You are on page 1of 16

1

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Sa pagusbong ng makabagong teknolohiya, patuloy din ang pag-unlad ng

pamumuhay ng mga tao. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay umusbong

din ang tinatawag na "Social Media" ito ang ginagamit ng mga tao sa

pakikipagkomunikasyon at paghahatid ng impormasyon. Hindi naman

maipagkakaila na ang "Social Media" ay isa sa naging produkto ng makabagong

panahon. Napabibilis nito ang komunikasyon na siyang nagbibigay ng isang

matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa lipunan.

Ngunit dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo,

Marami ang nagbabago, kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw at

pakikitungo ng mga mag-aaral sa kapwa. Masasabing mas mahaba ang oras na

kanilang inilalaan sa paggamit ng gadget upang buksan ang kanilang social

media accounts o kaya maglaro ng online games kaysa pumunta sa silid-aklatan

at igugol ang bakanteng oras sa pagbabasa. Kadalasan, nawawalan ng gana

ang mga mag-aaral na makinig sa guro sa oras ng talakayan sapagkat hawak-

hawak pa rin nila ang kanilang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang

social media account.

Mas nangingibabaw ang negatibong epekto ng social media sa mga mag-

aaral at unti-unti nang nahihigitan ang kagandahang asal at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang guro bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral ay


2

nagkakaroon ng kakaibang estratehiya upang gawing kawili-wili ang pagtuturo

para mahikayat silang makinig at makilahok sa mga gawaing pang-akademiko.

Batay sa obserbasyon ng mga mananaliksik, ang mga mag-aaral ay

kadalasang gumagamit ng kanilang social media account na siyang dahilan ng

pagbaba ng kanilang marka. Layunin din ng pag-aaral na ito na makalap ng

impormasyon na kinakailangan upang matuklasan ang epekto na dulot ng Social

Media sa loob ng paaralan.


3

BALANGKAS TEORETIKAL

Ayon kay Maslow sa kanyang Hierarchy of Needs " a person has to supply

it's basic needs like food, water, security and safety before entering it's

psychological needs". Ayon din sa kanya, kailangan din ng isang tao ang

pagmamahal at pag-aari tulad ng pagkakaibigan, intimasiya, pamilya at

pagkakaroon ng ugnayan sa ibang tao. Ang pagkakaroon ng interpersonal na

relasyon ay naghihikayat sa iisang tao na magkakaroon ng isang mabuting pag-

uugali na maaaring humantong sa isang malakas na pakikipag komunikasyon or

relasyon sa kapwa.

Ayon kay Bib Latane sa kanyang Social Impact Theory , "it consist of four

basic rules which consider how individuals can be sources of targets of social

influence, Social impact is the result of social forces including the strength of the

source of impact the immediacy of event, and the numbers sources exerting the

impact". Ayon sa kanya may tatlong salik na nakakaimpluwensiya ito ay ang

strength, immediacy at numbers. Ang strength ay kung paano naging target ng

impluwensiya ang pag-impluwensiya sa grupo. Ang “immediacy” ay kung gaano

kalapit ang panahon ng pag-impluwensiya sa target. Ang numbers ay kung ilang

tao ang naka impluwensiya sa grupo, na siyang bumubuo ng social impact

theory ni Bib Latañe

BATAYANG LEGAL

Ang House Bill No.5021 o ang "Social Media Regulation Act of 2017". Ito

ay naglalaman ng impormasyong panteknolohiya na siyang nagbibigay ng


4

kakayahan upang ang pakikipagkomunikasyon o pakikiugnayan sa ibang tao. Sa

pag-usbong ng maraming aktibidad sa online sa pagdaan ng panahon ay

nagdulot ng maraming suliranin na kailangang matugunan, kung saan ang pang-

aabuso at maling paggamit ng Social Media ay dapat pigilan. Ang internet at

social ay ang naging sentro ng pamumuhay ng bilyong-bilyong tao sa mundo.

Ang Social Media bilang isang bagong uso sa pagpapalaganap ng impormasyon.

Napapadali ang pagkonekta at pakikipag-ugnayan gamit lamang ang kanilang

mga cellphones, laptop o tablet sa pagitan ng social media site.

HIERARCHY of NEEDS

ni Abraham Maslow HOUSE BILL NO. 5021

at (Social Media Regulation Act of


5

SOCIAL IMPACT THEORY 2017)

ni Bibb Latane
INPUT

Propayl ng mag-aaral

 Edad
 Kasarian
 Baitang
 Strand
 Oras na ginugol sa social paggamit
ng social media
 Epekto ng Social Media
 Akademik performans ng mga mag-
aaral
PROSESO

Frequency, Percentage, Weighted Mean,


Pearson r
OUTPUT

Buod ng natuklasan konklusyon at


Rekomendasyon Mungkahing Gawain

TAMBILANG I

BALANGKAS KONSEPTWAL

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
6

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa positibo at negatibong epekto ng

social media sa akademik performans ng mga mag-aaral sa Senior High ng

SRNHS, Taong Panuruan 2019-2020 Ito ay naglalayag masagot ay sumusunod :

1.Ano-ano ang propayl ng mga mag-aaral sa Senior High?

1.1 Edad 1.3 Kasarian

1.2 Baitang 1.4 Strand

2. Ilang oras ang ginugol ng mga mag-aaral sa paggamit ng social media?

2.1 1 - 2.5 oras 2.3 5-6.5 oras

2.2 3 - 4.5 oras 2.4 7 - 10 pataas

3. Ano ang epekto ng paggamit ng social media batay sa:

3.1 Pisikal 3.3 Mental

3.2 Sosyal 3.4 Ispiritwal

4. Ano ang akademik performans ng mga mag-aaral sa unang kwarter?

5. Nagkaroon ba ng makabuluhang kaugnayan ang epekto ng social media sa

kanilang akademik performans?

6.Anong mungkahing gawain ang marekomenda batay sa kinalabasan ng pag-

aaral?
7

WALANG BISANG HYPOTESIS

Walang makabuluhang kaugnayan ang epekto ng social media sa

akademik performans ng mga mag-aaral ng Senior High.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakakatulong sa sumusunod:

Sa mga Mag-aaral - makakatulong ang pananaliksik na ito upang lalong

mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa epekto ng social media sa

kanilang pag-aaral. Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang kaisipan

at kakayahan sa kanilang pag-aaral

Sa mga Guro- magkaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng kanilang

mag-aaral at nang sa gayon ay magabayan at matulungan nila ang kanilang

mag-aaral sa magiging epekto ng sosyal media sa kanilang pag-aaral.

Sa mga Magulang- ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga

anak, ay magkakaroon ng kaalaman ukol sa epekto na dulot ng sosyal media sa

pag-aaral ng kanilang mga anak.

Sa Paaralan- makakatulong ang pag-aaral na ito upang malaman kung ano ang

kailangang gawin o hakbang sa paaralan sa epekto ng social media.

Tagapamahala ng Paaralan- ito ay lubos na makakatulong sa iba pang

mananaliksik sapagkat ito ay magiging batayan nila sa pag-aaral lalo na kung ito

ay tungkol sa epekto ng social media sa akademik performans ng Senior High.


8

SAKLAW AT LIMITASYON

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa epekto ng social media sa

Akademik Performans ng mga mag-aaral sa Senior High ng SRNHS Nilimitahan

ang pag-aaral na ito sa Ika-labing isa hanggang Ika-labing dalawang baitang sa

Senior High. Nakapukos lamang ito sa epekto ng social media sa kanilang

akademik performans

KATUTURAN NG MGA SALITANG GINAGAMIT

AKADEMIK PERFORMANS -Ito ay tumutukoy sa abilidad ng isang tao sa

paggawa ng mga projects o group activities sa loob ng isang klase.

SENIOR HIGH SCHOOL- Ito ay ang dalawang huling taon ng K to 12 Basic

Education Program. Sa ilalim ng senior high school, lahat ng mag-aaral ay

makikinabang sa isang Core Subject ng mga paksang pangkalahatan sa mga

paksang kapares na napili.

SOCIAL MEDIA – Ito ay isang elektroniko ng gamit tulad ng kompyuter,

cellphone, tablet at iba pa. Ito ay nagsisilbing daan sa pakikipagkomunikasyon at

paghahatid ng impormasyon sa ibang tao. 

KABANATA II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

BANYAGANG LITERATURA
9

Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng pakikipag-ugnayan sa mga

tao na kung saan sila ay lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng

impormasyon at mga ideya sa isang virtual na komunidad at mga network. Ito rin

ay itinuturing na isang pangkat ng mga Internet-based na mga aplikasyon na

bumubuo ng ideyolohikal at teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na

nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng nilalaman na binuo ng

gumagamit.

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng nga pagsusuri ng mga kaugnay na

literatura para sa pananaliksik. Ayon kay Ali Kingston Mwila (2013), ang Social

Media sa estudyante at mga eksperto ay nakabahagi at nakakapag-ugnay sa

kapareho nilang hilig at makapaglagay ng saloobin at opinyon sa mag isyu.

Dagdag pa niya, ang pagkahumaling sa social media ay isa sa negatibong

epekto nito. Ang pagkawala sa atensyon at pokus sa isang partikular na gawain

ay dahilan ng paggugol ng labis na oras sa paggamit nito. Nakabatay ang mga

estudyante sa teknolohiya at internet kaysa sa normal na pagkatuto tulad ng

pagsisiyasat sa mga libro at iba pang reperensiya

LOKAL NA LITERATURA

Nakasaad sa dyaryong Abante Tonite (2013), ang teknolohiya ay may

malaking epekto para sa mga kaisipan ng mga bata. Maaaring positibo at

negatibo ang pananaw ng mga kabataan dito. Sila ay mabilis na nakakasabay sa

malawak na pag-unlad ng makabagong teknolohiya. Ang mabilis na paglaganap

ng iba't ibang impormasyon ay dahil sa social media


10

Binanggit ni Doktor Bernadette Arcena ng St. Lukes Hospital, lumalaki lalo

ang pagitan sa kanila at nawawalan ng atensyon sa kanilang pag-aaral.

Kailangang gabayan ng magulang ang kanilang mga anak.

Ibinahagi ni Joseph Edgar estudyante ng University of Santo Tomas,

"Social media affects me as a student for its ability to shape my views to the

world".

BANYAGANG PAG-AARAL

Sa pag-aaral na isinagawa nina Hyllegard, Ogle, Yanat Reitz (2011),

nalaman nila ay madalas na gamiting social media ng mga estudyante ay ang

Facebook. Ito'_ ginagamit nila upang magtatag ng personal na koneksyon sa

ibang tao, mailabas ay tunay nilang pagkatao at makilala ay kanilang sarili.

Nakalahad sa pananaliksik nila Smock, Ellison, Lampe at Wohn (2011) na

ang mga karanasan at impormasyon kung saan ang mga nagkomento ay

nagbibigay kasiyahan, pakikisama at pakikisalamuha. Nadiskubre nina Smock et.

al. ang tunay na motibo ng paggamit ng Facebook. Ito ay ang

pakikipagsalanmuha gamit ang bahagi ng Facebook tulad ng chat.

LOKAL NA PAG-AARAL
11

Sa ginawang pag-aaral ni Pascual L. (2016), na may pamagat na ang

epekto ng social media sa pag-aaral at edukasyon mas pinaliit ng social media

ang mundo dahil inuulan tayo ng maraming impormasyon, mas malawak na

kaalaman at mas mabuting oportunidad upang magamit ang mga ito.

Nagbibigyan din ng magandang pagkakataon ang mga mag-aaral upang lalo

pang malinang ang kanilang pagkamalikhain o pagkamasining at patuloy na

pagkakaroon ng mga makabagong ideya. Dagdag pa niya, ang mga kakayahan

o talento ng bawat isa ay matutukasan. Halimbawa, kung ay isang tao ay

magaling sa pamamagitan ng videos. Ang iba ay gumagawa ng Groupchat sa

Facebook. Ginagamit nila ito upang makapagtanobg sa kanilang mga kaklase at

para malaman kung ano ang kanilang takdang aralin sa susunod na araw.

Nagagamit din nila ito upang ma-update sa mga anunsyong kailangan nilang

malaman
12

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

PAMAMARAANG GAGAMITIN

Ang paraan na gagamitin sa pananaliksik ay kwantitatibo na deskriptib-

sarbey na pag-aaral. Ang pamamaraang ito ay angkop upang matukoy ang

epekto ng social media sa akademik performans ng mga mag-aaral sa Senior

High.

POPULASYON

Ang populasyon ay binubuo ng 169 na mag-aaral na nagmula sa Grade

11 ng mataas ng paraalan ng San Roque National High School,

Alburquerque,Bohol.

PARAAN NG PAGPILI NG KALAHOK

Ang paraang ginamit nng mananaliksik sa pagpili ng kalahok ay ang

stratefied sampling. Ang stratified sampling ay ang pagpili ng respondente bilang

kabuuan sa populasyon ng mga mag-aaral.

DESKRIPSYON NG MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente ay galing sa Baitang 11. Ang Baitang 11 ay

binubuo ng 4 na seksiyon na mayroong isang daan anim napu’t siyam (169) na

mag-aaral na nahahati sa tatlo: isang General Academic Strand (GAS) na siyang

kinabibilangan ng seksiyong PIAGET na may limamp’t tatlong mag-aaral (53) at


13

ang kukuning sampol ay tatlumpu’t pito (37), isang Humanities and Social

Science (HUMMS) na siyang kinabibilangan ng seksiyong DEWEY na may apat

napu’t siyam (49) at ang kukuning sampol ay tatlumpu’t lima (35) at dalawang

Technical Vocational and Livelihood (TVL) na siyang kinabibilangan ng mga

seksiyong ROUSSEAU na may tatlumpu’t anim (36) at ang kukuning sampol ay

dalawampu’t lima (25) at ACQUINAS na may tatlumpu’t isang (31) at ang

kukuning sampol ay dalawampu’t dalawang (22) mag-aaral. Ang respondente ay

nasa edad 15-20, at ito ay babae at lalaki. Ang kabuuang sampol ay isang daan

at labing isa (119).

INSTRUMENTO

Ang mananaliksik ay gumamit ng sariling gawang talatanungan o sarbey-

kwestyoner bilang pangunahing insturumento sa pagkalap ng mga datos sa pag-

aaral.Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat; ang propayl at ang

akademik performans ng mga mag-aaral.

PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS

Una. Ang mananaliksik ay humihingi ng pahintulot sa guro na maging

respondente sa pag-aaral.

Ikalawa. Ang mananaliksik ay magsasagawa ng maikling diskusyon sa mga

mag-aaral at sinisiguro ang pagiging kompidensyal ng mga nakalap na datos

bago ang pamamahagi ng talatanungan upang mas nakapagpahayag ang mga

sasagot sa tanong.
14

Ikatlo. Distribusyon ng mga talatanungan sa mga redpondente at agad itong

kukunin pagkatapos masasagutan.

Ikaapat. Paghahanay para sa pag-aanalisa at pagpapahalaga ng mga datos.

URI NG GAGAMITING ESTADISTIKA

Upang mahalagahan ang mga datos gagamit ng paraang

ranggo,"percentage" at "mean" at pagkuha ng "frequency" o dalas upang

makuha ang ninanais ng mananaliksik.Ang mga ito ay susuriin sa pamamagitan

ng mga sumusunod.

f
*Percentage P = x 100
n

kung saan

P= kainaman (percentage)

f = (frequency) o dami ng mga sumasagot sa tanong

n = kabuuang bilang ng mga respondente

fx
*Mean WM=∑
n

kung saan

WM =Weighted mean (katamtamang dami)

∑ fx =kabuuang dami ng mga sumasagot sa partikular na


tanong

n =kabuuang dami ng sagot.

Upang makuha ang kaugnayan ng social media at ang akademik

performans,ginagamit ng mga mananaliksik ang Pearson r.


15

Sa estadika ang korpisyenteng Pearson produkto-sandaling korelasyon o

PPMCC o PCC, o Pearson's r at karaniwang tinutukoy na r ay ang isang sukat

ng korelasyon (dependiyensiyang linyar) sa pagitan ng dalawang mga

bariabulong X at Y na nagbibigay ng halaga sa pagitan ng +1 at -1 ng inklusibo.

Ito ay malawak na ginagamit sa mga agham bilang isang sukat ng lakas ng

dependiyensiyang linyar (pagsalaysay) sa pagitan ng dalawang mga

bariabulo.Ito ay binuo ni Karl Pearson mula sa katulad ngunit bilang ideya na

ipinakilala ni Francis Galton noong 1850.

Pormula: r = N ∑ XY −¿¿ ¿

kung saan:

N =number of pairs of scores

∑ xy =sum of the products of paired scores


∑ x =sum of x scores
∑ y =sum of y scores
∑ x 2=sum of squared x scores
∑ y2 =sum of squared y scored

Para matukoy ang kaugnayan o epekto ng Social Media sa akademik

performans ng mga mag-aaral ginamit ang parametro

Range Interpretasyon

3.26-4.00 pinakamataas na epekto


16

2.51-3.25 mataas na epekto

1.76-2.50 katamtamang epekto

1.00-1.75 mababang epekto.

You might also like