You are on page 1of 18

TALAAN NG NILALAMAN

A. Kaligiran ng Pag-aaral .............................. 2

B. Mahahalagang tanong .............................. 4

C. Kahalagahan ng Pag-Aaral .............................. 4

D. Batayang Teoretikal .............................. 5

E. Saklaw at Limitasyon .............................. 6

F. Depinisyon ng Termino .............................. 6

G. Kaugnayan ng Pag-aaral at Literatura .............................. 7

H. Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos .............................. 12

Ipinasa nila:

~ Marie Anne Policarpio

~Nikka Aira Sarmiento

~Hannah Alexandra Fajardo

~Lance Casas

1|Page
A. KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Panimula

Sa kasalukuyang panahon, lumalaganap na ang paggamit ng social media sa Pilipinas.

Kadalasang mga kabataan ay nawiwili sa paggamit nito. Ang Facebook ay isa sa

pinakasikat na social media application sa buong mundo. At sa patuloy na pag-usbong ng

teknolohiya ay naging isa itong "pangangailangan" ng modernong indibidwal.

Mula noong nagpalit ng milenyo, ang teknolohiya ay nasa estado ng ebolusyon. Mga

kompyuter at cellphone ay nagsisimulang "mag-upgrade" para makahabol sa bumibilis na

pagyabong ng mundo. At dahil sa modernisasyon, ang paghahanap ng pampalipas oras ay

naging isa sa mga problemang sinolusyunan sa pamamagitan din ng teknolohiya.

Ayon sa bagong pag-aaral ng Pulse Asia, halos kalahati na ng mga Pilipino (47%) ang

gumagamit at naka-access sa internet. Karamihan sa kanila ay gumagamit ng mobile

phone na may 94% at 98% naman nito ay may layuningbisitahin ang kanilang social

media accounts. Ang social media ay isang digital communication channelna bumubuo

ng isang user-oriented information sharing ground kung saan ang mga tao ay maaring

mag-subscribe o gumawa ng mga impormasyon sa parehong producers at consumer.(Kim

at Kim 2010) Nakikita ni Buether(2016) ang social media bilang computer- medicated

tools na pinapahayag ang mga tao o kompanya na gumagawa, mag-share at magpalitan

ng mga impormasyon, ideya, litrato/virtual community and network. Isang halimbawa

2|Page
nito ay ang Facebook. Ito ay isang social media application na nilikha ni Mark

Zuckerberg noong 2004 at sa kasalukuyan, mayroon nang dalawangdaang milyong

aktibong gumagamit nito sa buong mundo. Ito ang kasalukuyang pinakasikat na social

media sa buong mundo.

Gayunpaman, ang mga interaksyon ng lahat ng tao sa social media ay tumataas na

ginagawa silang producers at consumer ng mga impormasyonAng mga social media tulad

ng mga Facebook. Twitter, Tumblr ay nagdala ng isang malaking pagbabago sa sistema

ng ating komunikasyon na pinagyayaman ang pagkatuto, binigyan tayo nitong iba't ibang

klaseng entertainment functions na nagiging tools para sa social change at mabilisang

pagpalit ng mga impormasyon. Dahil sa tulong ng internet sa mga mag-aaral, binibigyan

sila ng kakayahang gumawa ng sariling profile, magkapag-access sa bago at lecture notes

via email sent na mula sa lecturer.

Dahil sa dami ng mga gumagamit nito at kadalasan ay puro kabataan pa ang nawiwili sa

paggamit nito. Maraming magiging epekto ang social media sa personalidad ng isang tao.

Alam natin na malaki ang maitutulong ng social media sa mundo pero alam din natin ang

masamang maidudulot ng sobra-sobrang paggamit nito.

3|Page
B. MAHAHALAGANG TANONG

1. Ano ang social networking?

2. Paano naiimpluwensiyahan o maapektuhan ng social media ang mga mag-aaral?

3. Anu-ano ang mga epekto ng social networking sa sarili, pamilya at lipunan?

4. Anong Social media site ang may pinakamalaking epekto sa akademikong gawain

ng mga mag-aaral?

C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito tungkol sa pagsusuri ng nilalaman ng "Epekto ng Social Media sa

Akademikong Gawain". Mahalagaito dahil sa kapakinabangang maidudulot nito sa mga

sumusunod na seksyon:

Mga Mag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakakatulong sa mga mag-aaral sapagkat malalagay nila ang mga

prayoridad na dapat isaalang-alang bilang isang mag-aaral. Mapapatunayan din ng pag-

aaral na ito na lahat ng sobra ay masama bagkus dapat itatak sa mga mag-aaral na

kailangan nilang disiplinahin ang sarili at iwasto ang kanilang oras para tumutok sa pag-

aaral. Sa pag-aaral din na ito matatalakay ang magagandang epekto ng social media kahit

papaano. Dahil sa teknolohiya ay mas madaling kumalap ng mga impormasyon na ayon

sa pinag-aralang mga leksyon at lektyur sa paaralan alinman ang mas maraming epekto,

mabuti man o masama ay nakakabuti ito para malaman at mamulat ang mga mag-aaral sa

mga kahihinatnan ng sobrang paggamit ng social media.

4|Page
Mga Magulang at Guro

Ang pag-aaral na ito ay nakakatulong sa mga guro at magulang. Bilang tumatayong

pangalawang mga magulang ang mga guro ay magiging mulat sa mga pinaggugugulan ng

kanyang mag-aaral bagkus ito ay makakatulong upang gabayan ang kanyang mag-aaral.

Ito ay parehas din sa mga magulang dahil sila ay nakalipas na henerasyon ang mga

magulang ay walang sapat na kaalaman tungkol sa social media. At sa pamamagitan ng

pag-aaral na ito ay magagabayan at mapagsasabihan nila ang kanilang mga anak sa mga

araw-araw na ginugugol nila. Malalagay nila sa ayos at disiplina ang kanilang mga anak

D. BATAYANG TEORETIKAL

Input Proseso Awtput

1.) Personal na 1.) Pagbuo ng mga Sa pag-aaral ng mga


pagkakakilanlan
Input katanungan mananaliksik ay
tungkol sa paksang umaasang malaman ang
 Pangalan
pinag-aaralan. mabuting epekto nito sa
 Antas
mga mag-aaral ng
 Kasarian 2.) Pagsusuri ng mga
baitang 9 ng Holy Child
2.) Saloobin ng mga datos na nakalap
of Parada Montessori.
mag-aaral tungkol mula sa mga
Gayundin ay
sa Social media katanungan sa mga
matulungan ang mga
3.) Kahalagahan ng mag-aaral
mag-aaral na
Social networking 3.) Pagsusuri ng mga
maintindihan pa lalo ang
sites bilang mag- datos na nakalap
social media.
aaral. sa mga librong
nakalimbag, tesis,
internet at iba pa.
4.) Obserbasyon

5|Page
E. SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang malaman ng mga mananaliksik ang epekto ng

paggamit ng social media sa akademikong gawain. Hindi nito masasaklaw ang iba pang

mga epekto ng social media na tingin ng mga mananaliksik ay may napakaliit o walang

idudulot na mabuti o masama sa mga akademikong gawain. Tanging mga aspeto ng

social media na may epekto sa pag-aaral ang tatalakayin sa pag-aaral na ito.

Nagsilbi naming limitasyon ang pagkakaiba ng pananaw ng mga mag-aaral sa social

media sa kadahilanang walang control ang mga mananaliksik ukol dito. Ang pag-aaral na

ito ay lalahukan lamang ng mga mag-aaral mula sa baitang 9 ng HCMS.

F. DEPINISYON AT TERMINO

Ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang

iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan

lamang natuklasang na proseso at prinsipyong maka-agham. Gayon man, isinilarawan din

ng teknolohiya ang kahit na ang pinakalumang imbento katulad ng gulong.

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipápadala ang mga datos sa pamamagitan ng

packet switching na gámit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol (IP). Binubuo

ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at pampamahalaan ng mga

network na may lokal hanggang malawakang saklaw at pinagkakaugnay sa pamamagitan

6|Page
ng mga kawad na tansô, kawad na fiber-optic, wireless na koneksiyon at iba pang

teknolohiya.

Ang Social Networking Sites (SNS) ay modernong paraan ng pakikipagkaibigan

ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat,

mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para mangamusta ang mga taong malalayo sa atin,

magkaroon ng mga bagong kakilala at ang mga kaibigan

G. KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang Social Networking Service (SNS) ay tumutukoy sa alin mang plataporma na

lumilikha ng mga social network o mga ugnayan ng pakikisalamuha sa mga taong may

magkatulad ng interes, gawain, karanasan o mga ugnayan sa tunay na buhay.

Ayon kay Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga serbisyong

pangpublikong nagrerehistro na nakapaloob sa isang system, pinahihintulutang itong

makakila ng profile ng isang indibidwal sa pagsagot ng form. Dito ay tinatanong ang

lugar , edad, interest at “about me” seksiyon. Ang mga social networking sites ay nagging

patok sa publiko dahil pinapayagan nito ang isang indibidwal na makakilala ng ibang tao.

Maikling Kasaysayan

Ilang taon ang makalipas bago pa man masabi ni Al Gore na kinuha ang inisyatiba sa

paglikha ng internet at ang mga predecessors nito ay isang focal point para sa social

7|Page
interactivity. Madaming paglawak ang nangyari hanggang sa nakabuo ng BBS o Bulletin

Board System. Sa Central System kung saan maari silang makapag-download ng mga

dokumento o mga laro at makapagpost ng mensahe sa isa pang gumagamit. Ang BBS ay

patuloy na sumisikat hanggang 80s at 90s. Ang iba pang serbisyo tulad ng FidoNet

niTom Jennings na lagging magkasama ang BBSes sa worldwide computer network at

nakuhang makaligtas sa internet revolution.

Tuloy-tuloy ang pag-usbong ng mga websayt tulad ng Yahoo, Amazon at sumikat ang

Classmate.com at pinatunayang isang magandang ideya ito sa tanong na “Sino ang

maaring kumolekta sa akin na minsan ay isang kamag-aral ko?” Ang mga unang

gumamit na hindi makagawa ng profile, pero maaring malocate ang kanilang dating

kaklase at maari ding promdate na hindi nila malilimutan. Naging patok ito agad at kahit

sa panahon ngayon marami paring gumagamit ng ganitong serbisyo. Sumusunod ang Six

Degrees.com, isang teorya kasama ang actor na si Kevin Bacon na walang taong

mahihiwalay ng higit Six Degrees mula sa isa. Sumikat ito taong 1997 at unang pumayag

na ang mga gumagamit ay makagawa ng profile, inbita ng kaibigan at iba pa. Ngunit ito

ay natapos din pagkatapos lumipat sa panahong “Millenieum”

Nagsimula ng umusbong ang mga Friendster(2002), Linkedin, My Space(2003) at

Facebook(2004) na mas lalong malawak ang serbisyo sa isang indibwal kaya’t marami

ring tumatangkilik na publiko rito.

8|Page
Halimbawa ng social networking sites

1. Facebook

Ang Facebook literal na "aklat ng mga mukha" ay isang social networking website

(sosyal na pagnenetwork na pook-sapot) na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari

ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga

tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang

makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga

kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay

upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.

Tumutukoy ang pangalan ng website na ito sa mga mukhang nasa aklat na papel (paper

facebooks) na sinasalarawan ang mga kasapi ng isang kampus na pamayanan na

binibigay ng ilang kolehiyo at preliminaryong paaaralan sa Estados Unidos sa mga

papasok na mga mag-aaral, guro o propesor, at mga trabahador bilang isang paraan na

makilala ang ibang tao sa kampus.

2. Twitter

Ang Twitter ay isang online news at social networking service kung saan ang mga user

ay nagpopost at nag-iinterak gamit ang mga mensaheng tinatawag na "tweet", na

hanggang 140 karakter lamang mula 2006 hanggang 2017, nang ito'y lumawig hanggang

9|Page
280 karater. Ang mga nakarehistrong user ay maaaring magpost ng mga tweet ngunit ang

mga di-nakarehistro ay maaari lámang magbasá ng mga ito. Naaakses ng mga user ang

twitter sa pamamagitan ng websayt interfeys nito, SMS, o isang app sa isang mobile

device.

3. Tumblr

Ang Tumblr ay isang platapormang blog na pinahihintulutan ang mga tagagamit nito na

maglagay ng kasulatan, mga larawan, mga bidyo, mga kawing, mga sipi at awdiyo sa

kanilang Microblogging, isang blog na maikling uri. Ang mga tagagamit ay

"nakasusunod" sa iba pang mga tagagamit at makita ang kanilang mga inilagay sa

kanilang tapalodo. Maaaring magustuhan o i-reblog ang ibang mga blog sa sayt. Ang

paglilingkod ng sayt ay nagbibigay lalim sa pag-iiba at sa kadalian ng paggamit.

Kagamitan para magkaroon ng social networking

1. Kompyuter

Ang isang panuos, kompyuter o computer ay isang pangkalahatang paggamit na

kasangkapan na maaaring iprograma upang magsagawa ng isang may hangganang hanay

ng mga operasyong aritmetiko o lohikal. Dahil ang isang sunod sunod na mga operasyon

ay maaaring handang mabago, ang kompyuter ay makalulutas ng higit sa isang uri ng

problema. Sa konbensiyon, ang isang kompyuter ay binubuo ng hindi bababa sa isang

elementong nagpoproseso na tipikal ay isang CPU at isang anyo ng memorya. Ang CPU

ay naglalaman ng dalawang tipikal na mga bahagi na arithmetic logic unit(ALU) na

nagsasagawa ng mga operasyong aritmetiko at lohikal at Control unit(CU) na kumukha

10 | P a g e
ng mga instruksiyon sa memorya at nagsasalin at nagsasagawa ng mga ito na tumatawag

sa ALU kung kinakailangan. Ang unang elektronikong dihital na mga kompyuter ay

pinaunlad sa pagitan ng 1940 at 1945 sa United Kingdom at Estados Unidos. Ang mga

sukat nito ay orihinal na kasinglaki ng isang malaking kwarto at kumokonsumo ng labis

na elektrisidad gaya ng ilang mga daan daang modernong personal na kompyuter(mga

PC).

2. Internet

Ang malawak na computer network na maaaring gamitin ng publiko sa buong

mundo. Mas pangkalahatang kataga ang isang internet para sa anumang

magkakasámang magkakabit na mga computer network na pinagkabit sa

pamamagitan ng internetworking.

Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring

gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipápadala ang mga datos sa pamamagitan

ng packet switching na gámit ang inayunang pamantayan na Internet Protocol

(IP). Binubuo ito ng milyon-milyong pampribado, pampubliko, pampaaralan at

pampamahalaan ng mga network na may lokal hanggang malawakang saklaw at

pinagkakaugnay sa pamamagitan ng mga kawad na tansô, kawad na fiber-optic,

wireless na koneksiyon at iba pang teknolohiya. Dinadalá nito ang mga iba't ibang

impormasyon at serbisyo, katulad ng electronic mail, online chat, at

magkakaugnay na mga pahina ng web ng World Wide

11 | P a g e
3. Email

Ang elektronikong liham, maari ring paiksihin na e-liham, ay isang paraan ng paggawa,

pagpadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga elektronikong

sistemang pangkomunikasyon. Sa ngayon, karamihan ng mga sitemang e-liham ay

gumagamit ng World Wide Web.

Ang kaunaunahang e-mail ay ipinadala ni Ray Tomlimson ng ARPANET noon 1971.

Ang e-mail na ito ay nagsimula sa maliit na program lamang na ginagamit lang sa isang

maliit na network. Ang unang e-mail na ipinadala ni Tomlinson ay sa sarili lamang niya

bilang isang eksperimento.

H. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Ang kabanata na ito ay nagpapakita ng datos at impormasyon na nakalap sa mga kalahok.

Karakter ng mga kalahok

Ang karakter ng mga kalahok ng mga pag-aaral ay base sa edad at kasarian.

12 | P a g e
Graph 1

Bilang ng mga kalahok base sa edad

15 taon
24%

13 taon
14 taon
15 taon
14 taon
76%

Ipinakita sa unang graph ang distrubusyon ayon sa edad, at natuklasan na

karamihan sa mga kalahok ay 14 taong gulang.

Graph 2

Ano ang kadalasan mong ginagamit na social media site sa pag-aaral?

120
100
80
60
40
Babae
20
Lalake
0
t
e

ia

ra
oo

go
gl

ed

o
h

Qu
o

sa
Ya
ip
Go

ng
ik
W

a pa
Ib

Ipinakita sa ikalawang graph ang distribusyon ayon sa kadalasang ginagamit na

social media sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng baiting 9 ng Holy Child of Parada

13 | P a g e
Montessori School, at natuklasan na karamihan sa mga babae at lalake ay pinili ang

Google. Ipinapahiwatig nito na ang mga mag-aaral ay mas ginagamit ang Google kaysa

sa ibang website.

Graph 3

Tuwing kailan ka gumagamit ng Internet?

90
80
70
60
50
Babae
40
30
Lalake
20
10
0
Araw-Araw Isa sa isang Tuwing Tuwing
linggo Sabado at kailangan
Linggo lang

Ipinakita sa ikatatlong graph ang distribusyon ayon sa kailan sila gumagamit ng

Internet ng mga mag-aaral ng baiting 9 ng Holy Child of Parada Montessori School, at

natuklasan na karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng Internet araw-araw.

Ipinapahiwatig na ito na lagi-lagi silang gumagamit nito.

Graph 4

Gaano ka katagal gumagamit ng social media sa isang araw?

50

40

30

20
Babae
Lalake
10

0
1-2 oras 3-6 oras 7 oras 8 oras Iba pang
sagot

14 | P a g e
Ipinapakita sa ikaapat na graph na karamihan sa mga babae ay naglalaan ng higit

saw 8 oras sa paggamit ng social media at sa lalake naman ay naglalaan ng 7 oras sa

paggamit ng social media. Ipinapahiwatig nito na nagbababad ang mga mag-aaral sa

social media.

Graph 5

Bakit ka gumagamit ng social media?

100
80
60
40
Babae
20 Lalake
0

Ipinapakita at ipinapahiwatig sa ikalimang graph na karamihan sa mga mag-aaral

ay gumagamit ng social media ay para sa kanilang libangan.

Graph 6

Kapag nag-aaral ka gamit ang internet, nagbubukas ka ba ng social media account?

100
90
80
70
60
50 Babae
40 Lalake
30
20
10
0
Oo Hindi

15 | P a g e
Ipinapakita sa ikaanim na graph na karamihan sa mga mag-aaral na gumagamit ng

Interent habang nag-aaral ay nagbubukas ng social media.Ipinapahiwatig na karamihan sa

mga mag-aaral ay natutukso ng social media.

Graph 7

Nakakasagabal ba ang pagbubukas ng social media account sa pag-aaral mo?

90
80
70
60
50
Babae
40
30 Lalake
20
10
0
Oo Hindi

Ipinapakita at ipinapahiwatig sa ikapitong graph na karamihan sa mga mag-aaral

ang nagsasabi na hindi ito nakakasagabal sa pag-aaral.

Graph 8

Anong social media account ang kadalasan mong ginagamit?

40
30
20
10 Babae
Lalake
0
ok er m be ot
o it t ra
ut
u sa
g
eb w
st ag
Fa
c T
In Yo a ng
ap
Ib

16 | P a g e
Ipinapakita sa ikawalong graph na karamihan sa mga mag-aaral ay ginagamit ang

facebook. Ipinapahiwatig nito na karamihan sa mga mag-aaral ay may account sa

facebook.

Graph 9

Anong gadget ang gamit mo?

80

60

40

20 Babae
Lalake
0
r t ne ot
te le op g
pu b pt o sa
m Ta La l ph
o l ng
C Ce a
ap
Ib

Ipinapakita sa ikasiyam na graph na karamihan sa mga mag-aaral ay cellphone

ang gadget na ginagamit pang social media. Ipinapahiwatig nito na karamihan sakanila ay

mayroong cellphone.

Graph 10

Napagalitan ka na ba ng iyong magulang dahil sa labis na paggamit ng social media?

90
80
70
60
50
Babae
40
30 Lalake
20
10
0
Oo Hindi

17 | P a g e
Ipinapakita at ipinapahiwatig sa ikasampung graph na karamihan sa mga mag-

aaral napapagalitan sila ng kanilang mga magulang kakagamit ng social media.

Graph 11

Nagpupuyat ka ba kakagamit ng social media?

80
70
60
50
40 Babae
30 Lalake
20
10
0
Oo Hindi

Ipinapakita at ipinapahiwatig sa ikalabing-isang graph na karamihan sa mga mag-aaral ay

nagpupuyat kakagamit ng social media.

18 | P a g e

You might also like