You are on page 1of 5

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ano ang Social Networking Sites?

1. Ayon kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong well-
based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng pribado pampublikong
profayl sa loob ng sistema; pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan
ng kanilang mga koneksyon at makita ang mga ginagawa ng iba pang taga-tangkilik ng
sistema.

2. Ayon sa isang pag-aaral na ginawa ni Ma. Fe Gannaban, PhD, ang social media o social
networking sites ay isa sa mga dulog-teknolohikal na magagamit ng mga guro sa
pagtuturo sa kanilang mga estudyante. Maaaring magbigay ito ng oportunidad sa mga
guro upang kumonekta sa kaniyang mga mag-aaral.

Batay naman sa pag-aaral ni Fionamae Abainza, ang social media ay maaaring


makapagdulot ng magagandang bagay sa mga mag-aaral gaya ng mabilis na pagkalap ng
impormasyon at mabisang gamit pang-komunikasyon. Sa madaling salita, hindi lamang
ang mga mag-aaral ang mayroong adbentaheng nakukuha sa social networking sites
kundi pati na rin ang mga guro.

Cayanan, C. (Marso 2009) Isang pag-aaral ukol sa Epekto ng Social Networking Sites sa Ating Ekonomiya.
mula sa https://www.academia.edu/Thesis-tagalog-Social-Networking-THEYAN

Quintos, Q. (2013-2014) Epekto ng Social Media sa Pamumuhay ng mga Mag-aaral ng Laguna State Polytechnic
University. mula sa
https://www.academia.edu/EPEKTO_NG_SOCIAL_MEDIA_SA_PAMUMUHAY_NG_MAG-AARAL

3. Sinabi rin nina Bax, n.d., MacEntee, at Glaser na ito rin ay kung saan ang isang tao ay
gumagamit ng mga kontak upang makakilala ng mga bagong kaibigan bilang potensyal
na koneksyon sa negosyo o social life. Ang mga koneksyong ito ay makatutulong upang
mapalawak pa ang mga koneksyong mabubuo pa sa hinaharap.
4. Ayon sa pananaliksik mula sa Pew Research Center, 18 hanggang 29 taong gulang ang
madalas gumagamit ng social media. Kapag social media na ang pinag-uusapan,
napakalawak na usapin ang sakop nito kung saan magkaugnay at kabilang ang lahat, lalo
na ang kabataan. Dahil dito, pinabilis na ng internet ang lahat ng ating mga
pangangailangan tulad ng pag¬hatid ng balita, mensahe at impormasyon nang mabilis at
nasa oras. Maging sa mga estudyante, ginagamit nila ang modernong teknolohiya sa
kanilang mga as¬signment, research, bokabularyong hindi pa¬milyar, koordinasyon sa
mga kaklase para sa kanilang class group project, pakikipag-usap sa mga magulang na
nasa malayong lugar, lalo na sa mga OFW at marami pang iba.

Ano ang kasaysayan ng social networking sites?

5. Nagsimula ang social networking sites noong 1995 sa pagtayo ng pinaka-unang social
network na Classmates.com, sumunod dito ang SixDegrees.com noong 1997,
LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong 2002, MySpace.com sa taong 2003
at Facebook.com noong 2004 na patuloy pa ring ginagamit ngayon sa kasalukuyan.

Paggamit ng Social Networking Sites ayon sa Kontekstong Moral at Kaugalian ng mga Pilipino (2009)
http://snnsocialnetworkingngayon.blogspot.com

Gatchalian, S. T. (2018 November 15) Positibo at negatibong epekto ng social media sa kabataan galing sa
https://www.bulgaronline.com

Dominguez, J. A. (Nobyembre 18, 2016) Epekto ng Social Networking Sites sa mga Kabataan. mula sa
http://srnhsfilipino.blogspot.com/2016/11/epekto-ng-social-networking-sites-sa.html

Ano ang mga epekto ng labis na paggamit ng social networking sites?

Ayon kay DOH spokesman Eric Tayag, habang ang social media ay isang paraan para
kumonek tayo sa ibang tao, mayroon din itong negatibong epekto. Ayon kay Tayag,
marami ngayong kabataan ang nahuhumaling sa social media na nasasangkot din sa
bullying, matinding galit at depresyon.

Ang sobrang depresyon ay dinadala ng mga kabataan sa pamamagitan ng social media


na humahantong naman sa bullying. Bagama’t nag-uugnay ang social media, iba naman
ang dating nito sa mga may diperensiya sa pag-iisip
.Ang hakbang ng kagawaran ay tugon sa report ng World Health Organization
natumaasng 18 porsiyento ang bilang ng mga nakaranas ng depresyon sa buong mundo
mula2005 hanggang 2015 na nagreresulta sa pagpapakamatay.

7. Lumitaw din sa isang pag-aaral sa US na mababa raw ang markang nakukuha sa


paaralan ng mga kabataan na nahuhumaling sa Facebook. Base sa ulat, sinabing nakitaan
sa isinagawang pag-aaral ng American Psychological Association ang koneksiyon ng
social networking sites gaya ng Facebook sa pagbaba ng marka ng mga estudyante doon.

6Doris Franche-Borja (April 8, 2017) Social media nakakabuwang – DOH. mula sa


https://www.philstar.com/pilipino-star- ngayon/bansa

7FRJ, GMA News (August 9, 2011) Labis na oras sa Facebook, may masamang epekto raw sa pag-aaral.
mula sa https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/228933/labis-na-oras-sa-facebook-may-
masamang-epekto-raw-sa-pag-aaral

Ayon sa pag-aaral, mas mababa ang grado sa eskuwelahan ng mga mag-aaral na


bumibisita sa Facebook tuwing ika-15 minuto. Bukod dito, ang mga kabataan na
nahuhumaling sa naturang social networking site ay may posibilidad na magpakita ng
psychological disorder, maging depress at maging mapagsarili.

Bagaman wala pang ganitong pag-aaral sa Pilipinas, sinabi ng ilang eksperto matagal na
silang nagbabala laban sa labis na paggamit ng internet. Ayon kay Dr. Bernadette Arcena
ng St. Lukes Hospital, bukod sa nawawala ang quality time ng mga bata, lumalawak din
umano ang communication gap sa kanila at nawawala ang tutok nila sa pag-aaral. Dahil
may maganda rin naman daw naidudulot ang internet sa kaalaman ng mga kabataan,
sinabi ni Arcena na kailangan lamang gabayan ng husto ang mga bata.

8. Ayon naman kay Shake Hocson, Guidance Diretor ng Far Eastern University,
naaapektuhan ang kakayahan ng isang tao na mag-absorb ng emosyon ng nakasalamuha.

Nagkakaroon aniya ng "flat-affect" o tila "pagmamanhid" ng emosyon ang labis na


paggamit ng social media. Nakakaapekto rin aniya ito sa pang-araw-araw na buhay ng
isang bata.

May pag-aaral aniya na sumusuporta rito, at kung lumala pa ang sitwasyon ay maaaring
magdulot ito ng pakiramdam na pagiging "out of place" at kaakibat pa nitong mga mental
disorder. Dahil dito, ayon kay Hocson, dapat nasa 1-2 oras kada araw lang ang paggamit
ng isang bata sa social media.
Labis na paggamit ng social media, nakakamanhid nga ba ng emosyon? (Agosto 20, 2019) mula sa
https://news.abs-cbn.com/news/08/20/19/labis-na-paggamit-ng-social-media-nakakamanhid-nga-ba-ng
emosyon
Ano ang magandang naidudulot ng social networking sites?

9. Sa kabila ng mga negatibong epekto ng social networking sites, marami pa rin itong
mabuting naidudulot sa ating mga tao. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang madaling
pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon, mabilis na pakikipag ugnayan sa mga
taong kasama sa trabaho o hindi man.

Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang
malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng
mga makabagong ideya. Ang mga kakayahan o talento ng bawat isa ay matutuklasan,
halimbawa kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari syang matuklasan nang mas
madali sa pamamagitan ng mga bidyo. Maaari ding gamitin ang Google upang
makapanaliksik ng tungkol sa iba’t-ibang aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa ay
madaling maipahayag.

Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga


magaaral para sa pakikipag-talastasan.

Paano ang tamang paggamit ng social media?

10
1 . Tandaan na ang social media at ang internet ay isang publikong lugar
Anumang bagay na ipost natin sa social media at sa internet ay naisasapubliko.
Ang isang post ay maaring mabasa ng daan-daan nating mga kaibigan. Maari din itong
mai-share at umabot sa libu-libo, o maging milyun-milyong naka-konekta sa internet.

9 Pilar, L. O. ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL AT EDUKASYON. galing sa

http://www.1bataan.com/ang-epekto-ng-social-media-sa-mag-aaral-at-edukasyon
10 Lerona, Ken (September 11, 2016) Ano nga ba ang tamang paraan ng pag-gamit ng social media?.
mula sa https://medium.com/@ken.lerona/paano-nga-ba-ang-tamang-paraan-ng-pag-gamit-ng-social-media

2. Ang social media ay lugar para sa pagkakaibigan at pagkakaunawaan

Ang social media ay nilikha upang paigtingin ang ating koneksyon sa ating mga
mahal sa buhay, kaibigan, sa pamayanan, at maging sa kabuuan ng lipunan. Ang
Facebook, Twitter, Instagram, at iba pa, ay lugar para sa pagkakaibigan at
pagkakaunawaan.
Maaring dumating minsan ang punto na magkasalungat ang ating mga pananaw
sa iba’t ibang mga bagay subalit tandaan natin na karapatan ng bawat isa ang
magpahayag ng paniniwala at saloobin. Hindi ito masama. Mas mainam nga na
nakikipag-kuru-kuro tayo. Importante lang na manaig ang respeto sa mga pagkakaiba
nating ito.
3. Ugaliing basahin nang buo at maigi ang nilalaman ng artikulo bago magkomento
o mag-share

4. Iwasang mag-share ng hindi beripikadong mga artikulo

5. Maging responsable sa lahat nang oras

You might also like