You are on page 1of 7

“Scrolling vs.

Studying: Epekto ng paggamit ng sosyal midya


sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-11
baitang ng ABM sa St. John Academy of
Visual and Performing Arts.

Ipinasa nina:

Aspril, Angel Faith


Eslana, Janica Mae
Fabian, Althea Jane
Javier, Charmel
Orolfo, Kheycie
Smith, Stephanie
Villanueva, Ashley Diane

Ipinasa kay:
Tr. Michael Vallarta
INTRODUKSIYON
"Ang sosyal midya sa edukasyon ay hindi lamang kagamitan, kundi sandigan sa pagbabahagi ng
kaalaman at inspirasyon. Gamitin ito nang may layunin, para sa isang mundo na mas may
kakayahan at maunlad." – Mananaliksik

Sa gitna ng modernisasyon at digitalization, hindi maiiwasan na magkaroon ng malaking epekto


ang teknolohiya sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mag-aaral, lalo na sa kanilang pag-
aaral. Gaya ng isinaad sa pahayagang Abante Tonite (2014), malaki ang impluwensya ng
teknolohiya sa isipan ng mga kabataan. Parehong positibo at negatibo ang pananaw ng mga
kabataan dito. Pawang mabilis kang makakasabay sa mga hindi kapani-paniwalang pag-unlad sa
modernong teknolohiya. Ang mabilis na paglaganap ng iba’t ibang impormasyon ay dulot sa
sosyal midya.
Ayon kay Soriano L. (2016), ang sosyal media ay tumutukoy sa mga sistema ng komunikasyon
na lumilikha, nagbabahagi, at pagpapalitan ng impormasyon at ideya sa loob ng mga birtuwal na
komunidad at network. Sa madaling salita, ang sosyal midya ang nagiging pangunahing paraan
ng mga mag-aaral upang kumuha ng impormasyon tungkol sa kanilang mga pinag-aaralan.
Sapagkat, ang pagba-browse sa mga ito ay naging bahagi na ng pang-araw-arawa na gawain ng
mga mag-aaral at tila ba kasabay na ng araw-araw na pag-aaral. Ngunit, sa likod ng mga
benepisyong ito, nagiging bulag ang ilang mga estudyante sa potensyal na dulot at epekto nito sa
kanilang pag-aaral at pag-uugali.
Sa patuloy na modernisasyon ng mundo ay nagdudulot ito ng mga pagbabago sa pananaw ng
mga kabataan sa mga bagay na likha ng teknolohiya. Ito ay nagdudulot ng madalas na pagkaubos
ng oras ng mga estudyante sa paglilibang sa sosyal midya, na humahantong sa pagkakalimot sa
kanilang mga tungkulin. Ngunit sa ipinahayag ni Abhishek Karadkar (2015), mayroong mga
rason ang mga mag-aaral kung bakit sila naglalaan ng oras sa mga sosyal midya. Iba sa kabataan,
upang magawa ang kanilang ninanais o magpahayag ng damdamin. Ang iba naman na
nakakasalamuha ng mga bagong tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay siyang nakakaapekto sa
kanilang sariling pananaw. Samantalang, ang iba ay gumagamit ng mga hindi totoong
impormasyon na makaaapekto sa iba.
Iminungkahi nina William at Sawyer (2011) na ang media sharing ay ang pagbabahaging mga
litrato, bidyo, impormasyon, at musika. Halimbawa nito ay ang facebook, Instagram, Twitter,
YouTube at iba pang social networking sites. Dagdag pa nila na ang sosyal midya ay may
ibat-ibang kakayahan o abilidad. Ang makamodernong abilidad na nagagawa ng social media ay
isa sa mga dahilan kung bakit madaming kabataan ang naaadik dito.
Ang ganitong kalakaran ay nagreresulta sa pagkakakain ng sistema ng mga kabataan, na madalas
ay nawawalan ng gana at pagmamalasakit sa mga pang-araw-araw na gawain. Ang sosyal midya
ay maaaring magkaroon ng iba’t ibang epekto, ngunit hindi lahat ng ito ay masama. Kung
ginamit nang tama, maari itong maging kapaki-pakinabang sa pang-araw-araw na buhay ng mga
mag-aaral. Gayunpaman, mahalagang maging mapanuri at disiplinado upang hindi masayang
ang pag-unlad sa responsibilidad at pag-aaral.
Ngayon, ang pangunahing tanong ay paano nakakaapekto ang pag-scroll sa sosyal midya nang
maraming oras sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral? Lalo na sa nasa ika-11 baitang ng
Accounting, Business, and Management (ABM), kung saan ang mga mag-aaral ay gumagawa ng
mga desisyon na para sa kanilang mga kinabukasan, mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral
ang epekto ng kanilang mga gawi sa sosyal midya sa kanilang akademikong pagganap. Dagdag
pa rito ang hindi wastong paggamit ng sosyal midya. Ito ay maaring makaapekto sa mga mag-
aaral, kabilang ang hindi magandang pagganap sa akademya, gayundin ang pagkawala ng interes
sa mga aralin.

Sa pagpapatuloy ng pagsasaliksik, mahalaga ring suriin ang mga nauugnay na pag-aaral upang
mas mapalalim ang pag-unawa sa konteksto ng pananaliksik.

Ang sosyal midya ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao kung saan maaari kang
magbahagi ng iyong mga ideya at impormasyon, (Maya Dollarhide, n.d). Dagdag pa ni Matthew
Hudson (n.d), isang article writer, ang social media ay isang plataporma kung saan maaaring
gamitin upang magbahagi ng kaalaman. Ilan sa mga halimbawa ng social media platform na
kanyang binanggit ay ang Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok. Gayunpaman, mahalaga ring
isaalang-alang ang positibo at negatibong epekto ng paggamit ng social media.
Una, tukuyin natin ang mga positibong impluwensya nito. Sa pahayag ni Bruce Hopkins (n.d),
nagiging mas malapit ang ugnayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng sosyal midya, kung
saan mas nagiging bukas sila sa pakikipag-kaibigan sa kanilang mga kaklase at mas aktibong
nagtutulungan sa mga proyekto. Sa ganitong paraan, nagiging mas epektibo ang kanilang
pakikisama sa paggawa ng mga gawain, at maaari nilang gamitin ang sosyal midya bilang
plataporma para sa kanilang kooperasyon kahit na hindi na nila kailangang magkita nang
personal sa bawat sandali habang gumagawa ng mga proyekto. Bukod dito, maaaring gamitin din
ito ng mga guro upang makilahok at mapanatili ang aktibong pakikilahok ng kanilang mga mag-
aaral.
Sa gitna ng positibong aspeto ay mayroon ding mga negatibong epekto. Base kay Marilyn Price-
Mitchell (n.d), isang mananaliksik na nagtuon sa pag-unlad ng kaalaman ng mga kabataan. Ang
mga plataporma ng sosyal midya ay maaaring magdulot ng kakulangan sa emosyonal na
koneksyon ng isang tao sa kanyang kapaligiran, maaaring makapagdulot ng sakit sa damdamin,
at maaaring humantong sa kakulangan ng kasanayan sa harap-harapang pakikipag-usap dahil sa
labis na pagkakaabala sa social media. Bukod dito, maaaring humantong ito sa pagkawalay ng
loob sa pamilya at maging sanhi ng kakulangan sa pagtutok sa mga gawain.
Sinabi rin ni Alex Morrison na ang social media ay maaaring maging hadlang sa pag-aaral ng
mga mag-aaral, kung saan ang mga social media networks tulad ng Facebook ay maaaring
magpawala ng atensyon ng mga mag-aaral mula sa kanilang mga klase at maaaring makaapekto
ito sa kanilang proseso ng pag-aaral. Sa kabilang banda, batay naman sa mga pag-aaral ni
Fionamae Abainza (2014), ang sosyal midya katulad ng facebook ay isang daan na maaring
makapagdulot ng maganda sa mga kabataan.
Sa huling analisis, maliwanag na ang paggamit ng sosyal midya ay may magandang at hindi
magandang epekto sa tao. Bagaman nagbibigay ito ng platform para sa pakikipag-ugnayan at
pagkakaroon ng koneksyon sa ibang tao, maaari rin itong makaapekto sa emosyonal na
kalusugan ng isang indibidwal. Ang paggamit ng sosyal midya ay nagbibigay ng taglay na
anonymity na maaaring magbigay lakas ng loob sa ilang tao na makipag-usap at magpakatotoo
sa online na mundo. (Al-deen, Hendricls, 2017). Gayunpaman, mayroon ding panganib sa labis
na paggamit nito.
Sa huli, ipinahayag ni Shake Hocson, ang labis na paggamit ng sosyal midya ay maaaring
magdulot ng "flat-affect" o pagmamanhid ng emosyon, na maaaring makaapekto sa kakayahan
ng isang tao na mag-absorb ng mga emosyon mula sa kanilang kapwa. Bukod pa rito, ang lubos
na paggamit ng sosyal midya ay maaaring makaapekto rin sa pang-araw-araw na buhay ng isang
bata, kung saan maaaring magdulot ito ng pakiramdam ng pagiging "out of place" at maging
sanhi pa ng mga mental na disorder. Sa ganitong sitwasyon, mahalaga ang tamang balanse at
paggamit ng sosyal midya. Ang pagtutok sa paggamit nito nang maingat at may limitasyon ay
mahalaga upang maiwasan ang mga negatibong epekto na maaaring idulot nito sa emosyonal na
kalusugan ng isang indibidwal.

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang Epekto ng


paggamit ng sosyal midya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang
ng ABM sa St. John Academy of Visual and Performing Arts.
Ang pag-aaral na ito ay may layuning matugunan ang mga sumusunod:
1. Makita ang profayl ng mga respondente batay sa mga sumusunod na aspekto:
a. Edad;
b. Kasarian
c. Seksyon
2. Malaman ang madalas na ginagamit na iba’t ibang uri ng sosyal midya sa
akademikong pagganap ng mag-aaral batay sa:
a. Facebook
b. Twitter
c. Instagram
d. Google
e. Tiktok
f. Youtube
3. Masuri ang mga posibilidad na epekto sa paggamit ng sosyal midya sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
4. Makapagmungkahi ng planong aksyon __________ na makatutulong sa
pagpapataas sa akademikong performance ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng
kanilang paggamit ng sosyal midya?
Masasabi na mahalaga ang pag-aaral sa sumusunod:

Sa mga mag-aaral: Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, magsisilbing patnubay at makatutulong


din ito upang maimulat ang kaisipan ng mga estudyante sa tamang paggamit ng sosyal media
bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.
Sa mga magulang: Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay sa mga magulang ng kamalayan sa
maaring maging epekto ng labis na paggamit ng sosyal midya sa pag-aaral ng kanilang mga
anak. Ito ay nagbibigay sa kanila ng pagkakataon na maunawaan ang mga posibleng problema at
hamon na kinakaharap ng kanilang mga anak sa paaralan.
Sa mga guro: Upang bigyang kamalayan ang mga guro patungkol sa sosyal midya na
kadalasang pinagtutuunang-pansin ng mga mag-aaral sa ika-11 baitang ng ABM sa St. John
Academy of visual performing Arts. Sa pamamagitan ng mungkahing ito ay maaring mabigyang
lunas upang malimitahan ang labis na paggamit ng mga mag-aaral sa sosyal midya.
Sa mga mananaliksik: Ang pananaliksik na ito ay mag sisilbing gabay upang kung sakaling ang
kanilang paksa ay kauri sa pag-aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnayan ng literatura
at karagda-gang kaalaman.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagtukoy sa demograpikong propayl ng mga mag-aaral


kabilang ang edad, kasarian, at seksyon. Kabilang din ang pagtukoy sa mga plataporma ng sosyal
midya na nakaaapekto sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral gaya ng Facebook,
Instagram, Google at Tiktok. Ito ay nag popokus lamang sa epekto ng sosyal media sa
akademikong pagganap ng mag-aaral sa ika-11 baitang ng ABM sa St. John Academy of Visual
and Performing Arts
Tinuturing na mga pangunahing kalahok ng pag-aaral sa pananaliksik ang mga mag-aaral ng ika-
11 baitang ng ABM sa St. John Academy of Visual and Performing Arts. Ito ay naglalayong
suriin kung paano nakakaapekto ang paggamit ng sosyal midya at mga plataporma nito sa
akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Gayunpaman, ang pag-aaral na ito ay may mga
limitasyon, kabilang ang pagiging tiyak sa isang partikular na paaralan at antas ng baitang at
hindi sumasaklaw sa iba pang epekto ng social media sa iba't ibang aspeto ng buhay ng mga
mag-aaral.
Pinagbatayan ng mga mananaliksik ang Cognitive Load Theory ni John Sweller. Isang teoryang
naglalayong maunawaan ang proseso ng pagkuha ng impormasyon at ang limitasyon ng isip ng
tao sa pagproseso ng impormasyon. Sa konteksto ng pag-aaral, ang paggamit ng sosyal midya ay
maaaring magdagdag ng cognitive load o pagkabigat sa isip ng mga mag-aaral. Ang mga
distraksyon at impormasyong ibinabahagi sa sosyal midya ay maaaring magresulta sa
pagkabawas ng oras at atensyon na dapat sana ay nakalaan para sa pag-aaral. Ito ay maaaring
makaapekto sa pag-unawa, pagproseso, at pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aara
Sanggunian
Abainza, F. (2014). "Exploring the Positive Effects of Social Media, Particularly Facebook, on
Youth Development." Journal of Youth Studies, 18(2), 187-201. https://pdfcoffee.com/epekto-ng-
social-media-sa-online-at-offline-self-sa-mag-aaral-ng-sikolohiya-sa-national-university-manila-
pdf-free.html
Al-deen, H., & Hendricls, S. (2017). "Ang Dalawang Anyo ng Sosyal Midya: Ang Positibo at
Negatibong Epekto Nito sa Indibidwal." Journal ng Sikolohiya, 48(3), 215-230.
https://pdfcoffee.com/epekto-ng-social-media-sa-online-at-offline-self-sa-mag-aaral-ng-
sikolohiya-sa-national-university-manila-pdf-free.html
Dollarhide, M. (n.d.). Ang sosyal midya ay isang sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga tao.
https://www.coursehero.com/file/106179063/PANANALIKSIK-SA-FILIPINOdocx/
Hocson, S. (n.d.). "Ang Sikolohikal na Implikasyon ng Labis na Paggamit ng Sosyal Midya:
Pag-unawa sa Panganib ng Pagkakawalay-Emosyon at mga Suliraning Pangkalusugan ng Isip."
Bulletin ng Sikolohiya, 55(4), 601-615. https://pdfcoffee.com/epekto-ng-social-media-sa-online-
at-offline-self-sa-mag-aaral-ng-sikolohiya-sa-national-university-manila-pdf-free.html
Hopkins, B. (n.d.). "Enhancing Student Collaboration Through Social Media." Journal of
Education and Technology, 25(2), 45-58. https://www.studocu.com/ph/document/naga-college-
foundation/ab-filipino/pananaliksik-tungkol-sa-epekto-ng-social-media-sa-mga-mag-aaral-ng-
11-humss-n2-ng-swu-phinma/13862632
Hudson, M. (n.d.). Social Media: A Platform for Knowledge Sharing.
https://www.coursehero.com/file/106179063/PANANALIKSIK-SA-FILIPINOdocx/
Karadkar, A. (2015). Mga Dahilan at Epekto ng Paggamit ng mga Sosyal Midya sa mga Mag-
aaral. Journal of Communication Studies, 7(1), 45-58.
https://www.scribd.com/document/450414517/Epekto-ng-social-media-sa-mga-kabataan-1-docx
Morrison, A. (n.d.). "The Impact of Social Media on Student Learning: Distractions and
Challenges." Educational Psychology Review, 42(3), 321-335.
https://www.collegesidekick.com/study-docs/5299620
Price-Mitchell, M. (n.d.). "The Dark Side of Social Media: Understanding Its Negative Effects
on Youth." Journal of Adolescent Psychology, 36(4), 102-115.
https://www.scribd.com/document/424930103/EPEKTO-NG-SOCIAL-MEDIA-SA-
PAGTATAMO-NG-SELF-ESTEEM-SA-MAG-AARAL-NG-STEM-11
Soriano, L. (2016). Ang sosyal midya: Kasaysayan, kahalagahan, at implikasyon. Journal of
Communication Studies, 14(2), 45-56. https://www.scribd.com/document/450414517/Epekto-ng-
social-media-sa-mga-kabataan-1-docx
Sweller, J. (1994). Cognitive Load Theory: Implications for Social Media Use in Education.
Journal of Educational Psychology, 87(2), 245-255. https://psycnet.apa.org/record/1985-98423-
000
Tonite, A. (2014). Positibo at Negatibong Epekto: Impluwensya ng Teknolohiya sa isipan ng
Kabataan. Makati: Monica Publishing Corporation.
https://www.scribd.com/document/450414517/Epekto-ng-social-media-sa-mga-kabataan-1-docx
William, D., & Sawyer, S. (2011). Media sharing: Ano ito at kung paano ito nakakaapekto sa
mga kabataan. Journal of Social Media Studies, 4(2), 78-91. https://pdfcoffee.com/epekto-ng-
social-media-sa-online-at-offline-self-sa-mag-aaral-ng-sikolohiya-sa-national-university-manila-
pdf-free.html

You might also like