You are on page 1of 10

KABANATA 1

ANG SULIRANIN

Panimula

Ang mga kabataan sa panahon ngayon ay gumagamit na ng social media. Ang social
media ay naging isang popular na paraan para sa mga indibidwal na makipag-ugnayan sa isa't
isa upang magbigay at kumuha ng impormasyon. Ang social media ay gumagana sa
pamamagitan ng internet, na nagbigay-daan sa mga tao na makipag-ugnayan at makipag-
ugnayan sa iba't ibang indibidwal, kumpanya, at grupo sa buong mundo. Ayon nga ni Keith
Aurea Palcon,” Ang social media ay binuo para mapadali ang pakikipag-ugnayan sa mga
kaibigan, at pamilya na nakatira sa malayong lugar.”.

Ang social media ay masasabi nating isang pinakamagandang instrumento dahil tayo
ay makapag-aral gamit lamang ito. Ngunit bilang responsableng gumagamit ng social media
ay mahalaga ring maunawaan natin ang mga maganda at masamag dulot ng nito sa ating
buhay, lalo na ang labisang paggamit sa social media.

Pinili ng mananaliksik ang "Pagtuklas sa mga karanasan sa paggamit ng sa social


media ng mga mag-aaral sa STEM 12" upang magkaroon tayo ng mas malawak na kaalaman
tungkol sa mga nagiging epekto ng paggamit ng social media. Alamin ang mga potensyal na
karanasan ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng Stem strand habang sila ay nag-aaral. Ang
paggamit ng social media ay tumutulong sa mga mag-aaral na matuto.Sa pag-aaral nito ay
matukoy rin natin ang mga nagiging kahalagahan at naitutulong ng social media sa mga nag-
aaral sa ikalawang taon sa STEM strand.

Batayang Konseptuwal

Ang pananaliksik ay tungkol sa pagtuklas sa mga karanasan sa paggamit ng social


media ng mga mag-aaral sa STEM-12.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng metodolohiyang input-proseso-awtput sa


paggawa ng paradym ng batayang konseptwal. Na kung saan ang input frame o unahang
bahagi ng kahon ay naglalaman ng suliranin sa paksang pinag-aralan. Ang pangalawang
bahagi ng kahon o proseso ay inaasahan na magkalap ng mga impormasyon hingil sa paksang
pinag aralan. At sa panghuling kahon o awtput ay malaman ng mananaliksik ang karanasan
sa paggamit ng social media ng mga mag aaral sa STEM 12.
Input Proseso Awtput
•"Pagtuklas sa mga •Inaasahan na malaman •Malaman ang
karanasan sa paggamit ng ng mga mananaliksik anf ekspiryensya
social media ng mga mag karanasan sa paggamit ng •Malaman ang mga
aaral sa STEM 12" social media ng mga mag- karanasan sa paggamit ng
Input aaral sa STEM 12 social media nga mga mag
•"Pagtuklas sa mga •Magkalap ng aaral sa STEM 12
karanasan sa paggamit ng impormasyon o datos
social media ng mga mag hingil sa paksang pinag
aaral sa STEM 12" aralan

Batayang Teoritikal

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may mabuti at


masamang idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa
mga gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mabubuting epekto nito ay
ang mabilisang pagkalap ng mga datos o mga impormasyon ng mga estudyante para sa
kanilang mga aktibidad, mabilis na pakikipag ugnayan sa guro at sa mga iba pang mag-aaral.
Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang malinang
ang kanilang pagkamalikhain o pagkamasining at patuloy na pagkakaroon ng mga
makabagong ideya. Ang mga kakayahan o talento ng bawat isa ay matutuklasan din.
Halimbawa, kung ang isang tao ay magaling umawit, maaari syang matuklasan nang mas
madali sa pamamagitan ng videos. Maaari ring gamitin ang Google, isang website upang
makapanaliksik ng tungkol sa iba’t ibang aralin at ang mga saloobin ng bawat isa ay
madaling maipahayag. Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaaring makipag-ugnayan ang
mga guro sa mga mag-aaral para sa pakikipag-talastasan. Sa isang banda, may mga kasamaan
din ang makukuha mula sa social media. Unang-una, hindi mo personal na nakakausap ang
isang tao sa social media sapagkat kayo ay nag-uusap sa pamamagitan ng screen lamang.
Nawawala rin ang pagkakataon na mas matuto pa. Halimbawa ay sa mga detalye ng tamang
pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap. Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang
social media ng paggamit ng mahabang oras, maaring sa laro at pakikipag-usap ng isang
mag-aaral, na magsisilbing dahilan upang maapektuhan at mapabayaan ang pag-aaral
(Pascual, 2019).
Ang social media ay masasabi nating isang pinakamagandang instrumento dahil tayo
ay makapag-aral gamit lamang ito. Ngunit bilang responsableng gumagamit ng social media
ay mahalaga ring maunawaan natin ang mga maganda at masamag dulot ng nito sa ating
buhay, lalo na ang labisang paggamit sa social media.

Ayon sa Britannica (2023), ang social media ay isang midyum ng komunikasyon sa


internet, tulad ng mga website para sa social networking at microblogging, kung saan
nagbabahagi ng impormasyon, ideya, mensahe, at iba pang nilalaman ang mga gumagamit.
Ayon kina

Zainal at Rahmat (2020), ginagamit ng mga mag-aaral ang social media kapag
mayroon silang gustong malamang mga impormasyon dahil madali lamang ang paggamit
nito ngunit maraming mga social media sites na nagbibigay ng hindi mapagkakatiwalaang
impormasyon. Epekto nito ang pagbibigay ng maling impormasyon at negatibong epekto sa
paggamit ng gramatika, pagbaybay, paggamit ng mga kontraksiyon, at estilo ng pagsusulat ng
mga mag-aaral.

Batay sa pag-aaral nina Costales et al. (2017), ang wika ay dinamiko, kaya ito ay
nagbabago lalo na sa kasalukuyang panahon na laganap ang teknolohiya at modernisasyon.
Dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa mundo ng komunikasyon, iba't ibang anyong salita
at paraan ng pananalita ang nabubuo at nagagamit ng mga kabataan.

Layunin ng pag-aaral

Ang pag-aaral na isinasagawa ng mananaliksik ay layunin na makapaglahad ng


impormasyon sa karanasan sa paggamit ng social media. Maibahagi rin sa mga mambabasa
ang dulot ng social media, pag-iwas sa maling alituntonin sa paggamit ng social media, at
kung ano ang hatid na tulong ng social media.

Sa kasalukuyang panahon, maraming mga mag-aaral ang gumagamit ng social media


nang hindi nila lubos na nauunawaan ang epekto nito sa kanilang paggamit. Ito ay isa sa mga
dahilan kung bakit isinagawa ang pag-aaral upang tuklasin ang kanilang karanasan sa
paggamit ng social media. Layunin ng mga mananaliksik na magkaroon ng kaalaman ang
mambabasa sa naturang paksang pinag-aralan.
Paglalahad ng Suliranin

1. Ano ang posibleng dulot ng social media sa mga nasa STEM - ikalabing dalawang
baitang?
2. Paano maiwasan ang paggamit ng maling alituntunin sa social media?
3. Anu-ano ang dahilan ng pagkahumaling ng mag-aaral sa paggamit ng social media?

Kahalagahan ng pag-aaral

Ito ay nakatutulong sa mga sumusunod na mag-aaral na mananaliksik sa kaparehong


paksa. Ito at nahahatid ng maasahan at may kredibilidad na mga impormasyon ukol sa
paksang tinatalakay.

Sinasabi ng mga mananaliksik na makakatulong ito sa kanila na matuklasan ang iba't


ibang karanasan sa paggamit ng social media ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral.

Upang mas malalim na suriin ang paksang ito, ang mga susunod na mananaliksik ay
maaaring gamitin ang pananaliksik na ito bilang sanggunian sa kanilang sariling
pananaliksik.

Sakop at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa sa San Andres National High School Senior
High School. Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay nasa academic track at strand na
Science, Technology, Engineering, Mathematics (STEM) sa baitang 12. Ang pananaliksik na
ito ay gumagamit ng lima man lamang na repondente o higit pa upang makakuha ng mga
kinakailanganing mga datos.
Depinisiyon ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na termino ay ginamit sa pag-aaral na ito:

Karanasan. Mga personal na karanasan o kaganapan na naranasan ng isang tao.

Social Media. Mga website at application na nagbibigay-daan sa mga gumagamit na lumikha


at ibahagi ang content o upang makilahok sa social networking.
STEM 12. Ito ang ika-12 na baitang na kumukuha ng (Science, Technology, Engineering,
and Mathematics) track sa K-12 program ng Pilipinas
KABANATA 2

MGA KAUGNAYAN SA LITERATURA AT PAG-AARAL

Nakasaad sa dyaryong Abante Tonte (2013), ang teknolohiya ay malaking epekto


para sa mga kaisipan ng mga bata. Maaaring positibo at negatibo ang pananaw ng mga
kabataan dito. Sila aymabilis na makakasabay sa malawak na pag-unlad ng makabagong
teknolohiya. Ang mabilis na paglaganap ng iba’t ibang impormasyonay dahil sa social media.

Sinabi rin Asidao (2017), na ayon sa mga eksperto, nakaka-apekto ang madalas na
internet access sa kalusugan ng ating utak. Nagdudulot ito ng “sleep deprivation” o dahilan
upang hindi tayo makatulog sa gabi. Sa kabilang banda, nagiging dahilan din ito sa
pagkakaroon natin ng maikling pasensya o pokus sa isang bagay. Pinalawak, pinadali,
pinatipid ng social media ang paraan ng komunikasyon at pagbabahagi ng impormasyon.

Ayon din kay Pascual (2019), may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng
social media sa buong mundo at ito ay nakaaapekto sa kanilang buhay at edukasyon.

Ayon kina Calimlim, Dayro, at Mancilla (2016), maraming estudyante ay may nasabi
sa hindi mabuting epekto ng social media na nakadudulot ng pagbaba ng grado sa kanilang
pag aaral, kakulangan sa oras para sa pamilya at maaring mapalapit sa masamang gawain ng
mga estudyante. Marami din nagsasabi na marami din naitutulong ang social media lalo na sa
pakikipag-komunikasyon dahil napadadali nito ang pag-uusap ng dalawang tao na magkalayo
tulad ng mga ofw na nakakausap ang kanilang pamilya gamit ang social media.

Batay naman sa mga pag-aaral ni Fionamae abianza (2014), ang social media, kundio
katulod ng Facebook ay isang daan na maaring makapagdulot ng maganda sa mga kabataan.

Ayon kay Gamoran (2011), kailangang matutunan ng mga mag-aaral ang kakayahang
kailangan sa paghahanap ng kaalaman online, sa kakayahang maintindihan ang kaalamang
iyon. Maaari ang paggamit ng social media upang mapagyabong, mapagyaman, at mapalalim
pa ang pagkatuto, ngunit nangangailangan pa rin ito ng responsableng paggamit upang
malagpasan ang kawalan ng konsentrasyon, kalabisan sa hindi mahalagang kaalaman, at
tuksong lumihis.
Nakasaad sa impormasyong nakalap ni Mark Bamba(2013), sa kanyang pag aaral ng
epekto ng social networking sites ng mga mag-aaral. Marami sa mga mag-aaral ang
nagsasabing nakatulong ito upang maipahayag nila ang sariling saloobin o opinyon at
pakikihalobilo sa kanilang mga kaibigan o kamag-anak.

Ayon ni Arshad (2020) ang paggamit ng social media ay nakaka adik, na maaaring
sanhi ng makabuluhang paglabas sa iba't-ibang aspeto ng isang indibidwal buhay. Ang pag-
aaral na ito ay dinisenyo upang mag-aralan ang epekto ng social media sa academic
performance ng mag-aaral sa Islamabad at Rawalpindi (Pakistan).

Ang social media ay dapat gamitin ng tama at maayos upang maiwasan ang
masamang dulot nito at responsable na diskarte sa proseso ng pag-aaral at mga resulta ng
akademiko para sa magandang kinabukasan (Janssen et al., 2014).

Ang mga mag-aaral ay mas naglalaan ng mas maraming oras sa social media kaysa sa
paggamit ng email. Bagaman may mga isyu sa privacy at seguridad, ang social media ay
nagbibigay ng mga pagkakataon para sa konektado sa iba't ibang tao. Subalit, ang ilan ay
umaasa na lamang sa social media para sa impormasyon, na maaaring makaapekto sa
kanilang pag-aaral. Bagamat nagdulot ng malaking pagbabago ang social media sa ating
mundo, mahalaga na ito ay gamitin ng mga mag-aaral nang maayos para sa mas magandang
kinabukasan. Dapat itong gamitin upang kumonekta, manatiling nakikipag-ugnay, magbahagi
ng mga tanawin ngunit hindi nag-aaksaya ng oras (Rithika & Selvaraj, 2013).

Ayon sa pangalang Rouse Margaret (2016), ang social media ayginagamit para sa
pakikipag usap, pakikibahagi ng impormasyon atiba pa. May iba’t ibang uri ng social media.
Ito ay ang facebook,twitter, google, Wikipedia, ilan sa kadalasang ginagamit sapanahon
ngayon ng bawat indibiduwal, karaniwan na sa mga kabataan.

Nakapaloob sa pag-aaral nina Ogatia, Bonacia, Alviar, San felipe at Garcia (2019)
ang mga dahilan ng pag Sali sa mga social networking websites. Halimbawa nito ay
pakikisalamuha sa ibang tao sa internet. Naglalaan lamang sila ng kaunting oras sa pag bisita
ng mga sites na ito sapagkat mas binibigyang halaga nila ang mas importanteng mga bagay o
gawain tulad ng mga pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral ni Astodello (2016), Dahil ang mga mag-aaral ay mataas ang
motibasyon sa paggamit ng social media site ang karamihan sa kanila ay gumagamit ng mga
ito upang masunod ang kanilang mga panlipunang pangangailangan kaysa sa kanilang mga
pang- akademikong pangangailangan.

Ayon sa pangalang Rouse Margaret (2016), ang social media ayginagamit para sa
pakikipag usap, pakikibahagi ng impormasyon atiba pa. May iba’t ibang uri ng social media.
Ito ay ang facebook,twitter, google, Wikipedia, ilan sa kadalasang ginagamit sapanahon
ngayon ng bawat indibiduwal, karaniwan na sa mga kabataan.
KABANATA 3

METODOLOHIYA

Disenyo ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik. Ito ay pamamaraan
na kung saan ang pag-aaral ay naglalayong magtala, maglarawan, magbigaykahulugan,
magsuri, at maghambing upang mas madaling maunawaan ng mambabasa ang mga datos ng
pag-aaral.

Local ng Pananaliksik

Ang pag-aaral ay isasagawa sa san Andres national high school, San Andres
Kadingilan Bukidnon. Sa pamamagitan nito ay itinatag, sa ilalim ng pangangasiwa ng
kagawaran ng edukasyon, kultura at isports, isang pambansang mataas na paaralan sa
barangay San Andres, Bayan ng kadingilan, Lalawigan ng Bukidnon, na tatawaging San
Andres, Pambansang mataas na Paaralan.

Respondante ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay kukuha ng kanilang datos mula sa mga mag-aaral


na nakatala sa STEM 12 na programa sa San Andres National High School. Ang mga mag-
aaral na nagpapakita ng kakayahang magbigay ng tumpak at kapani-paniwalang mga tugon sa
mga katanungan ng mga mananaliksik ay pipiliin upang mag-
ambag ng kanilang mga pananaw at impormasyon.

Paglikum ng mga Datos

Ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang sulat na pahintulot sa mga respondente


na magpapahintulot sa kanila na magsagawa ng pag-aaral. Ang mananaliksik ay humiling sa
guro na suriin ang sulat ng pahintulot kapag ito ay tapos nang gawin. Sa pagkolekta ng datos
mula sa mga respondente, tiyakin ng mananaliksik na ang kanilang pahintulot ay maingat na
binuo at binasa bago magbigay ng mga katanungan. Ang mga kalahok na pipiliin upang
lumahok sa pagsusuri ay batay sa kagustuhan. Tiyakin ng mananaliksik na bawat taong
lumahok ay may maunawaan sa paksa at upang siguraduhing sila ay makakasagot ng mga
tanong mula sa pagsusuri.

Instrumento sa Pananaliksik

Gumagamit ng survey questionnaire at audio recorder ang mananaliksik bilang


instrumento.

Pamamaraan ng Pagsisipi ng mga Datos

Unang-una ay gagawa ang mananaliksik ng liham ng pagpayag sa mga respondente.


Pagkatapos gumawa ng pahintulot, hihilingin ng mananaliksik sa guro na suriin ang liham
ng pahintulot upang siguraduhin na ito ay maayus ang pagkagawa, malinaw, at nababasa
ang bawat teksto upang mabigyan ng pahintulot ang mananaliksik sa mga respondente sa
panahon ng pangangalap ng datos.

Pangalawa, mahalaga na siguraduhing ang mga kalahok sa panayam ay may alam


tungkol sa piniling paksa.

Pangatlo, sisiguraduhin ng mananaliksik na ang binigay nilang mga katanungan ay


naiintindihan ng maayos ng mga kinapanayam. Malinaw ang pagpapaliwanag ng kanilang
layunin.

Sa pang-apat na hakbang ay hihilingin ng mananaliksik ang permisyo ng


kinapanayam na e record ang kanilang boses habang nagsasalita upang mas maaasahan at
wasto ang maibigay na ibidensya ng mananaliksik. Pinapaliwanag din ng mananaliksik kung
ano ang kanilang layunin at bakit ito ang kanilang paksa.

Pamamaraan ng pagmamarka

Layunin ng pag-aaral na ito na suriin ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa


STEM 12 sa paggamit ng social media at ang mga epekto nito sa kanilang pag-aaral. Pagpili
ng Metodolohiya: Ang kwalitatibong pag-aaral ang gagamitin upang masuri ang mga
karanasan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga interbyu at focus group discussions.
Sa pamamagitan ng mga interbyu, malalimang maiintindihan ang mga emosyon, saloobin, at
karanasan ng mga mag-aaral sa paggamit ng social media.

Ang focus group discussions naman ay magbibigay ng pagkakataon sa mga mag-


aaral na magbahagi ng kanilang mga karanasan at magkaroon ng mga diskusyon tungkol
dito. Pagbuo ng Instrumento ng Pag-aaral: Bubuo ng mga katanungan para sa interbyu at
focus group discussions na naglalayong malaman ang mga karanasan ng mga mag-aaral sa
paggamit ng social media.

Pagpili ng Sample: Magpapili ng mga mag-aaral sa STEM 12 na magiging bahagi


ng pag-aaral. Maaaring gamitin ang stratified sampling para masigurong kumakatawan ang
sample sa iba't ibang sektor ng mga mag-aaral sa STEM 12. Pagpapatakbo ng Pag-aaral:
Isasagawa ang mga interbyu sa mga mag-aaral gamit ang mga binuong katanungan.
Magkakaroon din ng focus group discussions kung saan magkakasama ang mga mag-aaral
upang magbahagi ng kanilang mga karanasan sa paggamit ng social media.

You might also like