grammar.

Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://www.socialmediatoday.com/content/ruining-

social-media-credibility-bad-spelling-grammar

Clark, L. (2009, April 13). Pupils who spend time on Facebook do worse in exams, study shows.

Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa http://www.dailymail.co.uk/news/article-

1169422/Pupils-spend-time-Facebook-worse-exams-study-shows.html

Dredge, S. (2015, March 16). Facebook clarifies policy on nudity, hate speech and other

community standards. Kinuha noong Hulyo 12, 2016, mula sa

https://www.theguardian.com/technology/2015/mar/16/facebook-policy-nudity-hate-speech-

standards

You might also like