You are on page 1of 30

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN

Panimula

Ang Facebook ay isang uri ng application na ginawa upang magbigay ng aliw sa

tao. Ito ay isang instrument na ginagamit upang makakalap ng mga kaibigan. Tanyag ito

sa buong mundo at kadalasang mga kabataan ang gumagamit nito. Napili ng mga

mananaliksik ang paksang Facebook sapagkat ito ay isa sa kinahihiligan ng mga mag-

aaral. Nais ng mga mananaliksik na malaman ang mga epekto nito sa kanilang pag-aaral.

Isa sa pinaka kilalang Social networking site ay ang Facebook. Itinatag ang website

na ito noong Pebrero 2004 at pribadong pagmamay-ari ng Facebook Inc. Ang nagtatag

nito ay ang magkakaibigan at magkakamag-aral sa computer science na sina Mark

Zuckerberg, Eduardo Saverin, Dustin Moskovitz at Chris Hughes. Sinumang nasa 13

taong gulang o pataasay maaring maging miyembro at gumagamit ng Facebook. Ang

Social networking site na ito ay gumagamit ng kanyang Personal Profile na may larawan,

listahan ng personal na interes, numerong makokontak, makadaragdag a makakaanyaya

ng ibang gumagamit bilang kaibiga, maaaring makipagpalitan ng mga mensahe maging

sa mga matagal nang hindi nakikitang mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.

Napili ng mga mananaliksik ang nasa baiting 10 sapagkat sila ay nasa tamang pag-

iisip at edada para sumalang sa mga tanong. Matroon na din silang malalim na pag-iisip.

Maaaring maging sagot nila ay makakasama ang paggamit ng facebook sa kanilang pag-

aaral. Maaari ding mawala sila ng gana sa pag-aaral bunga nito amg unti-unting pagbaba

ng kanilang grado sa bawat asignatura. Maaari ding maging sagot nila dito ay tungkol sa

1
kanilang kalusugan na kung saan sobra na ang paggamit nila ng facebook, maaaring

makalimutan na nilang kumain at dahil dito maaari silang magkasakit. Isa pa ay paglabo

ng kanilang mga mata sa sobrang paggamit nito.

Paglalahad ng Suliranin

Ang papel na pananaliksik na ito ay naglalayong alamin ang epekto ng paggamit

ng facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Kaugnay nito, susubukan ding sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na

tanong:

1. Gaano kalaking oras ang ginugugolsa paggamit ng facebook?

2. Ano ang kadalasang paraan ang ginagamit sa pagfefacebook?

2.1 Magkano ang nagagastos sa pagfefacebook?

Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang alamin ang epekto ng paggamit

ng facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Ito ay makakatulong:

Sa mga mag-aaral, upang malaman nila ang epekto ng facebook sa

kanilang pag-aaral

2
Sa mga guro, nang sa ganoon ay malaman nila ang mga hakbangin na

dapat gawin kapag ang kanilang mga mag-aaral ay nahuhumaling sa paggamit ng

facebook.

Sa mga magulang, upang malimitahan nila ang kanilang anak sa pagggamit

ng facebook.

Sa mga susunod na mananaliksik, upang maging sanggunian nila ang

pananaliksik na ito.

Teoretikal at Konseptuwal na Balangkas

Paggamit ng Facebook

 Pagbabadyet ng oras
 Pagpupuyat
 Adiksyon  Pag-aaral ng mga mag-aaral
 Pinansyal

Nakakaapekto ang paggamit ng facebook sa pagbabadyet ng oras ng mga mag-aaral

sa paraang mas binibigyan pansin nila ito kaysa sa kanilang pag-aaral. Nawawalan ng

limitasyon ang mag-aaral sa paggamit ng facebook,nalilihis ang atensyon nila kaysa sa

mga mahahalagang mga bagay.

Pagpupuyat sapagkat ang facebook ay isa sa dahilan kung bakit nagpupuyat ang

mga mag-aaral. Dahil dito hindi nila naiintindihan ang mga leksyon.

3
Ang pagiging adik sa paggamit ng facebook ay lubhang nakakaapekto sa pag-aaral

ng mga mag-aaral dahil ang kanilang atensyon ay nakatuon lamang sa paggamit ng

facebook. Hindi nila nabibigyan ng pansin ang mga gawain sa paaralan.

Nakakaapekto ang pinansyal dahil naisasama nila sa mga gastusin ang pagloload at

pagrerenta ng kompyuter para lamang makapagfacebook.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay sasagot sa tanong na kadalasang epekto ng paggamit ng

facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral at hindi tatalakayin ang pagbibigay ng solusyon

sa problema ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang.

Depinisyon ng nga Terminolohiya

 Computer – isang nakaprogram na aparato na nakadisenyo para tumanggap ng

mga datos.

 Gadget – mga makabagong kagamitan na produkto ng teknolohiya na ginagamit

para sa komunikasyon, pag-aaral, at maging sa libangan.

 Application – mga aplikasyon na pwedeng maidownload sa inyong mga gadget

upang magamit ito.

 Facebook – isang kompanya na nagbibigay serbisyo sa mga gumagamit ng

internet.

4
 Website – mga indibidwal na aplikasyon na nagbibigay ng serbisyo at mga

impormasyon.

 Social networking site – mga website tulad ng facebook, yahoo, instagram kung

saan ito ay ginagamit para makipagkomunikasyon sa ibang tao.

 Personal profile – mga personal na impormasyon ng isang indibidwal na

matatagpuan sa mga account sa iba’t-ibang website.

5
KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA

Lumitaw sa pag-aaral sa U.S mababa raw ang marking nakukuha sa paaralan ng

mga kabataan na nahuhumaling sa Facebook.

Sa ulat ni GMA News Pia Arcangel sa 24 Oras nitong Martes, sinabing nakitaan

sa isinagawang pag-aaral ng American Psychological Association ang koneksyon ng

social networking sites gaya ng facebook sa pagbaba ng marka ng mga estudyante doon.

Ayon sa pag-aaral, mas mababa ang grado sa eskuwelahan ng mga mag-aaral

na bumibisita sa facebook yuwing ika-15 minuto.

Bukod dito, ang mga kabataan na nahuhumaling sa naturang social networking

site ay may posibilidad na magpakiya ng psychological order, maging depress at maging

mapagsarili. Bagaman wala pang ganitong pag-aaral sa Pilipinas, sinabi ng ilang eksperto

matagal na silang nagbabala laban sa labis na paggamit ng internet.

Ayon kay Dr. Bernadette Arcena ng St. Luke Hospital,bukod sa nawawala ang

quality time ng mga bata ay lumalawak din umano ang communication gap sa kanila at

nawawala ang tutok nila sa pag-aaral.Dahil may maganda rin naman daw naidudulot

ang internet sa kaalaman ng mga kabataan, sinabi ni Arcena na kailangan lamang

gabayan ng husto ang mga bata.

Sa panayam ni Arcangel sa batang itinago sa pangalang Nick, 12- anyos, inamin

ng bata na nahumaling siya sa Internet particular na sa facebook kaya bumagsak ang

kanyang marka hanggang 65. Pero kung dati ay nagbababad si Nick sa Internet shop

6
mula hapon hanggang hating gabi araw-araw, ngayon ay dalawang oras na lang umano

para makabawi sa kanyang pag-aaral.

Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa

buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon.  Ito ay ayon sa Google.com,

isang website sa internet.

Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas

malawak na kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.

Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na

sinusunod at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media.

Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang “Facebook” na kung saan

ang gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos,

makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.

Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga

magulang ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit

ay ang Twitter at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at

makipagtalastasan sa mga tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may mabuti at

masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik,

karamihan sa mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga

mabubuting epekto ay ang madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon,

mabilis na pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.

7
Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang

malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng

mga makabagong ideya. Ang mga kakayahan o talent ng bawat isa ay matutuklasan,

halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari syang matuklasan nang mas

madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ding gamitin ang Google, isang website upang

makapanaliksik ng tungkol sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa ay

madaling maipahayag.

Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga

magaaral para sa pakikipag-talastasan.

Sa isang banda, may mga kasamaan din bang makukuha mula sa social media? Unang-

una,  hindi mo personal na nakakausap ang isang tao sa social media sapagkat kayo ay

nag-uusap sa pamamagitan ng screen lamang.

Nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa halimbawa sa mga detalye ng tamang

pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap.

Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng mahabang oras maaring

sa laro at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan upang maapektuhan

at mapabayaan ang pag-aaral.

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang

naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang–araw–araw. Hindi maipagkakaila na ang

mga Social Networking Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon.

Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja (1996), ang

komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha

8
ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito

kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa

isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating

bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag

tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag–aaral at pati na rin sa

pag–uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang

nagbabago. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga

bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online,

maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang

oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para

buksan ang kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid –

aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro

dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa

pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga

impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo

kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga estudyante. 

Ayon sa pag–aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking

papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit

sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng

takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng  kanilang pag – aaral.2 Nakakalungkot isipin

9
na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at

tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante

ay nararapat na gawing kawili–wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng

kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag –

pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at

makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro.

Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa

walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng

pag–aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng

dulot ng Social Media sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano

maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga estudyante dito.

10
KABANATA III

METODOLOHIYA AT PAMAMARAAN

Disenyo at Pamamaraan

Ang pananaliksik na ito ay gumagamit ng kwalitatibong disenyo. Sa ganitong

disenyo malalaman ng mga mananaliksik ang epekto ng facebook sa pag-aaral ng mga

mag-aaral sa Dona Candelaria Meneses Duque National Highschool. Sa pamamagitan ng

kanilang mga gawi at kilos. Sa ganitong paraan makukuha ng mga mananaliksik ang

bilang ng mga mag-aaral na gumagamit ng facebook.

Ang pagbibigay ng sarbey na tanong ang pamamaraan na napiling gawin ng mga

mananaliksik para makakalap ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pag-aaral. Ang

sarbey na ito ay naglalaman ng mga tanong na naglalayong makuha ang tunay na layunin

ng pananaliksik.

Lokal at Populasyon

Ang baitang sampu ang pinakamatanda sa lahat ng Junior High school. Sila ay

may higit na kaalaman sa mga isyu sa loob ng paaralan. At higit na nakakaunawa sa mga

bagay na ginagawa bilang mananaliksik. Sila ay mahilig sa mga ganitong gawain. Higit

na gusto nilang lumahok sa mga ganitong aktibidad sapagkat ang mga ito ay alam nilang

makakatulong sa kanilang pag-aaral.

Ang kabuuang populasyon ng mga mag-aaral sa baitang sampu ay tinatayang

232 na kung saan ang baitang na ito ay binubuo ng anim na pangkat. Ang mga pangkat ay

11
ang pangkat A na binubuo ng tatlumput siyam na mag-aaral, ang sunod na pangkat ay

ang pangkat B na may tatlumput apat na mag-aaral, pangkat C na may apatnapung mag-

aaral. Pangkat D na may apatnapu’t isang mag-aaral, pangkat E na may tatlumpu’t

walong mag-aaral at ang huling pangkat ang pangkat F na kinabibilangan ng apatnapung

mag-aaral.

Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Simple Random Sampling bilang

Sampling Method, dahilo alam ng mananaliksik na halos lahat ng nasa baiting sampu ay

gumagamit ng facebook. Dahil dito, mas pinili ng mga mananaliksik na bigyan silang

lahat ng pagkakataon para maging respondante ng pananaliksik.Ang mga mananaliksik

ay may listahan ng lahat ng pangalan ng mga mag-aaral sa bawat pangkat bago magbigay

ng mga sarbey na tanong. Bubunot ng mga pangalan sa bawat pangkat ang mga

mananaliksik.

N = 232
n=?
confidence level = 86%
e = 0.14

n= ______N______
(1+Ne2)

12
=_______232_____
(1+232(0.14)
=_______232_____
1+232(0.0196)
=_______232_____
1+ 4.55

=_______232____
5.55
n = 41.8

n =42

Ang nakuhang populasyon ng mga mananaliksik ay may kabuuang bilang na

232 at ang kanilang confidence level ay 86% at ang nakuhang nilang margin of error ay

0.14. Una, isulat ang slovin’s formula, pagkatapos ay isabstityut na ang lahat ng numero

sa bawat simbolo. Sunod naman ay kompyutin na ito. Pagkatapos itong makompyut ang

nakuhang sample size ay apatnapu’t-dalawa.Sa bawat pangkat ay may kinuhang pitong

mag-aaral para maging respondante ng mga mananaliksik.

13
Ginusto ng mga mananaliksik na gawin sa Paaralang Dona Candelaria Meneses

Duque dahil ito ay mas malapit at higit na popular na lugar sa mga mananaliksik. Ninais

din ng mga mananaliksik na gawing respondante ang mga nasa ika-10 baitang sa

kadahilanang sila ay may higit na pag-uunawa sa mga usapin na tumatalakay sa paksa ng

pananaliksik na ito. At dahil na rin na mas angkop ang pananaliksik sa nasabing

populasyon sapagkat nakikita ng mga mananaliksik ang tunay na halaga ng pananalisik sa

kanila

Kasangkapan sa Paglikom ng Datos

Ang ginamit ng mga mananaliksik na sarbey na tanong ay nasa uri ng structured o

nakabalangkas na tanong at ginamitan rin ng semi-structured o bahagyang nakabalangkas

dahil ang mga tanong ay mayroon lamang simpleng kasagutan at may mga pamimilian na

kailangan nilang lagyan ng tsek ang patlang. At ito ay madali sa pagkuha ng mga

mananaliksik ng datos sa pananaliksik at mapapabilis ang pagsusuri ng mga datos na ito.

Ang sarbey na tanong ng mga mananaliksik ay naglalaman lamang ng

labintatlong aytems na naglalaan ng mga kasagutan na pamimilian ng mga respondante.

Sa unang Independent variable na pagbabadyet ng oras ay mayroong apat na tanong, iyon

ay ang tanong sa bilang 1,2,3, at 4. Sa pangalawang Independent variable na pagpupuyat

naman nabibilang ang mga tanong bilang 5,6, at 7. Sa adiksiyon naman ay ang bilang

8,9 at 10. At sa huling Independent variable na pinansyal nakapaloob ang mga tanong

bilang 11,12 at 13.

14
Paraan sa Paglikom ng Datos

Ang sample na napili ng mga mananaliksik ay may kabuuang bilang na

apatnapu’t dalawang respondante mila sa anim na pangkat ng ika-10 baitang. Ang mga

mananaliksik ay naglaan ng apatnapu’t dalawang sarbey na tanong para sa mga

respondante.

Ika-7 ng Marso taong kasalukuyan ng hapon nagsimulang mamahagi ng mga

sarbey na tanong sa mga nasabing respondante. Kinausap ng mga mananaliksik ang mga

pangulo ng bawat pangkat at ibinigay ang listahan ng mga pangalan ng respondante na

magsasagot sa sarbey na tanong. Makaraan ng higit isang oras ay binalikan ng mga

mananaliksik sa pangulo ng bawat pangkat ang mga pinamigay na sarbey na tanong.

Ang lahat ng inaasahang bilang ng sarbey na tanong na babalik ay siya ring

nalikom ng mga mananaliksik. Sa apatnapu’t dalawang (42) sarbey na tanong, pito (7)

rito ang invalid ang mga sagot. Dahil dito, minabuti ng mga mananaliksik na balikan ang

mga respondanteng nakapangalan sa invalid na sarbey na tanong nang sa ganon ay

maitama ang mga maling sagot.

Paraan sa Pagsusuri ng Datos

Matapos malikom ng mga mananaliksik ang sarbey na tanong, nagsagawa ng

pagtatali ng mga tugon. Sa bawat tanong binibilang ang mga tugon ng mga respondante.

Pagkaraang itali ang mga tugon, kinuha ang prikwensiya at kinompyut upang makuha

ang bahagdan nito. Matapos makuha ang bahagdan, ginawan ng mga mananaliksik ng

grap sa bawat bilang na tanong.

15
KABANATA IV

RESULTA AT DISKUSYON

Tanong bilang 1: Gumagamit ka ba ng Facebook?

Oo= 42 Hindi= 0

Sagot Prikwensiya Bahagdan

Oo 42 100%

Hindi 0 0%

Ang graph na ito ay nagpapakita ng resulta ng sarbey na tanong bilang 1,

kung gumagamit ba ng facebook ang mga respondante. Lumabas na 100% ang naging

bahagdan ng mga respondanteng gumagamit ng facebook.

Tanong bilang 2: Gaano ka kadalas magfacebook?

16
Sagot Prikwensiya Bahagdan

1-2 beses 14 33.3%


8 19%
3-4 beses
3 7.1%
5-6 beses
17 40.5%
Mahigit 6 na beses

33%

19%

40.5% 7%

Lumalabas sa resulta na 40.5% sa kabuuang porsyento ng respondante ay

sumagot na sila ay nagfefacebook nang mahigit 6 na beses sa loob lamang ng isang araw.

Tanong bilang 3: Ilang oras ka nagbababad sa facebook kapag nakalog-in?

17
Sagot Prikwensiya Bahagdan

1-2 oras 22 52.4%

3-4 oras 8 19%

5-6 oras 1 2.4%

Mahigit 6 na oras 11 26.2%

26.2%
52%

19%

2%

Lumabas na resulta sa bahagdan na mahigit kalahati nang lahat ng

respondante ang sumagot na 1-2 oras sila nagbababad sa pagfefacebook.

Tanong bilang 4: Ano ang madalas mong gamitin para makapagfacebook?

Sagot Prikwensiya Bahagdan

18
35 83.3%
Mobile phone
4 9.5%
Internet café / shop
Personal na computer sa 3 7.1%
bahay
0 0%
Computer sa paaralan
0 0%
Iba pa

7.10%

9.50%

83.30%

Ipinapakita ng talahanayan na lumalabas na 83% ng mga respondante ang

gumagamit ng mobile phone para makapagfacebook.

Tanong bilang 5: Gumagamit ka ba ng facebook bago matulog?

Oo= 32 Hindi= 10

19
Sagot Prikwensiya Bahagdan

Oo 32 76.2%

Hindi 10 23.8%

23.80%

76.20%

Sa tanong na ito, lumalabas na 76.2% ng mga respondante ang

gumagamit ng facebook bago matulog.

Tanong bilang 6: Anong oras ka natutulog kapag nagfefacebook?

20
Sagot Prikwensiya Bahagdan

10 ng gabi 27 64.3%

11 ng gabi 8 19%

12 ng gabi 5 11.9%

Higit pa 2 4.8%

5%
12%

19%
64%

Inilalarawan ng balangkas na ito na 64.3% ng mga respondante ang

natutulog ng 10 ng gabi kapag sila ay nagfefacebook.

Tanong bilang 7: Anong oras ka nagigising kapag gumagamit ka ng facebook bago


matulog?

5-6 ng umaga= 25

21
6-7 ng umaga= 17

Sagot Prikwensiya Bahagdan

5-6 ng umaga 25 59.5%

6-7 ng umaga 17 40.5%

40.50%

59.50%

Mahihinuha sa talahanayan at balangkas na 59.5% ng mga respondante

ay 5-6 ng umaga kung magising kapag gumamit ng facebook.

Tanong bilang 8: Kaya mo bang hindi gumamit ng facebook sa loob ng tatlong araw o
higit pa?

Oo= 27

Hindi= 15

22
Sagot Prikwensiya Bahagdan

Oo 27 64.3%

Hindi 15 35.7%

35.70%

64.30%

Ipinapakita sa talahanayan na karamihan sa mga respondante aykayang

hindi gumamit ng facebook sa loob ng tatlong araw o higit pa na may 64.3% na

bahagdan.

Tanong bilang 9: Natututukan mo pa ba ang mga mahahalagang Gawain sa paaralan


bukod sa paggamit ng facebook?

Oo= 40

Hindi= 2

23
Sagot Prikwensiya Bahagdan

Oo 40 95.2%

Hindi 2 4.8%

4.80%

95.20%

Nilalarawan ng talahanayan na ito ang nagging resulta mula sa tanong

bilang 9 na nakakuha ng 95.2% mula sa kabuuang porsyento. Ipinapahayag nito na

maraming respondante ang natutukan pa ang kanilang pag-aaral bukod sa pagfefacebook.

Tanong bilang 10: Nagawa mo na bang magfacebook habang nagkaklase?

Oo= 7

Hindi= 35

24
Sagot Prikwensiya Bahagdan

Oo 7 16.7%

Hindi 35 83.3%

16.70%

83.30%

Sa tsart na ito, nagpapakita na mas mataas ng kaunti sa 80% ang naging

resulta, na sinasabing hindi nagfefacebook ang mga respondante sa oras ng klase.

Tanonbg bilang 11: Tinitipid mo ba ang iyong baon para lang makapagfacebook?

Oo= 6

Hindi= 36

25
Sagot Prikwensiya Bahagdan

Oo 6 14.3%

Hindi 36 85.7%

14.30%

85.70%

Ang tanong na ito na naghahayag na 85.7% ang lumabas na resulta ayon

sa tsart. Inilalarawan nito na mas maraming respondante ang hindi nagtitipid ng baon

upang makapagfacebook lamng.

Tanong bilang 12: Magkano ang nagagastos mo para lang makapagload o makapagrenta
ng computer para makapagfacebook?

26
Sagot Prikwensiya Bahagdan

10 pesos 19 45.2%

20 pesos 7 16.7%

30 pesos 0 0%

40 pesos 0 0%

50 pesos 6 14.3%

60 pesos 2 4.8%

wala 8 19%

19.00%

4.80% 45.20%

14.30%

16.70%

Ang lumabas na resulta sa tanong na ito ay may 45.2% na nagsasabing 10

pesos lamang ang nagagastos nila kapag gagamit ng facebook.

Tanong bilang 13: Parte na ba ng pagbabadyet mo ng pera ang facebook?

Oo= 12

27
Hindi= 30

Sagot Prikwensiya Bahagdan

Oo 12 28.6%

Hindi 30 71.4%

28.60%

71.40%

Base sa lumabas na resulta sa talahanayan na ito, sinasabing 71.4% ang

sumagot ng hindi sinasama sa pagbabadyet ng pera ang pagfefacebook.

28
Kabanata V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay mayroong layunin na malaman ang epekto ng

paggamit ng facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang. Napili ng

mga mananaliksik ang paksang facebook upang malaman ng mga mananaliksik ang mga

epekto nito sa pag-aaral ng mga mag-aaral at dahil na rin itoang kinahihiligan ng mga

mag-aaral. Nais ding malaman kung balance pa ba ang oras ng mga mag-aaral sa

paggamit ng facebook at pag-aaral. Sa paglikom ng mga datos, ang ginamit ng mga

mananaliksik na paraan ay ang pagbibigay ng sarbey na tanong sa mga respondante.

Konklusyon

Ang pokus nitong pamanahong papel ay ang malaman ang kadalasang epekto ng

paggamit ng Facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Sa sarbey na naganap, isinama sa

mga katanungan ang tungkol sa pagbabadyet ng oras, pagpupuyat, adiksyon at sa

pagbabadyet ng pera. Ang mga ito ay isinama para maipakita ang epekto ng paggamit ng

facebook sa pag-aaral ng mga mag-aaral.

Base sa mga impormasyong nakalap ng mga mananaliksik, maraming mag-aaral sa

ika-10 Baitang ang gumagamit ng facebook. Mahigit sa anim (6) na beses sila

nagfefacebook sa isang araw. Sa isang araw na ito ay 1 hanggang 2 oras lang sila’y

29
nakalog-in. Ginagamit nila ang kani-kanilang mobile phone sa pagfefacebook. Bago

matulog sila ay nagfefacebook pa, gayunpaman, sila ay natutulog ng mga bandang 10 ng

gabi. Dahil dito sila ay nagigising ng maaga.

Ang mga respondante ay kakayaning hindi gumamit ng fabebook sa loob ng

tatlonh (3) araw o higit pa. Lumabas din na natututukan pa nila ang mga Gawain sa

paaralan. Kahit na sila ay madalas gumamit ng facebook, hindi sila nagfefacebook

habang nagkaklase at hindi din natitipid ang kanilang baon para lang makapagfacebook.

Ang nagagamit lang nilang pera ay hindi tataas sa sampung (10) piso kaya masasabing

hindi parte ng pagbabadyet ng kanilang pera ang pagfefacebook.

Sa mga resultang lumabas, walang direktang epekto ang paggamit ng facebok sa

pag-aaral ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang, masasabing sila ay responsableng mag-

aaral kahit sila ay gumagamit ng facebook.

Rekomendasyon

 Para sa mga mag-aaral na gumagamit ng facebook, mas mainam na matulog ng

maaga dahil ang pagpupuyat ay nakakasamasa kalusugan.

 Para sa mga mag-aaral na gumagamit ng facebok, mas maiging unahin muna ang

mga bagay na mahahalaga kaysa sa paggamit ng facebook.

30

You might also like