You are on page 1of 17

Note : Fonts: times roman size 12

Justification
Double spacing

Proceed to next page………………………………………

Epekto ng Social Media

sa Paraan ng paglaganap ng Balita

sa mga Estudyante ng NASA ikaw 11 taon ng IiHc


Nina:

Dapon, Remon

Servilla, Dennis

Tonedo, John melben

Wayway, Mc Vergil

2017- 2018

Ipinasakay :

G. Editho L. Inot , AB. CPE, MAED


DalubhasasaPananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN:
PASASALAMAT

Maraming salamat sa mga kasama naming gumawa ng ipinapagawa ng aming guro na si Editho

Inot Marcos na syang nagbigay ng proyekto at sa mga website na kinunan naming ng mga

pahayag na nagmumula sa social media. Dahil sa nagawa nag karoon kami ng mag kakaisa at

bagong kaalaman na nag mula sa social media. Ito naming nalaman yung negatibong epekto ng

social media sa aming kalusugan at positibong epekto ng social media na nakakatulong sa aming

pag gawa ng mga proyekto. Mga halimbawa ng positibong pag gamit ng social media ay dito ka

matututong gumawa ng sariling pag gawa ng takdang aralin at na tutututong gumamit ng

microsoft word,power point,excel,adobe photoshop at iba pa. Malaking tulong ito sa ating

lipunan dahil nakakatulong para makakipag komunikasyon sa mahal mo sa buhay at sa iba pang
taong makikilala mo malay mo katabi mo lang. At syempre meron din itong negatibo sa pag

gamit ng social media maraming kabataan nagiging pabaya sa pag aaral at kalusugan at nagiging

suwail sa mga magulang at nag dudulot ito ng masamang epekto sa ating kalusugan. Halimbawa

pag mumula ng mata, panginginig ng kamay,kulang sa kain,nag kakaroon ng ulser.

ABSTRACT

Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social media bilang public property. Ang papel ay

naglalarawan sa pananaw,kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng integrated

innovation and hospitality college/iihc sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na

instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey nanaglalaman ng mga open at

close- ended na mga katanungan tungkol sa ideya at pananaw ng mga mag-aaral sa social

media.Sa lumabas na resulta ng mga datos, lumalabas na malaking porsiyento ang nagsasabing

higit na nakakabuti ang paggamit nito at ang mga pangkaraniwang dahilan ay ang pakikihalubilo

at pagpapakita ng sariling identidad. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila

ng masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o impormasyon at

pornograpiya.Lumabas rin sa pag-aaral na ang kanilang malawak na kamalayan sa seguridad. Ito

ay dahil sa mga karanasan ng kanilang mga kaibigan o kaya ay sa sariling kaganapan sa kanilang

buhay. Isa pang dahilan ay ang mga lumalabas sa media na nagingimpluwensyal sa pananaw at

desisyon ng tao.
Kabanata I

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NITO

Sa kabanatang ito matatagpuan ang maikling pangkalahatang pagtatalakay sa paksa ng

pananaliksik. Dito rin inilahad ang mga suliranin na bibigyang kasagutan sa mga susunod na

kabanata ng pananaliksik, ang layunin ng pag-aaral, at kahalagahan nito sa mga respondente,

guro, mamamayan at sa hinaharap. Matatalakay rin sa kabanatang ito ang saklaw at hangganan

ng pag-aaral.

Panimula

Sa kasalukuyan, may dalawang bilyong tao ang aktibong gumagamit ng social media sa

buong mundo at ito ay nakaaapekto sa buhay at edukasyon. Ito ay ayon sa Google.com, isang

website sa internet.

Pinaliit ng social media ang mundo, inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na

kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.

Napag-alaman sa pag-aaral na ang karamihan sa mga tao sa mundo ay may pattern na sinusunod

at ito ay ang paggamit ng iba’t-ibang uri ng social media.


Sa mga uri ng social media, ang sinasabing pinakakilala ay ang “Facebook” na kung saan ang

gumagamit ay maaring magpadala ng mensahe, mag upload ng mga larawan, videos,

makipagchat o makipag-usap at iba’t-iba pang gamit nito.

Marami pang iba’t-ibang uri ng social media ang ginagamit ng mga mag-aaral, guro, mga

magulang ganoon din ng iba’t- ibang uri ng tao sa daigdig. Ang iba pang mga ginagamit ay ang

Twitter at Instagram na may iisang layunin – ang makipag-ugnayan at makipagtalastasan sa mga

tao sa iba’t-ibang parte ng mundo.

Habang dumarami ang gumagamit ng social media ay mapapansin na may mabuti at masamang

idinudulot ang paggamit nito. Ayon sa obserbasyon at pananaliksik, karamihan sa mga

gumagamit ng social media ay nasa gulang na 14-29. Ilan sa mga mabubuting epekto ay ang

madaling pagkalat ng mga kaalaman o mga impormasyon, mabilis na

pakikipag ugnayan sa mga taong kasama sa trabaho o hindi man.

Nabibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo pang malinang ang

kanilang pagkamalikhain o pagkamakasining at patuloy na pagkakaroon ng mga makabagong

ideya. Ang mga kakayahan o talent ng bawat isa ay matutuklasan, halimbawa kung ang isang tao

ay magaling umawit, maaari syang matuklasan nang mas madali sa pamamagitan ng videos.

Maaari ding gamitin ang Google, isang website upang makapanaliksik ng tungkol sa iba’t-ibang

aralin. At ang mga saloobin ng bawat isa ay madaling maipahayag.


Sa loob at labas ng silid-aralan ay maaring makipag-uganayan ang mga guro sa mga magaaral

para sa pakikipag-talastasan.

Sa isang banda, may mga kasamaan din bang makukuha mula sa social media? Unang-

una, hindi mo personal na nakakausap ang isang tao sa social media sapagkat kayo ay nag-uusap

sa pamamagitan ng screen lamang.

Nawawala din ang pagkakataon na mas matuto pa halimbawa sa mga

detalye ng tamang pagbigkas at gramatika ng mga salita at pangungusap.

Higit sa lahat ay nagiging sanhi ang social media ng paggamit ng mahabang oras maaring sa laro

at pakikipag-usap ng isang mag-aaral na magsisilbing dahilan upang maapektuhan at

mapabayaan ang pag-aaral.

Kaligirang Kasaysayan ng Pag- aaral

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag

nito sa ating pamumuhay sa pang araw-araw. Hindi maipagkakaila na ang Social Media ay isa sa

maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay

Espina at Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang

maangkin ng bawat nilika ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip

at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng

mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating
bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong

mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag – aaral at pati na

rin sa pag – uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang

na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay ng produkto ng

makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang

pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa

ngayon ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, malaro ng online

games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga

aklat at mag – aral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa

oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang

account sa iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap

mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon

ng mga estudyante.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na

ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal

ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong

teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang pag – aaral.2
Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga

estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat

na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang

istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa

kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t

nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok

sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang

paggamit nito.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na

itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social

Media sa mga estudyante. Ito

ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang

pagkahumaling ng mga estudyante dito.

Batayang teoretikal

Ikinonsider ang ilang theory upang magsilbing batayan ng pag-aaral.Sa Social Cognitive Theory

ni Bandura (1986) binibigyang-diing nakukuha ng tao ang pag-uugali sa pamamagitan ng

pagmamasid sa iba at paggaya sa ang anumang napagmamasdan.Puno ng mga iba't ibang

karakter, mabuti o masama man, ang mga advertizment na maaaring gayahin ng mga bata.
Subalit sa patnubay ng titser at sa paggamit ng mga ito sa pagtuturo ay magiging makabuluhan

ang mga maiikli subalit maimpluwensyang mga advertizment.Ayon sa Informational Social

Influence Theory ni Cialdini, kinokopya ng isang tao ang iba kapag hindi nya alam kung papaano

kumilos nang tama. Bumabatay ang mga tao sa teknolohiya,Kumikilos sya ayon sa information

sources dahil ipinapalagay nyang alam nila ang kanilang ginagawa. Sa mga advertizment,

gumagamit ng mga tesmimonya mula sa mga eksperto gayun din mula sa mga artista na mas

nakaaalam ng kung ano ang tama. Nangyayari ang private acceptance kapag naniniwala tayong

ang isang tao ay tama. Maaaring nitong tuluyang baguhin ang paniniwala, ugali at kilos ng isang

tao. Nangyayari naman ang public compliance kapag kinukopya natin ang iba dahil sa takot ng

panunuya o di-pagtanggap ng iba kung kikilosng iba.Sa theory na Learning fo Mastery ni Bloom

(Lindgren, 1983) na binibigyang diin ang lubusanguhin ang paniniwala, ugali at kilos ng isang

tao. Nangyayari naman ang public compliance kapag kinukopya natin ang iba dahil sa takot ng

panunuya o di-pagtanggap ng iba kung kikilosng iba.Sa theory na Learning fo Mastery ni Bloom

(Lindgren, 1983) na binibigyang diin ang lubos ang pagkatuto ng mga estudyante sa mga araling

itinuturo ay may kaugnayan sa mabuting kondisyon sa pagkatuto at sa kalidad ng pagtuturo.

Magbibigay ng interesting at kakaibang iksperyens sa mga estudyante ang paggamit ng mga

pantelebisyong advertizment sa pagtuturosa tulong ng isang mahusay na titser. Si Skinner

(Ornstein, 1992) na isang behaviorist atnakilala sa kanyang operant conditioning ay nagpahayag

na ang hayop kasama na ang tao aymaaaring kontrolin upang kumilos nang maayos. Ang isang

organismo, tao o hayop, ay kikilosnang maayos upang tumanggap ng gratipikasyon na nasa iba't

ibang anyo tulad ng pagkain,pagkilala, pagpuri at iba pa. Ang susi ng operant conditioning na ito

ay contingency management na nangangahulugang pagbibigay ng tamang gantimpala matapos


kaagad namaipakita ng estudyante ang inaasahang tamang gawi. Ang tamang gawi ay anumang

gawingitinaya ng titser na karaniwang magkaugnayan sa pagkatuto ng anumang material o ng

tamangugali sa loob ng klase. Ang karaniwang ³reinforcer´ ay atensyon, pagpapuri, marka o

kahitkendi

Rasyunal/Layunin ng Pag – aaral:

Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay ito sa larangang kinabibilangan ng

mga mananaliksik. Ang social media ay isang uri ng pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng

makabagong teknolohiya. Nagagawa nitong maiugnay ang mga tao mula sa malalayong lugar.

Sa kasalukuyang panahon, ang paksang tungkol sa social media ay mahalaga sa paghatid ng

impormasyon, sa mga taong nahuhumaling sa pagtangkilik partikular na sa mga estudyante.

Sapagkat, sa pamamagitan ng napakaraming sites na umuusbong, napakarami ring

impormasyon at kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita nila sa sites na ito.

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon tungkol

sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa

mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa

kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang

mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.

Kahalagahan ng Pag – aaral


Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang

dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kapaki-

pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at

makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang

pananaw tungkol sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga

estudyante sa tamang paggamit ng social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng

kanilang sarili.

Sa mga Guro. Upang bigyang-ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang

pinagtutuunang-pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang

napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para

malimitahan ng mga estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral na ito ay

makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang mga

hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o

pananaw tungkol sa dito.


Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay upang kung

sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may mapagkukunan sila ng mga

kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.

Sa mga kasalukuyang kumukuha ng kursong BEED at BSED. Bilang mga guro sa hinaharap, ang

pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng mga ideya at mga posibleng sitwasyong

kanilang kalalagakan sa hinaharap. Sa ganoong paraan makapaghahanda sila upang gawin ang

kanilang pagtuturo na mas epektibo.

Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong epekto ng

social media sa mga estudyante ng ESEP sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Domingo

mula ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na taon sa akademikong taon 2014-2015.

Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng ESEP ng Mataas na Paaralang

Pambansa ng Sto. Domingo. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang mga pananaw at

persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa huli, bibigyan

ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang

pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.

Depinisyon ng mga Terminolohiya


Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming

bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang

bawat isa sa pamahanong – papel na ito:

Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya nakikita.

Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa malayong lugar.

Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang

tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang

tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong

kakilala at kaibigan.

Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag –

ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa atin.

Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng

parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan. Dito, makikita

ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.

Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share stories”. Mahalaga sa

larangan ng panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan ng pagpapalaganap ng mga

kwentong maaaring magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at

syempre magpakilig lalong – lalo na sa mga kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung

saan maraming pwedeng malaman o madiskubre

You might also like